26/07/2020
(BASAHIN NIYO HANGGANG DULO PLEASE HAHAHAHA, TAPUSIN NIYO HA HMPK. MAY STORIES SA SPEECH KONG 'TO HIHI.)
Nilalaman: (wow, libro lang ang peg HAHAHA)
- Pasasalamat sa Inyong Lahat
- Paano nagsimula ang BMOPC?
- GD as a Facilitator
- Facilitator X Facilitator (nice story peeps, joke)
- Last Message
Sa pagtatapos ng BMOPC, hayaan ninyo akong kayo'y pasalamatan ko sa walang hanggang pagsuporta sa Online Press Conference na ito.
Ako nga pala si GINTONG DYORNO, o mas kilala niyo sa tawag na GD at Goldie.
PASASALAMAT SA LAHAT
As the Main Founder of Batang Mamamahayag Online Press Conference (BMOPC), hindi naging madali para sa amin ang lahat. Napakaraming mga naging pagkukulang, at napakarami ring naging mga kamalian. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, pinilit pa rin naming bumawi. Naaalala ninyo pa ba ang comeback ng BMOPC? Oo, may comeback din kami katulad ng BlackPink. Sa comeback na iyon, kami ay nagbalik. Binigyan namin kayo ng mga judges na Media Practitioner at ang iba pa ay judge mismo ng NSPC. Lubos kayong natuwa. Nagpalecture pa kami sa GCs and sa Zoom para naman kahit sa paglisan ninyo sa OPC na ito ay mayroon kayong madalang aral.
Sa pagpasok ng Eliminations, Semi-Finals, at Finals, medyo nagkaroon ng katagalan sa mga result. Hindi naman namin masisisi na ang mga hurado ay sadyang maraming mga ginagawa kaya kami'y lubos na nagpapasalamat sapagkat nagawa ninyo pa ring maghintay kahit may katagalan.
Nairaos man ng matagal ang OPC na ito, nawa'y naibaon na sa hukay ang mga pagkakamali ng bawat isa at pilitin nating magsimula muli ng panibagong kinabukasan. Looking forward sa Season 2 ng BMOPC. Sa Season 2 na ito'y maipapangako naming mas magiging pulido na lahat, maitatama na namin ang aming mga pagkukulang, at mas lalo namin kayong mabibigyan ng isa pang magandang Online Press Conference. Kaso :
Oh, eto na talaga message ni GD HAHAHAHA.
Hi channel, it's me GD! Welcome back to my guys! HAHAHAHAHAHA. So ayon na nga, magtatapos na ang BMOPC Season 1. Napakarami nating memories. :< Umpisahan ko muna sa pinakasimula.
Bakit nga ba Gintong Dyorno ang Pen Name ko? Wala lang, simple lang. Tayo'y mga manunulat na tila isang ginto o kayamanan ng sambayanan.
Baka sabihin ng iba, "Luh, Lathalain Writer naman pala siya bakit sa Editoryal at PhotoJournalism siya nagfacilitate?" — Hindi naman sa ayaw kong magfacilitate sa mismong category ko. Gusto ko lang makakilala ng ibang mga journalist sa ibang category. At hindi ako nagkamali. Napakasolid ng Editoryal Fam at PhotoJourn, huhu. Love you all.
PAANO NAGSIMULA ANG BMOPC?
Pito lang kaming nagsimula ng BMOPC. And guess what? Nabuo kami dahil sa OJPC. Yes, sa OJPC Lathalain kami nagkakilala, at naging magkakaibigan. Baka sabihin ng iba riyan, "Ala, puro naman pala sila Lathalain Writers." No po, nagkakamali po kayo HAHAHAHA. Ang iba sa amin ay iba talaga ang category, nag-try lang sila ng Lathalain sa OJPC. So ayun na nga. Sa sobrang ingay kasi namin sa OJPC no'n, umaabot pa kami ng 5 am kakadaldal HAHAHA, gumawa kami ng sarili naming GC kasi syempre nahihiya rin kami sa iba (wow mahiyain). Opo, madaldal talaga si GD HAHAHAHA.
Edi ayon na nga. Habang lumilipas ang mga araw, parang gusto ko na ring magpa-OPC. Syempre para sa mga kapwa nating journalists. Naalala ko pa noon, pabiro ko pa silang sinabihan na gusto kong magpa-OPC. Syempre, natatakot ako na baka i-decline nila yung idea ko HAHAHA. I'm afraid of sharing my ideas na kasi e hehe. Noong una, 'di pa sila maliwanagan kung ano ba talaga ang gusto ko HAHAHA. Hanggang sa boom! Sinuportahan nila ako hihi, I love you all BM Admins. Si Malamayang Dagtum ang gumawa ng page noon. Habang si Tinta Rantado naman ang bahala sa layouts, tapos Mahiwagang Pluma at Tinta naman ang bahala sa schedule.
At dumating na nga ang registration week...
GD AS A FACILITATOR
Napakasipag ko that time, as in HAHAHAHA. Post pa ako ng post ng memes sa dummy account ko, syempre mahal ko mga reactors ko roon. Tanda ko kayong lahat mga pri HAHAHA.
At ayon na nga, dinumog ako ng participants ng Pagsulat ng Pangulong Tudling. Naalala ko non, hindi ako makapag-add sa GCs ng participants so nagpa-panic talaga ako HAHAHAHA. Pero ang kyut niyo, ang ingay niyo agad huhu. Tipong hindi ko na ginagamit 'yung RA ko. As in sa DA na lang talaga ako nag-stay. Tayo ang pinakamaingay na GC sa buong BMOPC noon ih. Halos mag-lag na yung phones ng lahat HAHAHA. Gabi-gabing palaro, ship ng participants, YIEEEE OH LABAS SA COMMENTS SECTION LAHAT NG SHINIP KO HAHAHAHAHAHA. SABAY SABAY KAYONG MAGKALAT DALEEEEEE. Nakaka-miss ang kwentuhan, bangayan ng bawat isa. Hindi niyo alam kung gaano ako napamahal sa inyo. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkasakit ako. Siguro dahil sa puyat, pagod, at stress.
Ilang araw akong hindi naging active as facilitator niyo. Pilitin ko mang magchat sa GC na iyon, hindi ko talaga kaya that time. At ayon, bawat pagbalik ko sa GC, wala na akong binabackread kasi hindi na rin kayo active. :< Nakakalungkot 'yon kasi nasanay ako sa inyo na active kayong lahat, at nagsasaya tayong lahat. Noong umayos na 'yung health ko, wala. Hindi na natin naibalik sa dating napakaingay 'yung GC ng Editoryal.
Dumating sa punto na napagod na rin kaming pito, at kinakailangan na naming maghire ng bagong facilitators. Pero teka, naghire ba talaga kami? HAHAHAHAHAHA humigot lang 'yung co-facilitators ko sa participants e HAHAHA. Ako naman, nagulat na lang ako. May GC na ng Aspiring Admins and naka-add silang lahat dun HAHAHAHA. So lahat ng iyon, kinuha na namin. Like, pasok na kayo sa BM! Tadaaa HAHAHA.
18 na kaming bumubuo ngayon ng BMOPC. Naging masaya ang samahan. Kulitan, gano'n. Hindi ko akalain na ang unang pitong admins ng BMOPC ay hahantong pa pala sa mas malaking pamilya. Tunay nga ang mga katagang, mas masaya ang samahan kapag marami. Nakapagshare rin ng knowledge sa isa't isa, video call hanggang umaga (pero naka-off cam grrRr), sabay-sabay na-stress, sabay-sabay sumali ng OPCs (ang panalo ng isang admin sa obang OPC ay panalo na rin naming lahat, cine-celebrate namin 'yan HAHAHAHA). Nagtutulungan kaming lahat na i-cheer up ang bawat isa lalo na kung may mga problema man na dumadating. Yeah, masasabi kong solid talaga ang BMOPC Admins.
And ayon na nga, sobrang saya ng samahan naming lahat pero...
FACILITATOR X FACILITATOR
And ayon na nga, sobrang saya ng samahan naming lahat pero... MAY ISA PALANG FACILITATOR NA HINDI KO TALAGA NAPAPANSIN, AS IN. Akala ko hindi siya nag-eexist huhu. All this time, yung samahan naming admins, hindi ko alam na may siya pala HAHAHA. Grabe ako sa part na 'yon pero legit, gano'n talaga HAHAHAHAHAHAHA.
I know na may na "Sirius Pen", alam ko ring nag-eexist siya because nagtour pa nga ako sa mga GC e HAHAHAHAHA. BUT,, HINDI KO ALAM NA NAG-EEXIST PALA 'YUNG TAO BEHIND THAT PEN NAME. AS IN, "IKAW PALA SI SIRIUS PEN? BAKIT HINDI KITA NAPAPANSIN SA GC NG BM ADMINS?" GANON HAHAHAHAHA.
First time ko siyang mapansin noong malapit na ang Elimination Rounds. Stress na stress ako tha time kasi hindi ko alam na Elims na pala kinabukasan no'n. Like, AAAAA OMG ELIMS NA BUKAS? WALA PA AKONG NARE-READY NA CODES. And nagpanic talaga ako HAHAHAHA. Noong mga oras na 'yon, si Sirius Pen lang yung nagseseen and siya lang din 'tong active. Kase naman e, sana all sa'yo pri. Napakasipag mo HAHAHA. Pa-chill chill ka na lang no'n hA. Sene ell. Kaya ayon, dahil siya lang yung active sa dummy account na nakita ko, minessage ko siya. Sabi ko, nas-stress na ako HAHAHAHA. Tapos nagreply siya, tutulungan niya na raw ako sa codes. I-send ko lang daw ang names ng participants and then oks na. Edi sinend ko. Gulat ako, kaka-send ko palang, after less than 3 mins, nagawa niya na agad lahat, just wow. 0__0 And I think, doon na nga ata nagsimula lahat.
That time, busy si Tinta Rantado. So kami muna nila Sirius Pen at Modernong Manunulat ang nagbantay sa BMOPC Lathalain GC. Kung hindi ako nagkakamali, pinag-uusapan ata namin ng participants noon ang about sa jowa? HAHAHA. Tapos maya-maya, sabi ni Sirius Pen sa GC, "Wait lang, brb." Then sabi niya after non, check ko raw ang FB ni GD. Nagulat ako, nag-set siya ng "in a relationship status" kapal mo hA. -,- Joke HAHAHAHAHAHAHA. Biruan lang talaga lahat ng yon. Call sign pa natin sa kakalatan natin sa dummy account ay, "sweetiepie honeybunch plumplum" HAHAHAHAHAHAHAHAHA EW.
So ayon, habang lumilipas ang mga araw makalat pa rin talaga tayo sa dummy account. Alam na alam 'yan ng mga Batang Mamamahayag Babies, SAKSI SILA HAHAHAHAHA. 'Yung twin pack mong kape, pa-thread nating dalawa, etc. Kaya sobrang daming memories ko sa account ni GD. Ginawan pa nila tayo ng loveteam, yayks HAHA. SirTong daw saka GinIus hshshshs.
Mahaba na ang naging story ng tambalang SirTong at GinIus ng BMOPC, hindi ko na iisa-isahin sapagkat iyon naman lahat ay biruan lamang. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, ang mga kaganapan pala na 'yun sa dummy account ay magkakatotoo pala in real life. :>
I can say na I'm one of those lucky peeps 'cause I have Sirius Pen. Nandito lang naman kaming dalawa sa BM para magfacilitate at tulungan ang journalists. Ito pa nga nasa isip naming dalawa dati e, "bahala ka riyan, basta ginagawa ko trabaho ko as faci". Wala talaga kaming pake sa isa't isa dati, hmpk. Tapos sabihan ba naman ako na muka raw akong bad bitch, ebarg ka. T__T HAHAHAHA sanay na bHie, muka raw talaga akong mataray huhu ket di naman HAHAHA.
To my Sirius Pen na nakilala ko dahil sa pagiging facilitator namin ng BM, ganda ng OPC Lab Istori natin ay! Joke HAHAHAHA. See you soonest! Sabihin mo, salamat shopee! Este BMOPC.
LAST MESSAGE
Maraming salamat sa journalists na bumuo ng BM! ✊❤ Wala ang BMOPC kung wala kayo, at hindi mairaraos ito kung hindi dahil sa inyo. Mahal kayo ng BMOPC Fam! 🤗 Hanggang sa muli, mga ka-Dyorno at kampon ni GD! Mami-miss ko kayo, hehe. You can message me naman sa real account ko. One call away po ako hihi. Nandito lang si GD at ang BMOPC Fam upang suportahan kayo sa inyong JOURNey.
God Bless you all, my fav writers! Padayon lang sa pagsusulat. Huwag niyong hayaan na ibang tao ang maghila sa inyo pababa upang itigil niyo ang pagsusulat. Kayo ay kayamanan ng lipunan. Patuloy lang sa pag-uulat at pagmumulat ng mga matang bulag sa katotohanan! ✊
This is Gintong Dyorno, Main Founder of BMOPC, and the Facilitator of Pagsulat ng Pangulong Tudling and PhotoJournalism.