#BaliThean | Ano nga ba paningin ng mga Carigan sa kanilang magiging buhay sa kolehiyo at mga tipid tips sa kanilang pananatili dito sa unibersidad? Panoorin nang ating malaman!
LOOK | Graduating class of 2024 of the College of Engineering and Architecture and College of Veterinary Medicine performing their graduation song “I Lived” by One Republic
DAYAO 2024
And that wraps it up. Cagayan State University's three-day celebration of its founding concluded just like that. Too short of a time to bond together again as a university to the point where everyone is going home again to their respective campuses this quick.
However, at the end of the day, CSU's anniversary is worthy of celebration, where every CSUan shares his or her joy and glory in keeping the aviators, or the satellite campuses ascent towards meeting the university's vision and mission.
Forty-six years is no mere years of service to the dreamers and realizers — it has become that period of time where about a million of students became the people who they aspired to, and the period where excellence, unity and competence reached the four corners of the world.
Even though our Dayao coverage is wrapping up soon, don't worry, we'll be back to SEE-ACE-YOU AGAIN!
#CSUat46
#DAYAO2k24
ANNI #IPADAYAO MU?
Hello CSUans! 👋 Naeenjoy niyo ba ang anniversary natin? Sabihin mo, oo, halata naman e. 😎
The Dayao coverage gives this exquisite video presentation and takes you on a guided tour through the creative booths of the Sarabo Display, a highlight of our university's 46th Founding Anniversary celebration.
Prepare to be thrilled by the innovative products showcased by each campus. Witness the dedication and ingenuity of the true masterminds behind these remarkable displays. Their passion for progress and commitment to excellence shines through in every meticulously crafted exhibit.
Speaking of Sarabo Display, 'di mo ba alam ba na ang sasarap ng mga inobatibong pagkaing handog ng mga iba't ibang campus sa kanilang booth? Natikman na ng karamihan, ikaw na lang hinihintay nila. Punta ka na, at tikman ang ating mga pinagmamalaki!
Ikaw? Anong pinagmamalaki mo, CSUan? 👀
#CSUat46
#DAYAO2k24
Upholding its goal to provide only excellence and competence since 1978, Cagayan State University has been a beacon for academic brilliance, social stewardship, and general development. The university's almost half a century of service has yielded numerous triumphs in establishing its legacy across various fields.
Honoring its 46th founding anniversary, a three-day celebration will be held at the CSU Carig Campus on June 11, 13, and 14.
Commemorating this event, The CSU Promethean brings you DAYAO Special Coverage.
Stay tuned for updates and highlights here on The CSU Promethean page.
#CSUat46
#DAYAO2k24
#PromeLoveBytes | Song Playlist: ESTRANGHERO by Cup of Joe
#PromeLoveBytes | Song Playlist: ESTRANGHERO by Cup of Joe
"𝘋𝘳𝘰𝘸𝘯 𝘪𝘯 𝘢𝘯 𝘶𝘯𝘧𝘢𝘮𝘪𝘭𝘪𝘢𝘳 𝘱𝘢𝘪𝘳 𝘰𝘧 𝘦𝘺𝘦𝘴 𝘴𝘵𝘳𝘢𝘯𝘨𝘦𝘭𝘺 𝘰𝘸𝘯𝘦𝘥 𝘣𝘺 𝘢 𝘧𝘢𝘮𝘪𝘭𝘪𝘢𝘳 𝘱𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯."
𝗕𝗲𝗮𝘂 𝗼𝗿 𝗕𝗼𝗼?
✍️ maicrokosmos
Should love be a person, then it must be you
Your eyes drew me in with their tenderness
Oh, alluring scent made me linger
You sure raptured my soul
I don’t know if this is hallucination
But your love’s too good to be true
Or this is a flashback of our relished memories
My beloved stranger, please don’t be estranged
How would I describe love if I am losing you?
It is a long voyage
And here am I, yearning for how we used to be
As I saw you purposely drifting away
How did you go from loving me endlessly
To never at all?
Yet, you live in my heart rent-free
Beau, I still peel trees of orange for you.
———
DISCLAIMER: We hereby declare that we do not own the rights to this music/song. All rights belong to the owner. No Copyright Infringement Intended.
#PromeLoveBytes | Song Playlist: JULYO by David La Sol
#PromeLoveBytes | Song Playlist: JULYO by David La Sol
"𝘉𝘶𝘸𝘢𝘯 𝘮𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘭𝘦𝘯𝘥𝘢𝘳𝘺𝘰 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘨𝘣𝘢𝘨𝘰, 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘴𝘪𝘯𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘳𝘢𝘳𝘢𝘮𝘥𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢’𝘺𝘰."
𝗞𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗝𝘂𝗹𝘆𝗼, 𝗝𝘂𝗹𝘆𝗼?
✍️ ilang-ylang
Pagtapos daw ng Julyo, maglalaho ang mga akala.
pwedeng malimutan ang mga alaala,
ngunit kung mangyari ngang balewalain,
ako ba’y yayakapin pa rin?
o, pambihirang puso!
kapag nariyan ang tinig mo,
lumalalim na ang titig ko,
nabibingi sa pintig ng sariling puso.
o, Julyo ko, sa gitna ng usapan,
bigla ko lang naramdaman,
na kung dumating man ang gulo,
sabay na nating haharapin ang mga ito.
o, pambihirang Julyo,
walang namang nagbago
at walang magbabago
atin at atin lamang
ang pag-ibig na ito.
———
DISCLAIMER: We hereby declare that we do not own the rights to this music/song. All rights belong to the owner. No Copyright Infringement Intended.
#PromeLoveBytes | Song Playlist: DALANGIN by Earl Agustin
#PromeLoveBytes | Song Playlist: DALANGIN by Earl Agustin
"𝘎𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘣𝘢 𝘥𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘩𝘢𝘣𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘥𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘨𝘣𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵?"
𝗱𝗲𝗯𝗼𝘁𝗼
✍️ ouragan
Nobena ko ang nobela ng ating pagsinta,
mala-salmo kung ituring ang bawat salita.
Dinig ang samyo at langhap ang tamis,
dasal na ikaw ang patutunguha't walang paglihis.
Hindi na sapat ang saulong panalangin,
ilang beses na ring bumulong ng pakiusap sa hangin.
Tinta ko'y malapit na ring maubos,
sa haba ng mga tula, daliri'y malapit nang mapaos.
Ngunit hindi pa ako tapos manalangin;
hindi pa tapos na makiusap ang isip ko at damdamin.
Paumanhin sa mga anghel na pagod kakapakinig,
nagbabakasakaling akin ang unang madidinig.
At lagi kong uulitin, ipapaalala sa'yo —
sa dagat ng pitong bilyong tao,
aking puso'y ikaw ang palaging pipiliin,
pangakong ikaw lamang ang aking dalangin.
———
DISCLAIMER: We hereby declare that we do not own the rights to this music/song. All rights belong to the owner. No Copyright Infringement Intended.
#PromeLoveBytes | Song Playlist: SITWASYONSHIP by Janine Berdin
#PromeLoveBytes | Song Playlist: SITWASYONSHIP by Janine Berdin
"𝘔𝘢𝘳𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘴𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘯𝘢 𝘨𝘶𝘴𝘵𝘰 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘩𝘢𝘯𝘥𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘮𝘢𝘺𝘢."
𝗛𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴
✍️ minute
Ano nga ba tayo?
kasi sinta napakagulo.
Sabi mo mahal mo ako,
pero bakit mo ‘ko itinatago?
Hindi pa ba ako sapat para sa’yo?
Inaangkin na buong pagkatao.
Bawat gabi nilalasap ang iyong musika,
marka na iyong iniwan sa aking katawan sinta.
Sa ilalim ng buwan, labi nati'y naglalapat,
natatakot na panaginip lang ang lahat.
Walang klarong pinanghahawakan,
kahit anong oras maaaring bitawan.
Natatanga na nga siguro,
sapagkat pinipili pa ring magpakahibang sa’yo.
Sinta walang malinaw na oo,
pero nagbabakasakaling isip mo’y magbago.
———
DISCLAIMER: We hereby declare that we do not own the rights to this music/song. All rights belong to the owner. No Copyright Infringement Intended.
#PromeLoveBytes | Song Playlist: MEANINGFUL SILENCE by The Ridleys
#PromeLoveBytes | Song Playlist: MEANINGFUL SILENCE by The Ridleys
"𝘚𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘪𝘪𝘴𝘢, 𝘨𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘬𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘨𝘶𝘳𝘢𝘥𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘣𝘰’𝘵 𝘮𝘢𝘩𝘪𝘨𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘥𝘶𝘥𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘮𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘱𝘪𝘨𝘢?"
𝗣𝗮𝗴𝘀𝗮𝗹𝗶𝗻
✍️ citadel
"Hindi ka ba natatakot sumubok muli?"
"Oo, sinong nagsabing hindi?"
"Eh bakit mo pa rin sinusubukan?"
"Dahil gusto ko, kahit nakakatakot"
Kapag sa habulan ay may halakhakan at tawanan
Abutan man ng ulan sa kalagitnaan at magalusan
Kung ang kaingayan at kwentuhan ay mapalitan
ng malalim na katahimikan—sana nandoon ka, aking lakan
Kapag ang hampas ng mga alon ay malupit
Ang mga ulan ay may kasamang pagkulog at pagkidlat
magkagapos na emosyon ay nais tumakas at kumawala
Kumawala sa mga tanikala—sandali, hinto
Hahanap ako ng kalinga sa pag-iisa, uupo sa tabi
Ngunit sana kahit hindi mo mawari
Na kahit kaya ko itong mag-isa,
hangad kong lusungin ito nang kasama ka
———
DISCLAIMER: We hereby declare that we do not own the rights to this music/song. All rights belong to the owner. No Copyright Infringement Intended.
Blazing records, breathtaking art, and unbreakable bonds marked them in Raniag University Meet 2k24. Keep the fire burning, champions of today and tomorrow!
Thank you, participants, volunteers, and everyone who made Raniag come alive.
𝙐𝙣𝙩𝙞𝙡 𝙩𝙝𝙚 𝙣𝙚𝙭𝙩 𝙘𝙤𝙫𝙚𝙧𝙖𝙜𝙚, 𝙎𝙀𝙀-𝘼𝘾𝙀-𝙔𝙊𝙐!
#GilAyab2k24
#CSUMEET2024
#WeDareToEnlighten
#TheCSUPromethean
𝐅𝐈𝐑𝐄, 𝐅𝐋𝐀𝐌𝐄, 𝐆𝐈𝐋-𝐀𝐘𝐀𝐁!🔥
Prepare to hear the crowd's roar; witness the burning passion of Cagayan State University's finest student-athletes as they ignite the courts and fields of the University Meet 2k24!
The long-awaited "Raniag Ti CSU Through Sports, Culture and Arts Festival" is finally here, and the nine CSU campuses are ready to clash for the coveted title of OVERALL CHAMPION.
Each campus brings its own fire: the fiery heart of Carig, the unwavering determination of Andrews, the strategic prowess of Gonzaga, the fierce spirit of Lal-lo, the steadfast resilience of Piat, the unstoppable force of Aparri, the agile grace of Lasam, the indomitable strength of Sanchez Mira, and the unyielding resolve of Solana.
Will you be there to witness the sparks fly and the champions rise? Let your voices roar as you support your favorite athletes and campuses!
University Meet 2k24 promises to be a spectacle battle, a fiery inferno of athleticism, talent, and CSU spirit! Don't miss a single moment!
Stay tuned for updates and highlights from CSU Promethean's GIL-AYAB Special Coverage right here on the CSU Promethean page!
#GilAyab2k24
#CSUMEET2024
#WeDareToEnlighten
#TheCSUPromethean
Check this out!
Handless, but it molds us.
Mouthless, but it eats us alive.
Have no eyes, but it watches our every move.
It is heartless, too, that it makes right, unright?:
Society.
…Peel off your skins, every layer of your truth…
Break free, slave. Strip!
- amaranthine
The CSU Promethean presents the second edition of the Marahuyo Series, a literary and arts folio titled "Manumit", featuring Artistang Kanal, a creatives organization whose goal is to flush out the stereotypes and awaken everyone’s senses through art.
Dive into the art of liberation!
Copies are available at the CSU Carig Library.
LOOK | British Ambassador Laure Beaufils arrived at the Cagayan State University (CSU) Hotel at Andrews Campus this afternoon to discuss the United Kingdom's strategic outlook of the world as well as its strategic priorities in the Philippines.
CSU President Dr. Urdujah Alvarado, together with university officials, welcomed the British envoy to CSU.
LOOK | Country Director Lotus Postrado and British Council Programme Manager for Education Dannie Son Gonzalvo arrived at CSU Carig this morning on behalf of British Ambassador Laure Beaufils.
CSU President Dr. Urdujah Alvarado and other university officials welcomed the representatives of the British Council in the Philippines to the university.
Highlights of the 45th Academic Convocation for the Conferment of Degrees and Titles at CSU Carig.
Congratulations, Class of 2023!
🎥 Cristian Soverano
Sa Pag-alala
Ang mundo ay isang kagubatan;
bawat isa sa atin ay lumalaban.
Nagsusumikap upang makahabol
sa mga matatayog na puno
habang ako ay sumisibol.
Sa pagsibol, tumulong sa akin ang tubig.
Salamat sa aking mga gurong kahusayan ang idinilig,
upang patuloy na lumago ang aking karunungan,
at yumabong ang potensyal na noon ay nakatago lamang.
Malaking pasasalamat sa aking mga magulang,
sila ang nagsilbing pataba sa aking mga pagkukulang.
Pinuno ng pangangaral, pagmamahal, at suporta
sa mga panahong ako'y mahina't nangangailangan ng kalinga.
'Di ako mananatiling nakatayo kung wala ang liwanag niyo,
mga kaibigan kong nagsilbing tanglaw sa bawat kadiliman ko.
Ang araw na nagbigay ng lakas at init ng yakap sa bawat oras,
salamat sa ibinahagi niyong pagsasamahang wagas.
Ngunit ang punong ito'y 'di tatayog nang ganito
kung hindi ko rin tinulungang alagaan ang sarili ko.
Sa likod ng mga pagkukulang at pagkakamali ko,
salamat at pinili mong lumaban sa kagubatang ito.
Ang mundo ay isang kagubatan;
bawat isa sa atin ay lumalaban.
Sa likod ng mga mayayabong kong dahon,
sanga at matibay kong troso,
nakahimlay ito sa ugat na 'di basta-basta mabubunot
dahil sa mga nagpatatag sa aking puso.
✍️scribblingcalamansi
🎨Gian Ferre Ninon
#CSUat45 | Highlights during the kickoff program and preparations for the Cagayan State University 45th Founding Anniversary held at Red Eagle Rotunda on June 5.
#IsangLinggongPagIbig | It's Sabado!
Together, let us end this week-long celebration of love by listening to the last track of our Valentine's playlist. Stay in love everyone!
Prometheus plays Lakambini by Deemi
Musikero
tula ni IV
Para sa isang musikerong may angking ganda,
Maaari mo bang punuin itong blangkong papel ng makukulay na nota?,
Kaakit-akit ang iyong musika,
Ako'y labis na napapahanga
Sumasabay sa kumpas ang tibok ng aking puso,
Ang dating walang buhay, ngayon ay naging makulay,
Magandang musikero,
Maaari bang bigyan mo ng kumpas ang aking buhay?
Lia, ikaw ang aking musika,
Ang aking musikang Lacrimoso ay pinalitan mo ng Allegro,
Lahat ng mata ay nakatingin sayo,
Pero sana ako lang ang nakikita mo
Kay ganda mong pagmasdan
Nais kitang mahagkan,
Ngunit hindi mabait ang katotohanan,
Ikaw ang aking musika ngunit iba ang iyong inaalayan
Itong aking kanta, pipilitin kang abutin,
Pipilitin na ito ay iyong mapansin,
Kahit malabo na ito ay iyong dinggin,
Kahit malabo na ika'y mapasakin
#playlistniprometheus
DISCLAIMER: We hereby declare that we do not own the rights to this music/song. All rights belong to the owner. No Copyright Infringement Intended.
#IsangLinggongPagIbig | Prometheus plays wow, I finally learned to write a love song by Pappel
My Love Song
poem by Alter Ego
When did I meet you?
During my sweet sixteen
Or in my twenties?
Well, it does not matter
For our love for each other
Is what matters, the greatest
When I met you,
The moments we spent together ,
It makes my heart skip a beat
As it is pure of happiness and healing
Love sure works with the right person
When I met you,
I met a thousand unmet feelings
I've learned how beautiful it is to wake up
Because of a meal you cooked
Laying my head on your chest
Is so comforting that I'd probably melt
And even doing nothing with you
Is the best
To love and be loved
does not only give me butterflies
But a whole universe
When I met you,
"I finally learned to write a love song."
#playlistniprometheus
DISCLAIMER: We hereby declare that we do not own the rights to this music/song. All rights belong to the owner. No Copyright Infringement Intended.