Dito sa Amin, may pinipilahan na siopao. Roberto's siopao na makikita sa city ng Iloilo. May ibat ibang klaseng laki at ingredients ang meron ito. Masarap ka date ang mga kasama ko..kasi may 20percent discount lagi ang mga ito.🤣
Dito sa Amin, may bayanihan para makapagpatayo ng palaruan. Lahat tulong tulong para matapos ang gawain..Makikita ang saya ng bawat isa pagnakamit ang mithiin.🤣
From King Khalid International Airport to NAIA-Terminal 1 to NAIA-Terminal 3 to Iloilo International Airport. A 24hrs continues travel. Malipayon nga pag abot sa Iloilo!😁
Dito sa Amin, nakarating na nga ako sa amin. At as I promised eto na ang reaksyon ng aming our one and only sa pasalubong na aking dala sa kanya. Its priceless talaga na makita na ganito siya katuwa! Kaya panoorin nyo nalang. My heart now is full❤❤❤!
Dito sa Amin, bago mag bakasyon kelangan may pasalubong sa aming one and only. Kaya napasyal ako sa paborito niyang laruin ang Lego toys (Ninjago characters) dito sa Granada mall. Di ko alam kung bakit gustong gusto ng mga bata ang lego. Pero habang ako ay nasa loob at tumitingin ay parang bumabalik ako sa pagkabata🤣. Ako ay natutuwa sa pagpili ng bibilhin. Di baleng may kamahalan, ang importante ay masaya ang pagbibigyan!❤ Abangan nalang ang reaksyon nya sa susunod na videyow!😁
Dito sa Amin, ganito kami magbonding sa kusina! Magluto ng aming gustong ulam for the day. Tulong tulong ang bawat isa para mapadali ang gawain. And for todays video tayo po ay magluluto ng masarap na curry gamit ang unique na lutuan! Ang takip lang pala ng lutuan ang unique😁🤭. Ta kaon ta! Namit gid!😋
Dito sa Amin, tara kain!😁 Magandang araw sa lahat.
Pagpalain po tayo ng ating Panginoon!🙏
Dito sa Amin, ayoko nang mag explain. Basta yan ang "The Line Experience ng Neom". K BYE! Tinatamad na kasi pa bakasyon.🤣 May higante sa dulo kaya tapusin ang video!😁
Dito sa Amin, pwedeng mag praktis ng bakasyon..Kunyari pupunta ng airport ✈ , may dalang bagahe, magpapark sa departure area at sasakay ng elevator. Yon pala ay naghatid lang!🤣😁 Yon nga po, ito po ang bagong terminal 3 at 4 ng KKIA sa Riyadh. Maganda, maluwag at malinis. Ito ay nka link na din sa Metro train ng kaharian. Kaya po kami napunta dito ay para magkape ☕ lamang.🤣 At pag uwi ay magbabayad sa parking! 🎟
Dito sa Amin, may unlimited na kape ☕. Oh di nga? Yep it's true 💯! After ng change oil diretso na sa aming dining area. Dinner and coffee time na! Adik sa kape, iba iba pang klase🤪. Magsawa ka hanggat gusto mo! Ako tatlo lang ang kaya ko😁.
Dito sa Amin, meron kaming pagawaan ng sasakyan o car workshop..Bale isa ito sa mga negosyo ng may-ari ng aming kompanya. At ngayon araw ay mag pachange oil tayo dito. "Change oil" na nagpaalam ako ha!😁 Ayon nga change oil nga lang ang ginawa. Buti po naka charge ang bayad sa kompanya kaya wala tayong gastos. Napakamahal din kasi ang bawat maintenance job ng sasakyan dito. Yon lamang po, ride safe and God Bless🙏.
Dito sa Amin, ganito ang paggawa ng Shawarma. Ito po ay pwedeng chicken🐔, beef🐄, o vegetables🥦. Binalot ng kubos bread na nilagyan ng cucumber, French fries, mayo, ketchup at hot sauce. Pwede big o small size ang mabibili..Ito ang kadalasang pantawid gutom ng mga manggagawa habang nasa trabaho. Magandang business idea din ito! 🌯🌯🌯