01/07/2024
PNUANS BUMOTO, PARA SA TAPAT AT MAHUSAY NA SERBISYO
Hunyo 24, 2024 – Nagkaisa ang mga PNUANs sa Center for Teaching and Learning (CTL) para sa Supreme Secondary Learner Government (SSLG) at Supreme Elementary Learner Government (SELG) eleksyon 2024.
Bilang pagsimula ng programa, nagbigay ng pambungad na pananalita ang tagapayo ng Electoral Commision (ELECOM) na si Ms. Jona Gabayeron. Sunod, ginawaran ng parangal ang mga magtatapos na opisyal ng SELG at ELECOM ngayong taong panuruan.
Naghandog din ng mesahe ang pangulo ng SSLG na si Celine Albarina. Pagkatapos, nagsimula ang grand rally sa pagpapakilala ng mga kandidato. Ito'y pinangunahan ng Swift partylist; sunod, ay ang mga independent candidates, at ang panghuli ay ang Hiraya Partylist.
Kanya-kanyang hinikayat ng mga kandidato ang kanilang mga kapwa estudyante na sila'y iboto. Nagkaroon din ng presentasyon ang mga kandidato kung saan ipinakita nila ang kanilang galing sa pagkanta at pagsayaw.
Nagtapos ang grand rally sa pagbigay ng mga estudyante ng kanilang mga tanong sa mga kandidato, at matagumpay namang sinagot ng bawat kandidato ang mga ito.
Pagkatapos ng grand rally, nagsibalik ang mga estudyante sa kani-kanilang silid-aralan upang bumoto.
Bago matapos ang araw, inanunsyo ng Electoral Commission ang mga nanalong kandidato para sa eleksyon 2024.
Para sa SSLG line up: Nanalo sa pagka-presidente si Wesley Tangao; si Megan Tilano para sa pagka-bise presidente; si Abby Melocoton para sa posisyong alihim; si Niño Dormido ay nanalo bilang treasurer; si Edward Blanco bilang auditor; si Zea Villacin bilang P.I.O; at sina Aeon Aningalan, Maridel Bartolome, at Kate Villacin ang mga nanalo bilang protocol officers.
Para sa SELG line up: Nanalo si Cara Olvido bilang bise presidente; si Rann Dominique Herrera bilang kalihim; si Niña Marie Diel bilang treasurer; si Alejandro Amores Jr. ay nanalo bilang auditor; si Gilliana Cinco bilang P.I.O at nanalo sina Cadie Felicilda, Blessie Mata, at Rafael Alvarez bilang protocol officers.
Malugod na pagbati sa mga nanalo, at sana'y maipagpapatuloy nila ang mahusay na pamamalakad sa ating paaralan, para kay Inang Pamantasan.
Sulat ni: Suzzane Bles Camangyan
Layout ni: Norelle May Jance