02/02/2021
Today's Motivation:
Sa mga taong nagbabasa nito. Don't give up on your dreams! Ang ibig sabihin ko, habulin at abutin mo ang mga pangarap mo! Bata ka pa naman, sobrang marami ka pang mararating at makilala. At kung matanda ka na, it's never too late. Matthew 21:22 says, If you believe, you will receive whatever you ask for in prayer. Kaya ano pa hinihintay mo? Mag dasal ka na! Bibigay ni Lord yan mga taong tao, tamang pagkakataon sa tamang panahon.
Trials, mistakes and challenges, parte talaga ng buhay yan! Hindi natin yan maalis. Totoo yon kapatid! meron talagang times na kahit ibigay mo yung MGA pinaka best sa best mo sa huli magfefail ka pa rin. Even the best lose sometimes. Pero hindi porket nagfail ka noon, failure ka na o magfefail ka habang buhay. Think positive! ❤️
Huwag kang mag give up! Dahil malakas kang tao. Hindi 'yun sapat na reason para sumuko ka. Remember why you started and why you started. Lalo na kung hindi mo pa naaabot ang nais mong abutin. God has His own timing and every pain we carry is not an excuse to quit. Pain teaches us to be strong. Kaya be strong! 💪 Pray, believe and trust. 😊 Someday, magiging thankful ka kasi napagdaanan mo yung mga mahihirap kaysa sa madali. Kasi dahil don mas lalo ka naging matatag, madiskarte at mas matalinong tao. 💪😊
Magkakaiba tayo ng pinagdadanan at magkakaiba ang landas natin. Kaya marating mo man ang pangarap mo na ninanais. Balikan mo yung taong tumulong sayo at huwag maging mayabang. Wag mo silang kakalimutan.
Nadapa ka pero hindi ibig sabihin nun talunan ka. Hindi porket sumablay ka at pumalpak, hindi ka na magaling, talo ka na at wala ka ng pag-asa. Meron ka pang i-iimprove. Motivate and push yourself to your limits! Limitless talaga tayo, tayo lang naglilimit sa ating mga sarili kasi inuunahan tayo ng kaba at takot.
Lahat tayo binigyan ng Panginoon ng kanya-kanyang talento at kakayahan. "Huwag nating i-asa sa ibang tao ang tagumpay o kaginhawaan na inaasam natin." Tayo mismo gumawa ng tagumpay at success natin.
Kung magkamali man tayo, Tanggapin natin. It's alright. Let us be wise and learn from our mistakes, move on and be better. Failure should inspire us to do better." 💙
Kung nada-down ka pa kasi nakikita mong angat at mas magaling yung iba sa'yo. Imaginin mo nalang, ang lakas ng kakampi natin. Si God. Creator ng lahat. Kahit ilang pagkakamali mo. Meron pa ring tinatawag na word na "Bounce back o Comeback is real."
Kaya huwag mong isipin na wala kang purpose sa mundo o walang kang kwenta. Kasi isa ka sa pinaka importante. Worth it ka na tao! Believe me, hindi sagot ang pagpapakamatay. Dahil sayang lang ang buhay. I-enjoy at pahalagahan mo habang nabubuhay ka. Laban lang sa challenges at enjoyin ito. 'Wag mong isipin na walang nagmamahal sa'yo. Kasi maraming nagmamahal sa'yo. Isa na ako 'don at isa na rin si Lord. 💕
'Wag mong hayaan lamunin ka ng overthinking at lungkot. For now it be may be stress, financial problem, health, physical, mental, studies, works, job applications or family problems. Sasagutin lahat yan ni Lord sa tamang momenst. 'Coz "No need to worry and don't worry. Because God is with you wherever you go. -Joshua 1:9" 😇❤️
Words by: Mark Jerome R. Navarro