26/12/2024
UPDATE | Tinupok ng apoy ang isang tindahan ng mga paputok ngayong hapon sa Palengke ng Barangay Nuro, Upi, Maguindanao del Norte, December 26, 2024.
Ginulantang ang mga residente sa lugar matapos na umalingawngaw ang putok habang nilalamon ng apoy ang nasabing tindahan.
Agad namang nakapag-responde ang mga kasapi ng Upi Fire Station upang mapigilan ang pagkalat ng apoy.
Wala namang may naiulat na nasawi o nasaktan sa nasabing sunog.
Samantala, personal namang tinungo ni Upi Mayor Ma. Rona Cristina Piang-Flores ang lugar upang alamin ang kalagayan ng mga nasunugan.
Contributed Photos,