27/09/2023
MGA OPISYAL NG ROMBLON HINATUAN NG GUILTY NG KORTE SUPREMA
Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang desisyon ng Sandiganbayan na pagpataw ng anim (6) hanggang 10 taon na pagkakulong sa mga opisyal ng bayan ng Romblon dahil sa paglabag sa Anti Graft and Corrupt Practices Act kaugnay sa maanomalyang pagbili ng backhoe.
Hinatulan ng Supreme Court na Guilty sina Vice Mayor Mariano Mateo, dating mayor Leo Merida at walo pa na dating mga konsehal ng Romblon sa Resolution na inilabas ng Supreme Court noong Agosto 22, 2022.
Nakasaad sa desisyon ng SC, “This Court finds Leo G. Merida, Melben M. Mesana, Gerry M. Mijares, Mariano. M. Mateo, Francisco G. Mayor, Jr., Chris G. Mazo, Ramon M. Magallon, Edler M. Robis, Rafael R. Riano, and Bryant R. Riano GUILTY beyond reasonable doubt of violating Section 3 (e) of Republic Act No. 3019, as amended. They are hereby sentenced to suffer an indeterminate penalty of imprisonment of six (6) years and one (1) month, as the minimum term, to ten (10) years, as the maximum ternm, and perpetual disqualification from public office. ”
Ang kaso laban sa dating vice mayor na si Nonito Mallen ay dinismis dahil sa pagkamatay nito.
Nag-ugat ang lahat na ito sa pagbili ng isang unit na JCB 4CX 4x4x4 Backhoe Loader sa kompanyang CAMEC ng Lokal na Pamahalaan ng Romblon sa panahon ni Mayor Leo Merida, sa halagang Thirteen Million Nine Hundred Fifty Thousand Pesos (P13,950,000.00) sa kompanyang CAMEC na hindi dumaan sa public bidding.
Base sa Resolution ng SC, noong Oktubre 28, 2005 ay pumirma sa Quotation and Contract si Mayor Merida para sa pagbili ng backhoe loader. At noong Nobyembre 9, 2005 ay nagpasa ng Resolution No. 137-2005 ang Sangguniang Bayan ng Romblon para bigyan kapangyarihan si Merida na umutang ng halagang P13,950,000.00 sa Philippine National Bank (PNB).
At pagkatapos na mabayaran ng buo ang CAMEC noong Disyembre 28, 2005 ay deniliver ang backhoe noon lamang Setyembre 13, 2006 o pagkalipas pa ng halos siyam na buwan.
Noong Oktubre 9, 2006, nagsampa ng kaso sina Lyndon Molino, Ibarra Silverio at Salvacion Duco laban kina Mayor Leo Merida, Vice Mayor Nonito S. Mallen, at sa mga Sangguniang Bayan members na sina Melben M. Mesana, Gerry M. Mijares, Mariano M. Mateo, Francisco R. Mayor, Chris G. Mazo, Ramon M. Magallon, Edler M. Robis, Rafael R. Riano at Bryant R. Riano sa paglabag sa RA No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at RA No. 9184 o Government Procurement Reform Act sa Ombudsman kung saan ay nakita ng Ombudsman na may probable cause at kinasuhan sina Merida at mga kasama sa paglabag sa Section 3(e) of RA No. 3019 sa Sandiganbayan sa ilalim ng SB-10-CRM-0032.
Sa Resolution ng Sandiganbayan Fourth Division na inilabas noong Marso 27, 2013 na nilagdaan ni Hon. Gregory S. Ong Associate Justice, Chairperson at ng mga Associate Justices na sina Jose Hernandez at Maria Christina J. Cornejo, ay sinuspendi ng siyamnapung (90) araw simula noong Hulyo 18, 2014 ang incumbent noon na sina Vice Mayor Mateo, at mga SB members na sina Melben M. Mesana, Edler M. Robis, Bryant Riano at Chris G. Mazo sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA Act 3019) matapos tanggihan ang kanilang Motion for Reconsideration.
Sinisikap naman ng pahayagang ito na makuha ang panig ng mga akusado. (Romblon Sun News team)