18/11/2020
PREMYO BONDS 2: FREQUENTLY ASKED QUESTIONS
Paano mag-invest sa Premyo Bonds 2?
- May apat na paraan para makapag-invest:
1. Pumunta sa branch ng selling agents (BDO, DBP, Chinabank, Landbank, Metrobank, PNB, Unionbank)
2. Invest online sa www.treasury.gov.ph/premyobonds kung kayo may may account sa DBP, Landbank, Chinabank, o First Metro Securities
3. Invest online gamit ang Bonds.PH mobile app available for free download via Google Play and App Store (for details, visit www.bonds.ph)
4. Invest online gamit ang OFBank mobile app available for free download via Google Play and App Store (for details, visit www.ofbank.com.ph)
Pwedeng mag-invest gamit ang higit sa isa sa different channels na ito.
Hanggang kailan pwede mag-invest? Magkano ang minimum at maximum investment?
- Hanggang December 11 ang offer period ngunit pwede itong maiksian ng Bureau of the Treasury. 500 pesos ang minimum investment at walang maximum.
Magkano ang interest?
- 1.25% gross per annum, subject to 20% final withholding tax. Maaaring gamitin ang interest calculator sa www.treasury.gov.ph/premyobonds para ma-compute ang inyong annual interest.
- Automatic na iccredit ang quarterly interest payments, principal investment, at cash prizes kung kayo ay manalo, sa inyong settlement account.
Paano ginagawa ang pag-raffle ng mga premyo?
- Lahat ng nag-invest, maliban sa mga empleyado ng Premyo Bonds Facility Agent (Land Bank Trust Banking Group) at ang kanilang mga kamag-anak, ay automatic na kasali sa Main Rewards, kung saan every quarter magkakaroon ng multiple winners ng P100,000 at P20,000, at isang grand winner ng P1 million plus Additional Rewards.
- Maliban sa Main Rewards, ang mga nag-invest ng mula P500 hanggang P20,000 ay kasali rin sa Special Rewards, kung saan every quarter magkakaroon ng 20 winners ng P50,000.
- Bawat P500 investment ay equivalent sa isang e-ticket o "raffle entry". Para mabigyan ng tyansang manalo ang lahat, hanggang P10,000,000 per bank account per investor lang ang mabibilang sa quarterly draws.
- Net of tax ang lahat ng premyo.
Paano iswitch o iroll over ang aking Premyo Bonds 1 investment sa Premyo Bonds 2?
- Magsend ng email sa [email protected]. Makakatanggap kayo ng Letter of Instruction (LOI) form at contact details ng inyong selling agent. Isubmit ang accomplished form sa inyong selling agent. Pwede ring i-download ang LOI form sa https://www.treasury.gov.ph/?p=37612
- Kung kayo ay mag-switch, kasali pa rin kayo sa 4th Quarter Rewards Draw at matatanggap niyo pa rin ang inyong accrued interest.
- Premyo Bonds 1 lang ang pwedeng iswitch to Premyo Bonds 2.
Paano malaman ang aking NRoSS Account Number?
- Nakalagay ito sa Confirmation of Sale, Summary of Transactions, o Statement of Account na manggagaling sa inyong bangko. Maaaring hingin sa inyong bangko ang mga dokumento na ito o i-contact sila para malaman ang inyong NRoSS Account Number.
- Ang NRoSS Account Number ay may 15 alphanumeric characters. Halimbawa: TLBP1234ABCDX01
For more details, please visit www.treasury.gov.ph/premyobonds
For Bonds.PH concerns:
Customer Care Hotline: (+632) 8841-8600
Email: [email protected]
For OFBank concerns:
Customer Care Hotline: (+632) 8-405-7000
PLDT Domestic Toll Free: 1-800-10-405-7000
Email: [email protected]