17/12/2024
Kaya marapat na, Magtiwala kay Allah ﷻ at magtimpi sa mga pagsubok na dumarating sa ating buhay. ❤️❤️
Ang mga pagsubok sa ating buhay ay dumarating kaya huwag sabihin na BAKIT AKO PA.
Sinubukan ni Allah سبحانه وتعالى si;
Si Propeta Nuh ('alayhi salaam) sa kanyang anak, nasyon niya at baha,
Si Propeta Ibrahim ('alayhi salaam) sa kanyang ama at apoy,
Si Ya'qub ('alayhi salaam) sa pagkabulag,
Si Yusuf ('alayhi salaam) sa pagkahiwalay niya sa kanyang kapamilya,
Si Ayyub ('alayhi salaam) sa kanyang sakit,
Si Propeta Musa ('alayhi salaam) sa isang pinuno na pinakamapang-api at pinakamalupit,
Si Harun ('alayhi salaam) pinagtaksilan siya,
Si Yunus ('alayhi salaam) sa kanyang Sabr (pagtitimpi),
Si Sulayman ('alayhi salaam) sa kaharian at,
Si Dawud ('alayhi salaam) sa digmaan,
Si Propeta Muhammad (sallallahu 'alayhi wa salaam) sa kanyang kamag-anak, qawm...;
Kaya kapatid, palagiang magtimpi at manalig kay Allah ﷻ sa mga pagsubok na dumarating sa ating buhay.
Sinabi ni Allah ﷻ:
أَحَسِبَ ٱلنَّاسُ أَن يُتۡرَكُوٓاْ أَن يَقُولُوٓاْ ءَامَنَّا وَهُمۡ لَا يُفۡتَنُونَ
Inaakala ba ng mga tao na sila ay pababayaan na lamang sapagka’t sila ay nagsasabing: “Kami ay naniniwala,” at sila ay hindi na susubukan?
وَلَقَدۡ فَتَنَّا ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۖ فَلَيَعۡلَمَنَّ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ صَدَقُواْ وَلَيَعۡلَمَنَّ ٱلۡكَٰذِبِينَ
At katiyakan, Aming sinubukan yaong mga nauna sa kanila. At katiyakang ipababatid ng Allah [sa pamamagitan ng pagsubok] yaong mga makatotohanan, at katiyakang Kanyang ipababatid ang mga sinungaling, [Surah Al-'Ankaboot verse 2-3]
at sa ibang talata sa Qur'an, sinabi ni Allah ﷻ:
لَا يُكَلِّفُ ٱللَّهُ نَفۡسًا إِلَّا وُسۡعَهَاۚ ...،
Ang Allah ay hindi magbibigay-pasanin sa isang kaluluwa maliban sa [abot ng] kakayahan nito..., [Surah Al-Baqarah verse 286]
✍🏻Aymaan Avenido