Ang Patdan- Victorias National High School

Ang Patdan- Victorias National High School Opisyal na Pahayagang Pampaaralan sa Filipino ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Victorias — JHS

VNHS-Main pinaulanan ng sipa ang DBTI sa Futsalni: Marianne Faith Serion kuha nina: Unte| Lapidante       Nagpaulan ng m...
16/12/2024

VNHS-Main pinaulanan ng sipa ang DBTI sa Futsal

ni: Marianne Faith Serion
kuha nina: Unte| Lapidante

Nagpaulan ng malalakas na sipa ang Victorias National High School ( cluster 6 ) laban sa Don Bosco Technical Institute ( cluster 8 ) upang masungkit ang kampeonato sa pampalakasang Futsal ngayong ika-15 ng Disyembre sa Division Athletic Meet sa Cultural Center, lungsod Victorias.
Namayagpag ang lakas sa pagsipa at determinasyon ng VNHS-Main kaya sila ang umuwi ng panalo sa iskor na 7 – 2 .
Narito ang mga manlalaro at kanilang mga tagapagsanay:

Victorias National High School – Ginto
Tagapagsanay: Rolando M. Del Pilar, Jonathan Salar, Fred Dueño
Chaperone: Jembee L. Talagon

Mga manlalaro:
1. Rhianna Ledesma
2. Justine Balboa
3. Lovely L. Moreno
4. Alexa Porras
5. Amy G. Crispo
6. Sunshine Beboso
7. Annie Rose I. Loreno
8. Miles Moreno
9. Ainah Presidente
10. Vinzel D. Marabe
11. Meeka Ella T. Santiago
12. Ariane Quiamco

Don Bosco Technical Institute – Pilak
Tagapagsanay: Kyla Alayon, Esmael Duron

Mga manlalaro:
1. Alexandra Salazar
2. Nelmae Salazar
3. Jerich Jurilla
4. Kristine Lumbo
5. Venus Lumbo
6. Thea Añalucas
7. Ashley Aguarino
8. Isabel Bullag
9. Haley Lazaro
10. Shane Lee Javelona
11. Joey Salar
12. Shysie Santander

Nagsilbing Tournament Manager si Gng. Ma. Klynne Longno kasama ang mga t
Technical Officials na sina Joshua Salaya, Melissa Tandug, Krizel Biantan, Sean Thesa Nicole Reyes, Evelyn Aujero, Jay Ervin Longno, Melyn Infante, Mary Antonette Valencia, Leizel Parcon, at Marie Mae Ilisan.

BALITA | Bagsik at Hagupit sa Larong Arnissulat at kuha ni: Rica Reinna Reira E. Severino               Puspusang ipinam...
16/12/2024

BALITA | Bagsik at Hagupit sa Larong Arnis
sulat at kuha ni: Rica Reinna Reira E. Severino

Puspusang ipinamalas ng mga manlalaro ng Arnis ang kanilang husay at katatagan sa pagmamanipula ng kanilang mga sandata nitong ika-14 ng Disyembre araw ng Sabado sa Salvacion Elementary School—Covered Court, lungsod Victorias.
Walang katunggali ang ibang mga Arnisador ngunit sa kabila nito bawat isa sa kanila ay nagpresenta ng kanilang inihandang mga galaw mula sa mga manlalaro ng Salvacion Elementary School, Victorias National High School-Main, at Negros Occidental National Science High School.

Kategorya : Team Solo Weapon

Elementarya (kalalakihan) Latoza, Andrew V.
Napiza, John Benedict G.
Onate, Zymon G.

Elementarya (kababaihan)
Magallanes, Feye Marie S.
Padronia, Julia Jane A.
Quiatchon, Lois Lane E.

Sekondarya (kalalakihan) :
Ignacio, Czar J.
Jover, Jovane C.
Solayao, Richcy Boy G.

Sekondarya (kababaihan) :
Llanera, Kim Marie G.
Pastrana, Princess Sarah R.
Castor, Janica A.

Kategorya : Individual Solo Weapon
Elementarya (kalalakihan):
Napiza, John Benedict G.

Elementarya (kababaihan):
Quiatchon, Lois Lane E.

Sekondarya (kalalakihan):
Alegre, R-Gemes G.

Sekondarya (kababaihan):
Ginto: Romaquin, Yhanyza Demi F. (NONSHS)
Pilak: Tupaz, Jirah D. (VNHS)

Kategorya : Individual Double Weapon
Sekondarya (kalalakihan):
Solayao, Richcy Boy G.

Sekondarya (kababaihan):
Ginto: Llanera, Kim Marie G. (VNHS)
Pilak: Romaquin, Yhanyza Demi F. (NONSHS)

Kategorya : Individual Spada Y Daga
Sekondarya (kalalakihan)
Jover, Jovane C.

Sekondarya (kababaihan)
Ginto: Pastrana, Princess Sarah R. (VNHS)
Pilak: Romaquin, Yhanyza Demi F. (NONSHS)

Lahat ng Arnisador na walang katunggali ay awtomatikong aabante sa susunod na lebel ng labanan kasama ang mga nanalo ng ginto

Tournament Director: Indira J. Dela Serna

Technical Officials:
1. Armi Romaquin
2. Sarah Pagador
3. Vina Tanutan
4. Milaluna Mabaquiao
5. Rodemel V. Balcina

BALITA | Seek Nemesis, hari sa E-Sportsni: April Jane Parreñaskuha nina: Anton Jay De La Rosa | Ma. Alysa Claire Rosales...
16/12/2024

BALITA | Seek Nemesis, hari sa E-Sports
ni: April Jane Parreñas
kuha nina: Anton Jay De La Rosa | Ma. Alysa Claire Rosales

Sa isang kapana-panabik at puno ng tensyon na laban, itinanghal na kampeon ang Seek Nemesis ng Victorias National High School matapos talunin ang VCFS C7 sa iskor na 3-0 ngayong ika - 15 ng Disyembre sa SHS Building, VNHS-Main, lungsod Victorias.
Matagumpay na napanalunan ng Seek Nemesis ang unang dalawang round. Gayunpaman, sa kalagitnaan ng ikatlong round ay nakaranas ng lag ang isang miyembro na muntik nang magdulot ng kanilang pagkatalo sa ikatlong round ngunit dahil sa galing at mahusay na koordinasyon ng bawat miyembro ng Seek Nemesis naitanghal silang kampeon sa E-Sports.

Narito ang mga nagwagi:

Ikalawang Pwesto:
Barangay Estado High School

Unang Pwesto: VCFS C7
Victorias City Farm School

Kampeon: Seek Nemesis
Victorias National High School

BALITA | VNHS-Main, humakot ng ginto sa Table Tennisni: Audrey Zamoras kuha nina: Zamoras | Ynion | Geronimo            ...
15/12/2024

BALITA | VNHS-Main, humakot ng ginto sa Table Tennis
ni: Audrey Zamoras
kuha nina: Zamoras | Ynion | Geronimo

Nagpakitang-gilas ang nga manlalaro ng VNHS upang maiuwi ang kampeonato sa Table Tennis ngayong ika-15 ng Disyembre sa Colegio de Santa Ana De Victorias –Integrated School, lungsod Victorias.
Nagsampalan ang mga raketa sa bawat round na naging sanhi upang uminit ang kompetisyon kung saan nagtagisan ng galing ang mga manlalaro mula sa iba't ibang klaster.
Narito ang resulta ng mga nagwagi:

Individual games
Secondary boys
1st Place Cluster 6 VNHS Peloquero
2nd place cluster 6 VNHS Himpayan

Secondary girls
1st place cluster 6 VNHS Sadje
2nd place cluster 6 VNHS Geronimo

Secondary mix doubles
Winner cluster 6 VNHS Dereza and Belarte

TEAMPLAY
SECONDARY BOYS Cluster VI - Cluster V

1st single
Argie Dereza vs. Andrie Pamonag
Winner: Argie Dereza

2nd single
Jafet Regalado vs. Eric Abayon
Winner: Jafet Regalado

Doubles
Josh Matthew Peloquero at Ric Himpayan vs. Vince Andrew Cadigal at Chrisley Kent Dorde

Winner: Josh Matthew Peloquero at Ric Himpayan

BALITA | VNHS-Main, nilampaso ang BENHS sa Basketball Girls 5v5ni: Lawraine Villanueva kuha ni: Jamelah Unte           N...
15/12/2024

BALITA | VNHS-Main, nilampaso ang BENHS sa Basketball Girls 5v5
ni: Lawraine Villanueva
kuha ni: Jamelah Unte

Nilampaso ng VNHS-Main ang BENHS sa iskor na 75-14 sa Basketball Girls 5v5 ngayong ika-15 ng Disyembre sa Colegio de Santa Ana - Integrated School, lungsod Victorias.
Sa unang kwarter pa lamang ay ipinamalas na ng koponan ng Victorias National High School ang matinding depensa kaya't pinakain ng alikabok ang Barangay Estado National High School sa iskor na 38-0.
Sa ikalawang kwarter ay malaki pa rin ang naging abanse ng VNHS sa BENHS sa iskor na 55-6.
Sa ikatlong kwarter hindi na natinag VNHS sa iskor na 67 at ang BENHS naman ay bigo sa iskor na 8.
Ang naging tagapagsanay ng koponan ng VNHS ay si Antonio III C. Pingcale. Ang Assistant Coach ay si John Carlo D. Jarce. Nagsilibing tagabantay naman si Reylen Marie C. Millanes.
Ang tournament director naman sa basketball (secondary) ay sina Rey M. Lacrite at Noel Layson.

BALITA | VNHS-Main, ipinakita ang bagsik ng raketa sa Lawn Tennisnina: Cassandra Milanes | Xyra Lapekuha ni: Cassandra M...
15/12/2024

BALITA | VNHS-Main, ipinakita ang bagsik ng raketa sa Lawn Tennis
nina: Cassandra Milanes | Xyra Lape
kuha ni: Cassandra Milanes

Ipinamalas ng mga manlalaro ng Victorias National High School ang bagsik sa Lawn Tennis ngayong ika-15 ng Disyembre sa Alejandro Acuña Yap Quiña Elementary School‚ lungsod Victorias.
Puspusan ang depensa ang ibinigay ng mga babaeng manlalaro upang maiuwi ang gintong medalya.

Narito ang mga nagwagi sa iba’t ibang kategorya:

Sekondarya (kababaihan):
1st Singles — Victorias National High School
2nd Singles — Victorias National High School

Sekondarya (kalalakihan):
Doubles — Colegio De Sta. Ana De Victorias
Singles — Don Bosco Technical Institute

Elementarya (kababaihan):
Doubles – Alejandro Acuña Yap Quiña Elementary School
1st Singles — Alejandro Acuña Yap Quiña Elementary School
2nd Singles – Victorias North Elementary School

BALITA | DBTI at VES, nanguna sa Footballnina: Jenelyn Miranda | John Mark Bajandekuha nina: John Mark Bajande | Jenelyn...
15/12/2024

BALITA | DBTI at VES, nanguna sa Football
nina: Jenelyn Miranda | John Mark Bajande
kuha nina: John Mark Bajande | Jenelyn Miranda | Jasmine Trestiza

Nagpamalas ng lakas at galing ang bawat koponan sa larong Football upang masungkit ang kampeonato ngayong ika-15 ng disyembre sa Don Bosco Technical Institute – Football field, lungsod Victorias.
Sa Secondary level ay nagbanggaan ang DBTI at CSAV ng isang mainit na laban sa field na sinamantala naman DBTI at ipamalas ang galing at lakas sa pagsipa kaya't nangibabaw sa una hanggang sa huling round ng laro. Todo hiyaw at suporta naman ang mga tagahanga ng DBTI.
Bawat koponan ay desperadong mangibabaw sa laro upang makamit ang Championship Title ngunit dahil sa tiyak at bira-biradang sipa at galing ng DBTI ay nasungkit nila ang pagkapanalo na may kabuoang iskor na 2-0.
Sa Elementary Level naman ay nagharap ang VES at DBTI, sa unang round ay makikita na kaagad ang puwersa sa bawat koponan. Nilampaso ng VES ang DBTI sa pagpapaunlak ng malalakas na sipa. Sa huli, na sungkit ng VES ang pagkapanalo at tinanghal bilang Kampeon.

Pinal na resulta sa Pampalakasang Football:

Sekondarya:
Ginto – DBTI
Pilak – CSAV
Tanso – VNHS MAIN

Elementarya:
Ginto – VES
Pilak – DBTI
Tanso – AYQMES

BALITA | VNHS‚ nakasungkit ng gintong medalya sa Taekwondo ni: Antonette P. Tuhotkuha nina: Tuhot | Gustillo      Senely...
15/12/2024

BALITA | VNHS‚ nakasungkit ng gintong medalya sa Taekwondo
ni: Antonette P. Tuhot
kuha nina: Tuhot | Gustillo

Senelyuhan ng VNHS ang gintong medalya sa Taekwondo ( Pomsae ) sa katauhan ni Marvin G. Tolentino ngayong ika-15 ng Disyembre sa Victorias National High School, lungsod Victorias.
Sa ikalawang round ng laro ay nakipagbunuan ang CSAV-IS laban sa VNHS ngunit hindi nagpatinag ang VNHS at denepensahan ang gintong medalya.
Ang mga nanalo ay aabante sa Provincial Meet.
Narito ang tala ng iba pang nanalo.

POOMSAE

indibidwal
lalaki (elementarya)
Tanso: Terron Loreno - cluster 4 (Salvacion Elementary School)
Pilak: Reynan Angelo Torrena- cluster 9 (Victorias Elementary School)
Ginto: Liam Xavi Tipon- cluster 8 (Csav)

babae (elementarya)
Pilak: Alessandra Navajas - cluster 8 (CSAV)
ginto: Jamilah Dioneo - cluster 9 (VES)

lalaki (sekondarya)
Pilak: Joseph Nathan Uy- cluster 8 ( CSAV ) 5.867
Ginto: Jeth Brenden Misajon- cluster 6 (VNHS)

babae (sekondarya)
Tanso: Maria Ammara Descutido - cluster 5 (NONSHS)
Pilak: Chelsea diaz - cluster 6 (VNHS)
Chloe Ann Fabia - cluster 8 (DBTI)

mixed pair (elementarya)
Ginto: Sophia Marie Jurilla & Liam Xavi Tipon- cluster 8 (CSAV)
Pilak: Cj liam flores & Jean Grace Tecson- cluster 9 (VES)

mixed pair (sekondarya)
Ginto: Joseph Gerald Lorano & Chloe Ann Fabia - cluster 8 (DBTI)
Pilak: Rean Nicole Loreno & Jung kim- cluster 6 (VNHS)

team
lalaki (elementarya)
Ginto - victorias elementary school( cluster 9)

babae (elementarya)
Pilak: cluster 8 (DBTI)
Ginto: cluster 9 (VES)

lalaki (sekondarya)
pilak: cluster 8 (CSAV) (DBTI)
ginto: cluster 6 (VNHS)

babae (sekondarya)
Tanso: Cluster 6 (VNHS)
Pilak : Cluster 5 (NONSHS)
Ginto: Cluster 8 (DBTI)

Nagsilbing tournament manager si Gng. Genevieve U. De Juan.

Maligayang Pagbati sa iyong Kaarawan, G. Trevon Gustilo!     Ikinagagalak namin ang iyong pakikisapi sa Ang Patdan at pa...
15/12/2024

Maligayang Pagbati sa iyong Kaarawan, G. Trevon Gustilo!

Ikinagagalak namin ang iyong pakikisapi sa Ang Patdan at pagbabahagi ng iyong natatanging talento sa pagguhit. Ikaw ay inaasahan naming mapaunlad pa ang iyong talento at ibahagi sa kapwa mo mag-aaral.

Nawa’y pagpalain at gabayan ka ng Panginoon na maabot mo ang lahat ng iyong ninanais at protektahan ka niya sa iyong mga ginagawa. Huwag lamang kalimutang magdasal.

Ipagpatuloy mo lang ang pagpapalago ng iyong talento at laging tandaan na narito ang Patnugutan para ikaw ay suportahan.

Sa muli, Maligayang Pagbati sa iyong Kaarawan, G. Trevon!

Kapsiyon at Layout ni: Angelica Bless Naumi Descotido

BALITA | Mga Mananayaw ng Dance Sports, nagpasiklabanni: Angelica Descotidokuha ni: Belle Loreno | Bryan Jay Buenconsejo...
15/12/2024

BALITA | Mga Mananayaw ng Dance Sports, nagpasiklaban

ni: Angelica Descotido
kuha ni: Belle Loreno | Bryan Jay Buenconsejo

Nagpasiklaban sa galaw ng katawan, pitik ng mga paa, indayog sa musika at bilis sa pag-ikot ang mga mananayaw ng Dance Sports na representante ng iba’t ibang paaralan ng Sangay ng Lungsod ng Victorias ngayong ika-14 ng Pebrero sa Alejandro Acuña Yap Quiña Memorial Elementary School, lungsod Victorias.

Nakamamangha ang bawat paghataw ng katawan ng mga mananayaw na nagpapalakas ng sigawan, hiyawan at palakpakan ng mga manonood. Sa mga hataw nilang nakakatindig-balahibo na lalong nagpapasabik sa tagapanood na matunghayan ang kanilang susunod na galaw.

Ito ang mga nagwagi sa pangmalakasang pasiklaban ng mga mananayaw ng Dance Sports:

ELEMENTARYA
Kategoryang Modern Standard:
(Slow Waltz, Tango, Viennese Waltz, Foxtrot at Quickstep)

Ginto - Couple 001 (Salvacion ES)
Pilak - Couple 002 (VICMECO)

Kategoryang Latin-American:
(Samba, Chachacha, Rumba, Paso Doble at Jive)

Ginto - Couple 004 (Salvacion ES
Pilak - Couple 005 (VICMECO)
Tanso - Couple 003 (Don Jose Gaston ES)

SEKONDARYA:
Kategoryang Modern Standard:
(Slow Waltz, Tango, Viennese Waltz, Foxtrot, Quickstep)

Ginto - Couple 007 (Brgy. Estado NHS)
Pilak - Couple 006 (Victorias NHS)

Kategoryang Latin-American:
(Samba, Chachacha, Rumba, Paso Doble, Jive)

Ginto - Couple 008 (Brgy. Estado NHS)
Pilak - Couple 009 (Victorias NHS)
Tanso - Couple 010 (CSAV)

KATEGORYANG GRADE A
ELEMENTARYA
Kategoryang Modern-Standard:
Ginto - Couple 001 (Salvacion ES)
Pilak - Couple 002 (VICMECO)

Kategoryang Latin-American:
Ginto - Couple 004 - (Salvacion ES)
Pilak - Couple 005 - (VICMECO)
Tanso - Couple 003 - (Don Jose Gaston ES)

SEKONDARYA
Kategoryang Modern-Standard:
Ginto - Couple 007 (Brgy. Estado NHS)
Pilak - Couple 006 (Victorias NHS)

Kategoryang Latin-American
Ginto - Couple 008 (Estado NHS)
Pilak - Couple 009 (Victorias NHS)
Tanso - Couple 010 (CSAV)

PARANGAL SA MGA TAGAPAGSANAY
ELEMENTARYA
Ginto - Salvacion ES
Pilak - VICMECO
Tanso - Don Jose Gaston ES

SEKONDARYA
Ginto - Brgy. Estado NHS

BALITA | Kampeon ng Wushu Sanda, nagpasiklabanni: Ma. Alysa Claire Rosales      Nagpasiklaban ang mga manlalaro ng Wushu...
14/12/2024

BALITA | Kampeon ng Wushu Sanda, nagpasiklaban
ni: Ma. Alysa Claire Rosales

Nagpasiklaban ang mga manlalaro ng Wushu Sanda upang maiuuwi ang kampeonato ika-14 ng Disyembre, araw ng Sabado sa Salvacion Elementary School — Covered Court, lungsod Victorias.

Narito ang mga kampeon:

Sa kategoryang 48kg – Girls A:
Unang Pwesto: Althea B. Mironda

Sa kategoryang 52kg – Girls A:
Unang Pwesto: Princess Villamor

Sa kategoryang 42kg – Girls B:
Unang Pwesto: Pauline Alimpolos

Sa kategoryang 45kg – Girls B:
Unang Pwesto: Princess Jho Navigar

Sa kategoryang 52kg – Boys A:
Unang Pwesto: Reneboy Delacruz

Sa kategoryang 56kg – Boys A:
Unang Pwesto: Jaddin Reign Sencil

Sa kategoryang 48kg – Boys A:
Unang Pwesto: Lance Philip Vidal

Sa kategoryang 48kg – Boys B:
Unang Pwesto: Mark Batolina

Sa kategoryang 42kg – Boys B:
Unang Pwesto: Leojan Araneta

Sa kategoryang 45kg – Boys B:
Unang Pwesto: Richie De La Cruz

Nagsilbing tournament manager si Gng. Audrea Constantino.

BALITA | City Division Athletic Meet, nagbukas nani: Xyra Lapekuha nina: Benoman | De La Rosa | Buenconsejo | Infante   ...
14/12/2024

BALITA | City Division Athletic Meet, nagbukas na
ni: Xyra Lape
kuha nina: Benoman | De La Rosa | Buenconsejo | Infante

Opisyal nang binuksan sa Colegio De Sta. Ana – Integrated School (CSAV-IS), lungsod Victorias ang City Division Athletic Meet 2024 na may temang “Embracing School Sports: Making Victoriasanon... Victorious” ngayong ika-14 ng Disyembre.
Nagsimula ang programa sa parada ng iba’t ibang mga klaster.
Nagbigay ng pamungad na mensahe sina ATTY. Romeo Vincent P. Sta. Ana Jr., PhD Executive Director, CSAV,Ronamie V. Reliquias, PhD Chief Education Supervisor, SGOD at Hon. Francis Frederick D. Palanca, SP Member na sinundan ng CSAV ng isang Cheer Dance bilang panggayak sa programa.
Si Schools Division Superintendent, Portia Mission Mallorca, Phd, CESO V naman ang opisyal na nagdeklara ng pagbubukas ng City Division Athletic Meet 2024.
Haylayt sa pagbubukas ang Athlete's Oath of Amateurism and Sportsmanship at Entrance of the Torch of Friendship and Lighting of the Flame of SY. 2024-2025 Division Athletic Meet.
Naging tagapagdaloy ng programa sina Bb. Jessa Ledesma at G. Chito Ando.

Solidarity Meeting: Pamungad ng Division Athletic Meet 2024ni: Ma. Alysa Claire Rosales kuha nina: Unte | De La Rosa | I...
14/12/2024

Solidarity Meeting: Pamungad ng Division Athletic Meet 2024
ni: Ma. Alysa Claire Rosales
kuha nina: Unte | De La Rosa | Infante

Isinagawa ang Solidarity Meeting bilang pamungad ng Division Athletic Meet ngayong ika-14 ng Disyembre, araw ng Sabado sa Victorias North Elementary School–Covered Court, lungsod Victorias.
Dinaluhan ng mga Tournament Managers at tagapagsanay mula sa iba't ibang paaralan mula elementarya at sekondarya na sakop ng Sangay ng Lungsod ng Victorias.
Inanunsiyo sa pagtitipon ang mga karagdagang impormasyon na sakop ng Athletic Meet 2024.

Pagbubukas ng English Month 2024 | Choral Reading, at Verse Choir, ibinida! ni:  Rosales | Tuhotkuha nina: Unte | De La ...
09/12/2024

Pagbubukas ng English Month 2024 | Choral Reading, at Verse Choir, ibinida!
ni: Rosales | Tuhot
kuha nina: Unte | De La Rosa | Buenconsejo | Infante

Isinagawa ang Pagbubukas ng English Month ngayong ika - 9 ng Disyembre, araw ng Lunes sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Victorias—main stage, lungsod Victorias.
Nagbigay ng pamungad na mensahe si G. Galfe P. Tingson, PhD, Head Teacher IV ng Departamento ng English. Sa ngalan ni Gng. Suzette S. Belandres PhD, Principal IV nagbigay ng inspirational na mensahe si G. Gelix Jacomila.
Nagpakitang-gilas naman ang mga estudyante mula sa ika-10 baitang sa iba’t ibang kategorya. Ibinida ni Rica Severino ang kaniyang galing sa Character Presentation. Ang mga seksyon na Amethyst, Skylark at Woodpecker ay nagpakita rin ng galing sa pagbigkas ng iba’t ibang tula sa Verse Choir.
Nagbigay ng pangwakas mensahe si G. Cesar Descatamiento, Punongguro ng Departamento ng Matematika.
Nagsilbing tagapagdaloy ng programa si Ma. Alysa Claire Rosales mula sa baitang 10, seksiyong Amethyst at Janelle Marie Banaylo mula naman sa baitang 10, seksiyong Woodpecker.

Maligayang Pagbati sa iyong Kaarawan, Bb. Kristine Cielo F. Blanco!     Ikinagagalak namin ang iyong pakikisapi sa patnu...
03/12/2024

Maligayang Pagbati sa iyong Kaarawan, Bb. Kristine Cielo F. Blanco!

Ikinagagalak namin ang iyong pakikisapi sa patnugutan. Inaasahan namin na maipakita mo pa ang iyong talento sa pagkuha ng magagandang larawan at magamit ito sa pagpapahayag sa kapwa mo kamag-aral.

Ipagpatuloy mo lamang ang pagpapaunlad ng iyong talento. Manalangin palagi sa Diyos at nawa’y ikaw ay kaniyang pagpalain at protektahan sa pag-abot mo ng iyong mga pangarap.

Narito palagi ang Patnugutan na handang sumuporta at tumulong saiyo.

Sa muli, Maligayang Pagbati sa iyong Kaarawan, Bb. Kristine!

Layout at Kapsiyon ni: Angelica Bless Naumi Descotido

Ama ng Katipunan, Apoy ng Kolonisasyon ni: Maria Julia Octaviano           Ang unang impresyon natin sa isang bayani ay ...
30/11/2024

Ama ng Katipunan, Apoy ng Kolonisasyon

ni: Maria Julia Octaviano

Ang unang impresyon natin sa isang bayani ay palaging malakas, matapang, at may lakas ng loob. Ito ay tama; ipinakita nila ang mga katangiang iyon, kaya naman dapat silang igalang at tingalain ng iba. Namumukod-tangi sila bilang mga tunay na bayani sa ating bayan dahil sa kanilang pagiging hindi makasarili at handang magsakripisyo para sa kapakanan ng iba. Sila ay nararapat ipagdiwang kagaya ng “Ama ng Katipunan” na si Andres Bonifacio.
Ipinanganak si Andres Bonifacio 161 taon na ang nakalipas, noong Nobyembre 30, 1863, sa ilalim ng pananakop ng mga Espanyol. Siya lamang ang nag-aral mag-isa ng Espanyol at Tagalog, at mahilig siyang magbasa at magsulat. Mahilig siyang magsulat ng mga tula kung saan ang kanyang mga paksa ay tungkol sa kanyang pagmamahal sa kaniyang bayang sinilangan.
Matapos niyang matuklasan ang kalayaang ninanais niya sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang pagbabasa, naging isa siya sa mga pinuno ng Katipunan noong 1892 upang wakasan ang pananakop ng mga Espanyol sa pamamagitan ng rebolusyon. Pinamunuan niya ang kilusang "Sigaw ng Balintawak", na nanawagan sa paghudyat ng pambansang pakikibaka upang wakasan ang kolonisasyon ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Sa kasamaang palad, ang dahilan kung bakit siya ipinagdiriwang sa araw na siya ay ipinanganak, hindi ang araw na siya ay namatay para sa bansa, dahil hindi siya pinatay ng kanilang kalaban; bagkus, namatay siya dahil sa kanyang kapwa Pilipino.
Nang dahil sa kanyang pangako sa layunin, si Bonifacio ay naging representasyon ng lakas at determinasyon ng sambayanang Pilipino. Ang mga henerasyon ng mga Pilipino ay udyok pa rin ng kanyang diwa kahit hindi siya nakaligtas upang masaksihan ang kalayaan ng kanyang bayan.
Siya ay patuloy na nagiging haligi ng kasaysayan ng Pilipinas. Sa kanyang pagpapasya na ipaglaban ang kalayaan, kahit na sa panganib. Higit pa sa isang pagdiriwang ang “Bonifacio Day” ito ay nagsisilbing paalala ng kahalagahan ng paninindigan para sa isang layunin.

Maligayang Pagbati sa iyong Kaarawan G. Eliseo D. Lozano Jr., OIC-Puno, Kagawaran ng Filipino!     Lubos ka naming pinap...
28/11/2024

Maligayang Pagbati sa iyong Kaarawan G. Eliseo D. Lozano Jr., OIC-Puno, Kagawaran ng Filipino!

Lubos ka naming pinapasalamatan sa walang humpay mo na suporta sa Patnugutan kasama na ang iyong tulong at mga aral na ibinabahagi sa amin. Hindi matutumbasan ng anumang bagay ang lahat ng iyong mabubuting nagawa at hindi sapat ang isang simpleng salita para maipakita namin kung gaano kami nagpapasalamat saiyo.

Nawa’y ikaw ay gabayan, protektahan at suportahan ng Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at makamit lahat ng iyong ninanais sa buhay. Bigyan kayo ng malusog at mabuting katawan upang mas marami pa ang matututo sa iyong inihahatid na aral.

Sa muli, kami ay buong pusong nagpapasalamat at bumabati, Maligayang Kaarawan G. Eli!

Layout at Kapsiyon ni: Angelica Bless Naumi Descotido

Exam Schedule is Out!
28/11/2024

Exam Schedule is Out!

Address

Victorias National High School
Victorias City
6119

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Patdan- Victorias National High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ang Patdan- Victorias National High School:

Videos

Share

Category

Nearby media companies


Other Victorias City media companies

Show All