The CSU Communicator

The CSU Communicator The CSU Communicator is the official student publication of Cagayan State University Andrews.

  | CONTEST GUIDELINESEvery time you twist a kaleidoscope, new arrangements of colors and shapes appear. They do differ,...
10/02/2025

| CONTEST GUIDELINES

Every time you twist a kaleidoscope, new arrangements of colors and shapes appear. They do differ, but they are all the same: beautiful.

Love may appear lovely. Love may seem a little bit gloomy at times. Love looks like a quiet hour at the park, breathing with the trees. Love looks like a mirthful celebration. Love is an unmoving lake. Love is an abandoned castle. Love looks different in every story, but they are all the same: beautiful.

Reveal to us what love looks like in all its hues and forms in this year’s Lithaan with the theme “Love: A Kaleidoscope”

These are the contested events open to all students of CSU Andrews:
• Photography
• Digital Art
• Poem Writing
• Short Story Writing
• Local Literary Writing
• Spoken Word Poetry

The deadline for submission of entries is Friday, February 14, 2025.
Submit your entry with the following details as the subject line (Full Name - College Department) via e-mail: [email protected]

Further details of the events in the following photos.


-
Graphics by Clarry Rabaja

  | Love: A KaleidoscopeDullness may seem to dominate the world that's moving in routine. A monochrome. A boredom. A par...
07/02/2025

| Love: A Kaleidoscope

Dullness may seem to dominate the world that's moving in routine. A monochrome. A boredom. A parade of things that doesn’t seem to matter. Yet amidst the blacks and whites, love radiates in living colors— traversing its way to design our lives with vibrant memories, warm connections, and light feelings.

These bits of experiences make up the framework of the heart, decorating it like a kaleidoscope of various shapes and lines. Quite unpredictable, but magical; that no matter which angle we try to view it in, the patterns remain beautiful in their own glorious ways.

And just like that, love gives us the reason to see life beautifully.

-
This month we celebrate the different dynamics of love, mga ka-Komyu! cherishes the love that, like a kaleidoscope, emerges beautifully in every bits in every twist.

Join us as we discover the beauty of love using the hashtags
-

Graphics by Clarry Rabaja

| Love: A Kaleidoscope

Dullness may seem to dominate the world that's moving in routine. A monochrome. A boredom. A parade of things that doesn’t seem to matter. Yet amidst the blacks and whites, love radiates in living colors— traversing its way to design our lives with vibrant memories, warm connections, and light feelings.

These bits of experiences make up the framework of the heart, decorating it like a kaleidoscope of various shapes and lines. Quite unpredictable, but magical; that no matter which angle we try to view it in, the patterns remain beautiful in their own glorious ways.

And just like that, love gives us the reason to see life beautifully.

-
This month we celebrate the different dynamics of love, mga ka-Komyu! cherishes the love that, like a kaleidoscope, emerges beautifully in every bits in every twist.

Join us as we discover the beauty of love using the hashtags
-
Graphics by Clarry Rabaja

  | Panunutem nga nalaingMay mga maling desisyon tayo sa buhay na lubos nating pinagsisisihan– mga desisyong lubos na na...
03/02/2025

| Panunutem nga nalaing

May mga maling desisyon tayo sa buhay na lubos nating pinagsisisihan– mga desisyong lubos na nagpabago sa ating kinalalagyan. Minsan, hinahabol tayo ng mga aninong ito kapag tahimik at madilim na ang paligid, hinihiling na sana’y umikot pabalik ang orasan upang baguhin ang mga k**alian. Subalit wala tayong magagawa kung hindi harapin ano man ang naging resulta at gawing aral upang sa susunod ay hindi na muling hihiling ng isa pang pagkakataon.

Isu nga panunutem nga nalaing. Kitam iti masakbayan. Maglaan ka ng sapat na oras upang gawin ang mga desisyong pinag-uugatan ng mga umagang iyong pamumuhayan. Mag-isip ka nang mabuti at mamuhay nang walang pagsisisi. Sapagkat higit pa sa kasalukuyan, alalahanin mo rin ang naghihintay sa iyong kinabukasan.
-
Words by Gideon Seminiano
Artwork by Clarry Rabaja

  | Sa Kabilang DakoHindi ko na lubos mawariang nangyayari dito sa ginagalawang daigdig.Dito, ang katawa’y giniginaw, na...
31/01/2025

| Sa Kabilang Dako

Hindi ko na lubos mawari
ang nangyayari dito sa ginagalawang daigdig.
Dito, ang katawa’y giniginaw, nanginginig—
nababalot ng lamig.

Sa kabilang dako ng mundo,
tao’y nababalot ng pagkabalisa
Dulot ng mga apoy na biglaang sumiklab,
dala-dala'y takot na patuloy sa paglagablab.

Sa kabilang dako ng mundo,
ang lupai’y p**a sa pagdanak ng dugo
at mga katawang walang buhay ay umabot sa libo-libo.
Hindi malaman ang katapusan ng bangungot na ito.

Sa kabilang dako ng mundo,
nagalak at nagdiwang ang karamihan
dahil sa pagyakap sa kanilang kasarian,
kasal sa parehong kasarian ay pinayagan.

Sa kabilang dako ng mundo,
ito’y hindi man lamang nila makamit.
Ang karapatang sa sarili’y magpakatotoo
sa kanila’y patuloy na ipinagkakait.

Saan kaya sa kabilang dako ng mundo
ang pagbabago ay ‘di kakambal ng gulo?
Saan kaya sa kabilang dako ng mundo
namumuhay nang payapa ang mga tao?
-

Words | Elvis Malana
Artwork | Clarry Rabaja

  | Let Children be ChildrenI remember when we were kids, carefree of the dirt clinging our bare feet, life was filled w...
24/01/2025

| Let Children be Children

I remember when we were kids, carefree of the dirt clinging our bare feet, life was filled with games like agawan-base, patintero, tumbang preso, and Chinese garter. We played for the joy of it, free from adult pressures. But even as kids, these games taught us lessons of resilience, strategy, and perseverance.

In agawan-base we learned to think quickly and protect what’s dear. Patintero made us learn strategy and how to break through barriers. Tumbang preso showed us that falling down doesn’t mean the end; we rise and try again. Chinese garter taught us to stretch our limits and reach higher. Lessons learned through through these games are valuable, yet they come from the fun and freedom of being kids, not minding the rather chaotic world.

Looking back to the little games that raised me, I'm reminded that childhood should not carry the weight of adult expectations; that children should only enjoy being children. Let children play, dream, and grow at their own pace. Their future is shaped by these moments of self-discovery, not by rushed standards.

Like the games we once played, life will have its challenges—of losing and stumbling down the ground, leaving a scar that we might carry until we grow old. But again, that's life. At young age, children need space to explore, make mistakes, and grow taller than these mistakes without fear. The lessons they learn in childhood will shape them into resilient, joyful adults. Let them rise after a fall and reach for new heights. Let them play the game of life in their small hands.

-
Words | Ira Mae Tauro
Photo | Maria Angelica Beran

  | Lalaingem kanayunHindi sa lahat ng pagkakataon ay magwawagi tayo sa mga bagay na ating ginagawa. May mga panahong ti...
20/01/2025

| Lalaingem kanayun

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magwawagi tayo sa mga bagay na ating ginagawa. May mga panahong tila napag-iiwanan at nawawalan ng pag-asang manumbalik sa dating sigla. Ngunit hindi iyon dahilan upang ika'y tuluyang huminto. Sadyang magkakaiba lang tayo ng pinanggalingan at pinagdadaanan.

Gayunpanan, laingem kanayun. Ipapas mu. Panatilihin mo ang siklab ng apoy na namumuhay sa iyo. Hindi naman kailangang lagi kang manguna. Sapagkat ang mahalaga ay patuloy mong sinusubukan at inaasam na may matutunan. Sapat na iyon upang sabihing nagwagi ka.

Kaya kahit anong mangyari, sana’y galingan at pag-igihan mo palagi— hindi lang para sa iba ngunit para na rin sa iyong sarili.
-

Words by Gideon Seminiano
Art by Maria Angelica Beran

  | Tuloy LangSA BAHAYMinsan, paboritong lugar upang magpahinga,Diretso uwi kung ang klase ay napakaaga.Aatupagin ang ga...
17/01/2025

| Tuloy Lang

SA BAHAY
Minsan, paboritong lugar upang magpahinga,
Diretso uwi kung ang klase ay napakaaga.
Aatupagin ang gawaing bahay o di kaya’y hihiga,
Maramdaman lamang ang yakap ng k**a

Nayayamot kung buong araw dito’y namalagi,
At sa dako ng kuwarto, umiiwas tumabi
Sa dingding ng kalungkutang nagbabadyang dumampi,
Natatagpuan pa rin ng dilim kahit nakakubli.

SA PAARALAN
Lunes ang hudyat ng panibagong linggo,
Motibasyon ang araw ng Biyernes ay dumako
Upang makahingang walang barado,
At malaya na muling makatakbo.

Kaliwa’t kanang reklamo ang binibitawan,
Ngunit sa huli, hindi naman pinababayaan
Ang pag-aaral kahit pa ubod ng katamaran
Dahil bagabag sa hatid ng kinabukasan.

SIKLO
Kadalasan mang mulat ang ating mga mata
Dahil ang pagdalaw ng antok ay wala pa,
O nakadikit sa upuan habang nagbabasa;
Pagod ang hele upang tulog ay makuha.

Tunay na matulin ang takbo ng panahon,
Abala ka man o nagsasaya kahapon,
Hind pa rin namamalayan ang pagkakataon
Sapagkat bihasa ka na sa pagsabay sa alon.

KUNG KAYA’T
Buntong hininga mo’y gawing malaya,
Hudyat man ito ng ginhawa o pangamba,
Mananatiling kang panalo sa’yong karera
Hangga’t “ayaw ko na” ay ‘di mo iwiwika.

-
Words | Maria Paz Bucayu
Photo| Maria Angelica Beran

  | Kasta la iti biagAng buhay ay isang mahaba at makulay na paglalakbay. May mga oras na para tayong nakalutang sa ere ...
13/01/2025

| Kasta la iti biag

Ang buhay ay isang mahaba at makulay na paglalakbay. May mga oras na para tayong nakalutang sa ere dahil sa kasiyahang ating nadarama, at may mga panahong tila pinagsakluban tayo ng langit at lupa. Ngunit anumang unos o problema ang dumating, lagi nating isaisip, kasta la iti biag (ganiyan talaga ang buhay).

Ito ay isang paalala na kahit may mga pagsubok, kaya natin itong harapin. Kahit hindi laging nakaayon sa plano ang mga nangyayari, may mga dahilan kung bakit natin pinagdaraanan ang mga ito. May mga bagay na hindi natin kayang baguhin, pero ang bawat hamon ay isa lamang pagkakataon para matuto, tumibay, at lumago bilang tao.

Ang buhay ay hindi madali ngunit ito maganda, hindi dahil ito’y perpekto, kundi dahil tinuturuan tayo nitong bumangon, magpakatatag, at magpatuloy kahit na mahirap. Lagi mong tandaan, kasta la iti biag. Ang mahalaga ay nagpapatuloy ka.
-

Words by Evhan Cariaga
Art by Maria Angelica Beran

  | Refined by Fire"𝘐 𝘴𝘩𝘰𝘶𝘭𝘥'𝘷𝘦 𝘥𝘰𝘯𝘦 𝘣𝘦𝘵𝘵𝘦𝘳.""𝘞𝘩𝘺 𝘥𝘰 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘭𝘸𝘢𝘺𝘴 𝘮𝘦𝘴𝘴 𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨𝘴 𝘶𝘱, 𝘔𝘪𝘢.""𝘞𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘣𝘢𝘨𝘰, 𝘥𝘢𝘮𝘪 𝘯𝘢𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘨...
10/01/2025

| Refined by Fire

"𝘐 𝘴𝘩𝘰𝘶𝘭𝘥'𝘷𝘦 𝘥𝘰𝘯𝘦 𝘣𝘦𝘵𝘵𝘦𝘳."

"𝘞𝘩𝘺 𝘥𝘰 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘭𝘸𝘢𝘺𝘴 𝘮𝘦𝘴𝘴 𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨𝘴 𝘶𝘱, 𝘔𝘪𝘢."

"𝘞𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘣𝘢𝘨𝘰, 𝘥𝘢𝘮𝘪 𝘯𝘢𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘶𝘬𝘶𝘭𝘢𝘯𝘨."

My inner voices flood in as I stand with my team, at the mercy of the panelists, tight-lipped and in conflict with myself. I can only try to salvage our presentation. But at this point more talking might worsen things.

"𝘕𝘦𝘹𝘵 𝘨𝘳𝘰𝘶𝘱, 𝘱𝘭𝘦𝘢𝘴𝘦 𝘱𝘳𝘰𝘤𝘦𝘦𝘥," Mrs. Gomez commands.

Fires of emotion burn within me as I walk home. The defense is one thing, but my team is another. I hear in their eyes the cries of a thousand tries that fell short in today's final moment. 𝙉𝙤, 𝙚𝙩𝙤 𝙣𝙖 𝙮𝙤𝙣? 𝙏𝙝𝙞𝙨 𝙞𝙨 𝙬𝙝𝙚𝙧𝙚 𝙞𝙩 𝙚𝙣𝙙𝙨?

"𝘕𝘦𝘹𝘵 𝘸𝘦𝘦𝘬 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘦𝘹𝘢𝘮..." I hear myself utter, hell week is coming. Today's battle ends us marred with what-ifs and bleeds of could've beens. Naalala ko ang magang mata ni Eric ng madaanan ko siyang kalalabas ng CR kanina, the very same ones I noticed yesterday after our dry-run.

If only we are softer to ourselves when we fall short. Because, despite the passion to always make things right, not all battles are meant to be won. Sometimes the most courageous act is to survive our way out of the battleground crawling under raining arrows of fires and among sea of destruction.

"𝙊𝙤 𝙣𝙜𝙖, 𝙢𝙖𝙡𝙖𝙥𝙞𝙩 𝙣𝙖 𝙧𝙞𝙣 𝙢𝙖𝙩𝙖𝙥𝙤𝙨 𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙚𝙢..." napalingon ako sa nagsalita, I didn't notice May already walking beside me. Her mere presence, lighting up the desolate and deep valley I find myself in.

Exam nears and it promises no comfort. But I will go through fire, again and again, the same way my fellow men do, because it is through it that I am refined. More than that, it is a journey that I share with them. I may be, right now, in valleys and battlefields where shadows linger the longest, but I will walk in faith that here, flowers still bloom.

And back to my hometown one day, I will tell the story about the fires and the flowers in the valley and how I found a great company.
-

Words | Micah Anggaco
Photo | Maria Angelica Beran

  | RugyanamunDumating na naman ang panahon ng "new year, new me" at ang mahabang listahan ng new year's resolutions. Sa...
06/01/2025

| Rugyanamun

Dumating na naman ang panahon ng "new year, new me" at ang mahabang listahan ng new year's resolutions. Sabagay, sino bang ayaw magbago kung para sa ikabubuti? Isang magandang bagay na gusto nating lumago bilang tao. Kaya lang, kalimitan, ang mga plano natin sa bagong taon ay unti-unti nating nalilimutan samantalang tumatakbo ang mga araw, hanggang sa humantong sa punto na iniisip mong huli na, hindi mo na kayang magbago.

Ngunit hindi limitado ang simula ng pagbabago sa unang araw ng Enero. Pwede kang magsimula sa Marso o sa katapusan ng Hulyo. Pwede kang magkaroon ng bagong simula sa panahong handa ka na. 'Wag kang ma-pressure sa petsa. Ang mahalaga ay simulan mo ang hakbang pasulong. Rugyanamun, alang-alang sa sarili mo at para sa mga taong nakapaligid sa'yo, hindi para lang makasabay sa kung ano ang uso.

-
Words by Maria Angrlica Beran
Art by Frilynn Languido

  | Ang Ingay sa Bagong TaonAlas singko pa lang pero ang ingay na ng karaokeHalo-halong musika, iba’t-ibang timbreNagpap...
03/01/2025

| Ang Ingay sa Bagong Taon

Alas singko pa lang pero ang ingay na ng karaoke
Halo-halong musika, iba’t-ibang timbre
Nagpapataasan ng score, lahat todo ang birit
Hindi pa man nagdidilim, maingay na ang paligid

Anim na oras pa pero maingay na sa kusina
Rinig ang sigaw ni Inay na naghahanap ng paminta
Samahan pa ng kulo ng tubig at sagitsit ng mantika
Pati kalansing ng plato inuubos ang graham

Isang oras pa pero panay torotot na ang mga bata
Maging ang kantyawan, asaran, at pitada
Nariyan din ang kalansing ng kaldero’t palanggana
At mga baryang itinatapon sa sala, kwarto, at kusina

Ilang minuto pa pero makulay na ang kalangitan
May p**a, asul, kahel— kaygandang pagmasdan
At nang sumapit ang alas dose sa orasan
Lumakas lalo ang giliw ng paghihiyawan

Sa ingay ng bagong taon, hindi ‘ko mawari
Kung bakit sa mata ko’y pumapatak ang tubig
Tila nagagalak sa halo-halong tinig na naririnig
Na humahaplos sa puso kong binalot ng lamig

Ilang oras kaya magtatagal ang kasiyahang ito
Na pumuno sa puwang ng malamlam kong puso?
Pagka natapos ang dagundong ng selebrasyon,
Mabibingi na naman ako sa katahimikan ng mundo

-
Words | Zyra Agustin
Artwork | Njay Corla

Sleigh bells ring, are you listening...Ka-Komyu, before the year ends, let's unwrap these wonderful and heartwarming pho...
31/12/2024

Sleigh bells ring, are you listening...

Ka-Komyu, before the year ends, let's unwrap these wonderful and heartwarming photos that truly sleighed the Challenge! Their stories behind photos are ringing in nostalgia, love, and hope, shining bright like the Christmas star!

Thank you to everyone who participated!

Today, our nation is one in commemoration of the 128th Rizal Day. As our national hero, Jose Rizal left us with lessons ...
30/12/2024

Today, our nation is one in commemoration of the 128th Rizal Day.

As our national hero, Jose Rizal left us with lessons from the past that are still relevant in this modern time.

May his life and works be a reminder that heroism is found in our daily lives and can be done by any Filipino, regardless of their status in the society.

Para sa bayan at para sa mga kababayan!

-
Graphics by Augille Pascua

  | SIYENSIYA NG ESENSIYAKung minsan, sapat nang bitbit pabalik ang bagaheng sinalansanan ng sansinukob ng samu’t samong...
27/12/2024

| SIYENSIYA NG ESENSIYA

Kung minsan, sapat nang bitbit pabalik ang bagaheng sinalansanan ng sansinukob ng samu’t samong leksiyon.

Mapalad yaong mga hinahainan ng rason. Basta ba’t ngunguyaing maigi, sustansiya sa lalamunan ang malasap ang dahilan sa likod ng bawat mapaklang pamamaalam.

Kung bakit kailangang bumigay ang lagkit ng magkadikit na pisngi ng mga mundo ng dalawang mangingibig.

Kung bakit sa pagtanda ay hindi lang dila ang tumatabang kundi pati ang iyong mga mata.

Kung bakit may suspetya kang hindi sinasadyang makaidlip ni Jehova.

Saka wiwikain ng mga tala na hindi kailanman malalagas ang awtentikong pag-ibig. Oo’t nadudulas sa ilang pagkakataon, pero natututuhang tumayo nang lalong mas matikas.

Na ang mga matang palagiang nakadilat ay nasusuya rin sa mga paulit-ulit na nahahagip nilang tanawin at minsan sa temporaryong pagpikit natatagpuan ang sagot sa bugtong ng buhay.

Na hindi napupundi ang malay ng langit—mayroon lamang mas nangangailangan ng Kanyang liwanag.

Hindi parating lasang-banilya ang ngiti ng dapithapon. Hindi parating may saysay ang awit ng mga maya, gaya ng hindi mo kailanman matutunton kung saan namamahinga ang agos ng mga batis. Kaya bilangin mong biyaya tuwing natatagpuan mo ang rason at leksiyon sa lilim ng bawat kirot. Bilangin mong biyaya ang pribilehiyong maghilom kahit pa paunti-unti.

Sa pag-uwi mo pabalik sa iyong sarili, malaman mo sanang mas mabigat ang aral sa bigat kaysa sa mismong bigat.

-
Words | Al-jhun Melad
Awrtwork | Jeff Lee Yan Jose

  | Hindi ganito ang pasko noong bata tayo;mas masasarap ang handa noon,mas marami ang pera,mas maraming regalo,mas mala...
25/12/2024

| Hindi ganito ang pasko noong bata tayo;

mas masasarap ang handa noon,
mas marami ang pera,
mas maraming regalo,
mas malamig, mas maingay,
mas maliwanag, mas nagniningning,
mas maraming nangangaroling,
mas makulay,
mas masaya.

Pero sa totoo lang,
hindi naman nagbago ang pasko,
sadyang lumayo lang tayo
mula sa hiwaga nito.

Hindi tumabang ang Noche Buena,
tayo ang unti-unting nagsawa.

Hindi nawala si Santa Claus,
tayo ang tumigil sa paniniwala.

Hindi tumahimik ang paligid,
tayo ang tumigil sa pagkanta.

Hindi napundi ang mga ilaw ng parol,
ang mga mata natin ang pumikit
at yumakap sa dilim na inihain ng buhay
habang tayo’y tumatanda.

Nawala sa paningin natin ang kinang
na kinagiliwan natin bilang bata.
Nawala sa isip natin na sa isang kurap,
hindi na pala tayo bata.

-
Words and photo by Maria Angelica Beran

  | Paboritong PalabasMay gustong gusto akong panoorin tuwing pasko. Sa sobrang pagkawili ko, madalas ay umuupo lang ako...
25/12/2024

| Paboritong Palabas

May gustong gusto akong panoorin tuwing pasko. Sa sobrang pagkawili ko, madalas ay umuupo lang ako sa isang tabi, nananahimik, at taimtim na pinagmamasdan ang mga pangyayari. Mula sa aking kinauupuan, tila nag-iibang-anyo ang munting silid bilang isang munting teatro, at sa harap ko’y itinatanghal ang isang munting palabas na inilahad ng uniberso para sa akin.

***

“Ma, pahingi pa ako ng macaroni salad,” bulong ng batang si Jane sa kanyang Mama Lourdes. “Mamaya na, anak, hindi pa nakakatikim ang iba mong pinsan.” “Eh bakit kasi ‘di pa sila kumukuha, nauubusan tuloy sila.” “Mahiyain sila, hayaan mo na.”

Nilapitan ni Jane ang mga pinsan n’yang galing sa probinsya. Lumuwas sila sa Manila para sa pagdiriwang ng pasko. Gusto kasi nilang makapasyal sa Luneta, MOA, at Binondo. “Oh, kuha na kayo, masarap ‘yang gawa ni Mama kasi maraming Nestle Cream,” inaalok n’ya ang isang garapon ng macaroni salad. “Wag n’yo na ibalik sa mesa, baka gawing pulutan nina tito.”

Isa-isang sumandok ang magpipinsan habang pabalik-balik ang kanilang tingin sa mga papa nilang nag-aabutan ng shot glass. Tumataginting sa mga pader ng sala ang tunog ng videoke, ramdam sa sahig ang pagdagundong nito, dumadaloy mula sa talampaka’t sumasabay sa tibok ng puso. Maingay, hindi magkarinigan ang magpipinsan dahil maliban sa tawanan at kwentuhan, pinatungan pa ng birit ng mga matipuno: My Way, Wonderful Tonight, Fraulein, Sweet Child O Mine, Beer— lahat wala sa tono.

Nang patugtugin ang Dayang-Dayang, nagsitayuan ang matatanda at nagsipagsayaw. Dalawa o tatlo pang balse, paniguradong budots na ang kasunod nito.

“Tara sa labas, laro muna tayo bago mag-start ‘yung fireworks display,” yaya ni Jane sa mga pinsan.

“Maiba… taya!”

Pawis na pawis ang mga bata nang magsimula ang countdown ng pagsapit ng pasko sa buong kalye. Bagaman hingal sa katatakbo, nakisabay ang magpipinsan, “3… 2… 1! Merry Christmas!!!” Nag-apiran sila sa tuwa na makita ang samu’t-saring bida ng mga paputok sa itim na langit na unti-unting natutunaw sa kanilang paningin.

“Pasok na mga bata, the food is ready… again,” mula sa pinto tinawag sila ni Lola Megan, ang lola nilang US citizen. Pagpasok ng makukulit, pinapila sila isa-isa at sa kanilang maliliit na palad, inilapag ni Lola Megan ang mga ampao na pare-parehong naglalaman ng wantawsan.

Nagtatatalon sa tuwa ang mga bata samantalang—

***

“Anak, kain na tayo, lalamig na ang pagkain,” wika ni Mama mula sa likod ko. Kanina pa pala s’ya nakikinood sa TV.

“Ge lang po, maya-maya na ako. Wala pa akong gana.”

“Alam mo anak, ganyan talaga, darating sa punto na hindi kayo magkakasama tuwing bakasyon. I-wish mo na pagtapos n’yo ng college, makapagkita-kita na kayo ulit.”

Lagi ko namang hiling ‘yon. Baka nga nakukulitan na sa akin ang langit dahil sa paulit-ulit kong hiling. Gusto ko na ulit silang makita. Kung pwede nga, maglaro ulit kami ng langit lupa.

Ngumiti ako kay Mama bagaman alam kong walang ekspresyon ang aking mga mata. Pinatay ko ang TV. Kabisado ko naman na ang mga susunod na pangyayari kaya tinapos ko na ang palabas. Ang paborito kong palabas— ang kasiyahan naming pamilya tuwing pasko na dati’y taon-taon kong nararanasan; ngayon hanggang pagbabalik-tanaw na lamang sa harap ng telebisyon. Buti na lang mahilig mag-record ng videos si Mama tuwing may okasyon.

“Jane, anak! Tumawag ang pinsan mong si Joyjoy, gusto ka raw makausap!” tawag sa akin ni Mama Lourdes mula sa kusina.

Sa sandaling ‘yon, naramdaman kong ngumiti ang aking mga mata.

-

Words by Maria Angelica Beran
Artwork by Jeff Lee Yan Jose

  | Bili na KayoAte, bili na kayo ng bag ng regalo!Eto, may p**a, meron ding asul;may tag-singko, may tag-dyes, bente ‘y...
24/12/2024

| Bili na Kayo

Ate, bili na kayo ng bag ng regalo!
Eto, may p**a, meron ding asul;
may tag-singko, may tag-dyes,
bente ‘yung pinak**alaking klase.
Ah, gusto mo ‘yung parang karton?
Meron din ako n’yan, kwarenta sana
pero sige tertipayb na lang para sa’yo.

Gusto mo po ba ng santa hat?
Singkwenta lang ‘yan, may kasama
nang sampung bituin.
Pero teka, may mas patok ngayon,
‘yung headband na reindeer;
merong kumikislap sa glitters,
merong umiilaw, ‘di ka magsisisi
dahil malakas ang liwanag n’yan!
Bagay sa’yo ‘te itong kulay puti.

Pili lang po kayo sa torotot,
bente singko ‘yang pinak**aliit
samantalang itong hugis-bulaklak,
trenta y singko, naku,
mas mahal kung sa iba ka magtanong,
sa amin na ang pinakamura.
Kaya ano pang hinihintay mo ate,
bili ka na

kahit isa lang sa mga paninda ko
kahit ‘yung pinakamura sa inalok ko
dahil singkwenta man o limang piso,
dagdag silang pareho
para sa kinabukasan ko;

pagkat hindi nagtatapos ang pakinabang
ng pera kapag mayroon ka nang nabili,
hindi nagtatapos ang ating pagtatagpo
sa pagbayad at pagsukli.
Sa isang pinagpalang araw,
‘pag nagkasalubong tayong muli,
makikita mo ang kabutihang inabot
ng baryang dati’y iniabot mo sa akin.

-

Words and photo by Maria Angelica Beran

  | Add Salt to Taste"How much is this, Ate?" I asked.  "220 pesos per kilo, boss!" the vendor said, his voice rising ab...
24/12/2024

| Add Salt to Taste

"How much is this, Ate?" I asked.

"220 pesos per kilo, boss!" the vendor said, his voice rising above the bustling market noise.

I glanced at my nearly-complete list, convinced I hadn’t forgotten anything. This was the last thing I needed, the final piece that would complete the day’s errand.

As I continued walking through the wet market, my white shoes lightly splashing against the muddy ground, I marveled at how satisfying it was to haggle — I had talked the chicken down to 210 and the pork chop to 330. I came to realize how far prices had come from the world I knew as a child, where my 20 peso bill from caroling stretched as wide as my imagination.

***
It was December 24th, the golden hour when the sun dipped just enough to leave a gentle glow over the market stalls. I walked beside Mama, my tiny hand wrapped around her pinky finger, like an anchor tying me to her warmth. I poked at her side repeatedly, desperate for her attention, my eyes fixed longingly on the candy across the fruit stand and Mama knew it already.

“No candy!” she said. Candies were forbidden back then, as were the soft drinks Mama always guarded me from. Instead, she bought me a toy that glowed with a gentle flicker — a pegasus with wheels.

Time moves so fast, sweeping away moments and feeding me harsh servings of reality. Back then, life was sweet and uncomplicated. I was a child who wanted nothing more than to play and to eat Mama’s spaghetti — the kind that stretched for days. One can of corned beef, a sachet of ketchup, and tomato sauce, stirred together with a spoonful of sugar for sweetness.

I’d roll my toy on the ground—watching as it flashes its lights with each clumsy push—while the day’s light slowly dimmed, as though the world itself was falling asleep. I wished time could freeze right there. Under the orange skies and Mama’s arms full of groceries— sando bags brimming with fish, pasta, and bibingka, a treasure trove of the simple joys that made up my childhood.

"Ma, why did you buy so much?" my voice tinged with curiosity.

"Because everyone’s coming over later," she said with a soft laugh. Her words were light, but her voice carried the weight of love and tradition.

At home, I looked through the groceries, again. Excitement was filling up my chest, just like any other child on a Christmas morning, ready to unwrap their presents. Yet among the bags of food, there was no candy, as expected, no chocolates, nothing sweet, except for the bibingka wrapped in foil.

"Wash the fish so we can make paksiw," Mama instructed Papa Amboy, her voice echoing through the small kitchen.

The spaghetti was there, familiar and comforting, but I only managed a few bites. My stomach was already heavy with bibingka, its soft and sweet warmth reminds me of simpler joys.

***
"Manong, how much is the bibingka?" I had asked earlier that day.

"Three for 100, boss," he \replied.

I bought six, as though hoarding sweetness would make it last. My list was almost complete, and I carried the weight of it all in my arms that even the weight of longing felt too big for someone my age. I'm 26 now.

Carrying those bags was like carrying the world itself, heavy and unrelenting. I got into my car and across the window, the world looked washed out, a canvas painted in shades of gray. Even the Christmas medley on the radio felt hollow, its cheerful notes a thin veil over something I couldn’t quite name.

In my living room, I hang the Christmas lights, just to have that spirit even for just a week, hoping that its soft glow could breathe life into the house, like stars scattered across a dark sky.

Homemade fish recipes. Mom-style cooking tutorials. I searched on the internet, my fingers desperate to replicate the comfort of Mama’s cooking. But in the end, I made my own recipe, stumbling through each step like a dancer out of sync. It wasn’t perfect, but it was nice. I imagined Mama beside me, laughing at my mistakes, her hands guiding mine over the stovetop.

I cut the bibingka into eight slices, like a pizza, like a fragile memory shared and savored. On the table, the food stood like soldiers — spaghetti, meat, soft drinks, and a store-bought cake. The table was filled with food on a night so cold it gnawed at the bones, so quiet it seemed to hold its breath. The Christmas tree lights flickered weakly, as though unsure of their own glow.

And I sat there, staring at the untouched plates. Six bibingkas sat unbothered. The soft drinks had lost their fizz, the cake barely touched, and the spaghetti with its sauce already drying on top of it. I would still love to taste my Mama’s spaghetti with just a can of corned beef because my spaghetti just tasted like memories that had gone stale.

It lacks something. The salt I had forgotten, like so many other small but important things. I thought my grocery list was completed.

I ate alone, the silence broken only by the video of Mama singing on the videoke on my phone, recorded nine years ago. I wished for a hug — one so tight I’d forget how empty my house felt. I realized then, that sweetness isn’t just found in sugar. Even a pinch of salt can change the flavor of everything, much like small gestures of love sprinkled into the chaos of life.

The chicken is bland, and so are the rest, and I’m going to add salt to taste.

With each bite, I tasted the bittersweet, the absence, the longing, and the memory of Mama’s laughter lingering like the last light of day.

I hope, one day, I can see Papa Amboy, too.

-
Words and artwork by Clarry Rabaja

Address

The CSU Communicator, Student Services Building, Cagayan State University, Caritan Sur
Tuguegarao City
3500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The CSU Communicator posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The CSU Communicator:

Videos

Share