26/05/2023
OFW , akala nyo madali ang abroad
una, pag proseso ng papeles hirap kana
pangalawa , pag antay ng contrata at pag stay sa accommodation
pangatlo, pag dating ng contrata, excited ka na kinakabahan or halu halong mga niisip mo,
pang apat, nakarating ka ng abroad with out knowing kung mabait amo mo or else salabahe,, ika nga nila swerte2x lng,,
abutin ka ng ilang araw sa abroad dito mo na ma realize na malayu kana sa pamilya mo homesick lungkot puyat pagod pangungulila at isa na dyan ang iniisip mong umuwi,,
dto mo na maranasan sa isang araw minsan di ka makakain ng dalawang beses minsan makatulog ka ng 3 or 5 oras lng , ,pag ramadan wlang araw na hindi ka napagod, puyat kulang sa kain pagod at luha ang kapit mo, ,yung dami mong problema na wlang nakaka intindi sayo, wla kang malapitan wla kang makausap, , pasok sa cr iyak ,hugas mukha labas ngiti ulit na parang wlang nangyari, ,, kaya dito nyo sabihin mahihina kaming mga ofw, dahil di nyo alam paano kami nag tiis mabigyan lng kayo ng magandang kinabukasan, , di nyo alam sa tuwing malapit na ang sahod namin halos lumundag kame sa tuwa kc iniisip nmin na may ipapadala na nman kme,, di nyo alam kung gaano kme na sasaktan kung manghingi kayo at wla kameng maiibigay,, di nyo alam kung gaano rin ka sakit ang mag paramdam lng kayo sa oras na may pangangailangan kayo,, sa sobrang sakit di nyo alam na depression ang inaabot namin at wla kayo sa oras na magkasakit kame dahil sa problema sa pamilya,, di nyo alam kung paano kame nag tiis di kayo kausapin wag lang namin maramdaman na sa bawat tawag o chat nyo problema ang sumbong,, kaya sana kayong mga nasa pinas, pahalagahan nyo kame na nasa malayo at di kayo kasama kahit sa cellphone lang pasayahin nyo naman kame bigayn nyo nman kame na kahit anong kwento tungkol sa masasayang memorya,, di yung tatawag kayo at sumbong nyoy pruro problema,, pahalagahan nyo mga sinikap namin wag puru waldas dahil dito sa abroad puyat pagod luha insulto gutom at pawis ang inaabot namin bago namin makuha ang perang pinapadala nmin sa inyo,, sana lagi nyong tandaan di natin hawak ang buhay na meron tayo ngayon, anong oras o araw minuto taon petsa buwan segundo, pwde tayo mawala sa mundong ito,, payo ko lng sa pamilyang nasa pinas, learn to appreciate maliit o malaki ang binibigay sa inyo,, matutong mag pasalamat sa kahit anong bagay na binigay sa inyo,, dyan lng kame kumukuha ng kaligayan sa pag pahalaga nyo sa mga binibigay namin sa inyo,, sa ating mga ofw , wag puru bigay mag tira din tayo pra sa sarili natin dahil di natin alam anytime pwde tayo magakaroon ng aberya na pwde natin ikasisira sa ating amo or trbho, , minabuti na may tinabi tayong konting ipon pra sa incase of emergency,, payo ko lng sa pamilyang nasa pinas,, wag puru hingi matuto din tayo kumayod dahil di lahat ng OFW ay nag gustong mag stay sa abroad,, kadalasan maraming gustong umuwi pero pinipilit ang sarili na mag extend dahil wla pang ipon,,
ng pamilya sa pinas ang kailangan namin mga OFW, ,