11/12/2024
Ang Layunin ng Buhay sa Mundo
Ang pinakamahalagang katanungan sa buhay ay ‘Bakit tayo narito? ‘Ano ang Layunin ng Buhay?’
Kaya, bakit tayo narito? Para maglikom ng kayaman at maging tanyag? Para gumawa ng kanta at mga bata? Para maging pinakamayaman o babae sa libingan, na sinasabi natin bilang katatawanan, ‘Sinuman ang namatay na may pinakamaraming laruan (o walang kwentang bagay) ay nagwagi?’
Hindi, katiyakan na mayroon pang higit dyan sa buhay, kaya’t pag-isipan natin ang tungkol dito. Ating simulan dito, tingnan ang iyong paligid. Malibang nakatira ka sa kuweba, ikaw ay napapaligiran ng mga bagay na ginawa ng ating mga kamay. Ngayun, bakit natin ginawa ang mga bagay na yaon? Ang kasagutan, syempre, na ginagawa natin ang mga bagay para gamitin sa bagay makakapaglingkod sa atin. Sa madaling salita, ginagawa natin ang mga bagay upang maglingkod sa atin. Kaya’t kung itutuloy natin, bakit tayo nilikha ng Diyos, kundi para paglingkuran Siya?
Kung kikilalanin natin ang ating Tagapaglikha, na kung kaya Niya nilikha ang sangkatauhan upang paglingkuran Siya, ang susunod na katanungan ay, ‘Paano? Paano natin Siya paglilikuran?’ Walang pag-aalinlangan, ang katanungang ito ay masasagot ng pinakatumpak ng Nag-iisang lumikha sa atin. Kung nilikha Niya tayo upang paglingkuran Siya, kaya inaasahan Niya na kumilos tayo sa itinakdang pamamaraan, kung tayo ay nais na makamit ang ating layunin. Subalit paano natin malalaman kung anong pamamaraan? Paano natin malalaman kung ano ang inaasahan ng Diyos mula sa atin?
Kaya, isaalang-alang ito: ang Diyos ay binigyan tayo ng liwanag, na sa pamamagitan nito ay makikita natin ang daan. Kahit sa gabi, mayroon tayong buwan bilang liwanag at mga buntala para sa paglalayag. Ang Diyos ay binigyan ang ibang mga hayop ng sistemang panggabay na sadyang akma sa kanilang mga kalagayan at pangangailangan. Ang ibong mandarayo ay nakakapaglayag, kahit na sa maulap na mga araw, sa pamamagitan ng kung paanong ang liwanag ay naaninag habang ito ay tumatagos sa mga ulap. Ang mga balyena ay nandarayo sa pamamagitan ng ‘pagbasa’ sa magnetong kaparangan ng mundo. Ang salmon ay bumabalik mula sa karagatan patungo sa eksaktong lugar na kanilang sinilangan sa pamamagitan ng amoy upang mangitlog, kung yan ba ay naarok ng isip. Ang isda ay nararamdaman ang malayong mga paggalaw sa pamamagitan ng pakiramdan na sumasagap ng presyon na nasa kanilang mga katawan. Ang paniki at mga dolpin sa malabong ilog ay nakakakita sa pamamagitan ng sonar. Ilang mga organismong pandagat (elektrikong igat na may mataas na boltahe halimbawa) ay nakakagawa at nakakabasa ng magnetong kaparangan, na nagbibigay kakayahan sa kanila na makakita sa maputik na mga tubig, o kadiliman ng kailaliman ng karagatan. Ang mga insekto ay nag-uusap sa pamamagitan ng pheromone. Ang mga halaman ay nararamdaman ang sinag ng araw at yumayabong tungo dito (phototrophismo); ang kanilang ugat ay nararamdaman ang grabite at yumayabong sa lupa (geotrophismo). Sa madaling salita, ang Diyos ay biniyayaan ang bawat elemento ng Kanyang mga nilikha ng patnubay. Tayo ba ay talagang maniniwala na hindi Niya tayo binigyan ng patnubay sa pinakamahalagang aspeto ng ating pagkalikha, gaya ng ourraison d’etreour dahilan kaya nilikha? Na Siya ay hindi tayo binigyan ng mga magagamit upang makamit ang kaligtasan?
Ano nga ba ang sinabi ng Tagapaglikha, Diyos, sa atin tungkol sa layunin natin sa buhay? Ang Diyos ay nagpahayag sa Qur’an na nilikha NIya ang sangkatauhan upang maging katiwala sa mundo. Ang pangunahing ipinagkatiwala sa sangkatauhan, ang ating tungkulin, ay maniwala at sumamba sa Diyos:
At hindi Ko nilikha ang engkanto at mga tao maliban sambahin Ako. [Maluwalhating Qur’an 51:56-58]
Napakasimple! Ang layunin sa paglikha ng tao ay sumamba sa Tagapaglikha. Ang Islamikong pagkaunawa ng pagsamba ay nagpapahintulot na buong buhay ay maging gawang pagsamba, hangga’t ang layunin ng buhay na yan ay kaluguran ng Diyos, na makakamit sa paggawa ng mabuti at pag-iwas mula sa masama. Ang tao ay magagawang ang lahat ng mga ginagawa ay gawaing pagsamba sa pamamagitan ng pagdadalisay ng layunin at taos-pusong paghahangad na kaluguran ng Diyos sa pamamagitan ng mga gawaing ito. Si Propeta Muhammad (sumakanya ang kapayapaan at mga pagpapala) ay nagsabi:
Ang pagbati sa tao ay kawanggawa. Ang gawang makatarungan ay kawanggawa. Ang pagtulong sa tao sa pamamagitan ng kanyang kabayo ay kawanggawa. Ang mabuting salita ay kawanggawa. Ang bawat hakbang patungo sa pagdarasal ay kawanggawa. Ang pag-aalis ng mga sagabal sa daan ay kawanggawa.
Ang pagsamba para sa mga mananampalataya ay nagdudulot ng maraming pakinabang na nag-aambag sa kanilang espiritwal at makamundong pakinabang. Ang katawan ng tao ay nangangailangan ng pagkukunan ng materyal para sa kanilang pananatili, katulad ng pagkain, inumin at paraan ng pagpaparami. Para naman sa kaluluwa, ang pangangailangan nito ay hindi mapupunan maliban sa pagpapalapit sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya at pagsunod na makakamit lamang sa pamamagitan ng pagsamba.
Ang Diyos ay dapat sambahin sa oras ng kahirapan at oras ng kaginhawahan at tanging sa pag-alaala sa Kanya ang tao ay makakatagpo ng kapanatagan ng loob:
At katotohanan alam Namin na ang iyong dibdib ay naninikip sa kanilang mga sinasabi. Magkagayun dakilain (si Allah) ng mga pagpuri sa iyong Panginoon at bumilang sa mga nagpapatirapa (sa Kanya). [Maluwalhating Qur’an 15:97-98]
Yaong mga sumampalataya na ang mga puso ay panatag sa pag-alala kay Allah. Walang pag-aalinlangan sa pag-alala kay Allah ang puso ay mapapanatag. [Maluwalhating Qur’an 13:28]
Ang Diyos ay nagpahayag pa na ginawa Niya ang buhay na ito para subukan ang tao upang pagkatapos ng kamatayan ay susulitin sa kung ano ang kanyang inani.
(Siya) na lumikha ng kamatayan at buhay para subukan kayo kung sino sa inyo ang pinakamainam sa gawa – at Siya ang Kataas taasan ang Mapagpatawad. [Maluwalhating Qur’an 67:2]
Subalit para sambahin Siya, kailangan nating makilala Siya ng mabuti dahil kung hindi ay makagagawa tayo ng maling pagkaunawa sa Kanya at pagkatapos ay maligaw. Sa Qur’an,ang Diyos ay nagsabi sa sangkatauhan kung ano Siya at kung anong hindi Siya. Halimbawa, sa sagot sa katanungan tungkol sa Diyos na itinanong sa Propeta Muhammad ﷺ, ang Diyos ay nagsabi:
Sabihin (O Muhammad): Siya ang Diyos [ang] Nag-iisa, Diyos, ang Sandigan ng lahat. Hindi Siya nagka-anak at hindi ipinanganak, at sa Kanya ay walang katulad. [Maluwalhating Qur’an 112: 1-4]
📌Sa Islam ang Diyos ay hindi katulad ng tao o katulad ng anuman na maiisip natin at Siya lamang ang karapat-dapat sambahin.