01/05/2020
Feeling stressed ka ba?
Marami ka bang iniisip?
Puro ba problema ang nasa isip mo?
Ito ba yung nararamdaman mo? Especially ngayong pandemic, na halos maghapon tayo sa bahay, nag o-overthink ang karamihan, na de-depress na ang iba, nagkakaroon ng anxiety, nalulungkot, naiinis, nababadtrip, mixed emotions.
Disclaimer lang, hindi po ako medical expert or psychologist, kung mayroon po kayong pinag dadaanan na tanging expert lang ang makaka solve, better consult them po. I'm here just to share a token of my experience and thoughts towards stress.
Have you ever heard about this saying…
"If you can't handle stress, you can't handle success"
One of the most iconic quote sa mga training for business or managerial position, or any kind of work na mas mataas na level of stress. Which is for me, totoo naman talaga siya.
Success demands a different level of us. Kung stress nga di natin mahandle, success pa kaya? Kung stress nga di natin nagawan ng solusyon, success pa kaya?
S T R E S S
It is just a state of our mind in which; we over think about something, we overheard something, or we oversee something. Ayan yung definition ko sa stress, my own definition of stress.
"Anzelysa, paano mo naman nasabi?"
Naniniwala kasi ako na anything na sa sobra, masama sa body natin. Kapag apektado ang senses natin, it can cause us stress. Lalo na kapag nakita mo, narinig mo, or inisip mo ang mga bagay bagay.
Kung may mga stress na tao ngayon, isa ako doon, ang bigat ng responsibilities na meron ako and because of this pandemic, sobrang nakaka stress. But…
"How do you really handle stress Anzelysa?"
Actually, if you really handle the stress, mas ma-i-stress ka talaga. You don't have to handle stress, let it flow and eventually, solve it.
Stress is a problem that we have to deal with. Hindi mo pwedeng hawakan ang apoy but rather patayin mo ang apoy. Tama ba? Maraming tao kasi, career na career sila sa pag handle ng stress.
Anong nangyayare?
Ayun, stressful face, pagod na body, tumatanda agad. Well, it's part of our life naman ang pagtanda, pero sabi nga nila di ba? Nasa pag dadala mo yan ng stress, kung palagi kang affected sa stress, may malaking impact ito sa buhay and body mo.
Ano bang dapat gawin sa stress?
1. Identify - Identify mo munang stress ka, kasi kapag di mo na identity na stress ka, di mo malalaman kung anong kinakastress mo talaga. Baka mamaya palagi mo lang sinasabi na…
"Nakaka stress!"
"Ang stressful!"
"Nakakainis, puro na lang stress!"
Pero in reality, trip mo lang sabihin na stress ka. Kasi hindi naman talaga stressful yung isang bagay, ikaw lang nag bibigay ng meaning.
Tipong, you are attracting stress sa buhay mo, kaya nagiging stress ka. Tama ba? Identify mo, saan ka ba na i-istress talaga? Baka mamaya ikaw lang din gumagawa ng ikaka stress mo.
Isang tip ko palagi, "If it's not your problem, don't deal with it.", lahat ng tao may problema, at hindi mo trabaho na problemahin ang problema ng iba, not unless kung na solve mo na ang problema mo. Tama ba?
Marami kasing tao nag papaka stress sa problema ng iba, samantalang sarili nga nilang problema hindi pa nila maresolba, tama ba? Kaya nga pupunta tayo sa number 2…
2. Make solutions - Ayan, ito ang reason bakit nag s-stay ang stress sa atin. Alam mo ba na stress is just a another problem sa buhay ng tao, na kailangan ng solution. Kung di mo bibigyan ng solusyon yan, walang mangyayare talaga.
Don't let your stress stay with you. You need to conquer it! Kasi kapag hinayaan mo na mag stay ang stress sayo, it will deal with your emotions. Na madalas nangyayare sa tao.
Hindi makapag decide ng maayos dahil sa stress. Di makapag trabaho ng maayos dahil sa stress. At higit sa lahat, hindi makagalaw ng maayos dahil sa stress.
Anong ending?
Walang nagagawa na maayos, bakit? Kasi ayaw mong bigyan ng solusyon yung stress mong yan eh. Sabi nga ni Chinkee Tan, "To every problem, there's always a solution, if you're not part of the solution then you're a part of the problem" which is tama naman talaga.
Stress? Kasi wala kang pera ngayon, ubos na savings mo? Find ways! Kung mag rereklamo ka lang diyan, at mag mumukmok, may mangyayare ba? Wala naman di ba? Na istress ka na, wala ka pa ring pera at ipon.
Stress? Kasi yung mga tao sa paligid mo ang toxic, tipong puro negative na lang. Block them or unfollow them! Ganun ka simple. Bakit mo hahayaan na sirain nila ang araw mo? Di ba? Kapag nagpaka stress ka sa kanila, talo ka. Sila tuwang tuwa kasi badtrip ka.
You see. Stress will reflect your emotions and actions, kung di mo bibigyan ito ng solutions at hindi mo ma-identify, wala, as in wala! Walang mangyayare sayo, wala ring magiging usad.
Magiging stagnant ka na lang, kakainin ka ng stress mo kasi hinahayaan mo ito na kainin ka. Pero in reality naman, it's all in the mind, na you can always control and make a difference.
Sana you can do something about your stress today, yes, today. Hindi bukas or sa susunod na araw lang, kasi kung papabayaan mo lang yan, walang mareresolba.
Today is the right time to deal with it. Alamin mo yung mga bagay na nagpapaka stress sayo at bigyan mo ng solusyon. Walang ibang makaka solve niyan kundi ikaw at ikaw lang din.
Kasi maaaring hindi stressful para sa akin, at sayo stressful, or stressful sa akin at sayo hindi. Tama ba? Kaya ikaw lang makaka deal ng stress mo. We have differences, that's why we have to deal with it on our own.
CTTO...