13/05/2024
Ang programang ito ay hatid sa inyo ng HSTC production, na pinamagatang "Bakit Sya Pa"
Character
Chrisa Mae Odi- Script Writer
Regine- Kasintahan ni Arnold
Arnold- kasintahan ni regine
Rhaymarie at joan- kaibigan ni regine
Alaine at janjan- kaibigan ni arnold
Christian- Music Editor
Sa probinsya ng daet naka tira ang nag iibigang sina arnold at regine, unang araw ng pasukan nila sa kanilang paaralan ay subrang saya nila. Si arnold ay isang manlalaro sa kanilang paaralan at si regine naman ay simpleng estudyante lang.
Arnold: mahal, mag ingat ka pag pasok ah
Regine: opo mahal, ikaw din mag ingat ka pag pasok mo
Arnold: may sasabihin pala ako
Regine: ano yun? ( Nagtatakang tanong )
Arnold: mauna ka ng umuwi, nag ka yayaan kasi kami nila alaine mag basketball, puro lalaki dun kaya wag ka na sumama at baka gabihin din kami
Regine: ah akala ko naman kung ano na, sige po mag iingat ka
Arnold: opo mahal,
Pumasok na sila sa kani-kanilang paaralan at makalipas ang ilang oras
( Uwian )
Regine: bhe, uuwi ka na ba?
Joan: oo, bakit?
Regine: sabay na tayo, may laro kasi sila arnold
Joan: ah sige tara uwi na tayo
Naka uwi na ng bahay sila joan at regine, kinabukasan ay nakita ni joan at christian si arnold na may kasamang ibang babae.
Joan: sino kaya yun? ( Nagtatakang tanong )
Christian: hindi ko din alam, pero parang ang sweet nila diba?
Joan: oo nga, alam kaya yan ni regine?
Christian: hindi ko alam, pero hayaan nalang natin na si regine ang maka alam nyan, baka sabihin pa sa atin na sinisira natin ang relasyon nila
Joan: kung sa bagay, tara na at ma huhuli na tayo sa klase
( Loob ng klase )
Joan: bhe, bakit parang naka tulala ka dyan?
Regine: si arnold kasi di pa naparamdam, maski kagabi, tapos ngayon di ko sya kasabay pumasok at may dadaanan daw sya
Joan: ah ganun ba?
Regine: pero hayaan nalang, kasi nga nag papraktis naman sila
Joan: ( nanahimik ) tumango
Lumipas ang ilang araw ay hindi pa din nag paparamdam si arnold kay regine, kaya't napag desisyonan ni regine na puntahan si arnold sa lugar ng kanilang pinag pa-praktisan, sa hindi inaasahan nakita nya na merong babae itong kasama at kayakap. Nagka tinginan sina regine at arnold
Regine: ( nasaktan sa nakita )
Arnold: ( nabigla at hinabol si regine )
Arnold: mahal (pabiglang sabi sabay hawak sa braso)
Regine: (sinapak) sino yun? ( Naiiyak na sabi )
Arnold: sorry ( naiiyak na sabi )
Regine: inintindi kita arnold, ginawa ko ang lahat, hindi ako naging mahigpit sayo pero ito yung gagawin mo? May mali ba sakin? May kulang ba sakin? Kapalit palit bako? Mas naiibigay ba noon ang mga gusto mo? Anong kulang sakin?, Ang sakit mong mahalin arnold, ganun na ba ka na ba ka babaw? (Umiiyak)
Arnold: hindi, s-sorry! Mali ako, hindi ko sinasadya( naguguluhang sabi)
Regine: hindi sinasadya? Arnold niloko moko, tapos hindi mo sinasadya!? Ang sakit!, tiniis ko ang lahat para hindi ka sukuan pero niluko mo lang ako, kailan pa?
Arnold: noong oras na sabi kung may laro kami, pero di ko sinasadya, mahal ko na sya, sorry
Regine: eh ano lang pala ako sayo? Limang taon na tayo arnold, limang taon!. Tapos ipapagpalit mo lang ako sa babaeng yun na kakikilala mo lang? Arnold ang sakit, ang sakit subra, mas mabuti pa kung bago lang tayo ih, pero limang taon yun (nasasaktan)
Arnold: sorry (nakukonsensya)
Regine: sorry? Sa tingin mo maalis ng sorry mo ang sakit na nararamdaman ko? Arnold ayuko na, pagod na pagod na pagod na ako, hindi ko na kaya ang mga sakit na ibinibigay mo, hindi ko na kaya na bigyan ka ulit ng chance dahil subrang sakit na! Ayuko na, mag sama kayo ng bago mo, dahil ngayon, pinapalaya na kita
Arnold: regine, hayaan mo akung mag paliwanag, pag usapan natin to
Regine: arnold sawa na ako sa sorry mo, umalis ka na, ALIS ( nasasaktan )
Arnold: (umiyak at umalis)
Regine: (umiyak habang paalis papunta sa kaibigan nya na si joan at rhaymarie)
Rhaymarie: regine anong ng yari? ( nagtatakang tanong )
Regine: si arnold kasi
Joan: anong nangyari? Anong ginawa sayo?
Regine: nakita ko na may babae nanaman sya, wala ng kami, sumuko nako( naiiyak na sabi )
Rhaymarie: ayos lang yan, marami pa dyang iba
Regine: (nag hihibi)
Joan: makaka hanap ka rin ng mas better dyan, ngayon mag move on ka muna, andito kami ni rhaymarie para sayo, diba rhaymarie
Rhaymarie: oo naman, bestfriends tayo diba walang iwanan, kaya wag mo na yung iyakan
Regine: tama kayo
At sa bandang huli, naka move on na si regine, nilibang nya ang sarili nya kasama ang mga kaibigan nya. At kalaunan ay nakapag tapos sila ng pag aaral at si arnold naman ay nag tigil na at nalulong sa bisyo.
Write to Chrisa Mae Raro
Send a message to learn more