18/10/2024
KAPATID NI JAY MANALO NA SI JULIUS MANALO NAGBIGAY NG OPINYON PATUNGKOL KAY CARLOS YULO AT SA KANYANG NANAY ANGELICA.
Ibinahagi nga ni Julius Manalo ang kanyang pakiusap sa mga netizens na huwag na sanang gatungan pa ang nangyayaring alitan sa pagitan ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, at Angelica Yulo.
Ayon kasi kay Julius ay maraming netizen ang nagbibigay ng negatibong komento kay Angelica dahil sa kampi sila sa kampo ni Carlos.
Naniniwala nga si Julius na kahit baliktarin pa ang mundo ay isa pa ring Ina si Misis Yulo na dapat ay bigyan ng galang.
"Wag niyong sabihan ng masama yung nanay kahit sa tingin niyo mali yung nanay,nanay pa rin Yun.wala namang perpektong tao eh." Saad niya.