19/12/2024
Gov Icot on House Bill 11077: "I don't see valid reason, other than political reason"
TACLOBAN CITY, LEYTE — Mariing binatikos ng Gobernador ng Probinsya ng Leyte na si Carlos Jericho “Icot” Petilla ang House Bill 11077, ang isang panukalang batas na naglalayong hatiin ang Leyte sa dalawang probinsya.
Ayon sa naturang opisyal na wala di umano itong nakikitang makatwiran na dahilan para hatiin ang Leyte maliban lang sa kadahilanang pampolitika.
“I don’t see any valid reason why Leyte should be split into two provinces other than for political reasons,” ayon kay Governor Petilla
Iginiit ng gobernador na ang lakas ng Leyte ay nakasalalay sa laki nito at sa kolektibong pamamahala ng yaman
“There is an economic subscale when it comes to size. The bigger you are, the better you can actually manage your resources. So splitting is not developmental; it’s actually regressive,” dagdag pa nito
Hinikayat din ni Petilla ang mga lokal na lider na pagtuunan ng pansin ang pagpapabuti ng pamamahala at paggamit ng mga yaman upang higit pang isulong ang pag-unlad ng Leyte, sa halip na magpatupad ng mga hakbang na maaaring magdulot ng pagkakawatak-watak.
Matatandaan na una nang sumalungat ang ilang mga opisyal sa Probinsya ng Leyte katulad nalang nina Isabel Edgar Dodo Cordeño, Matag-ob Mayor Bernie Tacoy, Palompon Former Mayor Ramon Oñate at dating Congressman Ching Veloso.