19/08/2022
Isang mangingisda ang nakakuha ng isang kakaibang puting bato sa ilalim ng dagat sa Palawan noong 2006, ang akala n'yay isa lamang ordinaryong kung ano, hanggang sa ibigay n'ya sa pangangalaga ng kanilang City hall ang bato noong 2016, matapos muntikang matupok ng apoy ang kanilang bahay. Nasa ilalim lamang ng higaan ng mangingisda ang puting bato ng sampung taon.
May bigat itong 75-pound at may habang 2.2 feet. Nang suriin ito ng mga eksperto na taga-ibang bansa, napag-alamang ito na ang pinakamalaking perlas na nadiskubri sa kasaysayan ng mundo.
Tinatayang higit kumulang 100 million dollars o mahigit kumulang 4.8 Billion Pesos ang halaga nito ngayon.
Makikita ang pambihirang perlas na ito na nakalagak sa City Hall ng Puerto Prinsesa City.