The Traveller

The Traveller basic life of A muslim a simple way to know more about Islamic laws

13/12/2024

Hadith:
عَنْ عَبْدِ اللهِ بنِ مَسْعُوْدْ -رضي الله عنه- قَالَ: حَدَّثَنَا رَسُوْلُ اللهِ صلى الله عليه وسلم وَهُوَ الصَّادِقُ المَصْدُوْقُ: {إِنَّ أَحَدَكُمْ يُجْمَعُ خَلْقُهُ فِيْ بَطْنِ أُمِّهِ أَرْبَعِيْنَ يَوْمَاً نُطْفَةً، ثُمَّ يَكُوْنُ عَلَقَةً مِثْلَ ذَلِكَ،ثُمَّ يَكُوْنُ مُضْغَةً مِثْلَ ذَلِكَ،ثُمَّ يُرْسَلُ إِلَيْهِ المَلَكُ فَيَنفُخُ فِيْهِ الرٌّوْحَ،وَيَؤْمَرُ بِأَرْبَعِ كَلِمَاتٍ: بِكَتْبِ رِزْقِهِ وَأَجَلِهِ وَعَمَلِهِ وَشَقِيٌّ أَوْ سَعِيْدٌ. فَوَالله الَّذِي لاَ إِلَهَ غَيْرُهُ إِنَّ أَحَدَكُمْ لَيَعْمَلُ بِعَمَلِ أَهْلِ الجَنَّةِ حَتَّى مَا يَكُوْنُ بَيْنَهُ وَبَيْنَهَا إلاذِرَاعٌ فَيَسْبِقُ عَلَيْهِ الكِتَابُ فَيَعْمَلُ بِعَمَلِ أَهْلِ النَّارِ فَيَدْخُلُهَا، وَإِنَّ أَحَدَكُمْ لَيَعْمَلُ بِعَمَلِ أَهْلِ النَّارِ حَتَّى مَايَكُونُ بَيْنَهُ وَبَيْنَهَا إلا ذِرَاعٌ فَيَسْبِقُ عَلَيْهِ الكِتَابُ فَيَعْمَلُ بِعَمَلِ أَهْلِ الجَنَّةِ فَيَدْخُلُهَا.} رواه البخاري ومسلم.

Kahulugan ng Hadith:
Ayon kay Abu Abdir Rahmaan ibn Mas’ud [kalugdan siya ni Allah] na nagsabi: “Sinabi sa amin ng Sugo ni Allah na siya ay makatotohanan, at mapaniniwalaan: “Katotoohanan ang pagkakalikha sa bawat isa sa inyo ay inipon sa sinapupunan ng kanilang ina sa loob ng apatnapung araw na isang patak (na semilya ng lalaki at babae), at pagkatapos ito ay namuong dugo (‘alaqah) sa ganoon ring katagal na araw; at pagkatapos ito ay namuong laman (mudhgah) sa ganoon ring katagal na araw; at pagkatapos ay ipapadala sa kanya ang anghel upang iihip sa kanya ang kanyang kaluluwa (rooh) at may (kasamang) kautusan tungkol sa apat na kataga; upang itala ang kanyang panustos, ang tagal (o taning) ng kanyang buhay, ang kanyang mga gawa, kung siya ay magiging maligaya o hindi [kung siya ay papasok o hindi sa Paraiso]. Katiyakang ako’y sumusumpa kay Allah na walang diyos (na dapat sambahin) bukod sa Kanya, katunayan mayroon sa inyo ang gumagawa ng mga gawaing kasintulad ng mga gawain ng taong mananahanan ng Paraiso hanggang sa malagyan ito ng hadlang na kasinghaba ng bisig (ng kamay) sa pagitan niya (ng Paraiso). Pagkatapos, siya ay maaabutan ng kasulatan (na nakatadhana sa kanya), na siya ay gagawa ng mga gawaing kasintulad ng mga gawain ng taong mananahanan ng Imipyerno at siya ay makakapasok doon. Katunayan mayroon sa inyo ang mga gumagawa ng gawaing kasintulad ng mga gawain ng taong mananahanan ng Impiyerno, hanggang malagyan ito ng hadlang na kasinghaba (o kasinlayo) ng kamay sa pagitan niya (ng Impiyerno). Pagkatapos, siya ay maaabutan ng kasulatan (na nakatadhana sa kanya), na siya ay gagawa ng mga gawaing kasintulad ng mga gawain ng taong mananahanan ng Paraiso at siya ay makakapasok doon.” Iniulat ni Bukhaari at Muslim

Mapupulot na Aral:
1. Kahusayan ng pamamaraan ni ‘Abdullah bin Mas’ud [kalugdan siya ni Allah] – na ang kanyang mga pananalita ay mahusay at mapitagan.

2. Kailangan sa tao na kanyang tiyakin ang isang balita o impormasyon na dapat malaman ng tao ang katiyakan nito, sa anumang paraan o uri ng pagpapatotoo.

3. Ang katiyakan sa pagbabalita o pagbibigay ng impormasyon ay pamantayan sa pagiging makatotohanan at mapagkakatiwalaang tao, batay sa sinabi ni Ibn Mas’ud [kalugdan siya ni Allah]:
“wa huwa as sádiq al masdúq” o “at siya ay totoo at mapagkakatiwalaan”.

4.Tunay na ang tao ay nabubuo ang paglikha sa kanya sa loob ng sinapupunan ng kanyang ina sa pamamaraang binanggit ng Propeta Muhammad [sallallahu ‘alayhi wa sallam] sa Hadith.

5. Hikmah ni Allah (karunungan ni Allah) sa bawat yugto ng sanggol sa loob ng sinapupunan mula sa pagiging nutfah hanggang sa naging ‘alaqah at pagkatapos ay mudhgah.

6. Na ang pag-ihip ng rúh (kaluluwa) ay mangyayari pagkatapos ng kabuuan ng apat na buwan, batay sa sinabi ni Propeta Muhammad [sallallahu ‘alayhi wa sallam]:
ثمَّ يُرْسَلُ إلَيْهِ الْمَلَكُ فَيَنْفُخُ فيهِ الرُّوحَ
“..at pagkatapos ay ipapadala sa kanya ang anghel upang iihip sa kanya ang kanyang kaluluwa (rúh)”

7. Ang Hadith ay nagpapakita ng Pangangalaga ni Allah sa Kaniyang mga nilikha (tao) na kung saan may naatasan na anghel para sa kanila noong sila ay nasa loob ng tiyan ng kanilang mga magulang upang mangalaga sa kanila, at sa paglabas nila sa mundo mula sa sinapupunan ng kanilang mga magulang ay may inatasan na anghel para sa kanila para mangalaga. At gayun din kapag sila ay babawian ng buhay, lahat ng ito ay malinaw na batayan sa pangangalaga ni Allah sa atin bilang Kanyang mga nilikha.

8. Tunay na ang mga anghel ay mga nilikha at alipin din ni Allah, sila rin ay inuutusan at pinagbabawalan, batay sa sinabi ni Propeta Muhammad [sallallahu ‘alayhi wa sallam]: “wa ya’muru bi-arbai’ kalimaat” “ at siya ay inutusan na isulat ang apat na kataga”, at ang nag-utos sa kanila ay walang iba kundi si Allah.

9. Ang apat na katagang ito ay nakasulat sa tao, ito ay ang kanyang rizq (panustos), ajal (itatagal ng kanyang buhay), ‘amal (kanyang gawa) , shaqiy o sa’eed (paraiso o impyerno).

10. Na ang tao ay walang kaalaman sa kung ano ang mga nakasulat para sa kanya, kaya naman siya ay inutusan na magpunyagi at kumilos para makamit ang anumang nakakabuti sa kanya, at maiwasan ang anumang nakakapinsala sa kanya.

11. Na ang huling hantungan ng angkan ni Adan ay dalawang bagay lamang; tagumpay at kasawian. Ipinahayag ni Allah:
فَمِنْهُمْ شَقِيٌّ وَسَعِيدٌ
“At mayroon sa kanila na malumbay (sawing-palad) at maligaya.” [surah Hud:105]
Sinabi pa ni Allah:
هُوَ الَّذِي خَلَقَكُمْ فَمِنكُمْ كَافِرٌ وَمِنكُم مُّؤْمِنٌ ۚ
“Siya ang lumikha sa inyo, at mayroon sa inyo na tumatangging sumampalataya at mayroon sa inyo na mananampalataya.” [surah attagabun:02]

Hilingin natin kay Allah na tayo ay ibilang Niya mula sa mga mapapalad na makakamtan nila ang habag, awa at Paraiso ni Allah, tunay na Siya ang dumidinig sa aliping nanalangin sa Kanya at Siya ay tunay na malapit sa atin. Ámen

Pangkalahatang Paliwanag:
Ang Hadith ay nagpapahayag kung paano nabubuo ang paglikha sa isang tao sa loob ng sinapupunan ng kanyang ina, at ang hadith ay saligan sa paniniwala sa Qadar (Tadhana).

Sahabah:
Siya si Abu Abdir Rahman Abdullah ibn Mas’ud o Abdullah ibn Mas’ud (radiyallahu anhu),

ang tagapag-ingat ng tsinelas ng Rasulullah (sallallahu alayhi wa sallam).

Kabilang siya sa mga maaalam sa Islam sa mga sahabah,
at nabanggit niya na mahigit sa pitumpung surah sa Qur-an ang direktang naisaulo niya mula mismo sa bibig ng Rasulullah (sallallahu alayhi wa sallam).

Siya rin ay may magandang boses sa pagbabasa ng Qur-an
at ang kauna-unahang nagbasa ng Qur-an na hayag sa publiko ng Makkah maliban pa sa Rasulullah (sallallahu alayhi wa sallam).

12/12/2024

Hadith 4

Pag-iingat sa pananalita

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ, أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صلَّى اللَّه عليه وسلَّم قَالَ ‏ "‏إِنَّ الْعَبْدَ لَيَتَكَلَّمُ بِالْكَلِمَةِ مَا يَتَبَيَّنُ مَا فِيهَا يَهْوِي بِهَا فِي النَّارِ أَبْعَدَ مَا بَيْنَ الْمَشْرِقِ وَالْمَغْرِبِ" مُتَّفَقٌ عَلَيْهِ

Meaning:
Ayon kay Abú Hurayrah (RA) ang Sugo ni Allah (ﷺ) ay nagsabi: “Tunay na ang tao ay talagang makapagsalita ng salitang hindi niya napaglinawan, na matitisod siya dahil dito sa Impiyerno na higit na malayo kaysa sa pagitan ng silangan at kanluran.” (Muttafaq ‘Alayhi)

11/12/2024

Hadith:
عَنْ أَبِيْ عَبْدِ اللهِ النُّعْمَانِ بْنِ بِشِيْر- رضي الله عنهما- قَالَ: سَمِعْتُ رَسُوْلَ اللهِ صلى الله عليه وسلم يَقُوْلُ: {إِنَّ الحَلالَ بَيِّنٌ وَإِنَّ الحَرَامَ بَيِّنٌ وَبَيْنَهُمَا أُمُوْرٌ مُشْتَبِهَات لاَ يَعْلَمُهُنَّ كَثِيْرٌ مِنَ النَّاس،ِ فَمَنِ اتَّقَى الشُّبُهَاتِ فَقَدِ اسْتَبْرأَ لِدِيْنِهِ وعِرْضِه، وَمَنْ وَقَعَ فِي الشُّبُهَاتِ وَقَعَ فِي الحَرَامِ كَالرَّاعِي يَرْعَى حَوْلَ الحِمَى يُوشِكُ أَنْ يَقَعَ فِيْهِ. أَلا وَإِنَّ لِكُلِّ مَلِكٍ حِمَىً . أَلا وَإِنَّ حِمَى اللهِ مَحَارِمُهُ، أَلا وإِنَّ فِي الجَسَدِ مُضْغَةً إِذَا صَلَحَتْ صَلَحَ الجَسَدُ كُلُّهُ وإذَا فَسَدَت فَسَدَ الجَسَدُ كُلُّهُ أَلا وَهيَ القَلْبُ} رواه البخاري و مسلم

Kahulugan ng Hadith:
Mula kay Abu ‘Abdullah na si Nu’maan ibn Basheer [kalugdan sila nI Allah]: ‘narinig ko na sinabi ng Sugo ni Allah [sallallahu ‘alayhi wa sallam]: “Tunay na ang Halal (pinahihintulutan) ay malinaw at ang haram (ipinagbabawal) ay malinaw at sa pagitan ng dalawang ito ay mga bagay na kaduda-duda na hindi alam ng karamihan sa mga tao. Samakatuwid, ang sinuman ang umiwas sa mga bagay na kaduda-duda ay nalinis (o napangalagaan) niya ang kanyang relihiyon at dangal (karangalan), subalit ang sinuman ang pumasok (o gumawa) sa mga bagay na kaduda-duda ay nakagawa ng ipinagbabawal na tulad ng isang pastol na namamastol sa isang pook na malapit sa himā (santuwaryo) ng iba at maaring kahit anumang oras siya ay may pananagutang makapasok ang mga alaga nito at kumain dito. Pagka-ingatan; katotohanan, bawat hari ay may santuwaryo, at pagkaingatan, katotohanan ang santuwaryo ni Allah ay ang Kanyang mga ipinagbabawal. At katunayan, sa ating katawan ay may kapirasong laman na kung ito ay napapabuti ang buong katawan ay mapapabuti, subalit kung ito ay nasira, ang buong katawan ay magiging sira, At tunay na ito ang puso.” Naiulat ni Bukhaari at Muslim

Mapupulot na Aral:
1. Nahahati ang mga bagay sa tatlong kalagayan: Malinaw na Halal, malinaw na Haram, at ang pangatlo ay ang mushtabih o shubuhát.

At ang mga sumusunod ay ang hukom o hatol sa bawat isa at ang mga halimbawa nito:

• Malinaw na pinahihintulutan: walang pagkakasala sa isang tao kung ito ay kanyang tatangkilikin. At kabilang sa halimbawa nito ay ang pagtamasa sa mga pinahihintulutan ni Allah mula sa pagkaing-butil, mga bunga ng kahoy, pananamit at iba pang-uri. Ang mga bagay na ito ay malinaw na pinahihintulutan ni Allah.

• Malinaw na pinagbabawal: sinumang tao ang gumawa nito ay magkakasala. At kabilang sa halimbawa nito ay ang pag-inom ng alak, Riba (Utang na may Interest), pagkain ng patay na hayop, pagkain ng karne ng baboy at ibang pang bagay na ipinagbawal sa Islam. Ang hukom nito ay malinaw na Haram.

• Mga kahina-hinalang bagay: ang tungkol dito ay may pagkakasalungatan sa pagitan ng mga tao, na kung saan matutunghayan mo na pinagbabawal ng iba at pinahihintulot naman ng iba ang isang bagay. At ang iba naman sa kanila ay walang sinasabi, at ang iba naman ay binigyan ng paglilinaw at detalyadong pagpapaliwanag.

Halimbawa ng kahina-hinalang bagay: Ang paninigarilyo noong unang labas nito na kung saan ito'y kahina-hinala o hindi tiyak ang hatol nito sa karamihan, hanggang sa dumating ang panahon na ito’y natuklasan ng mga dalubhasang mga manggagamot ang tungkol sa masamang epekto sa tao pagkaraan nilang mapag-aralan ang realidad ng sigarilyo at kanilang napagkasunduan na ito'y nakakasama.

Samakatuwid, noong unang labas ng tabako ay naging kahina-hinala at hindi kabilang sa bagay na malinaw (kung ito ba ay halál o harám), pagkatapos ng masusing pag-aaral ay napatunayan kung ano ang masamang dulot nito at ang pagiging harám nito.

2. Ang ilan sa mga dahilan ng pagkakaroon ng Shubuhat (kahina-hinala) sa isang bagay ay apat:

a- Kakulangan ng kaalaman: ito'y nagdudulot sa pagkakaroon ng paghihinala o pagdududa sa isang bagay, dahil ang may malawak na kaalaman ay nababatid niya ang mga bagay na hindi alam ng iba.

b- Kakulangan ng pang-unawa (pagsusuri): ibig sabihin, mahina ang pang-unawa ng isang tao at ang kanyang pagsusuri sa isang bagay.

Tunay na marami ang may kaalaman ngunit hindi lahat ay may malawak na pang-unawa o pagsusuri. Kaya ito'y kabilang sa nagiging sanhi ng pagkakaroon ng pag-aalinlangan o paghihinala.

c- Kapabayaan o kakulangan sa pagsasalarawan o pagsisiyasat: walang pagkawili sa pag-uusisa, pagsisiyasat at pagtukoy sa kahulugan na kinakailangan sa isang bagay.

d- Ang pagkakaroon ng masamang hangarin: kung saan ang hangarin niya lamang ay ang mangibabaw ang kanyang pananaw nang walang pagsusuri sa pagiging tama o mali nito. Kaya, ang sinuman na may ganitong layunin ay hindi maaaring pinagkukuhaan ng kaalaman dahil ito'y kanyang ibinatay sa kanyang pansariling interest.

At ang mga istibah (kahina-hinala) na ito ay hindi matatagpuan sa lahat ng tao. Ang patunay nito ay ang mismong sinabi ni Propeta Muhammad (sallallahu ‘alayhi wa sallam) sa hadith “laa ya’lamuhunna katheerun minan naasi” , “hindi batid ng maraming mga tao” – ibig sabihin, marami ring tao ang nakababatid.

“At mula sa mismong diwa nito, na kung kahina-hinala ang mga batayan sa (Qur’an at Hadith) sa lahat ng tao ay hindi magiging patnubay ang Qur’an at mananatiling may mga bagay mula sa Shari’ah (batas ng Islam) ang hindi batid, at yan ay imposible at hindi maaaring mangyari.

3. Hikmah (karunungan) ni Allah sa pagbanggit ng mga hindi tiyak at kaduda-dudang bagay upang mangibabaw kung sino ang higit na masugid at sinong hindi sa pagsaliksik ng kaalaman.

4. Paghihimok na iwasan at layuan ang mga bagay na kahina-hinala kung may malinaw na batayan na ang bagay na yaon ay isang kahina-hinala. Ngunit kung wala namang batayan sa pagiging kahina-hinala nito, ito ay matatawag na waswaas (bulong) lamang ni Shaytaan. Ngunit kung sakali namang natagpuan ang malinaw at tiyak na kahina-hinalang bagay ay kinakailangan sa isang tao na iwanan at iwasan ang mga bagay na ito.

Halimbawa: inulat mula sa Sahih al Bukhari mula kay ‘Aaishah (radiyallahu ‘anhaa) na may mga grupo ng tao ang dumating kay Propeta Muhammad (sallallahu ‘alayhi wa sallam) at kanilang sinabi:

“O sugo ni Allah, may mga taong dumarating sa amin na nagdadala ng karne at hindi namin alam kung ito ba ay binanggit nila ang pangalan ni Allah sa kanilang pangangatay o hindi? sinabi ng Sugo ni Allah:
“سموا أنتم وكلوا

"kainin ninyo at magbanggit kayo ng bismillah.”

Tanong: Sa bagay na ito, maari ba nating iwasan ang karneng ito dahil tayo ay nangangamba na baka hindi binanggit ang pangalan ni Allah noong ito ay kinatay?

Sagot:
“Huwag kang umiwas, dahil wala namang bagay na dapat iwasan, kaya’t malinaw na nabanggit sa Hadith na sinabi ni Propeta Muhammad (sallallahu ‘alayhi wa sallam) ‘kainin ninyo at magbanggit kayo ng bismillah’, para bang binulyawan sila ng Propeta, na para bang sinabi niya; ‘wala kayong pananagutan sa gawain ng iba sa inyo, bagkus ang pananagutan ninyo ay ang mga ginagawa ninyo, kaya’t kainin ninyo at banggitin ninyo ang pangalan ni Allah.’

Kabilang na rito, kung bibigyan ka ng karneng baka halimbawa ng isang Hudyo o Kristiyano, huwag mo na itong tanungin kung ito ba ay kinatay na naaayon sa Islam o hindi, dahil ang ganoong katanungan ay walang kabuluhan, at ito ay kabilang sa pagmamalabis.

5. Ang gumagawa ng mga kahina-hinalang bagay ay nakagawa ng haraam; batay sa sinabi ni Propeta Muhammad (sallallahu ‘alayhi wa sallam); “wa man waqa’a fish shubuhaati waqa’a fil haram”, “ang sinuman ang pumasok (o gumawa) sa mga bagay na kaduda-duda ay nakagawa ng ipinagbabawal.”

6. Kahusayan ng pagtuturo ni Propeta Muhammad (sallallahu ‘alayhi wa sallam), na kung saan siya ay nagbibigay ng malinaw na halimbawa na nakikita’t nangyayari upang lubusang maunawaan ang ibig iparating o ang diwa nito sa kaisipan, at ganito din ang pamamaraan ng Maluwalhating Qur’an, tulad ng sinabi ni Allah:

وَتِلْكَ الْأَمْثَالُ نَضْرِبُهَا لِلنَّاسِ ۖ وَمَا يَعْقِلُهَا إِلَّا الْعَالِمُونَ

“At ito ang mga parabola na Aming ibinibigay bilang halimbawa sa sangkatauhan; nang sa gayon ay mapakinabangan nila at matutunan, subalit walang sinuman ang makaiintindi nito maliban sa kanila na nakakikilala kay Allâh, sa Kanyang mga talata at batas.” [Surah ankabuut:43].

7. Saddud Dhari’ah: na ang kahulugan ay ang anumang kaparaanan na magdudulot o mag-aakay papunta sa haraam ay kinakailangang wakasan upang hindi mahulog sa paggawa ng ipinagbabawal. At ang Saddud Dhari’ah ay kabilang sa Islamikong batayan na isinaalang-alang, at ang pamamaraang ito ay nabanggit mismo sa Qur’an, sinabi ni Allah:

وَلَا تَسُبُّوا الَّذِينَ يَدْعُونَ مِن دُونِ اللَّهِ فَيَسُبُّوا اللَّهَ عَدْوًا بِغَيْرِ عِلْمٍ ۗ

"Huwag ninyong kutyain ang mga rebulto o anumang sinasamba ng mga ‘Mushrikûn,’ upang hindi ito ang maging dahilan ng kanilang pangungutya kay Allâh, dahil sa kanilang kamangmangan o pagbibigay ng paratang sa Kanya na wala naman silang kaalaman.” [Suurah al-ānam: 108]

Dito ipinagbawal ni Allah ang pangungutya o panginginsulto sa mga sinasamba ng hindi mga mananampalataya dahil ito ay nagsisilbing kaparaanan upang kutyain si Allah.

8. Ang puso ang siyang sentro o saligan sa pagiging mabuti at masama, kung ito'y naging mabuti ay mapapabuti ang pisikal na gawain, at kung ito naman ay nasira ay masisira din ang pisikal na gawain.

Bilang sangay mula sa aral na ito, kinakailangan na pangalagaan ang puso ng mas higit kaysa sa pangangalaga niya sa kanyang pangangatawan dahil ang puso ang siyang pinaghuhugutan ng mga gawa.

At ang puso ang siyang sinusubok at kukuwentahin sa Araw ng Pagbabangon Muli. Sinabi ni Allah:

أَفَلَا يَعْلَمُ إِذَا بُعْثِرَ مَا فِي الْقُبُورِ وَحُصِّلَ مَا فِي الصُّدُورِ

﴾Hindi ba batid ng tao, kung ano ang naghihintay sa kanya kapag inilabas na ni Allâh ang mga patay mula sa kanilang mga libingan para sa paghuhukom at pagbabayad? At ilalantad na ang anumang kinimkim ng mga dibdib (mabuti man o masama).} [Suurah al-ádiyaat: 9/10]

9. Sa Hadith na ito ay isang tugon sa mga makasalanan, na kung sila ay pagbabawalan sa mga pagkakasala ay kanilang sasabihin: {at taqwaa haa hunaa} “ang taqwa (pagkatakot kay Allah) ay nandito), sabay turo sa kanyang dibdib’.

Sinabi ni Shaykh Uthaimen (rahimahullah):
“Tunay na siya ay gumamit ng tamang batayan sa maling paraan dahil ang mismong nagsabi ng:“(التقوى هاهنا)

“Ang pagkatakot ay nandito (sa puso)” ay ang Mahal na Propeta Muhammad (sallallahu ‘alayhi wa sallam), na ang ibig sabihin nito: kapag natatakot ang nasa loob nito (puso) ay matatakot din ang pangangatawan sa pamamagitan ng paggawa ng pagsamba.
“At ang maaring tugon sa kanitong pagwawangis at pangangatwiran ay sadyang napakadali, at ito na ating sasabihin: ‘kung mapapabuti ang nasa loob nito (puso), ay mapapabuti din ang panglabas nito (pangangatawan), dahil sinabi ng Sugo ni Allah (sallallahu ‘alayhi wa sallam):
“ sa ating katawan ay may kapirasong laman na kung ito ay napapabuti ang buong katawan ay mapapabuti, subalit kung ito ay nasira, ang buong katawan ay magiging sira. At tunay na ito ang puso.”

Pangkalahatang Paliwanag:
Ang Hadith ay nagpapaliwanag kung paano pakikitunguhan ang mga SHUBUHÁT (mga kaduda-duda o hindi malinaw ang hatol) at ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng Shubuhát.

Sahabah:
Si Abu Abdillah An-Numan ibn Bashir o An-Numan ibn Bashir (radiyallahu anhuma) na kabilang sa mga Ansar ay ipinanganak sa taon ng Hijrah sa Madinah ayon kay Al-Bukhari.

Nakapagsalaysay siya tungkol sa Rasulullah (sallallahu alayhi wa sallam) ng mahigit sa isang daan.

Siya ay naging pinuno sa Kufah sa panahon ni Muawiyah ibn Abi Sufyan (radiyallahu anhu).

Mufradats Key:
1. halal/حلال: mga bagay at gawaing ipinahintulot ni Allah.

2. haram/حرام: mga bagay at gawaing ipinagabawal ni Allah; tingnan sa Hadith 5 ang karagdagang pagpapakahulugan.

3. shubuhat/شبهات: mga gawaing di tiyak o may pag-aalinlangan ang tao sa hatol o hukm nito kung ito ba ay halal o haram; ang pang-isahan nito ay shubhah/شبهة.

4. hukm/حكم: hatol; batas; pasya sa isang gawain kung ito ba ay maaari, bawal, kanais-nais o di kanais-nais.

5. subhanallah/سبحان الله: kaluwalhatian kay Allah.

11/12/2024

Hadith 73

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ, أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صلَّى اللَّه عليه وسلَّم قَالَ ‏ "‏ كَانَ رَجُلٌ يُدَايِنُ النَّاسَ فَكَانَ يَقُولُ لِفَتَاهُ إِذَا أَتَيْتَ مُعْسِرًا فَتَجَاوَزْ عَنْهُ لَعَلَّ اللَّهَ يَتَجَاوَزُ عَنَّا ‏.‏ فَلَقِيَ اللَّهَ فَتَجَاوَزَ عَنْهُ ‏"‏ ‏.‏ متفق عليه

Meaning:
Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ang Sugo ni Allah (SAS) ay nagsabi: “May isang lalaki noon na nagpapautang sa mga tao at sinasabi nito noon sa utusan nito: Kapag pinuntuhan ka ng isang nagigipit ay palampasin mo [ang pagkakautang] nito; hari nawa si Allah ay magpapalampas sa [pagkakasala] natin. Kaya [kapag] nakatagpo nito si Allah ay palalampasin din Niya [ang pagkakasala] nito.” (Muttafaq ‘Alayhi:3480, 1562.)

21/11/2024

Hadith 5

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ ـ رضى اللَّه عنه ـ عَنِ النَّبِيِّ صلَّى اللَّه عليه وسلَّم أَنَّهُ قَالَ ‏ "‏إِنَّ اللَّهَ يَغَارُ وَغَيْرَةُ اللَّهِ أَنْ يَأْتِيَ الْمُؤْمِنُ مَا حَرَّمَ اللَّهُ"‏‏. مُتَّفَقٌ عَلَيْهِ

Meaning:
Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ang Sugo ni Allah (ﷺ) ay nagsabi: “Tunay na si Allah ay naninibugho at ang paninibugho ni Allah ay na gawin ng mananampalataya ang ipinagbawal ni Allah.” (Muttafaq ‘Alayhi.)

19/11/2024

Hadith:
عَنْ أَبِيْ عَبْدِ الرَّحْمَنِ عَبْدِ اللهِ بْنِ عُمَرَ بْن الخَطَّابِ رَضِيَ اللهُ عَنْهُمَا قَالَ: سَمِعْتُ النبي صلى الله عليه وسلم يَقُوْلُ: (بُنِيَ الإِسْلامُ عَلَى خَمْسٍ: شَهَادَةِ أَنْ لاَ إِلَهَ إِلاَّ الله وَأَنَّ مُحَمَّدَاً رَسُوْلُ اللهِ، وَإِقَامِ الصَّلاةِ، وَإِيْتَاءِ الزَّكَاةِ، وَحَجِّ البِيْتِ، وَصَوْمِ رَمَضَانَ) رواه البخاري و مسلم.

Kahulugan ng Hadith:
Ayon kay Abi ‘Abdir Rahmaan na siya ay si ‘Abullah na anak ni ‘Umar bin al-Khattáb [kalugdan sila ni Allah] na nagsabi: ‘narinig ko ang Propeta ni Allah [sallallahu ‘alayhi wa sallam] na kanyang sinabi: “ Itinayo ang Islam batay sa lima (limang haligi): Ang pagsaksi na walang ibang diyos na karapat-dapat sambahin maliban lamang kay Allah at si Muhammad ay sugo ni Allah, ang pagtatayo sa mga pagdarasal (ng limang beses), pagbibigay ng Zakah, ang pagsasagawa ng hajj, at ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan.” Iniulat ni Bukhári at Muslim.

Mapupulot na Aral:
1. Nabanggit sa Hadith na ang Islam ay parang isang gusali na itinayo sa Limang Haligi na hindi ito tatayo kung hindi kumpleto ang limang haligi na ito, na gayundin ang muslim na hindi magiging matuwid ang pagiging muslim niya kung hindi niya maisabuhay ang limang haligi na ito.

2. Ang lahat ng Haligi ng Islam ay may mga panuntunan, mga kondisyon at tamang pamamaraan (ahkam wa ádab). Mahalaga na batid natin ang mga ito [ahkam at adab] at palagi nating paalalahanan ang ating mga sarili, lalo’t higit tuwing bago dumating ang Ramadan o bago isagawa ang Hajj, upang maisagawa natin ang mga Haligi ng tama at naaayon sa Katuruan ng Mahal na Propeta (sallallahu ‘alayhi wa sallam).

13/11/2024

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ ‏- رضى اللَّه عنه ‏- قَالَ: قَالَ رَسُولُ اَللَّهِ ‏- صلَّى اللَّه عليه وسلَّم ‏{ إِيَّاكُمْ وَالظَّنَّ, فَإِنَّ اَلظَّنَّ أَكْذَبُ اَلْحَدِيثِ } مُتَّفَقٌ عَلَيْهِ

Meaning:
Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ang Sugo ni Allah (ﷺ) ay nagsabi: “Mag-ingat kayo sa pag-aakala sapagka't tunay na ang pag-aakala ay pinakasinungaling na pangungusap.” (Muttafaq ‘Alayhi.)

12/11/2024

Hadith:
عَنْ عُمَرَ -رضي الله عنه- أَيضاً قَال: بَيْنَمَا نَحْنُ جُلُوْسٌ عِنْدَ رَسُولِ اللهِ صلى الله عليه وسلم ذَاتَ يَوْمٍ إِذْ طَلَعَ عَلَيْنَا رَجُلٌ شَدِيْدُ بَيَاضِ الثِّيَاب شَدِيْدُ سَوَادِ الشَّعْرِ لاَ يُرَى عَلَيْهِ أَثَرُ السَّفَرِ وَلاَ يَعْرِفُهُ مِنَّا أَحَدٌ حَتَّى جَلَسَ إِلَى النبي صلى الله عليه وسلم فَأَسْنَدَ رُكْبَتَيْهِ إِلَى رُكْبَتَيْهِ وَوَضَعَ كَفَّيْهِ عَلَى فَخِذَيْهِ وَقَالَ: يَا مُحَمَّدُ أَخْبِرْنِي عَنِ الإِسْلاَم، فَقَالَ رَسُولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم: {الإِسْلاَمُ أَنْ تَشْهَدَ أَنْ لاَ إِلَهَ إِلاَّ اللهُ وَأَنَّ مُحَمَّدَاً رَسُولُ الله،وَتُقِيْمَ الصَّلاَة، وَتُؤْتِيَ الزَّكَاةَ،وَتَصُوْمَ رَمَضَانَ، وَتَحُجَّ البيْتَ إِنِ اِسْتَطَعتَ إِليْهِ سَبِيْلاً قَالَ: صَدَقْتَ. فَعَجِبْنَا لَهُ يَسْأَلُهُ وَيُصَدِّقُهُ، قَالَ: فَأَخْبِرْنِيْ عَنِ الإِيْمَانِ، قَالَ: أَنْ تُؤْمِنَ بِالله،وَمَلائِكَتِه،وَكُتُبِهِ وَرُسُلِهِ،وَالْيَوْمِ الآَخِر،وَتُؤْمِنَ بِالقَدَرِ خَيْرِهِ وَشَرِّهِ قَالَ: صَدَقْتَ، قَالَ: فَأَخْبِرْنِيْ عَنِ الإِحْسَانِ، قَالَ: أَنْ تَعْبُدَ اللهَ كَأَنَّكَ تَرَاهُ، فَإِنْ لَمْ تَكُنْ تَرَاهُ فَإِنَّهُ يَرَاكَ قَالَ: فَأَخْبِرْنِي عَنِ السَّاعَةِ، قَالَ: مَا الْمَسئُوُلُ عَنْهَا بِأَعْلَمَ مِنَ السَّائِلِ قَالَ: فَأَخْبِرْنِيْ عَنْ أَمَارَاتِها، قَالَ: أَنْ تَلِدَ الأَمَةُ رَبَّتَهَا،وَأَنْ تَرى الْحُفَاةَ العُرَاةَ العَالَةَ رِعَاءَ الشَّاءِ يَتَطَاوَلُوْنَ فِي البُنْيَانِ ثُمَّ انْطَلَقَ فَلَبِثَ مَلِيَّاً ثُمَّ قَالَ: يَا عُمَرُ أتَدْرِي مَنِ السَّائِلُ؟ قُلْتُ: اللهُ وَرَسُوله أَعْلَمُ، قَالَ: فَإِنَّهُ جِبْرِيْلُ أَتَاكُمْ يُعَلِّمُكُمْ دِيْنَكُمْ} رواه مسلم.

Kahulugan ng Hadith:
Mula din sa pag-uulat ni ‘Umar [kalugdan siya ni Allah] na kanyang sinabi: “ isang araw habang kami ay nakaupo kasama ang Sugo ni Allah [sallallahu ‘alayhi wa sallam] ay lumitaw sa aming harapan ang isang lalaking nakasuot ng napakaputing damit, ang buhok ay napakaitim at walang palatandaang siya ay nanggaling sa (malayong) paglalakbay at walang nakakakilala sa kanya mula sa amin, Siya ay lumapit at naupo sa harapan ng Propeta [sallallahu ‘alayhi wa sallam] na ang tuhod niya ay nakalapat sa tuhod ng Propeta at ipinatong ang kanyang dalawang palad sa dalawang hita nito. At kanyang sinabi: O Muhammad! Sabihin mo sa akin ang tungkol sa Islam,, sinabi ng Sugo ni Allah: Ang Islam ay ang pagsaksi na walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban lamang kay Allah at pagsaksi na si Muhammad ay sugo ni Allah,ang pagtayo ng limang beses na pagdarasal (sa loob ng isang araw at gabi), ang tungkuling pagbibigay ng kawanggawa (sa may kakayahan), ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan, at ang pagsasagawa ng hajj sa may kakayahan, Sinabi (ng lalaki) ang sinabi mo ay totoo. Nagulat kami sa kanya sapagkat siya ang nagtatanong, subalit siya rin ang nagpatotoo sa sinabi ng Propeta [sallallahu ‘alayhi wa sallam] sa kanyang kasagutan., pagkatapos ay Kanyang sinabi na, sabihin mo sa akin ang tungkol sa Iman, At nagsabi ang Propeta: Ito ay ang maniwala kay Allah, sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang mga Kapahayagan, sa Kanyang mga Sugo, sa Araw ng Paghuhukom, at sa itinakdang kapalaran (o tadhana), mabuti man ito o masama.,– Siya (lalaki) ay nagsabi: ang sinabi mo ay totoo. At Kanyang (lalaki) sinabi: sabihin mo sa akin ang tungkol sa Ihsaan. – Sinabi ng Sugo [sallallahu ‘alayhi wa sallam]:” Ang sambahin mo si Allah na para mo Siyang nakikita, kung hindi mo man siya nakikita, tunay na nakikita ka Niya.” Nagsabi [ang lalaki]: sabihin mo sa akin ang tungkol sa Oras (Araw ng Paghuhukom). – Sinabi ng Sugo: ”Ang nagtatanong ay higit na nakakaalam kaysa sa tinatanong”., Nagsabi [ang lalaki],: sabihin mo sa akin ang mga palatandaan nito. Sinabi ng Sugo: “isisilang ng babaeng alila ang kanyang amo, at makikita mo ang mga nakayapak, walang kamesita na mga dukhang pastol na sila ay magpapaligsahan sa pagpapatayo ng matatayog na gusali.,– Pagkatapos ang lalaki ay umalis at pagkatapos na ako ay maghintay, ang Sugo ni Allah [sallallahu ‘alayhi wa sallam] ay nagsabi: O ‘Umar! Batid mo ba kung sino ang nagtanong?. Sinabi ko: si Allah at ang Kanyang Sugo ang higit na nakakaalam.– Sinabi ng Sugo: Siya ay si Anghel Gabril, nagpunta siya dito upang ituro sa inyo ang inyong relihiyon.” [Iniulat ni Imam Muslim]

10/11/2024

Hi everyone! 🌟 You can support me by sending Stars - they help me earn money to keep making content you love.

Whenever you see the Stars icon, you can send me Stars!

10/11/2024

Hadith 1

Dalawang salita na kaibig-ibig kay Allah

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ, عَنِ النَّبِيِّ صلَّى اللَّه عليه وسلَّم قَالَ: "كَلِمَتَانِ خَفِيفَتَانِ عَلَى اللِّسَانِ ثَقِيلَتَانِ فِي الْمِيزَانِ حَبِيبَتَانِ إِلَى الرَّحْمَنِ: سُبْحَانَ اللَّهِ وَبِحَمْدِهِ سُبْحَانَ اللَّهِ الْعَظِيم".‏‏ ‏متفق عليه‏

Meaning:
Ayon kay Abu Hurayrah (RA), 1 ang Sugo ni Allah? 2 (SAS) 3 ay nagsabi 4 "May dalawang salita na magaan sa dila, mabigat sa timbangan (ang gantimpala), kaibig-ibig sa Napakamaawain: subhanalláhi wa bihamdihi, subhanaIlahil 'adhim." (Muttafaq ‘Alayhi.')

Assalamualaykom...Mga kiyaulungan sin Allah....Mga lahasiya masuuk malayuh...Patumtum ku lang kaniyu ha kahalan sin haya...
20/10/2024

Assalamualaykom...
Mga kiyaulungan sin Allah....
Mga lahasiya masuuk malayuh...
Patumtum ku lang kaniyu ha kahalan sin haya...ha masa bihaun mahunit na tuud kamu ha sabab sin hikaisa malayuh na kamu hulah,,makagaus na lumawag nafakah sartah Taga na akkal pikilan sawasa....sumagawa in makaulung nalawah na in sipog ha ginhawa baran niyu,,respeto ha Maas niyu IBAN na sin mga mga taymanghud IBAN sin mga lahasiya niyu...sibuh da Taga paghulah IBAN sin Wala,,,,magtiktok,,,magpost IBAN sin mga tunang Minsan in kaawnan Niya in Yan Haram....Masih naggugulal sumagawa in kakahinang sin mga Sila kafir fa Allah....tumtumun niyu in kabata hangkari maglabay,,,in kamatay kunsum kuhnisa dumatung da sya katu...sartah in siksa kubus Awon sya....
Adapun bang sawpama dumatung na katu in kalammmah IBAN kalaas in katan sin hinang ta lugay ha kabata di ta na sya magaus,,nalawah na in lingkat sin pamayhuan IBAN ingat sumayaw lubah labi na in pag usaha ta lumammah na....unu na maraih in kahalan sin Ikaw IBAN ako bang apabila dumatung na katu in kalammmah IBAN kalaas sakali in hinang ta ha kabata landu kalummih lagi makahinah....maghinang bungah simud sampai MISMO anak ta di nag mag addat katu....mabayah kita manghindu kanila sumagawah in kakahinang ta landu kalummih lagi piyamahalayak ta di ha social media....unu na maraih in hisambag ta halawom kubur bang kita asubuhun na sin amalan ta lugay ta buhi fa ..?
Mashaallah,,,wallahi in pagsusun lugay ta ha dunya IBAN pagpangayuh fa Allah maitung fa ibadat...sumagawa in pagsusun ha adlaw akhirat wayruun na guna na Niya....

Ya kau taymanghud ku ha agama Islam mga kababaihan,,,,,mga muslimah,,,in kakuyagan dunya temporary sumagawa in kabuhianan ha adlaw kakkal salamat lama.....

Laung sin Rasulullah,,in kamatauran sin luun sin API narkah jahannam amuna amuna in kababaihan....
Sartah laung sin mga kibarul ulamah....in salagguh lagguh zinah sartah landu makahina ha zaman bihaun amuna in halawom social media,,,sartah in parkara zinah....hambuuk sya dayin ha mga dusa dakulah....

Bulansang mapait
Barakallah...

25/08/2024
03/08/2024

Hay! Buhay! Buti pa si Diwata nabigyan nyo na ng House & lot, milyones at marami pang iba...
KUNG SYA KAYA AY HINDI SIKAT,
GANYANG TULONG PADIN KAYA ANG IBIBIGAY NINYO SAKANYA?
I'm not Pro or Anti to anyone, my sentiment is nasan na kaya yung ESSENCE ng PAGTULONG?
Sana si nanay ay mabilhan nyo manlang kahit isang kilong gulay upang maitawid lamang ang kumakalam na sikmura at pagod sa maghapon.
Nakakalungkot isipin, na ang klase ng pagtulong ng ibang tao ngayon ay para lang din makisabay sa kasikatan ng isang personalidad..
yeah! Pera nila yan or whatsoever, they can do whatever they want, pero ang sakit lang talaga sa mata at ang hirap i digest.
Sa panahon ngayon, hindi lang dapat ang mga kilalang personalidad ang ating pagtuunan ng pansin. Marami sa ating mga kababayan ang totoong nangangailangan ng tulong at pagmamahal.
Just saying...

Address

Sirawai Zamboanga Del Norze
Zamboanga City

Telephone

+92658332317

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Traveller posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share