CalamBalita Ngayon

CalamBalita Ngayon The Calamba News Authority

PEACH FUZZ ang opisyal na kulay para sa taong 2024 ayon sa Pantone!
08/12/2023

PEACH FUZZ ang opisyal na kulay para sa taong 2024 ayon sa Pantone!

HIWALAYANG   KUMPIRMADO NAKinumpirma ng aktres na si Kathryn Bernardo na hiwalay na sila ng kanyang longtime boyfriend n...
01/12/2023

HIWALAYANG KUMPIRMADO NA

Kinumpirma ng aktres na si Kathryn Bernardo na hiwalay na sila ng kanyang longtime boyfriend na si Daniel Padilla.

Sa isang Instagram post ngayong Huwebes, ibinahagi ni Kathryn ang throwback photo nila ni Daniel kasama ang screenshots ng kanyang mensahe para sa kanilang fans.

“Chapter closed,” caption ni Kathryn.

Ayon kay Kathryn, alam niya ang mga kumalat na kuro-kuro tungkol sa relasyon nila ni Daniel at pagkukumpirma niya, “It's true that Deej (Daniel Padilla) and I have decided to part ways.”

Paglilinaw ng aktres na totoo ang mahigit isang dekadang relasyon nila ni Daniel, bilang isang love team at bilang isang tunay na magkasintahan.

Nanawagan naman si Kathryn sa KathNiel fans na sana ay maintindihan ng mga ito ang desisyon nila ni Daniel na maghiwalay na dahil ito umano ang kailangan nila ngayon.
"Kathniels, we know you are hurting, and trust me, this also hurts us both more than you can imagine. The last thing we want is for this family to break apart with everyone taking sides---please don't. Deej and I will continue to support each other as we try to heal and move forward from this. We will continue to love you and make you proud, but we hope you understand that this is something we really need. We hope you can join us in this healing process and not let those precious memories go to waste. Kaya natin to."

Hindi man sinabi ni Kathryn kung ano ang naging dahilan ng hiwalayn nila ni Daniel pero inamin niyang hindi naging madali ang mga nakaraang buwan sa kanilang magkasintahan.
Samantala, kasunod ng nakakalungkot na post ng akrtes nag-post din si Daniel sa kanyang Instagram ng larawan nila ni Kathryn, kalakip din ang mensahe niya para rito at sa kanilang fans.

“Sa mundo, buhay at sa limitadong oras na tayo ay nandito, Isang malaking biyaya ang pagmamahal. Ang mahalin ka. At mahalin mo,” sulat ni Daniel.

Matatandaan na umugong ang isyu ng hiwalayan nina Kathryn at Daniel nang mabanggit ni Ogie Diaz sa isang vlog na palihim umanong nagkikita sina Daniel at ang aktres na si Andrea Brillantes. Wala naman nagging tugon ang parehong kampo tungkol dito.

(Ulat ni Danah Majistrado para sa CBN, )

ISANG MILYONG PISONG DONASYON PARA SA MGA KABATAANG CALAMBEÑO,  NATIPON SA ALAY LAKAD 2023Sa pagbabalik ng Alay Lakad ng...
25/11/2023

ISANG MILYONG PISONG DONASYON PARA SA MGA KABATAANG CALAMBEÑO, NATIPON SA ALAY LAKAD 2023

Sa pagbabalik ng Alay Lakad ngayong taon, nakalikom ang Pamahalaang Lungsod ng Calamba ng mahigit P1,000,000 para sa mga proyekto ng Alay Lakad Foundation Inc. para sa edukasyon ng mga kabataang Calambeño.

Mula sa Banga Plaza ay nagmartsa ang libu-libong mga estudyante at residente papuntang Rizal Plaza para sa Alay Lakad 2023 na may temang, "Ituloy ang Lakad para sa mga Kabataan."

Pinangunahan ang programa nina Mayor Roseller "Ross" H. Rizal, Vice Mayor Angelito "Totie" Lazaro Jr. at Cong. CHA Hernandez na nagpasimula ng pagkuha ng mga donation pledges sa iba pang mga opisyales ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba.

Inaasahang gagamitin ang nalikom na pondo para makapagpatuloy ng pag-aaral ang mga Calambeñong hirap sa buhay.

(Ulat ni Frances Lamar para sa CBN, )

3 ARAW NA TIGIL-PASADA KONTRA JEEPNEY PHASEOUT, IKAKASA NG GRUPONG PISTON SIMULA LUNESMagkakasa ang Pinagkaisang Samahan...
17/11/2023

3 ARAW NA TIGIL-PASADA KONTRA JEEPNEY PHASEOUT, IKAKASA NG GRUPONG PISTON SIMULA LUNES

Magkakasa ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ng nationwide transport strikes sa susunod na linggo bilang protesta sa public utility vehicle modernization program (PUVMP) ng gobyerno.

Sinabi ng PISTON na ang transport strike ay magaganap simula sa susunod na Lunes, Nobyembre 20, at tatagal hanggang sa susunod na Huwebes, Nobyembre 23, 2023, bago ang deadline ng gobyerno sa Disyembre 31, 2023 upang sumunod sa mga alituntunin.

“Masaker ito sa ating kabuhayan sa pamamagitan ng pang-aagaw sa ating prangkisa, upang magbigay-daan sa monopolyo kontol ng malalaking korporasyon sa transportasyon,” ayon sa anunsyo ng PISTON.

Nagsimula ang PUV modernization program noong 2017, na naglalayong palitan ang mga jeepney ng mga sasakyan na mayroong hindi bababa sa Euro 4-compliant na makina upang mabawasan ang polusyon, ngunit nagreklamo ang mga driver at operator tungkol sa mga gastos na maaaring umabot sa mahigit P2 milyon.

Gayunpaman, nilinaw ng mga opisyal ng transportasyon na ang mga tradisyunal na jeepney ay maaari pa ring mag-operate nang lampas sa itinakdang deadline, basta’t sila ay sumali sa mga transport cooperative upang maiwasan ang “on-street competition” sa mga driver at operator.

Ang gobyerno ay orihinal na nagtakda ng Hunyo 30, 2023 na deadline, ngunit ito ay pinalawig hanggang sa katapusan ng taon kasunod ng pag-anunsyo ng isang transport strike mula Marso 6 hanggang 12, 2023.

(Ulat ni Daniel Palisoc para sa CBN, )

POLICE REPORT: 3 SUSPEK SA R**E, TIMBOG SA LAGUNA AT BATANGASArestado sa isang operasyon ng mga pulisya ang tatlong r**e...
15/11/2023

POLICE REPORT: 3 SUSPEK SA R**E, TIMBOG SA LAGUNA AT BATANGAS

Arestado sa isang operasyon ng mga pulisya ang tatlong r**e suspects sa lalawigan ng Laguna at Batangas nitong Biyernes, November 10.

Kinilala ang mga suspek bilang sina Vilmar, John, at Richard. Nahuli si Vilmar sa Barangay Kay-Anlog, Calamba City, Laguna matapos bigyan ng arrest warrant para sa dalawang bilang ng qualified statutory r**e at sexual assault issued by Judge Ave A. Zurbito-Alba, presiding judge ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Regional Branch 8, Calamba City.

Si John, isang regional level most wanted person, ay hinuli sa kasong qualified r**e sa Barangay Tubigan, Biñan City, Laguna matapos bigyan ng warrant of arrest issued by Judge Analie B. Oga-Brual of the Regional Trial Court Branch 138 in Makati City with no bail recommended.

Nahuli si Richard, No.6 sa regional most wanted, matapos bigyan ng warrant of arrest para sa r**e sa Batangas issued by Judge Janalyn Beron Gaiza-Tang, presiding judge of the Regional Trial Court Branch 11 in Balayan, Batangas.

(Ulat ni Vania Llamas para sa CBN, )

NEWS UPDATE: AKUSADO SA UNDAS TRAGEDY NA KUMITIL SA 5 BUHAY, NAKALAYA SA PYANSANG UMABOT SA HALAGANG P120,000Isiniwalat ...
12/11/2023

NEWS UPDATE: AKUSADO SA UNDAS TRAGEDY NA KUMITIL SA 5 BUHAY, NAKALAYA SA PYANSANG UMABOT SA HALAGANG P120,000

Isiniwalat ni Mary Anne Mae Palupit, kapatid ng nasawing si Gilbert Palupit at ng kanyang asawa at tatlong anak sa tinaguriang "Undas Tragedy" sa Lungsod ng Calamba, Laguna, na nakapgpyansa ang akusado sa kaso dahil sa pagpyansa na nagkakahalaga ng P120,000.

Kasalukuyan pang nasa kritikal na sitwasyon ang isa pang pamangkin ni Mary Ann Mae sa Intensive Care Unit (ICU).

Matatandaang inararo ngbisang pickup truck ang tricycle na lulan ng mag-anak na papunta sana sa Sariaya, Quezon upang gunitain ang Undas. Kinilalang si Engr. Alyssa Mae Abitria ang driver ng nasabing pickup truck na napag-alamang lasing nang mangyari ang malagim na insidente.

Nahaharap sa patong-patong na kaso si Abitria kabilang ang reckless imprudence resulting to multiple homicide, multiple physical injuries, multiple damage to properties at violation under RA 10586 o “Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.”

Sa programa ni Senator Raffy Tulfo, ikinadismaya nito ang pagpyansa ni Abitria at sinabing napapanahon na para maisabatas na ang lahat ng lasing habang nagmamaneho at bumagsak sa breath analyzer test ay agarang mare-revoke ang driver’s license nito ng habang buhay.

Dagdag pa ni Sen. Tulfo, kapag naman nag-resulta ang pagkamatay sa aksidente nang dahil sa kalasingan ng nagmamaneho dapat reclusion perpetua o life imprisonment ang pinakamabigat na parusang posibleng maipataw sa sinuman upang walang piyansa.

Nangako rin ang senador sa mga kamag-anak ng mga biktima na tutukan niya ang kaso at sisigurihin niya na sa huli ay makakamit nila ang tamang hustisya.

Nauna nang nagpaabot ng pakikiramay at tulong ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Calamba, Laguna kabilang sina Mayor Roseller "Ross" H. Rizal, Mayor Vice Mayor Angelito "Totie" Lazaro Jr. ar Cong. CHA Hernandez sa pamilya Palupit.

(Ulat ni Dianne Patricia Soliven para sa CBN, )

LIKE, SHARE AND FOLLOW MGA CALAMBEÑOS PARA LAGI TAYONG UPDATED SA MGA BALITA AT KAGANAPAN SA ATING LUNGSOD NG CALAMBA.
10/11/2023

LIKE, SHARE AND FOLLOW MGA CALAMBEÑOS PARA LAGI TAYONG UPDATED SA MGA BALITA AT KAGANAPAN SA ATING LUNGSOD NG CALAMBA.

KONGRESISTA NG CALAMBA, TOP 3 SA MGA CALABARZON SOLONSLumapag sa ikatlong pwesto ang nag-iisang Distrito ng Calamba sa p...
10/11/2023

KONGRESISTA NG CALAMBA, TOP 3 SA MGA CALABARZON SOLONS

Lumapag sa ikatlong pwesto ang nag-iisang Distrito ng Calamba sa pinakabagong survey na inilabas ng grupong RP-Mission and Development Foundation Incorporated (RPMDI) ngayong linggo.

Ayon sa Job Performance Rating ng grupo, umabot sa 88.2% ang nakuhang grado ni Cong. CHA Hernandez na naglagay sa kanya sa ikatlong posisyon kumpara sa mga beterano nang mga kongresista sa Region IV-A.

Ang nasabing pag-aaral ay bahagi ng isang nationwide na komprehensibong ebalwasyon ng mga lingkod bayan sa buong bansa na isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa mahigit 10,000 mga adult respondents mula Setyembre 20-30 ngayong taon.

Sa nasabing pag-aaral ng RPMDI, kasama ni Hernandez ang mga nanguna sa Top 1 na ranking na sina Cavite 1st District Representative Jolo Revilla, Quezon 2nd District Representative Jayjay Suarez at Batangas 6th District Representative Ralph Recto.

Si Hernandez ay nasa unang taon pa lamang ng kanyang unang termino at labis na ikinagalak ng mga Calambeño ang mataas na pagkilalang natamo ng kinatawan ng kanilang Distro sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

(Ulat ni Karen Salem para sa CBN, )

NEWS UPDATE: PATAY SA UNDAS TRAGEDY, UMAKYAT NA SA 5 KATAOKinumpirma ng isang kaanak ng mga nasawi sa tinaguriang "Undas...
08/11/2023

NEWS UPDATE: PATAY SA UNDAS TRAGEDY, UMAKYAT NA SA 5 KATAO

Kinumpirma ng isang kaanak ng mga nasawi sa tinaguriang "Undas Tragedy" na pumanaw na rin ang isa pang biktima sa ospital nitong Sabado.

Matatandaang nasangkot sa isang malagim na trahedya ang masaya sanang bakasyon ng Pamilya Palupit sa Sariay, Quezon nang salpukin ang sinasakyan nilang tricycle ng isang humaharurot na pickup truck sa Barangay Bucal, Calamba City, Laguna noong Nobyembre 1, 2023

Kinupirma ni Cecilia Lirio na namatay na rin. ang kaniyang 12-anyos na pamangkin na si Alyssa Joy Palupit habang Nananatili pang nagpapagamot sa ospital ang natitira na lamang buhay sa pamilya Palupit na si Ayesha Gillian, 9 na taong gulang.

Una nang nasawi ang mag-asawang Gilbert at Aileen Palupit at mga anak na may edad 11 at 4 na taong gulang.

Sinampahan na ng reklamong paglabag sa Anti-Drunk Driving Act ang driver ng pick-up truck ayon kay deputy chief of police ng Calamba City at chief investigator na si Police Major Dennis Aguilar.

Ayon sa pulisya, positibo sa alcohol ang lady driver base sa blood test nito. Nanatili pa rin sa ospital ang suspek na lagi umanong humihirit pa ng extension sa kanyang hospital confinement kaya hindi pa mailipat ng detention facility.

(Ulat ni Dianne Patricia Soliven para sa CBN, )

PAG-IILAW NG HIGANTENG CHRISTMAS TREE NG CALAMBA, HUDYAT NG PAGSISIMULA NG PASKONG CALAMBEÑOBuong pwersa ang lokal na pa...
08/11/2023

PAG-IILAW NG HIGANTENG CHRISTMAS TREE NG CALAMBA, HUDYAT NG PAGSISIMULA NG PASKONG CALAMBEÑO

Buong pwersa ang lokal na pamahalaan ng Calamba sa pag-iilaw ng higanteng asul na Christmas tree sa kanilang City hall nitong linggo bilang hudyat ng simula ng kapaskuhan sa Lungsod.

Ayon kay Calamba Mayor Roseller "Ross" H. Rizal, ang pagpapailaw ng nasabing Christmas Tree ay "simbolo ng pag-asa sa bawat isa na laging magkaroon ng mabuting buhay ang bawat isang pamilyang Calambeño.

Dagdag pa ng alkalde, "Simbolo rin ito ng pagkakapantay-pantay ng mamamayan, walang mayaman o mahirap."

Ayon naman kay Calamba Vice Mayor Angelito "Totie" Lazaro Jr., ang pagpapasinaya ng malahiganteng Christmas Tree at makukulay na palamuti at mga ilaw na isinabog sa buong lungsod ay "upang ang liwanag ng mga ito ay magsilbing gabay at tanglaw natin sa patuloy na paghakbang pasulong para sa mas ikatatagumpay ng buong bayan ng Calamba."

Pag-asa ng pagbabago din ang naging mensahe ng kongresista ng Distrito ng Calamba na si Cong. CHA Hernandez sa mga Calambeño ngayong panahon ng pasko.

Ayon kay Hernandez, "Nawa, ang ilaw na sinindihan natin ngayong araw ay magsilbing tanglaw na gagabay sa atin upang buksan ang ating mga puso at hindi mawalan ng pag-asa ngayong kapaskuhan."

Bukas ang Calamba City Hall compound na nagmistulang Christmas Village dahil sa mga dekorasyong pamasko sa publiko tuwing gabi upang magsama-sama ang mga pamilya at magkakaibigan na nais pumasyal dito.

(Ulat ni Jerome Garcia para sa CBN, )

TAAS-SINGIL SA SLEX TOLL FEE, EPEKTIBO NGAYONG ARAWMatapos ang pagdiriwang ng Undas 2023, asahan na ng ating mga magsisi...
03/11/2023

TAAS-SINGIL SA SLEX TOLL FEE, EPEKTIBO NGAYONG ARAW

Matapos ang pagdiriwang ng Undas 2023, asahan na ng ating mga magsisiuwiang mga motorista na gagamit ng South Luzon Expressway (SLEX) ang mas mataas na singil sa toll simula ngayong araw, Nobyembre 3, 2023.

Ito ay dahil sa inaprubahang dagdag-singil ng Toll Regulatory Board kamalailan na nagpapataw ng dagdag P10 para sa mga Class 1 na sasakyan na bumayahe mula Alabang hanggang Calamba, P20 naman na dagdag sa Class 2 at P30 sa Class 3 vehicles.

Samantalang asahan din ang dagdag presyo sa singil sa mga motorista na babyahe mula Calamba hanggang Sto. Tomas, Batangas na may dagdag P4 para sa Class 1, P6 sa Class 2 at P8 para sa mga Class 3 na mga sasakyan.

Ayon sa tagapagsalita ng Toll Regulatory Board na si Julius Corpuz, kailangang bigyan ng konsiderasyon ang mga toll investors na humingi ng nasabing pagtaas ng singil.

Dagdag pa ni Corpuz, ang isasagawang pagtataas ng singil sa SLEX ay gagawin sa dalawang tranche na magsisimhla ngayong taon at susundan sa susunod na taon.

Ang nasabing pagtaas ngayong araw ang unang pagkakataon na nagdagdag na toll fee rate ang SLEX sa loob ng 12 taon.

(Ulat ni Katrina Mae Pelaez para sa CBN, )

4 PATAY SA UNDAS TRAGEDY SA LUNGSOD NG CALAMBAIsang mag-anak ang binawian ng buhay sa araw mismo ng Undas, Nobyembre 1 s...
02/11/2023

4 PATAY SA UNDAS TRAGEDY SA LUNGSOD NG CALAMBA

Isang mag-anak ang binawian ng buhay sa araw mismo ng Undas, Nobyembre 1 sa Lungsod ng Calamba, bandang alas-3:30 ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi ang mag-asawang sina Gilbert (35) at Aileen (34) Palupit at mga anak nitong sina Ma. Aleisha (4) at Akisha (11) habang lulan ng tricycle sa national highway ng Barangay Bucal sa nasabing lungsod.

Nangyari ang trahedya ng sumalpok ang isang Sports Utility Vehicle (SUV) sa dawalang tricycle na ikinasugat din ng dalawa pang anak ni Gilbert Palupit at tricycle na minamaneho ni John Rey San Juan at pasahero nitong si Myra Alloro (38).

Papunta sanang Sariaya, Quezon ang pamilya Palupit para sa Undas nang salpukin ng isang Ford Ranger Raptor na minamaneho ng kinilalang si Alyssa Mae Abitria (27).

Ayon sa pulisya, lumipat ng lane ang SUV kung saan naroon ang mga tricycle na naging sanhi ng aksidente. Kasalukuyang hawak ng mga otoridad si Abitria at nahaharap sa mga kasong kriminal.

(Ulat ni Dianne Patricia Soliven para sa CBN, )

Address

Calamba

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CalamBalita Ngayon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Nearby media companies


Other Calamba media companies

Show All