Laban Kapamilya

Laban Kapamilya Andito tayo para sa Isa't isa.
(104)

14/08/2024

TINGNAN | Nitong Martes, Agosto 13, nagbigay ng babala ang ABS-CBN Corporation sa publiko laban sa mga kumakalat na mapanlokong text message na ginagamit ang pangalan ng kumpanya.

Sa isang pahayag, pinag-iingat ng Kapamilya Network ang jobseekers o mga naghahanap ng trabaho laban sa naturang text message ng kung sinong indibidwal na umano ay nag-aalok ng trabaho gamit ang pangalan ng ABS-CBN, na maaring magamit sa hindi magandang paraan.

Pinaaalahanan din ng kumpanya na ang mga job opportunity ay nakapost sa official website ng ABS-CBN Careers o sa careers.abs-cbn.com at sa official accounts nila sa Foundit at LinkedIn. Ang mga interesado naman ay maaring mag-email sa [email protected].

10/08/2024

Kita-kits!! 🌸💕

05/08/2024

ANOTHER MILESTONE PARA SA ATING KAPAMILYA NETWORK!

Umabot na sa higit 49 MILLION SUBSCRIBERS ang official YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment, at NANANATILI pa bilang NANGUNGUNANG YouTube channel sa Pilipinas at sa Timog-Silangang Asya, pagdating sa media entertainment companies.

Bukod pa riyan, nakakaangat pa rin ang YouTube channel ng ating Kapamilya Network sa ilan pang katunggaling kumpanya sa ASEAN Region gaya ng GMMTV ng Thailand at ang GMA Network.

CONGRATULATIONS ✨❤💚💙

03/08/2024



UNANG GINTO NG PILIPINAS, NAKUHA NG GYMNAST NA SI CARLOS YULO

Sa gymnastics nakuha ang unang gintong medalya para sa Pilipinas.

Ito ay nakuha ng gymnast na si Carlos Edriel Yulo sa men's floor exercises category, kung saan, nakakuha ang 24-anyos na binata ng 15.000 na iskor, sapat na upang iselyo at maiuwi ang unang ginto para sa bansa.

Sumunod naman ang Israeli na si Artem Dolgopyat na ma iskor na 14.966 para sa pilak na medalya, at mag-uuwi naman ng tansong medalya ang British na si Jake Jarman na may iskor na 14.933.

Bukod sa iyon ang unang ginto sa Olympics para sa Pilipinas ngayong taon, nakaukit din si "Caloy" ng kasaysayan bilang unang mamamayan mula sa Timog-Silangang Asya na nakakuha ng ginto sa nasabing torneo.

CONGRATULATIONS, CARLOS! MABUHAY KA! 🥇🇵🇭

03/08/2024

EYYYY!!! 🤙🏻🤙🏻🤙🏻 May pangmalakasang action series na ikinakasa na ng ating ABS-CBN, katuwang ang Star Creatives, tampok ang ilan sa mga pinakamalalaking pangalan sa industriya, na sasamahan pa ng mga new gen stars na tinitingala ngayon.

Richard Gutierrez
Daniel Padilla
Ian Veneracion
Baron Geisler
Barbie Imperial
Kaila Estrada
Maris Racal
Anthony Jennings

Malaking PASABOG na naman ito, mga Kapamilya! ABANGAN!!! ✨❤💚💙

ℹ ©️ Kapamilya Universe

03/08/2024

Ang PINAKA-ENGGRANDENG TELESERYE SA PRIMETIME, MAPAPANOOD NA RIN sa NANGUNGUNANG STREAMING PLATFORM sa buong mundo!

See "LAVENDER FIELDS" FIRST starting August 30 on NETFLIX!

Ito na ang PANGATLONG Kapamilya teleserye na mapapanood sa Netflix (bago pa man ang free TV airing nito) matapos ang tagumpay na tinamasa ng "2 Good 2 Be True" noong 2022 at "Can't Buy Me Love" noong 2023.

31/07/2024

PANIBAGONG "ALL-TIME HIGH", NAITALA NG FPJBQ SA GITNA NG PAGDADALAMHATI SA PAGKAWALA NI BUBBLES

Bumuhos ang emosyon sa episode ng nanungunang teleserye sa bansa, FPJ's Batang Quiapo, ngayonggabi, sa gitna sa pagkawala ni Bubbles (Ivana Alawi), at maging tayo na nakatutok ay nakikidalamhati rin sa pagpanaw ng pinakamamahal ni Tanggol (Coco Martin).

Kasabay nito ang komosyon sa pagitan nina Olga o Beng (Irma Adlawan) at Tanggol nang inakala ng una na ang huli ang nakapatay sa kanyang anak.

Ang tagpong iyon ang dahilan kung bakit nakapagtala na naman ng panibagong "all-time high" record ang serye sa online views. Naglista ang ng higit 659,859 na pinagsamang peak real-time concurrent views sa Kapamilya Online Live, kung saan bagong "all-time high" ang naimarka nito sa YouTube na may 636,559, habang higit 23,300 ang nakuhang online views sa Facebook.

Ang nasabing combined online views na rin ang panibagong record sa kasaysayan ng KOL mula nang nagsimula ito noong Agosto 2020.

Tataas lalo ang tensyon bukas sa mga maaksyong tagpo na ihahain ng , kaya pakasubaybayan po iyan gabi-gabi sa ating ! ✨❤💚💙

31/07/2024

Apat na taon na po ang nakaraan noong inilunsad ng ating ABS-CBN ang sa official YouTube channel at page ng Kapamilya Network.

Doon mapapanood ang mga minahal nating Kapamilya teleserye, maging mga ilang palabas, pelikula, original series at special events na napapanood rin sa Kapamilya Channel, A2Z Channel 11, TV5, GMA Network, GTV at iWantTFC.

At sa kasalukuyan po, parami na nang parami ang mga Kapamilya at mga kababayan nating mas pinipiling manood ng mga paboritong palabas sa pamamagitan ng smartphones, computers, laptop at smart TV, kaya naman 85% ang itinaas na annual growth, na nagresulta rin sa pagtaas ng subscribers ng ABS-CBN Entertainment Youtube Channel sa higit 48 milyon, at hirangin na nangungunang YouTube channel sa bansa at sa buong Timog-Silangang Asya pagdating sa media at entertainment.

Mula po sa aming lahat, HAPPY 4TH ANNIVERSARY sa KAPAMILYA ONLINE LIVE! ✨❤️💚💙

31/07/2024

BANGAYAN NINA MOISES AT JUSTIN SA “PAMILYA SAGRADO,” KINASASABIKAN NG VIEWERS

Inuulan ng papuri ang tumitinding komprontasyon sa pagitan nina Kyle Echarri at Grae Fernandez sa “Pamilya Sagrado” matapos makamit nito ang panibagong all-time high record na 598,246 peak concurrent views sa Kapamilya Online Live nitong Martes, Hulyo 30.

Ang dami pang dapat abangan sa pasabog na salpukan ng dalawang aktor dahil desidido na si Moises (Kyle) na kalabanin at ilantad ang mga krimen ni Justin (Grae) at ang pamilya nito para makamit ang hustisya sa pagkamatay ni Roland (JC Alcantara).

Itataya pa rin ni Moises ang kanyang buhay kahit alam niyang patuloy na mamanipulahin ng mga Sagrado ang katotohanan sa pangunguna ng abusadong vice-president na si Rafael (Piolo Pascual).

Maaari naman mag-iba ang kapalaran ni Moises dahil nalaman ni Mercedes (Mylene Dizon), ang asawa ni Rafael, na may malaking posibilidad na si Moises ang totoong anak ni Rafael sa dati nitong kabit na si Cristine (Bela Padilla).

Hanggang saan aabot ang pakikipaglaban ni Moises para sa hustisya? Paano kaya makakaapekto ang nakaraan ni Moises sa relasyon niya sa mga Sagrado?

Panoorin ang matinding mga rebelasyon sa “Pamilya Sagrado” weeknights at 8:45 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC. Mapapanood din ito 48 oras bago ang TV broadcast sa iWantTFC.

📄 © ABS-CBN PR

28/07/2024

Congratulations sa ating Kapamilya journalist, Raphael Bosano! ✨❤💚💙

Ikaw ang kauna-unahang Rainbow Rumble Master at mag-uuwi ka ng mahigit isang milyong piso!

🌈💪🏻

27/07/2024

CONGRATULATIONS sa ating Kapamilya, Kim Chiu, itinanghal bilang Outstanding Asian Star sa 2024 Seoul International Drama Awards! ✨❤💚💙

26/07/2024

ANGAT BAYANIHAN IN ACTION DAY 1💪🏼

Dahil sa mabilis na pagtugon ng Volunteer Network (ABVN) para sa mga nasalanta ng bagyong , nakapag-abot tayo ng tulong sa 22,680 na pamilya at indibidwal, at nakatulong sa 565 registered patients sa pamamagitan ng Bayanihan E-Konsulta — salamat sa ating 432 volunteers mula sa 14 Activated ABVN organizations.

Sa ngayon ay umabot na sa Php 1,817,958.48 ang total donations, kasama na ang value ng in-kind donations na ating natanggap. Umabot din sa Php 1,180,485.50 ang natanggap na donasyon ng Tanging Yaman Foundation.

Taos-puso ang pasasalamat ng sa ating donors, volunteers, at partner organizations sa kanilang walang sawang pakikipagbayanihan! 🤍

26/07/2024

LUMUSONG AT NABABAD SA BAHA?

Kailangan mong magpakonsulta!

Libreng konsultasyon at gamot para sa 300 pasyenteng lumusong at may sugat ang parte ng katawang nababad sa baha.

Ngayong araw, pumunta sa Barangay IVC, Marikina City mula 1:00PM hanggang 5:00PM para sa libreng kunsultasyon at gamot.

25/07/2024
24/07/2024

Prangkisa at frequency lang ang nawala, hindi ang kanilang puso at laging hangarin na makapaglingkod at magbigay ng balita at impormasyon na mas kailangan ng marami lalo na sa panahon ng sakuna at kalamidad upang masig**o ang kaligtasan ng lahat.

This is ABS-CBN News... In The Service of The Filipino! ✨❤💚💙

15/07/2024

JULIA MONTES, BALIK-TELESERYE NA; BIBIDA SA PINOY ADAPTATION NG JAPANESE HIT SERIES NA "MOTHER" NA "SAVING GRACE"

Nagbabalik na sa paggawa ng teleserye ang tinaguriang Daytime Drama Queen at ngayo’y Prime Actress na si Julia Montes.

Bibida siya sa Pinoy adaptation ng Japanese hit series na "Mother", na hatid ng pinagsamang pwersa ng ABS-CBN, ang nangungunang content provider sa bansa; Dreamscape Entertainment, ang tagahatid ng mga pinakamagaganda at de-kalidad na serye at kwento sa bansa at Nippon TV, ang leading entertainment powerhouse ng Japan.

Ang "Mother" ay isang award-winning series sa Japan, na unang umere noong 2010, at sa ngayon, iyon na ang most exported scripted format sa Asya. Nagkaroon na ito ng iba't ibang bersyon sa iba't ibang panig ng daigdig, gaya ng Turkey, South Korea, Ukraine, Thailand, China, France, Spain, Saudi Arabia at Mongolia. Ang Pilipinas ang ika-sampung bansa na gagawan ng adaptation ng nasabing kwento ng love at motherhood.

Ang naturang bersyon ng Pilipinas ay papamagatang "Saving Grace".

Ibinahagi ni ABS-CBN chief operating officer Cory Vidanes ang kanilang nararamdamang kasiyahan sa kanilang pakikipag-alyansa sa Nippon TV, at ang nasabing adaptation ang magiging una ng Kapamilya Network na katuwang ang top Japanese network.

Sinig**o naman nina Yuki Akehi at Sally Yamamoto ng content business ng Nippon TV na maganda ang kwentong hatid ng "Mother" at kumpyansa sila na magugustuhan at mamahalin iyon ng Filipino audience.

Subok na sa markadong pagganap ng sari-saring roles sa kanyang career, isa na namang hamon kay Julia ang gampanan ang lead role ng naturang adaptation upang muling ipakita ang kanyang natatanging galing at husay na tiyak na mapupukaw ang atensyon ng mga manonood.

Iikot ang kwento ng "Saving Grace" sa isang g**o na dinukot ang isang batang estudyante na nakakaranas ng pang-aabuso sa kanyang sariling ina, at magiging kumplikado pa ang sitwasyon dahil sa malawakang paghahanap sa nasabing bata.

Aabangan na lang natin ang iba pang detalye sa mga makakasama ni Julia sa "Saving Grace", na nakatakda nang iere sa "Primetime Bida" sa darating na 2025.

14/07/2024

BASAHIN | Lalo lamang pinatunayan ng ating ABS-CBN na kayang-kaya pa rin nila tayong bigyan ng de-kalidad na programa at pelikula at humubog ng mga sikat na bituin, kahit na pinagkaitan ng prangkisa ang kumpanya, apat na taon na ang nakaraan.

Ayon sa isang netizen at solid Kapamilya na si sa kanyang tweet sa X (dating Twitter), “The way ABS-CBN STILL manages to produce big and bankable stars despite franchise denial four years ago really needs to be studied!!! Like hello??!!! BINI?! DonBelle?! Maki?! And household names like Tanggol, Lena, Roda, Marites and many more! Kaloka 👏🏻👏🏻👏🏻 Idagdag mo pa ung mga award winning seryes and movies since the shutdown!!! Your fave networks can never, char... Hahahaha!"

Ramdam na ramdam pa rin ang LAKAS ng KAPAMILYA, saan mang platform ilagay! ✨❤💚💙

09/07/2024

“CAN’T BUY ME LOVE” AT “LINLANG” LIBRE NANG NAPAPANOOD ABROAD SA YOUTUBE

Umabot na ang kilig at gigil fever sa United States at Canada dahil napapanood na dito ang “Can’t Buy Me Love” ng DonBelle at “Linlang” ng KimPau sa pamamagitan ng ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Libreng mapapanood ang full episodes ng dalawang serye at maaaring pang balik-balikan ang mga paboritong eksena dahil available rin ito ng on-demand.

Pumatok sa mga manonood ang nakakakilig na kwento ng “Can’t Buy Me Love” at pinanggigigilang mga rebelasyon sa “Linlang” pagkatapos itong umere sa primetime nitong taon.

Pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang “Can’t Buy Me Love” na tungkol sa komplikadong pagmamahalan ng dalawang tao pagkatapos nilang magkakilala dahil sa isang insidente ng kidnapping.

Sa mystery-thriller series na “Linlang” nina JM De Guzman, Paulo Avelino at Kim Chiu, umiikot ang kwento nito tungkol sa pagtataksil pagkatapos madiskubre ng isang laos na boxer na niloloko siya ng kanyang asawa at sarili niyang kapatid.

Ilan lamang ang “Can’t Buy Me Love” at “Linlang” sa mga programa ng ABS-CBN na available sa ibang bansa sa YouTube bilang parte ng layunin ng kompanya na maghatid ng saya at inspirasyon sa mga Kapamilya sa iba’t ibang parte ng mundo.

Maging parte ng online pamilya ng ABS-CBN sa pag-subscribe sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment, ang numero unong YouTube channel sa Southeast Asia na may 48 milyong subscribers.

📝©️ ABS-CBN PR

Good morning 😁😁😁
08/07/2024

Good morning 😁😁😁

'Yung tumira ka sa Quiapo tapos boses n'ya lagi ang gigising sa'yo... 🤣🤣🤣

Wala raw maalala?! 🤣🤣🤣
02/07/2024

Wala raw maalala?! 🤣🤣🤣

01/07/2024

LUIS MANZANO, MANANATILING KAPAMILYA!

Mananatiling Kapamilya ang multi-awarded at na si Luis Manzano at nakatakda siyang pumirma ng bagong kontrata sa Kapamilya Network bukas, Martes, Hulyo 2, ala-una ng hapon.

Subok na subok na kakayahan ni Luis sa hosting at pagdadala ng palabas, mapa-variety, talent, reality, o game shows, at maging sa pag-arte, upang maging isa sa mga pinakaminamahal na Kapamilya stars ngayon.

Mapapanood ang contract signing na ito nang LIVE sa pamamagitan ng livestream sa ABS-CBN Entertainment YouTube Channel at sa official page ng ating ABS-CBN.

01/07/2024

3-DAY SOLO CONCERT NG NATION'S GIRL GROUP NA 'BINI', ISANG NAPAKALAKING TAGUMPAY!

Isang napakalaking tagumpay ang naganap na 3-day solo concert ng nation's girl group na BINI_ph, na idinaos nitong Hunyo 28, 29 at 30 sa New Frontier Theater sa Lungsod ng Quezon.

Dinagsa ng libu-libong manonood at tagahanga ng grupo, na tinatawag na "Blooms" ang naturang concert, na pinamagatang "BINIverse: The First Solo Concert", na "sold-out" sa dami ng tickets, at tunay na sinulit ang pagkakataong makita at mapanood nang personal ang pinaghirapang performances ng walo.

Mula sa kanilang signature performances at kulitang hindi mawawala sa grupo, nasaksihan din ng "Blooms" ang paglalakbay ng walo upang maabot ang kanilang kinalalagyan ngayon bilang isa sa mga pinakasikat na acts ng kanilang henerasyon.

Highlight din nito ang solo performances ng walong miyembro ng BINI na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna at Sheena, na ipinakita ang versatility sa pagtatanghal at mas pinatunayan na karapat-dapat silang hangaan ng nakararami at ng mga taong naniniwala sa kanilang kakayahan.

Hindi rin mawawala sa nasabing 3-day concert ang ilan sa mga awiting tumatak na sa marami at mga nagtrending na kanta na nagpaawit o nagpasayaw sa marami. Ipinarinig din sa kanilang audience ang kanilang upcoming single na 'Cherry on Top', na nakatakda namang maglabas ng full song at music video ngayong darating na Hulyo 11.

Binigyang-pugay din ang BINI ng pamunuan ng Araneta City at ng New Frontier Theater dahil sa isang pambihirang milestone, na kauna-unahang Philippine girl group na nakapag-daos ng concert nang tatlong sunod na gabi at sold-out pa sa kanilang venue.

Labis ang pasasalamat ng grupo sa lahat ng Blooms, mga Kapamilya at lahat ng sumuporta sa kanilang tatlong-gabing pagtatanghal.

At dahil sa tagumpay ng solo concert ng grupo, agad na inanunsyo ng BINI, pamunuan ng STAR MAGIC, Star Music at ABS-CBN na magkakaroon ng isa pang major concert ang grupo, na tatawaging "The Grand BINIverse" na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa darating na Oktubre 4.

Nagpakita rin ng suporta ang top executives ng Kapamilya Network sa pangunguna nina ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak, Star Magic at Entertainment Head Direk Laurenti Dyogi at creative director ng Star Music na si Jonathan Manalo.

Matapos ang tagumpay ng kanilang unang solo concert, paghahandaan naman ng walo ang kanilang provincial at out-of-the-country shows at ang mga susunod nilang ganap.

CONGRATULATIONS, BINI, sa inyong matagumpay na 3-day concert! ✨❤💚💙🌸

28/06/2024

BABY GIANT AT “IT’S SHOWTIME” KIDS, BIBIDA SA PAGBABALIK NG “GOIN’ BULILIT”

Magbabalik na ang kinagiliwang kiddie gag show ng ABS-CBN na “Goin Bulilit,” sa pangunguna ng “FPJ's Batang Quiapo” star na si Baby Giant at “It's Showtime” kids na sina Argus, Kulot, Imogen, Jaze at Kelsey sa pinakabago nitong season na mapapanood simula Hulyo 1, Lunes sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ALLTV, at iWantTFC.

Ibinahagi ni Baby Giant, na gumaganap bilang Oweng sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na tinuturing niyang blessing ang mapasama sa iconic Kapamilya show. Nagpahayag din siya ng pasasalamat kay Coco Martin sa pagpayag nitong mapabilang siya sa bagong season ng "Goin Bulilit."

"Sabi niya (Coco) na para sa akin ito. Super supportive po siya sa akin. Super thankful po ako mapasama sa 'Goin Bulilit.' Para po sa akin, ito po ay isang big opportunity," sabi niya.

Makakasama niya rito sa "Goin Bulilit" ang “It's Showtime” kids na sina Argus, Jaze, Imogen, Kulot, Kelsey, Enicka, at Briseis. Mapapanood din natin ang iba pang future child stars na sina Ahmad, Calvin, Clave, EJ, JC, Jeremiah, John, Jordan, Lucas, Ludwig, Miguel, Rhys, Scott, Stanley, Stephen, Tyrone, Wardell, Alessandra, Alondra, Alynna, Amarah, Ayesha, Chastity, Dani, Elisha, Elle, Erin, Fae, Graciela, Kylie, Kendall, Mais, Mary, Miho, Nashrifa, Scarlet, Sebreenika, Selena, Sheerina, Stephanie, Valerie, at Zoe.

Lubos naman ang kasiyahan ng “Goin’ Bulilit” director at creator na si Direk Bobot Mortiz sa muling pagbabalik ng show sa online at free TV.

“Nakakatuwa naman at maraming excited na mga bata kasi ang tagal din nawala ng ‘Goin’ Bulilit.’ Sig**o hindi natuloy noon, kasi heto na talaga ‘yung tamang oras,” sabi niya sa isang panayam sa “TV Patrol.”

Nagbabalik din naman sa bagong season ng show ang mga iconic segment tulad ng “Ano Daw?”, “Noon at Ngayon,” “Good News, Bad News,” at "GB Patrol." Panoorin din ang spoof nila sa seryeng "Batang Quiapo" na pinamagatang "Baby Quiapo" at talk show spoof naman sa "Magandang Buhay" na may titulong "Magandarang Buhay."

Abangan naman ang pagbisita ng mga dating miyembro ng cast na sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz sa unang linggo ng “Goin’ Bulilit.”

Abangan ang pinakabagong batch ng talentadong young stars sa "Goin Bulilit" na magdadala ng saya at tawanan mula Lunes hanggang Linggo simula Hulyo 1 bago ang "TV Patrol" sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ALLTV, at iWantTFC.

📝©️ ABS-CBN PR

26/06/2024
24/06/2024

DAGUL, MAKAKASAMA PA RIN SA NEW EDITION NG "GOIN' BULILIT", AYON KAY DIREK BOBOT

Sa unang bahagi ng isa sa mga latest vlog ni Kapamilya anchor Bernadette Sembrano-Aguinaldo, na nailathala sa official YouTube channel nito noong Hunyo 15, natalakay nila ng kanyang nakapanayam na si Direk Edgar "Bobot" Mortiz kung sino sa mga bagong "Bulilit" ang maaring sumunod sa mga yapak ng ilan sa kanyang mga pinasikat gaya nina Kathryn Bernardo, Julia Montes, Miles Ocampo, ang mag-asawang Nash Aguas at Mika de La Cruz at marami pang iba, sa bagong edisyon ng kanyang brainchild, ang kiddie gag show na Goin Bulilit.

Wala mang nabanggit na pangalan, sinig**o naman ng dating 70s matinee idol at kampeon ng Tawag Ng Tanghalan na maraming magagaling na new gen kids at kinakailangan lamang niyang lalong hubugin ang kanilang talento sa pagnanais nilang maging matagumpay na artista balang-araw.

Hanggang sa naitanong ng anchor kung sino naman ang susunod sa isa rin sa mga OG stars ng naturang kiddie show na si Romeo "Dagul" Pastrana.

Bagamat ang naisagot ng tinaguriang "Tatay ng Bulilit Stars" ay si FPJ's Batang Quiapo star at influencer na si Renz Joshua "Baby Giant" Baña, na makakasama ng new gen kids, ibinunyag din niya na kasama pa rin sa bagong edisyon ng GB si Dagul.

Bagamat unang nakilala sa GMA sitcom na "Kool Ka Lang" ang OG midget star, mas tumatak naman sa kanya ang Goin' Bulilit kung saan siya ang mainstay ng programa mula nang una itong umere noong Pebrero 2005 hanggang nagtapos ang unang run nito noong Agosto 2019. Huli siyang napanood sa seryeng "Black Rider" ngayong taong ito.

Marami talaga ang nakakamiss kay Dagul, kaya naman, ano na ang masasabi ng mga Kapamilya ngayong kabilang pa rin siya sa bagong season ng "Goin' Bulilit"?

Abangan ang pagbabalik ng minahal nating kiddie gag show na Goin' Bulilit, araw-araw, Lunes hanggang Biyernes, 5:45 pm, Sabado at Linggo, 4:30 pm, bago mag-TV Patrol sa Kapamilya Channel (cable), Kapamilya Online Live (online at digital), A2Z at ALLTV (free TV).

Isa na namang Kapamilya BIG EVENT ang SOLD OUT... Salamat sa patuloy na pagsuporta at pagmamahal, mga KaFamily! ✨❤️💚💙
17/06/2024

Isa na namang Kapamilya BIG EVENT ang SOLD OUT... Salamat sa patuloy na pagsuporta at pagmamahal, mga KaFamily! ✨❤️💚💙

Iba talaga ang lakas ng pwersa ng mga Kapamilya! ✨❤️💚💙

CONGRATULATIONS sa ating New Gen Phenomenal Actress BeBelle Marianodahil SOLD OUT NA ang tickets para sa kanyang na magaganap sa l darating na Hulyo 13!


BELIEVE SOLD OUT

14/06/2024

TINGNAN | Magsasama sa isang MEGA-PROJECT under Dreamscape Entertainment ang Kapamilya stars na sina Daytime Drama Queen Julia Montes at Megastar Sharon Cuneta.

Nauna na silang nagkatrabaho sa isa sa naging top-rating at most viewed Kapamilya series na bilang ang mag-inang sina Mara Silang (Maria Isabel Guillermo-Hidalgo) at Aurora Guillermo.

Mga Kapamilya, excited na ba kayo sa kanilang pangmalakasang salpukan ng akting sa 2025?!

Uy... ABANGAN! ✨❤💚💙

Address

Mother Ignacia Street
Quezon City
1103

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Laban Kapamilya posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share

Category

LABAN KAPAMILYA 2020!

Laban Kapamilya is a movement initiated and organized by Kapamilya fans and supporters in support for ABS-CBN franchise renewal this 2020. This is NOT in any way affiliated and/or managed by ABS-CBN.

Nearby media companies


Other TV Networks in Quezon City

Show All