207 Collective

207 Collective "Mula sa bayan, para sa bayan. Apoy!"
(3)

Our very own Tambalang Gâ’Go’s first face-to-face performance kasama ang pagsasabuhay sa mga tula ng Priority Lane sa Ka...
19/08/2022

Our very own Tambalang Gâ’Go’s first face-to-face performance kasama ang pagsasabuhay sa mga tula ng Priority Lane sa Kahilom Café, mamaya na☕️📓.

Ishel Gonzales | Anthony Gabumpa

Last 5 seats mula sa limited slots para sa nais makikape at maki-join sa tulaan! Habol na at register na dito https://forms.gle/9zfFm4RpQ1xLMogW7

Magandang umaga ☀️
Ngayon ang araw na pinakahihintay natin!! 🥳

At ito na ngaaaaaaaa, mag-oopen kami ng walk-in slots! Kaya naman kung nais ninyong humabol mamaya, punta lang sa ating espasyo ng 7PM 🤟❤️

Bukas pa rin tayo for dine-in, take-out at delivery 🥳



🛵 We Deliver Via Grab & Lalamove
---------------------------------------
☎️0976-091-2932 - 0926-686-6863
https://www.facebook.com/kahilom
27 Maysan Road Malinta, Valenzuela City
------------------------------------------
💰Payment Via Gcash & BPI Bank
------------------------------------------
You can also visit us on our
Instagram : https://www.instagram.com/p/Ccktbe3L_t-/?igshid=MDJmNzVkMjY
Tiktok : https://www.tiktok.com/?_t=8UsOP9NYLTd&_r=1

17/08/2022

Sa mundong puno ng naghihintay
na may dumating,
Isa ka sana sa iilan na naghahanap.

Para secured na ang upuan mo, pwede na ang Over-the-Counter na pag-order basta sagutan lamang ang form sa ibaba dahil limitado lamang ang espasyo ❤

https://forms.gle/9zfFm4RpQ1xLMogW7

Mahanap mo sana ang sarili sa mga piyesa ng Tambalang Ga'Go sa darating na
Agosto 19, 2022 | Biyernes | 7:30 nang gabi

Magkita-kita tayo sa komunidad ng Kahilom Café !

Tambalang Gâ’Go’s first face-to-face performance sa pagsasabuhay ng mga tula ng Priority Lane @ Kahilom Café ☕️📓. Huwag ...
11/08/2022

Tambalang Gâ’Go’s first face-to-face performance sa pagsasabuhay ng mga tula ng Priority Lane @ Kahilom Café ☕️📓.

Huwag ng papahuli sa registration upang siguradong matikman ang bagong timpla ng kape at mga katha sa Valenzuela!

✅ Kuwentuhan at Tulaan kasama ang Gâ’Go
✅ Book Signing
✅ Drinks and Dishes na Walang Katulad

Minsan mo rin bang naitanong sa sarili mo, bakit ang hirap maging PRIORITY?

Doon tayo sa katotohanan -- na sa bawat galaw ng mundo, kailangan mong pumila.

Sa araw-araw na siklo ng buhay mo, ni minsan ba hindi ka nainip ni napagod sa haba ng pinipilahan mo?

Huwag mong palalampasin ang makasaksi ng mga kathang sisiksik at manunuot hanggang sa kaibuturan ng iyong laman loob Featuring Tambalang Ga'Go ! 😲🤯

Paano?
I-click ang link na ito https://forms.gle/n6ABD2ApinD8ibJj9

Limitado lamang ang slot! ❤️

✨ ✨ HABOL NA, HABANG MAY KOPYA PA! ✨ ✨ Mula sa dalawang kasapi ng 207 Collective at kumakathang Valenzuelano na sina Ant...
07/06/2022

✨ ✨ HABOL NA, HABANG MAY KOPYA PA! ✨ ✨

Mula sa dalawang kasapi ng 207 Collective at kumakathang Valenzuelano na sina Anthony Gabumpa at Frishelle Gonzales, habol na sa pakikipila sa kanilang P R I O R I T Y L A N E : Pila ng mga Tula at Buntonghininga. Isang tambalang koleksyong bibigyan ka ng iba't ibang feels at talas sa mundo ng pag-ibig at pagiging bahagi ng lipunan gamit ang mga talinhaga.

Para sa mga nais makakuha o makapagpa-reserve ng sariling kopya ng libro, mangyaring bisitahin lang ang page ng Tambalang Ga'Go o mag-personal message mismo sa mga may-akda nito para isa ka na rin sa makakakuha ng libreng Bookmark at Postcard!

✨TAMBALAN PAGE: https://www.facebook.com/TambalangGaGo
✨ANTHONY GABUMPA: shorturl.at/dgrwO
✨ISHEL GONZALES: shorturl.at/ijmJW

07/05/2022

Christian Biando of the 207 Collective performs "Isa Pang Araw" para kina Leni at Kiko!

07/05/2022

207 Collective performs "R E S I B O" isang tanghal-tula ng pagtindig sa kulay rosas na bukas. Bilang g**o, kasapi ng LGBT+ Community, kabataan, artista, mangingibig, at boses ng laylayan.

"Mula sa Puso para kina Leni at Kiko"

03/05/2022

Tambalang Ga’Go at 8letters

13/04/2022

Ito ang P R I O R I T Y L A N E : Pila ng mga Tula at Buntonghininga. Masasamahan mo sa pilang ito ang linya ng mga spoken word poetry writings na itinanghal sa madla, sa mga programa, at sa mga sinugalang patimpalak. Mga tula itong inalay at hindi nakaabot sa tatanggap, tula ng g**o, at mangingibig, mga larawan sa Pangasinan, mga sinalang sa worksyap, mga buntonghiningang bumibisita sa gitna ng pagdaing, reyalisasyon sa daigdig, at pag-iisa. Tungkol ito sa hanay ng hintayan at daang salubungan mula sa mga akdang bunga ng obserbasyon, pananaw-mundo, pagkatha, at minsan-madalas ay karanasan.

Samahan ninyo kami sa paglulunsad ng aklat sa darating na Abril 22, 2022, sa ganap na 8:00 - 9:00 ng gabi. Ipagdiwang natin dito ang panitikan at mga pangarap!

💫 🌤️ ✨ 🌛 ⭐

Madaling-araw, nang ipinaalala
ng ningning ng mga bitoon
na kahit kailan ay hindi nangako
sa akin ang bukangliwayway.

- Madaling-araw ni ANTHONY "Ga" GABUMPA

💞 💭 🏵️ ✉️ 🕯️ 🎁

Sana hindi ka sumuko
Sana hindi mo ako iniwan
Sana hindi ka napagod
Sana patuloy kang lumaban.

- Lahat ng Sana ni FRISHELLE "Go" GONZALES

✨ ✨ ✨Para sa mga nais magtanong at nais makapagpa-reserve ng sariling kopya ng libro, mangyaring bisitahin lang page ng Tambalang Ga'Go [ https://www.facebook.com/TambalangGaGo ] para isa ka na rin sa makakakuha ng libreng Bookmark at Postcard! ✨ ✨ ✨

Mga ka-collective, ‘wag palampasin ang pagkakataon, sali na!
13/04/2022

Mga ka-collective, ‘wag palampasin ang pagkakataon, sali na!

☀️ 🌛 ⭐️ 🌻 🔥 S A L I N A ! ✍🏻 👑 🏆 🥇 🏵

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan ngayong Abril, ang Tambalang Ga'Go ay inaanyayahan kang makilahok sa patimpalak na may pamagat na PIYESAlita. Ito ay may layuning mabigyan ng boses ang mga akda o tula sa pamamagitan ng pagbigkas, pagbasa o pagtatanghal gamit ang maikling video record.

Para sa mga interesado, sundin lamang ang mga mekaniks na ito:

1. Bukas sa kahit na sinumang makababasa ng post na ito.

2. I-share lamang publicly ang post na ito, mag-tag ng tatlong friends sa comment section na may interes sa pagbasa at pagsusulat ng akda, at i-like at follow ang page ng Tambalang Ga'Go. ❤

3. Malaya sa kahit na anong paksa ang piyesa hanggat orihinal itong galing sa may-akda. Ito rin ay maaaring nakasulat sa Ingles o Filipino.

5. Ang ipapasang video ng piyesa ay may minimum na 30 segundo pataas. Pinahihintulutan ang kahit anong audio at video application. Pinahihintulutan din kung bahagi lamang ng akda o piyesa ang nais bigkasin-basahin-itanghal. Ilagay sa una o dulong bahagi ng video ang pamagat ng piyesa at pangalan ng mambibigkas.

Magpadala ng mensahe sa Tambalang Ga'Go page kasama ang link ng inyo video.


6. Mamarkahan ang mga kalahok mula sa mga sumusunod na PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:

Nilalaman: 30 %
Orihinalidad: 30 %
Pagbigkas: 20 %
Linis ng Presentasyon: 20%
KABUUAN : 100

7. Ang tatlong mananalo ay makakatanggap ng sumusunod:

🏆1st Place : Sertipiko, 500 GCash Load at Libro
🏅2nd Place : Sertipiko, 300 GCash Load at Libro
🎁3rd Place : Sertipiko at Libro

8. Tatanggap ng lahok mula Abril 10 (Linggo) hanggang Abril 20 (Miyerkules) at ilalabas ang resulta ng mga nagwagi sa Abril 22, 2022 sa ganap na 8:00 pm.

Paingayin natin ang sarili nating ambag sa panitikan. At ilabas ang tinatago nating talento kaya sali na!

Ga'Go
'22

Paweeer!Muli tayong magtipon-tipon sa ika-25 ng Pebrero,kasama ang ating guest performer Myca Gamis!Sagot namin kayo bas...
23/02/2022

Paweeer!
Muli tayong magtipon-tipon sa ika-25 ng Pebrero,
kasama ang ating guest performer Myca Gamis!

Sagot namin kayo basta tama ang choice mo!

Pili. Pino. PAWERRR!

Friday, 8 PM.
Live @207 Collective FB Page

C O - L 💝 V E - T I V EMagsama-sama tayong mga busog, uhaw, malusog at kapos sa pag-ibig.Tipunin natin ang mga 👣 yapak n...
07/02/2022

C O - L 💝 V E - T I V E
Magsama-sama tayong mga busog, uhaw, malusog at kapos sa pag-ibig.

Tipunin natin ang mga 👣 yapak ng karanasan na natabi mo para naman may ambag ka!

Ibahagi ang kwento ng iyong pag-ibig sa https://tinyurl.com/207CoLoveLetters

2 0 7 C o L o v e L e t t e r s at maaaring ang kwento mo na ang isa sa mapipiling basahin sa darating na live.

Magkita-kita tayo sa Feb.11, 2022 , 8pm!

Aasa pa rin ako.

Pagod ka na bang gumawa ng performance task mo? Sawa ka na bang pataasin pa ang performance rating mo?EDI, SA AMIN KA NA...
25/01/2022

Pagod ka na bang gumawa ng performance task mo?
Sawa ka na bang pataasin pa ang performance rating mo?

EDI, SA AMIN KA NA LANG MAG-PERFORM! Performance level yern????

CALL FOR OPEN MIC PERFORMERS
• 18 y.o and above performers
• willing to join 207 collective in their live sessions
• willing to ve interviewed
• willing TO PERFORM a piece in the live session

Click the link and fill out the Google Form. Hindi ito quiz, pramis!

https://tinyurl.com/207OpenMic

Hihintayin ka namin! Apoy 🔥

👐🏼👐🏼👐🏼FLY HIGH BUTTERFLYSumusumpa ka ba ng buong katapatan sa kapatiran?Tugon: _______Binabasbasan ka namin, bilang gana...
22/01/2022

👐🏼👐🏼👐🏼
FLY HIGH BUTTERFLY

Sumusumpa ka ba ng buong katapatan sa kapatiran?

Tugon: _______

Binabasbasan ka namin, bilang ganap na paro paro, sa ngalan ng mga kapatid na Mariposa

Okey, FLY HIGH BUTTERFLY!

Tugon: _________

Para makiisa, manood sa initiation sa darating na Biyernes, Jan. 28, 2022, 8pm, Tropapips.

👐🏼👐🏼👐🏼

Maligayang kaarawan sa Pangulo ng 207, Ian Jay!Hindi pa tapos ang araw para sa pagbati.Saksi ang kolektibo sa iyong husa...
10/01/2022

Maligayang kaarawan sa Pangulo ng 207, Ian Jay!
Hindi pa tapos ang araw para sa pagbati.

Saksi ang kolektibo sa iyong husay at dedikasyon!
Maraming salamat sa mga hataw at pagtatanghal!

Sino itong Big Daddy na makikisaya sa 3rd anniversary special ng 207 Collective mamaya?Abangan 'yan pati na ang limpak-l...
03/12/2021

Sino itong Big Daddy na makikisaya sa 3rd anniversary special ng 207 Collective mamaya?

Abangan 'yan pati na ang limpak-limpak na papremyo, tulaan, nominasyon, at kasiyahan para sa lahat ngayong Episode 9: Third Big Night Facebook Live, 9pm.

Hello Philippines and Hello FB World!Bakit ikaw ang dapat manatili at manalo sa bahay ni Big Daddy?Gusto mo bang maging ...
01/12/2021

Hello Philippines and Hello FB World!

Bakit ikaw ang dapat manatili at manalo sa bahay ni Big Daddy?

Gusto mo bang maging Big Winner?

Ihanda ang mga boto para sa nais magwagi ngayong Biyernes! Samahan ang Kolektibo sa Live Streaming ng
PBD Third Big Night ngayong December 3, 9:00pm!

24/11/2021

“Ang buhay ay araw-araw na pagtatangka na manipulahin ang mga bagay na wala sa kamay natin.” - Gray

Mapapanood ang 207 live tuwing Biyernes, 9pm. Dito lang sa walang paawat na 207 Collective. Apoy 🔥

Nagwawagi talaga! Lalo na sa Chinese GarterTag niyo na mga laging nababaldog niyong friend!
22/11/2021

Nagwawagi talaga! Lalo na sa Chinese Garter

Tag niyo na mga laging nababaldog niyong friend!


Pagsaluhan natin ang mga kuwento ng letter senders natin sa darating na Biyernes ng gabi, dito lang sa madamdaming tagpo...
10/11/2021

Pagsaluhan natin ang mga kuwento ng letter senders natin sa darating na Biyernes ng gabi, dito lang sa madamdaming tagpo ng...

MMK Señal: Mga Chika ng Buhay

Ngayon, bukas, at magpakailanman.

06/11/2021

dalawa't kalahating dekada man ang lumipas,
walang duda

mas masarap ang Jollibee Burger Steak
noong kasama pa kita,
Kuya Ace

Ang Paborito Kong Burger Steak
-Kim


06/11/2021

Hindi Lahat ng Kamatayan ay Trahedya: Eulohiya sa Ulap
[ Tula ni Anthony Gabumpa at Sayaw ni Ian Jay Formacion]

Hindi ba kapag sumasapit ang dilim,
dahan-dahan ding gumigising
ang mga alitaptap sa hangin?

Hindi ba,
pagtapos nating masdan
ang pag-itim ng mga abo
sa magdamag na kaingin,
lumulusog din paglaon
ang lupang pananim?

Sa aking mga ulap,
mabigat sa loob
ang iyong paglisan.
Di man lang nagdalawang-isip
ang langit nang minsan.

Pero pagkatapos ng bagyo
ng mga luha,
Inakay ako ng mga hamog mo
sa bago kong paraiso.

Sa mata ng nananampalatayang byuda
Sa uha ng sanggol
na iniligtas ng bayaning umulila
At sa mga tula,
na guguhit ng mga kuwento
mong mananatili sa aming dakila.

05/11/2021

Sana hindi ka sumuko.
Sana hindi mo ako iniwan.
Sana hindi ka napagod.
Sana patuloy kang lumaban.
Sana kahit hindi mo na ako maintindihan
patuloy ka pa ring kumapit sa pangako mo na...
HINDI KITA IIWAN.

"PAGSAMO"



Abangan ang ating special guest ngayong gabi! Mamaya na yan sa isa namang episode ng 207 Collective FB Live, 9pm. Isang ...
05/11/2021

Abangan ang ating special guest ngayong gabi!

Mamaya na yan sa isa namang episode ng 207 Collective FB Live, 9pm. Isang pag-alala at pag-aalay ng sining ng memento para sa mga mahahalagang tao sa ating buhay.

 : A Eulogy Presentation by 207 CollectiveMamaya na! 9 PM
05/11/2021

: A Eulogy Presentation by 207 Collective

Mamaya na! 9 PM

Mula nga sa pamosong mga salita ni Dr. Seuss, "Huwag kang manangis dahil magpapaalam, ngumiti dahil ito ay naging magand...
03/11/2021

Mula nga sa pamosong mga salita ni Dr. Seuss, "Huwag kang manangis dahil magpapaalam, ngumiti dahil ito ay naging magandang karanasan."

Tunghayan natin ang gabi ng mga sining na umiikot sa konteksto ng pamamaalam at pagharap sa bagong kinabukasan.

Samahan kami sa pagtatanghal ng MEMENTO: A Eulogy Presentation by 207 Collective.

Sa darating na Biyernes na, 9:OO PM.

Address

207
Valenzuela
1440

Telephone

+639979454706

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 207 Collective posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 207 Collective:

Videos

Share

Category

Nearby media companies



You may also like