
08/12/2023
Q. Maaari ko bang bisitahin ng aking kapitbahay na Kristyano na may sakit?
A. Opo
Q. Maaari ba akong makiramay sa kapitbahay kong Kristyano na namatayan?
A. Opo
Q. Maaari ba akong bumati at magbigay ng regalo sa kapitbahay kong Kristyano sa kanyang pagpapakasal?
A. Opo
Q. Maaari ko bang batiin ang kapitbahay kong Kristyano dahil sa pagkakaroon ng bagong sanggol?
A. Opo
Q. Maaari ba akong bumati at magbigay ng regalo sa kapitbahay kong Kristyano bagong graduate o naka pasa sa Bar exam?
A. Opo
Q. Maaari ba akong magkawang-gawa sa kapitbahay kong Kristyano na mahirap?
A. Opo
Q. Maaari ko bang batin ng Merry Christmas ang kapitbahay kong Kristyano at bigyan siya ng regalo sa Araw ng pasko?
A. HINDI PO MAAARI.........…………………….
Q. Anong pinagkaiba ng mga nauna sa huli?
A. Ang una ay ay pakikitungo sa mga kaganapan sa makamundong bagay at pagbati sa kanya sa mga achievement, samantala ang huli ay konektado sa usaping PANINIWALA.
(With all due respect sa mga kababayang Kristyano)
Pinagdiriwang nila ang kaarawan di umano ng diyos at sinasabi nila na nagkaroon ng anak nng diyos.
Samantalang sinabi ni Allâh na Siya ay;
قَالَ تَعَالٰى : ﴿ لَمْ يَلِدْ وَلَمْ يُولَدْ ﴾ سورة الإخلاص ، رقم الآية ٣
﴾Hindi Siya nagkaanak, at Hindi Siya ipinanganak.﴿ [Sûrah Al-Ikhlâs: 3]
MAKISAMA, AT MAKITUNGO NG MABUTI,
NGUNIT HUWAG SASANG-AYUNAN KUNG ANO ANG MALI.
📚 Sinulat ni Shiekh Imran Ahmad Salamat (Hafidhahullâh)
_______________
🔎 (FaceBook | Twitter | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)