04/08/2024
Please, mag review muna kayo and mag basa ng mga history about iphone. Baka manibago kayo dahil nasanay sa Android. Magkaibang magkaiba po ang IOS user sa Android wag nyo ipag kumpara kesyo ganito si android matagal malowbat, si ios naman ang bilis uminit at malowbat.
—- kung maari back up phone lang po talaga si iPhone, pero its up to you kung paano mo sya gamitin. Hindi po ko manufacturer ng iphone, reseller lang po kami.
Ilan sa mga reklamo ng mga buyer :
‼️Battery health.
Una, habang buhay mo na yang gagamitin battery health at mismong battery lang ang maintenance nyo jan. Example, si iphone 5 to 6s panahon pa ng kupong kupon yan pero still functionable padin lumabas na lahat lahat si Promax at mga terabyte storage buhay padin yan sila iphone 5to 6, kase nga po battery ang maintenance nyan, ma 10%bh man yan magagamit at magagamit mo padin basta new batt na ulit. It depends lang sa update. Baka old mode yang nabili nyo saka update kayo ng update.
‼️Update
Speaking of update. Wag basta update ng update sa mga unit nyo! Baka update kayo ng update tapos palowbat na pala ang iphone nyo tapos naka data lang pa expire pa. Naku black out talaga yan. p**i off ang automatic update ios kung maari incase na hindi kayo naka wifi at mahalaga na sa PC nag papa update para safe talaga .
‼️Umiinit
Pangatlo normal po yan, kung nakikita nyo sa mga post na mga memes nilalagyan nila ng yelo yung likod ng iphone nila kase normal yan na umiinit. Mas lalong umiinit mas mataas ang chance ng pag lalog or not functioning ng mga apps o hindi ma touch. Off mo lang yang iphone mo then papahingahin mo.
Kung mababa ang storage bawas bawasan ang mga files.
‼️Mabilis Malowbat
Welcome to IOS world. Kung ayaw mabilis malowbat balik ka nalang sa android. Mas mababa po ang mAh ng iphone kesa sa android. Kaya wag ipag kukumpara na mas matagal malowbat ang android kesa iphone.
—- Kung quality po ang pag uusapan maganda naman talaga si iPhone, number 1 benefits, lalo na yung camera laking tulong lalo na sa mga online seller. Pero wag iasa lahat kay ios kase may mga bagay na hindi pang matagalan kay ios kumpara kay android ha! Parang ex mo lang yan, jk.
~ctto