10/12/2024
71-ANYOS NA SI LOLO, NAGBEBENTA NG MGA LUMANG PERA PARA SA PANGARAW-ARAW NA PANGANGAILANGAN AT EDUKASYON NG APO
Si Gaudencio Esteban Sumayo, 71-taong-gulang, ay nagsimula bilang isang shell crafter noong kanyang kabataan. Sa edad na 20, naengganyo siyang mangolekta ng mga lumang barya dahil sa kagandahan ng disenyo at kasaysayan ng mga ito. Sa kasalukuyan, makikita si Lolo Gaudencio sa gilid ng Osmeña Boulevard sa Cebu City, kung saan ipinap**ita at ibinebenta niya ang kanyang mga koleksyon ng lumang barya at papel na pera batay sa kanilang halaga bilang mga collectible.
Umaasa si Lolo Gaudencio na magpapatuloy ang mga susunod na henerasyon sa pagpapahalaga sa sining ng pangongolekta ng barya. Ang kanyang kinikita ay ginagamit para sa kanyang mga pang-araw-araw na pangangailangan at upang masuportahan ang pag-aaral ng kanyang apo.
Narito ang bidyo: https://tinyurl.com/3hv8t2np