Radyo Pilipinas Zamboanga

Radyo Pilipinas Zamboanga Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Presidential Broadcast Service.

This is the official page of DXMR Radyo Pilipinas Zamboanga. You can post your comments, suggestions and public service announcements, greetings and belike.

30/08/2024

| August 30, 2024

Kasama sina Nords Maguindanao at Princess Habiba Sarip-Paudac

ISANG WELDING SHOP SA BAYAN NG R.T. LIM SA ZAMBOANGA SIBUGAY, NAKIPAGSOSYO SA DOST REGION-9Nakikipagsosyo sa Department ...
30/08/2024

ISANG WELDING SHOP SA BAYAN NG R.T. LIM SA ZAMBOANGA SIBUGAY, NAKIPAGSOSYO SA DOST REGION-9

Nakikipagsosyo sa Department of Science and Technology Region-9 (DOST-9) ang Magno Welding Shop sa bayan ng R.T. Lim sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.

Ang sosyohan ay pinagtibay sa pamamagitan ng paglagda ng isang Memorandum of Agreement (M.O.A.) upang mai-upgrade ang mga pasilidad ng naturang shop.

Ang inisyatiba ay ipinatupad ng DOST sa ilalim ng Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP).

Sa pamamagitan ng programa, inaasahang tataas ng 25% ang kita ng nasabing shop sa pamamagitan ng pagbili ng advanced equipment para sa precision grinding at stamping.

Magbibigay rin ito ng karagdagang trabaho sa mga residente, at makakaambag sa economic growth ng komunidad.

Ang SETUP ay isa sa mga flagship program ng DOST na dinisenyo upang matulungan ang mga small and medium businesses sa pamamagitan ng pagbigay ng technological and innovative support, kasama na ang process improvement, product development, testing services, at training. /CFC/

πŸ“Έ DOST Regional Office-9

LOKAL NA PAMAHALAAN NG ISABELA DE BASILAN, NAGHATID NG LIBRENG SERBISYO PARA SA MGA PDL NG LUNGSOD BILANG BAHAGI NG TUBE...
30/08/2024

LOKAL NA PAMAHALAAN NG ISABELA DE BASILAN, NAGHATID NG LIBRENG SERBISYO PARA SA MGA PDL NG LUNGSOD BILANG BAHAGI NG TUBERCULOSIS DAY

Inimbitahan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Isabela City ang City Health Office upang magsagawa ng lecture at magbahagi ng kaalaman patungkol sa Tuberculosis (TB) para sa Persons Deprived of Liberty (PDLs) ng BJMP, Kaumpurnah Zone - 1 kamakailan.

Naghatid din ang Tele and Mobile Health Unit (TMHU) ng CHO ng mga serbisyo tulad ng libreng medikal na konsultasyon at mga libreng medisina para sa mga PDL sa naturang pasilidad.

Nakapagsagawa rin ng health assessment at mga ebalwasyon sa 38 PDL sa lungsod kung saan binigyan ang mga ito ng libreng medisina base sa kanilang reseta habang ang iilan naman sa kanila ay ni-refer sa CHO Clinical Laboratory.

Isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Isabela de Basilan ang nasabing aktibidad bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Tuberculosis Day ngayong selebrasyon ng Lung Month na may temang "Hingang Ginhawa kapag Healthy lungs ang Buong Pamilya".///

(πŸ“· Isabela City LGU)

PCA-ZAMBOANGA SIBUGAY, NAGSAGAWA NG COCONUT PLANTING ACTIVITY SA SELEBRASYON NG NATIONAL COCONUT WEEKNagsagawa ng coconu...
30/08/2024

PCA-ZAMBOANGA SIBUGAY, NAGSAGAWA NG COCONUT PLANTING ACTIVITY SA SELEBRASYON NG NATIONAL COCONUT WEEK

Nagsagawa ng coconut planting activity ang Philippine Coconut Authority o PCA-Zamboanga Sibugay sa selebrasyon ng National Coconut Week.

Layon ng aktibidad na makamit ang national goal ng PCA na makapagtanim ng isang milyong puno ng niyog sa kasagsagan ng 138th National Coconut Week nitong taon.

Ang National Coconut Week para sa taong ito ay may temang, "Paghubog sa Pilipinong Magniniyog Daan sa Pag-angat ng Ekonomiya at Maunlad na Bagong Pilipinas."

Isinagawa rin ng PCA-Zamboanga Sibugay ang Coconut Farmers and Industry Development Plan o CFIDP Information Caravan, at ang Farmers and Stakeholders Assembly.

Layon nitong maisiwalat ang mga nagawa at mga plano ng PCA sa pagpapatupad ng CFIDP, katuwang ang iba't ibang mga ahensya ng pamahalaan.

Layon ng CFIDP na mapalago ang industriya ng niyog sa Pilipinas, at maiangat din ang buhay ng higit sa dalawang milyong magniniyog sa buong bansa.

Ang National Coconut Week ay ipinagdiriwang tuwing ika-23 hanggang 30 ng buwan ng Agosto bawat taon. /CFC/

πŸ“Έ PCA-Zamboanga Sibugay Provincial Office

CAPACITY-BUILDING WORKSHOP PARA SA PANIBAGONG COMMUNITY TSUNAMI ALERTING STATION (CTAS) SA MUNISIPALIDAD NG MABUHAY SA Z...
30/08/2024

CAPACITY-BUILDING WORKSHOP PARA SA PANIBAGONG COMMUNITY TSUNAMI ALERTING STATION (CTAS) SA MUNISIPALIDAD NG MABUHAY SA ZAMBOANGA SIBUGAY, ISINAGAWA NG DOST-IX

Pinangasiwaan ng Provincial Science and Technology Office (PSTO) ng Zamboanga Sibugay katuwang ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) at pamahalaang lokal ng Mabuhay ang isinagawang Tsunami Evacuation Workshop sa naturang munisipalidad kamakailan.

Nasa 80 mga indibidwal ang nakilahok sa nasabing workshop kabilang na ang mga nasa katabing munisipalidad ng Mabuhay tulad ng Payao, Talusan at Olutanga.

Ipinaunawa sa mga nakilahok sa naturang aktibidad kung papaano tumugon sa pagkakataon na mayroong tsunami, pagpapatibay ng kolaborasyon at ugnayan sa pagitan ng mga lokal na opisyal, emergency responders, at mga residente at ang pagbuo ng organisadong evacuation plan.

Iilan sa mga paksang tinalakay sa workshop ay ang Tsunami Early Warning System (TeWS) Visualization, PHIVOLCS Earthquake Intensity Scale (PEIS), community-based early warning systems, at iba pa.

Nagsagawa rin ng mga practical session na nakatuon sa tsunami evacuation at integration ng ika-86 na Community Tsunami Alerting Station (CTAS) sa Philippine TeWS.///

(πŸ“· DOST Regional Office No. IX)

HALOS P2M HALAGA NG PUSLIT NA YOSI, NASAMSAM SA PROBINSYA NG ZAMBOANGA DEL NORTENasamsam ng mga otoridad ang aabot sa 30...
30/08/2024

HALOS P2M HALAGA NG PUSLIT NA YOSI, NASAMSAM SA PROBINSYA NG ZAMBOANGA DEL NORTE

Nasamsam ng mga otoridad ang aabot sa 30 master cases ng puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng P1.7 milyong sa Munisipalidad ng Liloy, probinsya ng Zamboanga del Norte.

Ito ay matapos makatanggap ng report mula sa isang concern citizen ang Liloy Municipal Police Station patungkol sa mga inabandonang kontrabando sa baybayin ng Barangay Kayok sa nasabing munisipalidad.

Batay sa ulat ng Police Regional Office 9, agad na rumesponde kahapon ang pinagsanib na pwersa ng Liloy MPS, Maritime Police Station at 2nd Zamboanga del Norte Mobile Force Company sa natanggap na report at natagpuan sa nasabing lugar ang mga nagkalat na iba't ibang brand ng mga puslit na yosi.

Ang mga nasabat na kontrabando ay itinurover sa Zamboanga del Norte Maritime Police Station para sa tamang dokumentasyon.

Courtesy: Police Regional Office 9

PUBLIC ADVISORY| In response to queries regarding the suspension of afternoon classes today, Friday, August 30, 2024 in ...
30/08/2024

PUBLIC ADVISORY| In response to queries regarding the suspension of afternoon classes today, Friday, August 30, 2024 in light of inclement weather condition in some areas of Zamboanga City:

The Department of Education has given school heads the authority and discretion to suspend the conduct of in-person classes and shift to alternative delivery modes in cases of calamities.

Principals and school officials in affected areas are advised to coordinate with barangay officials with regard to their decision to suspend classes.

Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na importante sa foreign policy ng Pilipinas ang Permanent Court of Arbitr...
30/08/2024

Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na importante sa foreign policy ng Pilipinas ang Permanent Court of Arbitration. | ulat ni Alvin Baltazar

Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na importante sa foreign policy ng Pilipinas ang Permanent Court of Arbitration.

MGA MURANG BILIHIN, TAMPOK SA DALAWANG ARAW NA KADIWA NG PANGULO NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE SA ZAMBOANGA CITYTampok an...
30/08/2024

MGA MURANG BILIHIN, TAMPOK SA DALAWANG ARAW NA KADIWA NG PANGULO NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE SA ZAMBOANGA CITY

Tampok ang iba't ibang produkto ng mga magsasaka at lokal na negosyante sa Kadiwa ng Pangulo ng Department of Agriculture sa lungsod ng Zamboanga.

Matagumpay na isinagawa ng DA-9 ang Kadiwa ng Pangulo sa Rizal Street, nitong lungsod kung saan katuwang ng DA ang iilang mga ahensya ng pamahalaan kabilang na ang Department of Trade and Industry sa dalawang araw na aktibidad na magtatapos ngayong araw.

Layunin ng nasabing programa ng gobyerno na ipagpatuloy ang pagbibigay ng murang bilihin sa mga mamimili gayundin ang mabigyan ng pagkakakitaan ang mga magsasaka at Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs).

Courtesy: Department of Agriculture-ZamPen

30/08/2024

| August 30, 2024

Kasama si Joe Fernandez

30/08/2024

| August 30, 2024

Kasama si Alan Allanigue.

TINGNAN | Courtesy call kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ni Vietnam Minister of National Defense General Phan Van G...
30/08/2024

TINGNAN | Courtesy call kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ni Vietnam Minister of National Defense General Phan Van Giang. | via Alvin Baltazar


30/08/2024

| August 30, 2024

Nagpasalamat si Cavite Rep. Jolo Revilla kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang ipinagkaloob na tulong sa mga...
30/08/2024

Nagpasalamat si Cavite Rep. Jolo Revilla kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang ipinagkaloob na tulong sa mga mangingisdang apektado ng oil spill sa unang distrito ng Cavite. Aniya, sa kabila nang maulang panahon itinuloy pa rin ng punong ehekutibo ang kanyang distribution of Presidential Assistance, sa bayan ng General Trias Cavite. | ulat ni Melany Valdoz Reyes


Nagpasalamat si Cavite Representative Jolo Revilla kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang ipinagkaloob na tulong sa mga mangingisdang apektado ng oil spill saΒ unang distrito ng Cavite. Ayon kay Revilla, sa kabila nang maulang panahon itinuloy pa rin ng punong ehekutibo ang kanyang Distri...

NEDA Board approved the PhP3.8 billion Philippine Civil Service Modernization Project to enhance human resource manageme...
30/08/2024

NEDA Board approved the PhP3.8 billion Philippine Civil Service Modernization Project to enhance human resource management processes in the public sector.
Additional funds were also approved and extended the timeline for the Metro Manila Priority Bridges Seismic Improvement Project, as well as the inclusion of the Department of Agriculture (DA) and Department of Education (DepEd) in the NEDA Board.
Read: https://pco.gov.ph/NEDA-approves-CSC-modernization

29/08/2024

| August 30, 2024

Kasama sina Lorenz Tanjoco at Michael Rogas.

29/08/2024

| August 30, 2024

Kasama si Hero Robregado.

29/08/2024

| August 29, 2024

Kasama sina Nords Maguindanao at Princess Habiba Sarip-Paudac

29/08/2024

HIGIT ISANG LIBONG MGA MAGSASAKA SA ZAMBOANGA PENINSULA, SUMAILALIM SA ISINAGAWANG FINANCIAL LITERACY TRAINING NG DA-SAAD PROGRAM

Sumailalim ang higit sa isang libong mga magsasaka sa Zamboanga Peninsula sa mga serye ng Financial Management Training na isinagawa ng Department of Agriculture - Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Program Phase 2 sa naturang rehiyon kamakailan.

Nasa kabuuang 1,023 na mga magsasaka mula sa 39 na farmers' association (FA) ang nakilahok sa nasabing pagsasanay na naglalayong pagtibayin ang financial literacy ng mga ito.

Pinangasiwaan ng Marketing Assistance and Enterprise Development (MAED) Sub-unit ng SAAD Zamboanga Peninsula ang mga isinagawang training session para sa mga partisipante ng aktibidad.

Nakiisa rin ang mga area coordinator ng 20 munisipalidad na sakop ng SAAD sa naturang rehiyon sa paghahatid ng mga praktikal na kaalaman at kasanayan para sa epektibong paghawak ng mga magsasaka sa kanilang mga pananalapi.

Isinagawa ang nasabing pagsasanay upang matulungan ang mga magsasaka na masagot ang kani-kanilang mga hinaing at mga pangangailangan patungkol sa paghawak ng pera at pagkakaroon ng access sa mga serbisyong pinansyal.///

MGA PROYEKTO AT MGA ASOSASYONG BENEPISYARYO NG SAAD PROGRAM PHASE 2 SA ZAMBOANGA PENINSULA, MINOMONITOR NG DA REGION-9Si...
29/08/2024

MGA PROYEKTO AT MGA ASOSASYONG BENEPISYARYO NG SAAD PROGRAM PHASE 2 SA ZAMBOANGA PENINSULA, MINOMONITOR NG DA REGION-9

Sinimulan na ng Department of Agriculture Region-9 (DA-9) ang pagmo-manitor ng kanilang mga proyekto at mga asosasyon na naging benepisyaryo ng Special Area for Agricultural Development o SAAD Program Phase 2 na kanilang ipinatupad sa iba't ibang panig ng Zamboanga Peninsula.

Kahapon, sinuri ng mga tauhan ng SAAD program ang mga proyekto na kanilang ipinatupad sa bayan ng Sibutad sa lalawigan ng Zamboanga del Norte.

Kinilala rin nila ang potensyal na mga tagapamili o buyer ng mga produkto upang matupad at masunod ang mga tuntunin sa implementasyon ng programa.

Bitbit ng iba't ibang yunit ng programa na kinabibiblangan ng Social Preparation and Program Management (SPPM), Food Production and Livelihood (FPL), Marketing Assistance and Enterprise Development (MAED), at Information Technology and Database Development (IDD) ang kanilang mga porma para sa monitoring ng mga proyekto at mga asosasyon sa lugar.

Sinuri ng monitoring team ang Marapong SAAD Farmers' Association na mayroong Cattle and Rice Production Project, at ang Bagacay Farmers' Association na nabigyan naman ng Carabao Dispersal project ng DA-9 nitong taon. /CFC/

πŸ“Έ Department of Agriculture Regional Office-9

KAMPANYA KONTRA LOOSE FI****MS NG PNP, PINAIIGTING SA ZAMBOANGA CITYTiniyak ng Zamboanga City Police Office (ZCPO) na ma...
29/08/2024

KAMPANYA KONTRA LOOSE FI****MS NG PNP, PINAIIGTING SA ZAMBOANGA CITY

Tiniyak ng Zamboanga City Police Office (ZCPO) na mas hihigpitan pa nila ang kanilang kampanya kontra loose fi****ms sa Zamboanga City.

Ayon sa hepe ng lokal na pulisya, PCol. Kimberly Molitas, nakikipagtulungan sila kasama ang Regional Civil Security Unit 9 sa kanilang kampanya upang hikayatin ang mga gun owners na isurender ang mga hindi lisensyado o expired na mga baril.

Tinitingnan din ng ZCPO ang paglunsad ng isang caravan para mabigyan ng pagkakataon ang mga may-ari ng baril na makapagrehistro at makapag-renew ng kanilang lisensya.

Ito ay matapos ang isinagawang Command Conference ng Police Regional Office 9 kung saan ayon kay Molitas, iniulat ng Regional Chief ng Civil Security Unit 9 na nasa 7,000 loose fi****ms ang naitala sa lungsod ng Zamboanga.

Kung hindi makapagrehistro o mag-renew ng lisensya ang mga gun owner ay maaari umano silang pumunta sa mga himpilan ng pulis upang isurender sa pag-iingat ng mga otoridad ang kanilang baril hanggang sa marenew nila ito.

File photos (ZCPO)

β‚±1.2-M HALAGA NG SUPPORT FUND, IPINAGKALOOB NG DOST REGION-9 SA DATS MARINE PRODUCTS TRADING SA BAYAN NG ALICIA SA ZAMBO...
29/08/2024

β‚±1.2-M HALAGA NG SUPPORT FUND, IPINAGKALOOB NG DOST REGION-9 SA DATS MARINE PRODUCTS TRADING SA BAYAN NG ALICIA SA ZAMBOANGA SIBUGAY

Ipinagkaloob ng Department of Science and Technology Regional Office-9 (DOST-9) ang β‚±1.2-M halaga ng support fund sa Dats Marine Products Trading sa bayan ng Alicia sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.

Ang pondo ay hinatak ng DOST sa ilalim ng kanyang Community Empowerment through Science and Technology o CEST program.

Ang nasabing pondo ay inilaan para sa pag-a-upgrade sa fish cage facility ng Dats Marine Trading.

Kalakip sa proyekto ay ang pagkuha at paggamit ng isang yunit ng Norwegian Fish Cage Technology.

Ito'y sa layuning mapalago ang produksyon at kita ng kompanya, at makapaglikha rin ng karagdagang trabaho sa komunidad.

Ang implementasyon ng proyekto ay pinangasiwaan ng Provincial Science and Technology Office ng DOST-9 sa Zamboanga Sibugay. /CFC/

πŸ“· PIA Zamboanga Sibugay

29/08/2024

| August 29, 2024

Kasama si Janet Bayan.

29/08/2024

| August 29, 2024

Kasama si Alan Allanigue.

29/08/2024

| August 29, 2024

28/08/2024

| August 29, 2024

Kasama sina Lorenz Tanjoco at Michael Rogas.

Address

Baliwasan Chico
Zamboanga City
7000

Telephone

+639178210851

Website

https://radyopilipinas.ph/

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Radyo Pilipinas Zamboanga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Radyo Pilipinas Zamboanga:

Videos

Share