27/07/2023
"PASASALAMAT NG ISANG OFW"
Pag OFW ka Hindi maaiwasang umiyak kahet gaano ka pa katapang Lalo na pag aatakihin ka Ng lungkot, pangungulila, homesick at samot saring isipin...Pero........
SALAMAT ❤️
SALAMAT kasi sa dami Ng walang trabaho mapalad ako kasi kumikita ako.
SALAMAT kasi kahet malayo ako sa pamilya ko my nakikilala akong mga bagong tao na maituturing Kong pamilya
SALAMAT Kasi kahet iba ung oras ko SA pamilya ko my panahon sila sakin na mangamusta at maiparamdam na kahet milyon man Ang layo ko ramdam ko na mahal nila ako
SALAMAT kasi anjan yong mga taong nagmamahal at nagaaruga sa pamilya ko habang Wala ako.
SALAMAT Kasi kahet may mga okasyon na Wala ako sa Pinas parang kasama ko na sila tuwing tumatawag sila
SALAMAT kasi sa bawat lungkot, luha, kalungkutan at pangungulila ko mas nauunawaan ko Ang kahulugan Ng pamilya, kaibigan at tahanan.
Higit sa lahat SALAMAT sa DIOS sa ginawa nyang kapalaran para sakin. Malungkot, kumplikado, masalimuot, Masaya man o may luha alam ko andiyan lng sya sa bawat hakbang Ng aking paa
Taga aliw
Tagpahid Ng luha
Sa mga panahon Ng aking pagiisa.
"Qatar OFW the explorer"
Vanessa O. Pimentel