14/11/2025
Nagsisihan at Nagbubukingan. Pero kailan nga ba magkakaroon ng Pananagutan?
Sa dami ng mga isyung hinaharap ng ating bansa ngayon, tila ba mayroong bagong kuwento na naman araw-araw. Mayroong nagsasalita, mayroong nagsisihan, mayroong naglalabas ng listahan, at may nagbabantang ilalantad ang โkatotohanan.โ Para bang paulit-ulit na eksena sa isang lumang pelikula. Maraming sigawan, maraming akusasyon, pero sa dulo, walang malinaw na resolusyon.
Natural lang na mapatingin ang taumbayan kapag may nagsabing may โresiboโ o mayroong mga pangalang ibubunyag. Kapag pondo ng bayan ang pinag-uusapan, lahat tayo mayroong karapatang magtanong. Pero habang tumatagal, napapansin nating parang nagiging ingay lamang ang lahat. Mayroong naglalaglagan, mayroong nagtuturuan, pero hindi natin makita kung mayroong seryosong hakbang ba para tukuyin kung ano nga ba talaga ang totoo.
At dito pumapasok ang tunay na problema. Kapag ang pagbubunyag ay nauuwi lang sa drama, nawawala ang saysay ng paglalahad.
Kung talagang mayroong ebidensiya, bakit hindi agad dalhin sa tamang ahensya? Bakit sa publiko inuuna, sa halip na sa mga institusyong mayroong kakayahang magsuri nang patas at mayroong malinaw na proseso? Kung ang layunin ay paglilinis, bakit mukhang lumalabas lang ito kapag may alitan o tensyon sa politika?
Hindi natin kailangan ng mas maraming away. Hindi natin kailangan ng palabas. Ang kailangan ng sambayanan ay katotohanan at pananagutanโiyon ang simpleng tanong na hanggang ngayon, hindi pa rin nasasagot.
Nararapat lang na paalalahanan ang mga opisyal ng pamahalaan: ang kapangyarihan ay hindi dekorasyon, hindi proteksyon, at lalong hindi sandata. Ito ay responsibilidad. At kasama sa responsibilidad na iyon ang pagiging handang humarap sa imbestigasyon kung kinakailangan. Walang dapat mas mataas sa batas, at walang sinumang dapat makaiwas dito.
Ang hamon ngayon ay malinaw: tigilan natin ang pag-ikot sa parehong kuwento. Kung may paratang, imbestigahan. Kung may ebidensiya, ilabas sa tamang proseso. At kung may nagkasala, managotโanumang posisyon o pangalan ang nakataya.
Sawang-sawa na ang taumbayan sa gulo na walang patutunguhan. Panahon na para magka-resolution, hindi lang revelation. Panahon na para sa hustisya, hindi para sa drama.
Dahil sa huli, ang usaping ito hindi lang tungkol sa mga taong sangkotโtungkol ito sa atin, sa ating tiwala, at sa kung anong klase ng pamahalaan ang nararapat sa sambayanang Pilipino.