10/09/2024
Thank you sa blessing na 'to, grabe laki ng sahod sa epbi, hindi ko 'to inasahan, pero siguro deserve ko naman talaga 'to. Naalala ko tuloy nang nagsisimula pa lang ako parang walang naniniwala sa akin kasi mukha akong budol, pero dumating ang panahon na mula sa ako lang ang sumusuporta sa sarili ko. Nakakaiyak lang din isipin na kikita rin pala ako nang ganito kalaki, kaya sana huwag kang mawalan ng pag-asa, ipagpatuloy mo lang ang mga bagay na hindi pinipressure ang sarili mo, at gawin mo 'to nang masaya lang dahil hindi mo mapapansin na habang tumatagal, mas nakikilala ka na rin pala. Pero 'yan lang naman talaga sasabihin ko kung sa akin talaga 'yang sahod, kaso hindi eh. Nakita ko lang talaga 'yan tapos ayun nainspire ako tapos ipinost ko.