25/09/2022
𝗦𝗜𝗘𝗥𝗥𝗔 𝗠𝗔𝗗𝗥𝗘 | 𝗧𝗛𝗘 𝗡𝗔𝗧𝗨𝗥𝗔𝗟 𝗕𝗔𝗥𝗥𝗜𝗘𝗥 𝗢𝗙 𝗟𝗨𝗭𝗢𝗡
Binansagang ang 'gulugod o backbone' ng isla ng Luzon, ang Sierra Madre ay ang pinakamahabang bulubundukin sa bansa. May haba itong higit 500 kilometro na nagsisimula sa hilaga, sa Sta. Ana, Cagayan, pa-timog sa lalawigan ng Quezon.
Ang bulubundukin ng Sierra Madre ay ang natural na panangga ng Luzon laban sa mga malalakas na bagyo, maging sa mga super typhoon. Katunayan, ilan sa mga malalakas na bagyo na dumaan sa bansa ang pinahina ng ating 'natural barrier'. Kabilang sa mga bagyong pinahina ng Sierra Madre ay ang bagyong Karen (international name Sarika) at super typhoon Lawin (international name Haima). Halimbawa, mula sa Category 5, napababa ng Sierra Madre ang Typhoon Lawin sa Category 3 nang dumaan ang bagyo sa bulubundukin.
"When Supertyphoon Lawin hit the North, it was the Sierra Madre mountains that weakened the force of what could be another typhoon catastrophe,” pahayag ng isa sa mga opisyal ng Save Sierra Madre Network Alliance (SSMNA).
"The mountains of Sierra Madre protect us,” dagdag pa ng organisasyon.
"Since the Sierra Madre has a large surface area with many slopes and curves, it can help break the eye of the cyclone resulting in a slower wind speed,” pahayag naman ng HARIBON Foundation.
Sa kasamaang-palad, patuloy na nasisira ang ating natural na proteksyon laban sa mga bagyo. Sa ulat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), higit 161,240 ektarya na ng bulubundukin ang nasira noong 2010. Kabilang sa mga rason ay ang mga aktibidad ng tao gaya ng iligal na pagtotroso, pagkakaingin, pag-uuling, pangangaso at pagmimina.
Masuwerte ang Pilipinas dahil pinagkalooban tayo ng Maykapal ng isang natural na panangga sa mga bagyo. Ingatan at pahalagahan natin ito.
"RADYO PANGASINAN KNOWS, NOW YOU KNOW".