21/11/2023
Ang Yaman ko na Ngayon!!! 🥹🥹🥹
🤩 Friends, totoo pala talaga! 🤩
Wala nang mas yayaman pa sa taong sentro ang Diyos sa mga buhay nila. Ang alam ko lang talaga dati ay ang pangalan ng Diyos pero hindi ko Siya kilala. Hindi ko rin talaga Siya kinilala. Syempre, masaya ako nun sa mundong makasalanan eh. Andaming maling binigay na akala saken si Satanas. Pero nung dumating ako sa punto ng buhay ko na hindi ko na maasahan ang sarili ko sa mga problema, at wala na rin akong malapitang kaibigan at pamilya (tulong pinansyal ito sa panahong yun) napagod na ako at sinabi ko sa Kanya, “sige nga Lord, sayo na lahat. Sayo na lahat ng sakit, galit, p**t, pagkadismaya, pagkabahala ko sa mga mangyayari sa buhay ko, trabaho ko, mga kailangan ko… Sayo na. Di ko na kaya eh. Kailangan Kita. Baguhin moko, Panginoon.” Simula noon, di nako tumigil. Araw gabi ay ang Panginoon ang lagi at tangi kong gabay. Di ako tumigil. Kinilala ko ang Lord. Nagbasa ako ng bibliya. Nakikinig ako ng Godly podcasts, nagbabasa ako ng mga devotional plans. Sinabihan ko Siya na ayaw ko ng bumalik sa dati. Napag-desisyunan ko ang “complete surrender”. Isinuko ko ang kontrol at paghahanap ng solusyon na ako lang ang gumagawa ng paraan. Naghintay ako kay Lord. Sinabihan ko rin Siya na baguhin ang mga gusto ko. Subalit dumaan na rin ang konteng panahon at wala akong narinig kay Lord. Nabahala ako pero kinuha ko ang pag-aalala kasi sinasabi sa bibliya lagi, “IS IT THE LORD WHO GOES BEFORE YOU. HE WILL NOT LEAVE YOU NOR FORSAKE YOU. DO NOT FEAR OR BE DISMAYED.” Pangako ito ng Panginoon at pinanghawakan ko yun. May mga araw na umiiyak lang talaga ako. Sabi ko, “Lord, andiyan kaba talaga? Naririnig mo ba talaga ako?”. Kahit pa man may mga pagkakataong tinanong ko ang Panginoon sa mga bagay na ito, hindi ako tumigil sa pagpapasalamat sa kung anong meron ako. Inisip ko napakapalad ko pa rin. Puno pa rin ang puso ko ng pasasalamat. May mga pagkakataon din na dumating ang mga posibleng solusyon, subalit napagtanto ko na hindi iyon ang gusto ni Lord para saken kaya naghintay pa rin ako sa Kanya. Hanggang sa dumating nga ang takdang panahon ni Lord para saken. Nagtagumpay ang pananampalataya ko kay Lord. Di Niya ako pinahiya. Totoong may biyaya sa mga naghihintay hindi lamang sa lugar na ito kundi mas lalo na sa lugar na walang hanggan. Buong puso akong mananampalataya at magtitiwala, magpapasalamat habang buhay sa pagmamahal ni Hesus saken at palagi kong tatandaan na ang dakilang pagmamahal na ito ay palagi kong nakikita sa Krus. Hindi pa tapos ang Lord saken. Marami pa Siyang gagawin. Andito lang ako Lord. Tawagin mo ako. Thank you Jesus! All GLORY AND HONOR IS YOURS❤️🔥🙏 Ikaw at ikaw lamang magpasawalang hanggan, Yeshua Jesus! ❤️❤️❤️