17/11/2024
Kapag nagpapasok ka ng tao sa buhay mo, piliin mo yung taong sasamahan ka sa kahit anong chapter ng buhay mo ang dumating. Sa saya at sa kadramahan mo, yung laging nandiyan para makinig at mang-asar sayo.
Yung mga taong pareho kayo ng goals. Yung pareho kayo ng mindset na naka focus sa tagumpay sa buhay. Yung marunong kung ano dapat ang priority at kung ano yung sa susunod nalang.
Pumili ka ng taong sasamahan ka hanggang sa dulo. Meron ka man o wala. Yung taong uunawain ka kahit sa pinaka-"tangang" desisyon mo sa buhay at alalayan kang bumangon kapag bumagsak ka.
Piliin mo yung taong pinipili ka rin, yung taong mahal ka rin at yung taong kuntento na sayo. 🤍✨