![BETERANANG AKTRES AT TINAGURIANG "QUEEN OF PHILIPPINE CINEMA" NA SI GLORIA ROMERO, PUMANAW NA SA EDAD NA 91Isang malungk...](https://img5.medioq.com/622/321/1092496816223213.jpg)
25/01/2025
BETERANANG AKTRES AT TINAGURIANG "QUEEN OF PHILIPPINE CINEMA" NA SI GLORIA ROMERO, PUMANAW NA SA EDAD NA 91
Isang malungkot na balita sa mundo ng Philippine showbiz.
Pumanaw na ang beteranang aktres at tinaguriang "Queen of Philippine Cinema" na si Gloria Anne Borrego Galla o mas kilala bilang si Miss Gloria Romero ngayong araw na ito, Enero 25. Siya ay 91 taong gulang.
Kinumpirma ito sa isang social media post ng aktres na si Lovely Rivero.
Pumasok siya sa showbiz noong 1949 sa edad na 16, at mula noon, hindi na mabilang ang mga pelikula at programang pang-telebisyon ang nagawa niya sa loob ng higit pitong (7) dekada, kung saan kabi-kabila rin ang parangal at lifetime achievements ang kanyang natanggap.
Ilan lang sa mga tumatak na pelikula ni Tita Glo ay ang "Madame X", "Dalagang Ilocana", "Iginuhit ng Tadhana", "Condemned", "Saan Nagtatago Ang Pag-ibig?", "Nagbabagang Luha", "Bilangin Ang Bituin Sa Langit", "Tanging Yaman", "Bahay Ni Lola", "Magnifico", "Rainbow Sunset" at marami pang iba. Sa larangan naman ng telebisyon, nakilala siya sa mga sitcom na "Palibhasa Lalake" at "OK Fine, Whatever", at ilang markadong teleserye at soap operas gaya ng "Familia Zaragoza", "Labs Ko Si Babe", "Sana'y Wala Nang Wakas", at marami pang iba. Huli siyang napanood sa isang television series sa "Daig Kayo ng Lola Ko".
Ang amin pong taos-pusong pakikiramay sa mga naulila ng nag-iisang Gloria Romero. 😢🙏🕊️