27/07/2020
𝐔𝐊𝐀𝐘 𝐔𝐊𝐀𝐘 𝐅𝐀𝐐𝐬
1️⃣ Ano ba ang ukay/bulto/bale?
✅ Basically, ukay ukay is secondhand clothes na nanggagaling sa ibang bansa (korea/japan/us/australia/dubai) factory sealed ito ibig sabihin makina ang nag-sealed dito.
2️⃣ Paano nalalaman ng supplier ang laman ng bulto/bale?
✅ Kung mapapansin niyo meron iba’t ibang code ang bulto, dun nag-bebase ang mga suppliers kung children’s wear ba, korean tees, jackets, pants and so on and so forth. Pero take note, meron mga instances na tama yung code na nakalagay sa bale/bulto pero iba ang laman, ibig sabihin nun, hindi din alam ng mismong supplier niyo kung ano ang laman ng bulto. Nagbebase lang din kami sa feedbacks ng mga buyer namin, but limit your expectation kasi hindi porke maganda yung napunta sa isang buyer, maganda na din yung mapupunta sayo. Hindi pare-pareho ang laman ng bulto.
✅ Don’t expect too much also! Lahat ng bulto halo halo ang laman, walang perfect bale, walang bultong walang tapon, expect na meron at meron mahahalong butas butas, punit, may sira, stain, lints and worst basahan.
Kung masyadong mataas expectation mo, pag-aralan mo muna ng mabuti. Hindi pwedeng bumili ka ng bulto, hindi mo nagustuhan yung laman at sisisihin mo si supplier at ibabalik mo yung bulto. Number 1 rule sa ukay business is No Return No Exchange, kung tama naman yung code na nabigay ng supplier mo sayo, hindi mo na pwedeng ibalik yan lalo na pag nabuksan na.
3️⃣ Bakit yung sakanya ang ganda ng laman? Nakita ko sa mga post niya ang ganda ng mga nakuha niya.
✅ Sa mundo ng ukay, you have to be creative, kelangan dito madiskarte ka. Lahat ng retailers meron kanya kanyang diskarte pagdating sa pagbebenta nila. Karamihan sakanila nilalabhan at pinaplantsa yung mga damit.
Presentable tignan sa posts nila dahil ineffortan nila. Himulmol? Shave lang yan. Stain? Gamitan mo ng bleach, meron din bleach for colored clothes. Punit? Tahiin mo. Walang zipper/butones? Lagyan mo.
In short, diskartehan mo, ukay ang pinasok mo so dapat madiskarte ka. ‘Bawal sa maarte, pwede sa madiskarte’ sabi nga nila.
4️⃣ Lahat ba ng bulto magaganda ang laman?
✅ No. Walang perfect bale, kahit pa yung pinakamahal na bulto ang bilhin mo, minsan pumapalya din. Pero kung madiskarte ka, hindi problema yan.
5️⃣ Mapapaubos ko ba siya agad agad?
✅ Dipende sa diskarte mo. First, pag-aralan mo muna target market mo. Pag-aralan mo kung ano yung magugustuhan ng costumer mo. I suggest, kung ang balak mo children’s wear, stick to that. Wag paiba-iba, kasi kung ano yung benta mo yun ang tatatak sa buyer mo, alam nila kung sino hahanapin pag isa lang target market mo.
✅ Dapat din magaling ka magbenta, sumali ka sa lahat ng buy and sell groups sa buong Pilipinas. Once nagpost ka, i-share mo sa lahat ng groups, believe me, that’s effective. Dadami buyer mo dahil maraming makakakita, dagdag likes and followers din yan sa page mo.
5️⃣ Malaki ba ang kita sa ukay ukay?
✅ Pag madiskarte ka at magaling ka magbenta, malaki kikitain mo.
Tip:
Pag nagbukas ka ng bulto, unang unang gawin mo, bilangin mo kung ilang piraso. Sort mo from LIKENEW (bagong bago yung quality, minsan meron pang tags) EUC (pwede sa maarte, almost likenew) VGUC (may konting sign of usage, himulmol) to GUC (pambahay, mahimulmol etc).
Lahat ng likenew to euc pwedeng pwede mo presyuhan ng mataas. Make sure na walang flaw yung ibebenta mo para di ka masira sa buyer mo. The rest, presyuhan mo ng sa tingin mo babagay sa benta mo. Hindi pwedeng GUC yung quality ng damit tapos ibebenta mo ng 200. Walang ganun.
✅ From my experience, kung magkano puhunan mo, pwedeng pwede madoble or matriple yan kung magaling ka magbenta. So YES for me, malaki ang kitaan dito dipende sa diskarte mo.
6️⃣ Anong pwedeng gawin sa mga hindi nabenta? Sa mga damit na hindi na talaga kayang gawan ng paraan para mabenta?
✅ Pwede mo pa-take all.
Ano yung take all?
Sell it as bundle. For example: 20pcs. for P500 pesos, dipende sa quality condition ng damit. Maraming naghahanap ng take all lalo na sa mga hindi afford kumuha ng isang buong bulto pero gustong magumpisa magnegosyo ng ukay. Again, don’t overprice.
Meron tayong tinatawag na SEMI SINAKOS at SINAKOS.
SEMI SINAKOS - Mga punit na pwede pang diskartehan, stains na pwede pang matanggal, or mga flaws na manageable.
SINAKOS - Mga damit na hindi na kayang gawan ng paraan like malalaking butas, stains na hindi na matanggal at kung ano ano pa.
Pwede mo pa ibenta kung meron kang kakilalang bumibili ng ganyan at ginagawang basahan/pot holder.
Pag-aralan mo muna ang mundo ng ukay bago mo pasukin. Magtanong ka sa mga may experience na.
📌And lastly, maghanap ka ng legit supplier, marami ng scammer ngaun. Be wise and vigilant. Magpalegit check kung talgang legit yung seller/supplier hindi yung inofferan ka ng mura tapos kakagat ka, sa huli manloloko pala. Again, be vigilant. Libre lang magtanong ng magtanong, walang bayad lalo na sakin haha.
Kung gusto mo magstart sa gantong business, subukan mo. You’ll never know until you try it. Lakasan lang ng loob. Diskarte sa buhay, sa panahon ngayon bawal na ang maarte.
PS.
PRAY AND SEEK FOR WISDOM AND GUIDANCE.
Goodluck and GOD BLESS🧡🧡