17/04/2024
As a person na nasa early 20s, palagi kong naririnig sa iba na mag-explore daw at wag matakot mag take risk habang bata pa...
hala, pano ba yun?
Sa totoo lang, risk taker talaga ako. Yung tipong g na g ako kahit nakalista ako sa mga strongest soldier ni Lord.
lalo na kung alam kong by taking a specific risk, it will help me improve my life, business, & mindset.
at sa dami-daming risk na tinake ko, isa yung karanasan ko sa pag bubusiness ang masasabi kong 'risk taker talaga ako!'
Eto na nga for 3 years, I had a clothing business ano siya Panimula Negosyo Bundle yung product ko. So before nag e-earn siya ng 5 figures per week but here's the thing, malakas siya bumenta that time without me doing anything (in terms of attracting target market).
yung tipong hinihintay ko lang yung mga sellers na mag place ng order tapos isship ko nalang.
Pero wala talaga akong system, marketing, or even budgeting. Tipong funds ng business kala ko, pera ko din.
Kaya laging akong anxious non kasi hindi ko sure kung sa next week may oorder pa ba sakin. Eh yung BunDeals pa naman yung nagiisang source of income ng family namin that time (pandemic).
I really don't know what I was doing back then, as in clueless how business really works.
Swerte ko nalang din non kasi that time, hindi pa talaga super complicated magkaroon ng online business. Plus pa boom palang siya.
and then time came mga 2022, yung unti-unti nang bumabalik ang lahat sa normal and back to work na ulit yung mama at ate ko.
So ni-grab ko yung chance na yon. I challenged myself to take a pause from operation and dig deeper kung ano ba talaga yung business.
looking back, natatawa nalang ako ngayon kasi chinallange ko talaga yung sarili ko to be back to zero parang nasa rock bottom ako nung taon na yon.
Ang hirap kasi as in wala ng cashflow.
until I found out about this freelancing thing which is known for offering their skills for a fee.
So sabi ko ayos matututunan ko na paano magpatakbo ng business kasi aaralin ko yung mga skills required to make my client's business grow.
pero sa totoo lang, sa pag talon ko na yun sobrang nahirapan ako.
But, did I regret it?
hindi...
Because fast forward today, the knowledge, confidence, and skills I have now is priceless.
Ngayon, nagpapasalamat nalang din ako kasi ang sarap pala mag take ng risk sa sarili mo.
In fact, after a year I'm back to business!! Yun nga lang by the time we choose personal growth, pag balik natin hindi na pala siya katulad ng dati.
Pero okay lang yon, kasi we can always figure it out lalo na ngayong better person ka na.
And ayon, yon pala yon. Those risks help us grow.
Imagine if I did not accept the fact na kulang pa talaga yung kaalaman ko at there is so much more out there to explore eh baka tuluyan nalang malugi at mawala yung business.
Sa journey na yon, sobrang dami kong natutunan at nakilala, all because I took a leap of faith at nag take risk ako sa sarili ko. Sobrang proven and tested sa buhay ko yung laging sinasabi na “Piliin mo kung ano yung hirap na gugustuhin mo.”
Kasi hindi talaga siya naging madali as in yung kahit napakadaming motivational videos at coaches pa panoorin mo minsan putek gusto mo nalang maiyak. Malo-lost ka and mag d-doubt kung nasa right path ba pa.
But yeah, at the end of the day everything is gonna be alright.
ngayon siguro sasabihin ko sa younger self ko who's breaking down and anxious most of the time....
It is just scary because it is a bigger game and it is just hard because it has a bigger reward.
your digital cm,
acie.