15/01/2024
What's on your mind?
Sa panahong ito, pag-isipan mo nang maraming beses ang mga gusto mong ipost sa social media. Ang fitna, kapag dumating, hindi mo marerecognize na ito ay fitna, kapag lumipas na, doon mo na lang siya makikilala.
Isipin mo na lang ang sitwasyon mo sa kalagitnaan ng dilim, sa Lugar ng di mo alam kung kakampi o kaaway, sementado o maputik, delekado o safe, upo ka na lang ng mahinahon at mag isip ng paraan upang makahanap ng ilaw.
Iyan ang ginagawa ng matatanda nating mga Ulama, kaya wala tayong naririnig mula sa kanila sa mga napapanahong isyo. Kahit na hawak nila ang ilaw, tinitiyak nila na tumpak ang kanilang mga hakbang.
Pamarisan natin sila, hwag padalos-dalos. Lalo na kung ang ilaw mo ay pundido, chismis lang ang source.