LLBC Bocaue st martha

LLBC Bocaue st martha BAPTIST CHURCH
reformed in theology
we exist to glorify God and enjoy him forever.. Gospel centered..

5 solas, doctrine of Grace (tulip) 1689 London baptist confession of faith

Prayer is not a preparation for a greater work..Prayer is the greater work..Oswald chambersSoli deo Gloria ...
16/12/2023

Prayer is not a preparation for a greater work..
Prayer is the greater work..Oswald chambers

Soli deo Gloria ...

1689 LBCFCHAPTER 22 PARAGRAPH 3ANG BANAL NA PAGSAMBA AT ARAW NG PANGINOON Hinihingi ng Diyos sa lahat ng mga tao na mana...
16/12/2023

1689 LBCF

CHAPTER 22 PARAGRAPH 3

ANG BANAL NA PAGSAMBA AT ARAW NG PANGINOON

Hinihingi ng Diyos sa lahat ng mga tao na manalangin sa Kanya, at magpasalamat, yamang ito ay isang bahagi ng likas na pagsamba.(6) Datapuwa't upang ito'y maging katanggap-tanggap, dapat itong gawin sa Pangalan ng Anak ng Diyos,Ang panginoong JESUS(7) sa tulong ng Banal na Espiritu(8) at ayon sa Kanyang kalooban.(9) Dapat din itong maging magalang, mapagpakumbaba, maalab at matiyaga, may pananampalataya, pag-ibig at pag-unawa.(10) Kung nananalangin na kasama ng iba, dapat itong nasa WIKANG NAUUNAWAAN ng lahat.(11)

6)Aw. 95:1-7; 100:1-5
7)Juan 14:13,14
8)Rom. 8:26
9)1 Juan 5:14
10)Gen. 18:27; Aw. 47:7; Ec. 5:1-2; Mat. 6:12,14-15; Mar. 11:24; Ef. 6:18; Col. 4:2; Heb. 12:28; San. 1:6-7; 5:16
11)1 Cor. 14:13-19,27-28

14/12/2023
12/12/2023

“A stranger they will never follow, but will flee from him, because they do not know the voice of strangers.” … So Jesus said to them again, “Truly, truly, I say to you, I am the door of the sheep.”
‭‭John‬ ‭10‬:‭5‬, ‭7‬ ‭

A providence from GOD na magamit para maipahayag Ang ebanghelyo sa mga tao..
08/12/2023

A providence from GOD na magamit para maipahayag Ang ebanghelyo sa mga tao..

08/12/2023

1689 LBCF

ANG EBANGHELYO AT ANG ABOT NG BIYAYANG ITO

Chapter 20 paragraph 4

Ang ebanghelyo ang tanging panlabas na paraan ng pagpapahayag sa mga tao kay Cristo at sa nakaliligtas na biyaya... Ito ay lubusang sapat sa ganitong layunin.(7) Subali't upang ang tao na patay sa kanilang mga kasalanan ay maipanganak na muli o mabuhay,.. mayroon pang higit na kinakailangan: ang mabisa at matagumpay na gawain ng Banal na Espiritu sa bawa't bahagi ng kaluluwa ng tao... Sa ganitong gawain, isang bagong buhay espirituwal ang nalilikha. Wala nang ibang gawain ang makapagdudulot ng panunumbalik sa Diyos..kundi pagkilos ng Diyos k(8)

7)Rom. 1:16-17
8)Juan 6:44; 1 Cor. 1:22-24; 2:14; 2 Cor. 4:4-6

Monthly activities,visitation, worshipping and bible study for November..
29/11/2023

Monthly activities,visitation, worshipping and bible study for November..

29/11/2023

Ephesians 2:8-10
English Standard Version
8 For by grace you have been saved through faith. And this is not your own doing; it is the gift of God, 9 not a result of works, so that no one may boast. 10 For we are his workmanship, created in Christ Jesus for good works, which God prepared beforehand, that we should walk in them.

20/11/2023

1689 LBCF

Chapter 17 paragraph 2

Ang panananatili ng mga banal(preservation of the saints)

Ang pananatiling ito ng mga banal ay nakasalalay sa mga sumusunod:

(a) sa di-nagbabagong pagtatakda(election) ng paghirang(4) na nagmumula sa walang bayad at di-nagbabagong pag-ibig ng Diyos Ama;

(b) ang makapangyarihang kagalingan at pamamagitan ni Jesu-Cristo at ang pakikiisa sa Kanya(mediatorial ministry)(5);

(c) ang pangako ng Diyos(6);

(d) ang pananahan ng Espiritu sa mga banal;

(e) ang binhi ng Diyos na nasa kanila(7); at

(f) ang katangian ng tipan ng biyaya.(covenant of Grace)(8)

Ang lahat ng mga ito ay nagpapatibay sa katiyakan at di-nagmamaliw na pananatili ng mga banal.(9)

4)Mat. 24:22,24,31; Rom. 8:30; 9:11-16; 11:2,29; Ef. 1:4-11
5)Juan 10:28-29; 14:19; Rom. 5:9-10; 8:31-38; 1 Cor. 1:8-9; 2 Cor. 5:14; Heb. 7:25
6)Heb. 6:17-20
7)2 Cor. 1:22; 5:5; Ef. 1:13-14; 4:30; 1 Juan 2:19-20,27; 3:9; 5:4,18
8)Jer. 31:33-34; 32:40; Heb. 10:11-18; 13:20-21
9)Juan 6:37,44; Rom. 9:16; Fil. 2:12-13

17/11/2023

APOLOGETICS

Yes, we all agree that whoever believes has eternal life, but who believes? When you ask scripture that question you only get one answer -- those God has chosen and called and given faith.

17/11/2023

DISCERNMENT TIME

Galatians 1:8-9 -- "But even if we or an angel from heaven should preach a gospel other than the one we preached to you, LET THEM BE UNDER GOD’S CURSE! As we have already said, so now I say again: If anybody is preaching to you a gospel other than what you accepted, LET THEM BE UNDER GOD’S CURSE!"

1 John 4:1 -- "Beloved, do not believe every spirit, but TEST THE SPIRITS to see whether they are from God, because many false prophets have gone out into the world."

Ephesians 5:11 -- "Take no part in the unfruitful deeds of darkness, but rather EXPOSED THEM."

🌷🌷🌷
17/11/2023

🌷🌷🌷

R, C, Sproul

07/11/2023
03/11/2023

1689 London baptist confession of faith

Chapter 14 paragraph 1

ANG NAKALILIGTAS NA PANANAMPALATAYA(saving faith)

1. Ang biyaya ng pananampalataya ay gawa ng Espiritu sa puso ng mga hinirang. Sa pamamagitan nito, sila ay maaaring manampalataya sa ikaliligtas ng kanilang kaluluwa.(1) Ito ay karaniwang nangyayari sa pamamagitan ng pangangaral ng Salita ng Diyos.(2) Gayon din, sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos, sa pamamagitan ng pagbabautismo at pagdiriwang ng Banal na Hapunan, sa panalangin at sa iba pang paraang itinalaga ng Diyos, napalalago at napagtitibay ang pananampalataya.(3)

1)Juan 6:37,44; Gawa 11:21,24; 13:48; 14:27; 15:9; 2 Cor. 4:13; Ef. 2:8; Fil. 1:29; 2 Tes. 2:13; 1 Ped. 1:2
2)Rom. 10:14-17
3)Lu. 17:5; Gawa 20:32; Rom. 4:11; 1 Ped. 2:2

1689 LONDON BAPTIST CONFESSION OF FAITH ANG PAGIGING BANAL(SANCTIFICATION)CHAPTER 13 PARAGRAPH 3Sa pakikipaglaban ng lam...
02/11/2023

1689 LONDON BAPTIST CONFESSION OF FAITH

ANG PAGIGING BANAL(SANCTIFICATION)

CHAPTER 13 PARAGRAPH 3

Sa pakikipaglaban ng laman sa Espiritu, ang nananatiling kasamaan ng kasalanan ay maaaring pansamantalang magtagumpay.(10) subalit ang patuloy na pagpapalakas ng nagpapabanal na Espiritu ni Cristo ay nagbibigay ng tagumpay sa isang bagong nilalang.(11) At sa gayon, ang mga banal ay lumalago sa biyaya, na pinasasakdal ang kabanalan sa takot sa Diyos. Hinahanap nila ang makalangit na buhay, na may kusang pagsunod sa lahat ng mga utos sa Kanyang Salita na ibinigay sa kanila ni Cristo na Pangulo at Hari.(12)

10)Rom. 7:23
11)Rom. 6:14; Ef. 4:15-16; 1 Juan 5:4
12)Mat. 28:20; 2 Cor. 3:18, 7:1; 2 Ped. 3:18

1689 London baptist confession of faith  Chapter 12 paragraph 1PAGKUPKOP(adaption)Ang lahat ng mga PINAWALANG SALA ay mi...
29/10/2023

1689 London baptist confession of faith

Chapter 12 paragraph 1

PAGKUPKOP(adaption)

Ang lahat ng mga PINAWALANG SALA ay minarapat ng Diyos, alang-alang sa Kanyang bugtong na Anak na si Jesu-Cristo, na tumanggap ng biyaya ng pagkukupkop(inampon)adoption.(1) Sa pamamagitan nito, sila ay ibinibilang, at nagtatamasa ng mga kalayaan at karapatan ng mga anak ng Diyos.(2) Tinatawag silang mga anak ng Diyos.(3) Tinatanggap nila ang espiritu ng pagkukupkop(4) at nakalalapit sila sa luklukan ng biyaya nang may pagtitiwala. Maaari silang tumawag ng "Abba, Ama!".(5) Sila ay kinahahabagan,(6) iniingatan,(7) pinagkakalooban ng mga pangangailangan,(8) at dinidisiplina Niya sila bilang isang Ama.(9) Gayon ma'y hindi sila kailanman itinataboy(10) kundi tinatakan hanggang sa araw ng Katubusan,(11) at minamana nila ang mga pangako bilang tagapagmana ng walang hanggang kaligtasan.(12)

1)Ef. 1:5; Gal. 4:4-5; 1 Juan 3:1-3
2)Juan 1:12; Rom. 8:17,29
3)2 Cor. 6:18; Apoc. 3:12
4)Rom. 8:15
5)Rom. 5:2; Gal. 4:6; Ef. 2:18; 3:12;
6)Aw. 103:13
7)Kaw. 14:26
8)Mat. 6:30,32; 1 Ped. 5:7
9)Heb. 12:6
10)Isa. 54:8-9; Panag. 3:31
11)Ef. 4:30
12)Rom. 8:17; Heb. 1:14, 6:12; 9:15

28/10/2023

1689 London baptist confession of faith

Ang PAGPAPAWALANG SALA (Justification)
Chapter 11 paragraph 5

Patuloy na pinatatawad ng Diyos ang mga kasalanan ng lahat ng mga PINAWALANG SALA (15) Hindi kailanman mawawala ang kanilang PAGPAPAWALANG SALA (16) subali't dahil sa kasalanan ay maaari silang mapasailalim ng disiplina ng Diyos bilang Ama.(17) Sa ganitong kalagayan, hindi karaniwang ibinabalik ng Diyos ang Kanyang kaluguran sa kanila hangga't hindi sila magpakumbaba sa kanilang sarili, magpahayag ng kanilang kasalanan, humingi ng patawad ng Diyos, at gisinging muli ang kanilang pananampalataya at pagsisisi.(18)

15)Mat. 6:12; Juan 13:3-11; 1 Juan 1:7-2:2
16)Lu. 22:32; Juan 10:28; Heb. 10:14
17)Aw. 89:31-33; Heb. 12:6
18)Aw. 32:5; 51:7-12; Lu. 1:20; Mat. 26:75

26/10/2023

Yun lang...

Soli deo Gloria ❤️
26/10/2023

Soli deo Gloria ❤️

Dexter is a pastor at Spirit-Filled Community Church in Las Pinas who lives in Cavite, Philippines. He tells the story of how God used resources from John Pi...

1689 LONDON BAPTIST CONFESSION OF FAITHChapter 11 paragraph 4 ANG PAGPAPAWALANG SALA (JUSTIFICATION)Binayaran ni Cristo ...
26/10/2023

1689 LONDON BAPTIST CONFESSION OF FAITH

Chapter 11 paragraph 4

ANG PAGPAPAWALANG SALA (JUSTIFICATION)

Binayaran ni Cristo ng buo ang pagkakautang ng lahat ng mga PINAWALANG SALA sa pamamagitan ng Kanyang pagsunod at kamatayan. Inihandog ni Cristo ang Kanyang sarili bilang hain sa krus. Ang parusang nararapat sa mga PINAWALANG SALA ay tinanggap Niya sa halip nila. Kanyang lubos at ganap na binigyang kasiyahan ang lahat ng mga hinihingi ng katarungan ng Diyos sa kanila.(7) Gayon pa man, ang kanilang pagpapawalang sala ay sa pamamagitan ng walang bayad na biyaya lamang.

Unang-una, ipinagkaloob ng Ama si Cristo sa kanila.(8)

Pangalawa, tinanggap ng Diyos ang pagsunod ni Cristo at ang Kanyang pagbibigay-kasiyahan sa mga hinihingi ng kautusan para sa kanila.(9)

Pangatlo, walang anuman sa kanila ay marapat sa mga kaawaang ito.(10)

Kaya ang katarungan at biyaya ng Diyos ay kapwa naluluwalhati sa pagpaoawalang sala ng makasalanan.(11)

7)Isa. 53:4-6, 10-12; Rom. 5:8-10,19; 1 Tim. 2:5-6; Heb. 10:10,14
8)Rom. 8:32
9)Mat. 3:17; 2 Cor. 5:21; Ef. 5:2
10)Rom. 3:24; Ef. 1:7
11)Rom. 3:26; Ef. 2:7

25/10/2023

Nadinig pa lang yung salitang I declare uwian na🤣🤣

Address

Blk 105 Lot 12 Street Martha Phase 3 2nd Floor Brgy Batia
Bocaue
3018

Telephone

+639480765332

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LLBC Bocaue st martha posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share


Other Digital creator in Bocaue

Show All