22/03/2020
Marunong ka naman siguro mag basa no? Basahin mo muna to.
Ngayon ko lang naintindihan kung bakit maraming tao ang hindi takot, dahil hindi nila alam ang totoong pangyayari.
Bakit ba sabi ng mga doktor "Alam nyo ba kung ano ang nangyari sa Italy? Bakit sila takot na takot?" Ano nga ba ang totoong nangyari roon?
Ang pinaka unang Local Italian na nagka COVID-19 positive ay nadetect noong Feb 20, sa Lombardy. Sa kasalukuyan, 24,747 na ang infected, 1809 na ang patay at sa loob ng isang araw, 368 ang namatay. Uulitin ko... 368 ang namatay sa loob ng isang araw. Naiisip mo ba yan?! Di ka pa rin ba tinablan ng takot?!
Ang Italy ay rank #8 sa buong mundo pgdating sa ekonomiya. Ang Lombardy ay isa sa pinakamayamang parte ng Italy. Maganda ang kanilang state of the art hospital facilities. In fact, mas maganda pa sa America! Pero naubos ang ICU ng hospital (sa dami ng pasyente), ventilator, at maraming doktor/nurses/health care workers na ang namatay!
Sa kabila ng maganda nilang hospital facilities, ganon pa rin ang nangayari. Sa tingin mo, ano tayo? Kaya takot na takot ang mga kakilala ninyong Doktor dahil alam namin ang katotohanan. MASYADONG MAHINA TAYO SA PILIPINAS KUMPARA SA KANILA!! Yan ang totoo! Sa populasyon nating 109 million, meron lang tayong 1000 ICUs para sa mga kritikal na mga pasyente! Ganon tayo kahiràp kumpara sa Italy. Sana maisip mo yan. Wag ka ng dumagdag sa problema!!!
Pag sinabi ng DOH at ng gobyerno na wag munang gumala at pumirme muna sa tahanan... MANAHIMIK AT MANATILI KA SA BAHAY!!! Dahil mahirap mag contact tracing ng mga taong positibo! Labas lang kung kelangan (bili ng pgkain, grocery,hospital). Pag sinabing SOCIAL DISTANCING, pakiusap GAWIN MO! Wag matigas ang ulo! Ibig sabihin, at least 1meter ang distansya mo sa kapwa tao mo lalo sa public places. Wala muna beso, akapan, at hand shake. At pakiusap, wag muna kayo magrally rally. Isipin mo nalang baka mawalang saysay ang mga ipinaglaban mong ideolohiya kung mamatay ka dahil sa COVID-19. So, MANAHIMIK KA MUNA!
Uulitin ko... PAKIUSAP, MANAHIMIK NA MUNA SA BAHAY, SOCIAL DISTANCING, AT MAINTAIN PROPER HYGIENE! Pareho nating hindi gustong matulad sa ITALY.
HINDI NATIN KAYA!!!
Dapat... PINOY AKO... DISIPLINADO!
Reposted CTTO