Cerberus Gaming v2.0

Cerberus Gaming v2.0 �just for fun�

31/01/2023

Umiyak ka lang,
minsan kailangan natin 'yan.

Pero sana sa susunod na patak ng luha mo,
hindi na dahil may masakit sa’yo—
kundi dahil masaya na ang puso mo.

Pero kung iiyak ka pa rin dahil masakit…
Sana nandiyan ako para saluhin ang mga luha mo,
ibigay ang balikat ko para kahit paano masandalan mo.

Hindi man gagaling agad ang sugat
o maghihilom ito nang naayon sa gusto mo,
pero sana kahit ilang segundo maramdaman mong
may ako na sobrang nagmamahal sa’yo.

Pasensya na—
Idinaan ko nalang muna sa tula...
Kalakip ang isang taimtim na panalangin
na sana sa pagtulog mo ngayong gabi—
—payapa kang ibulong sa langit lahat ng hinaing
at maniwalang daldalhin ito ng hangin sa KANIYA.

Tahan na...
Nandito ako—
at nandiyan lang SIYA.

30/01/2023

Kung para talaga sa'yo,
Gaano man katagal ang paghihintay at proseso.
Kusa itong darating kahit hindi mo pilitin—
Sa paraang magaan lang sa damdamin.

Sa ngayon, panghawakan mo muna.
Habaan pa ang pasensya.
Galingan sa bawat araw sa abot nang makakaya—
Palaging may natitirang pag-asa.

Kung sakaling makaramdam man ng pagod,
Kung may gabi mang ang pangamba ay nakakalunod.
Ipaalala mo pa rin sa'yong sarili—
Maari kang huminto at magpahinga, pansamantala.

Hindi naman pare-pareho ang umaga.
Ang mabigat ay hindi mananatiling mabigat.
Magiging maayos din ang lahat—
Matutupad din ang mga "sana".

28/01/2023

siguro na papaisip ka
kung bakit bigla akong
tumigil at sumuko sa’yo

sige sasabihin ko ang dahilan
at kung ano ang totoo,,

kaya kitang ipaglaban
sa mga taong may gusto sa’yo,

pero hindi kita kayang ipaglaban
doon sa taong gusto mo..

🎼🎶🎵🎤huwag mag taka kung ako ay dina nag hihintay 🎼🎵🎶🎤 sa ano mang kapalit na inalay kong pag-ibig🎵🎶🎤

27/01/2023

Ang totoo, marami ang mahusay.
Marami ang matibay,
Pero bilang lamang sa daliri ang mabuti—
At sa nararamdaman ng iba ay kayang umintindi.

Ang hindi mapanghusga.
Ang hindi mapangmata.
Ang hindi mapangmanipula—
Ang may puso na marunong makisimpatya.

Marami ang maunlad at may kakayahan,
Pero kaunti lamang ang marunong lumingon sa pinagmulan,
Dahil madalas, kung sino pa ang walang-wala—
Sila pa ang marunong tumulong at maawa.

Masakit mang tanggapin pero kadalasan,
Karamihan sa mga yumayabong,
Mas lalo ring yumayabang—
Marahil ang kababaan ng loob ay kasabay ding natabunan.

Sana habang umaangat ang estado—
Mas natututo rin na maging makatao.

25/01/2023

Naitatanong mo na rin siguro sa sarili mo,
Kailan kaya ako?
Dumating na kase ang sa iba—
Pero ang sa'yo, hanggang ngayon wala pa.

Hindi ka naman nagkulang sa gawa.
Sa'yong sarili paulit-ulit ka namang nagtitiwala.
Pinagbubutihan mo naman—
Pero wala pa ring resultang kinahantungan.

Kailan kaya ako?
Kahit pa sabihin nilang hindi dapat ikumpara ang sarili sa iba,
Pero ang totoo, hindi naman talaga maiiwasan—
Titingnan pa rin habang tahimik na nasasaktan.

Tanggap mo namang lahat ay may pagkaantala,
Na parating may mahuhuli at mauuna.
Sadyang hindi lang talaga maaalis sa'yong puso ang umasa—
Kailan kaya ako?

Subalit kahit ganito.
Makayanan mo pa rin sana,
Ang walang katiyakang paghihintay—
Sa kung kailan papabor sa'yo ang tadhana.

24/01/2023

Kung ang puso ay isang lugar na p'wedeng
tir 'han, mas pipilin kong hindi maglakbay ng isang buwan, isang taon, o habang panahon. Mas pipilin kong manahan sa'yo. Pipilin pa vin kita sa dami ng magagandang lugar sa mundo.
Ikaw lagi. Puso mo lagi ang aking hahanapin, saanmang dako ako dalhin.

21/01/2023

‼️‼️
WAG NA WAG KANG MAFAFALL SA MGA KATAGANG,
"KUMAIN KA NA BA? KAIN KA NA. ❤"
MADAMI NG NABIKTIMA DITO, WAG KA NA DUMAGDAG PA.

18/01/2023

Sa puntong ito,
Siguro lahat naman tayo,
Naghahanap ng sarili sa malawak na mundo—
Naglalayag kahit hindi sigurado.

Lahat naman tayo ay may binubuo.
Mga nawawalang piraso ng ating pagkatao.
Kumpiyansa sa sarili na minsan ding naglaho—
Mga pangarap na hindi natin isinuko.

Dito sa buhay na mistulang laro,
Lahat naman tayo ay naghahangad manalo,
Sumusugal sa kabila ng mga paulit-ulit na pagkatalo—
Kasabay ng pagkatuto sa proseso at hindi paghinto.

Lahat naman tayo ay napapagod.
Naghahangad ng matatawag na pahinga.
Nangangapa sa malabong pag-asa—
Lumuluha kapag hindi na talaga kaya.

At ang hindi maitatangging katotohanan—
Lahat naman tayo ay nahihirapan.

In your life you will meet one person who will love you as you wished one day.
17/01/2023

In your life you will meet one person who will love you as you wished one day.

17/01/2023

Bat mga Duda ko nagkatotoo pero yung wish ko hindi.

16/01/2023

hahanapin mo kaya ako?

hahanapin mo kaya ako?
isang tanong na palaging sumasagi sa isipan ko.
isang tanog na gustong-gusto kong itanong sayo.
kasi di ako sigurado kung mahalaga ba talaga ako sa buhay mo.

nasanay ka na yata sa'kin na palaging anjan para sayo.
nasanay ka na sa tuwing may kailangan ka,
palagi akong to the rescue.
nasanay ka na bawat tawag mo,
dagli naman akong tumatalima sayo.

sa bawat araw,
walang mintis ang pagbati ko sayo ng "magandang umaga."
palagi kitang pinapaalalahanan na ikaw ay kumaen na.
at pagkatapos ng bawat araw mo,
palagi kitang kinukumusta,
kasi kung hindi ka naman okay,
pinapatahan at pinapakalma kita.

nasanay ka na sa tuwing malungkot ka bumabanat ako ng jokes para ikaw lang ay mapatawa.
nasanay ka na sa araw-araw na parang ako ay iyong kasama.

nasanay ka na nga masyado sa akin.
kaya di ko maiwasang
itanong na kung sakaling akoy mawawala,
ako kaya ay iyong hahanapin?

hahanapin mo kaya ang pangungulit ko sayo?
hahanapin mo kaya sa umaga
yung mga mahahabang pagbati ko?
kung mawawala ba ako ng biglaan sa buhay mo,

hahanapin mo ba kaya ako?
mamimiss mo rin kaya ang boses ko?
maaalala mo kaya ang mga kantang kinakanta ko sayo?
mag-aalala ka ba kung saan ako nagtungo?
o baka naman mas magiging masaya ka kung ako ay maglalaho?

hahanapin mo kaya ako?
kung wala kang problema at masaya ka na sa iyong mundo,

hahanapin mo kaya ako?
kahit na wala na akong kayang maibigay na kahit na ano sayo.

hahanapin mo kaya ako?
kahit na wala ka ng kailangan dahil nasa maayos ka ng estado.

hahanapin mo kaya ako?
kung ako naman ang nangangailangan ng presensya mo.

hahanapin mo pa ba kaya ako?
kung may iba na palang nag papasaya sayo?
kung ang lahat ng nakasanayan mo na ginagawa ko
ay ginagawa na rin nya,
maiisip mo pa ba kaya ako at ako ba kaya ay iyong maaalala?
marahil nagtataka ka kung ano na naman itong aking kadramahan,
pero wala lang,
tinatanong ko lang naman ang mga yan.
nagbabakasakali lang na mabibigyan din ng mga kasagutan.

kasi malay ko diba,
na kaya ako ngayon ang kinakausap mo,
dahil ako yung palaging nandirito.

yung tipo na kaya mo lang ako pinipili
kasi nabibigay ko ang iyong kailangan,
pero pag wala na akong maibibigay,
baka ako rin pala ay iyong iiwanan.

pero sana kung dumating ang araw na wala na ako sa mundo mo,

sana naman maalala mo ako..
kahit saglit man lang,
hanapin mo ako.

hahanapin mo dahil iyong napagtanto na
ako pala ay talagang mahal mo.

16/01/2023

sana sa susunod wala nang hanggang sa muli dahil kasama na kita palagi

16/01/2023

Ganito pala umibig nang malayo.

Binabalot ng paghihintay ang maghapon. Dinadalaw ng pag-aalala, ng pagkainip, ng pananabik. Kailan kaya kita makakausap ulit? Binabalikan ko ang mga huling mensahe natin sa isa’t isa, umaasa pati ang mga salita.

Gusto na kitang makita. At madama. ‘Yung init ng yakap pagkatapos ng pangungulila. ‘Yung halik at hawak kung sa wakas wala nang pagitan sa’ting dalawa. Wala nang milya-milyang kalsada, wala nang bundok at mga isla.

Wala nang nakagitna.

Pati mga alinlanga’t pangamba. Mga sugat ng nakaraan at naiwang marka. Wala nang masasakit na alaala, dahil nilimot at nahilom na. Napawi, nabura, napalitan ng masasaya nang dumating ka — kung darating ba.

Ganito pala umibig nang malayo. Sigurado at siguro. May lugod at lungkot. Nakakainip at nakakasabik. Binabalot ng paghihintay ang maghapon. At kung katumbas nito ang kahulugan ng pagmamahal —

Maghihintay ako kahit gaano pa katagal.


Ron Canimo
roncanimoph
***
tiktok.com/

14/01/2023

Hindi tayo sigurado sa kung ano ang pinagdaraanan ng bawat isa.
Baka ang kasama mo na palaging nakangiti,
Umiiyak pala nang patago at tahimik tuwing gabi—
Hindi lang niya sinasabi.

Hindi natin kabisado ang tunay na kahulugan ng "ayos lang ako".
Baka ang kasabay mo pauwi galing sa trabaho,
Pagod na pagod na pala sa mundo—
At gusto nang sumuko at maglaho.

Hindi natin alam ang totoo sa likod ng taong magaling magpayo at magbigay inspirasyon,
Baka biktima pala siya ng malalim at madilim na depresyon.
Naghahanap din pala ng makakaunawa—
Katulad sa kung paano siya nakinig at umintindi sa iba.

Hindi natin alam ang lahat.
Kung ang pasan ay magaan o mabigat.
Kung ang sakto sa unang tingin ay labis palang pag-iisip—
Kung binabagabag pala sa bawat pag-idlip.

Hindi natin alam ang kuwento ng bawat isa.
Kung kaya't—
Maging marahan na lang sana.

sandwich? 😅ctto
13/01/2023

sandwich? 😅

ctto

12/01/2023

Araw-araw mo man itong nairaraos,
Pero ang totoo, matagal ka nang hindi "ayos".
Maraming pagkakataon na sumasabay ka na lang sa agos—
Hanggang sa matapos.

Matagal ka nang malungkot.
Hindi mo man maaming may panglaw sa puso mong bumabalot.
Nakasanayan mo na lang sigurong manirahan sa kung paano ka tinuruan ng sakit—
Ang ngumiti pa rin kahit ang bigat ay mas higit.

Matagal ka nang binigo,
Ng mga inakala mong hindi magbabago at maglalaho,
Ng mga pangako ng mundo—
Pero hindi mo binigo ang sarili mo, hindi ka pa rin sumuko.

Matagal ka nang pagod,
Pero sugod ka pa rin nang sugod.
Sa sunod-sunod na problema ma'y lunod—
Subalit pinipilit mo pa ring magpatuloy kahit hindi mawari ang kasunod.

Matagal ka nang lumalaban,
Sa iba't-ibang paraan,
Sa iba't-ibang dahilan—
Pero madalas, sa paraang ikaw lang din ang nakakaalam.

Send a message to learn more

7/11 resortno cottage free table and chairnight swimming ctto
12/01/2023

7/11 resort

no cottage
free table and chair
night swimming

ctto

16/06/2022
😂😂😂😂😂😂ctto✌🏻
02/05/2022

😂😂😂😂😂😂

ctto✌🏻

Address

Bani Malik
Jeddah
21577

Telephone

+966535703655

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cerberus Gaming v2.0 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Cerberus Gaming v2.0:

Share