16/12/2024
BASAHIN: PhilHealth, tinugunan ang alegasyon sa 'extravagant' Christmas party.
Itinanggi ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga alegasyon ng labis na budget para sa Christmas party nito, at sinabing ganap itong sumusunod sa direktiba ng Malacaรฑang na bawasan ang pagdiriwang ng ahensya.
Kamakaylan lamang naglabas ng Management Advisory No. 2024-003, na nag-uutos sa lahat ng tanggapan na sundin ang mga hakbang sa pagtitipid. Iniutos na ng komite ang pagkansela ng ilang mga aktibidad, na nagre-redirect ng mga ipon tungo sa pagtulong sa mga komunidad na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.
Nilinaw ng ahensya na ang mga gastusin ay hindi lang para sa magiging Christmas Party nila pati na din para sa pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng PhilHealth. Hinimok din ng ahensya si Dr. Tony Leachon na maging mas responsable at maingat bago maglabas ng mga pahayag na maaaring iligaw ang publiko.