CAVITE CONNECT

CAVITE CONNECT Cavite Connect is one of the most trusted news and media organization in the Province of Cavite.
(3)

TODAY IS SUNDAY 🙏😇
01/02/2025

TODAY IS SUNDAY 🙏😇

"Marami na sa ating mga kababayan ang kinikilala sa nasyunal maging sa ibang bansa sa larangan ng isport. Kaya naman, pa...
01/02/2025

"Marami na sa ating mga kababayan ang kinikilala sa nasyunal maging sa ibang bansa sa larangan ng isport. Kaya naman, patuloy tayong humuhubog ng mga bagong kabataan na hahalili upang maipagmalaki ang bayang sinilangan", -Cong. AJ Advincula.

Dahil sa CONGkretong AJenda ng pamunuan ng syudad ng Imus para sa mga kabataan ay muling binuksan sa ikatlong pagkakataon ang isang kompetisyon ng basketball na nilahukan pa ng mga naggagandahang mga lakambini ng bawat barangay.

Tinawag itong Congressman AJ Cup Inter-Mother Barangay Basketball Tournament na pinasimulan noong Sabado, sa Imus City Sports Complex.

Matagumpay itong naisakatuparan sa pakikipagtulungan nh City Sports Development Unit at sa buong Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pangunguna ni Mayor Alex Advincula.

SA IKATLONG PAGKAKATAON, LUNGSOD NG TRECE MARTIRES CITY MULING KINILALA SA GAWAD KALASAG SEAL!  💚Magandang balita ang in...
01/02/2025

SA IKATLONG PAGKAKATAON, LUNGSOD NG TRECE MARTIRES CITY MULING KINILALA SA GAWAD KALASAG SEAL! 💚

Magandang balita ang inihatid ni Mayor Gemma Buendia Lubigan at Vice Mayor Bobby Montehermoso sa kanilang mga kababayan, muling kinilala ang lungsod ng Trece Martires City sa 24th Gawad Kalasag Seal of LDRRMCOs for 2024.

“This recognition highlights our city’s exceptional performance in disaster risk reduction and management, exceeding the standards as prescribed in the Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act (RA 10121). Thank you CDRRM Council and Office for your dedication and hard work!” Pahayag ni Mayor Gemma Lubigan.

Photo source: Mayor Gemma Buendia Lubigan (fb page)

HELLO FEB! May your days be filled with Love, Laughter, and endless possibilities! 🥰
31/01/2025

HELLO FEB! May your days be filled with Love, Laughter, and endless possibilities! 🥰

THANK YOU JANUARY! 🙏
31/01/2025

THANK YOU JANUARY! 🙏

1 SA SUSPEK NA SANGKOT  SA PAGPAPATAKBO NG SHABU LAB SA TANZA CAVITE, ARESTADONaaresto ng mga operatiba ng Cavite Provin...
31/01/2025

1 SA SUSPEK NA SANGKOT SA PAGPAPATAKBO NG SHABU LAB SA TANZA CAVITE, ARESTADO

Naaresto ng mga operatiba ng Cavite Provincial Intelligence Unit ang isa sa suspek na sangkot sa pagpapatakbo ng kitchen-type laboratory ng tobats sa Tanza, Cavite.

Sa ulat na isinumite ng Cavite Police Provincial Office sa Police Regional Office-4A, naaresto sa follow-up operation sa Brgy. 130, Pasay City ang suspek na si alyas ‘Yvonne’, 31 anyos , tubong Mindoro at kasalukuyang residente ng Brgy. 130, Pasay City.

Ayon kay PRO-4A Spokesperson Lt Col. Chit Gaoiran, nahuli ang suspek sa pamamagitan ng CCTV backtracking habang nagpapatuloy naman ang mga isinasagawang follow-up operation ng pulisya sa posibleng pagdakip sa iba pa.

Matatandaang nadiskubre ang nasabing laboratoryo noong Martes ng umaga matapos itong sumabog at respondehan ng mga bumbero at tumambad ang mga sangkap at mga materyales sa paggawa ng iligal na gamot.

News source: https://tnt.abante.com.ph/2025/01/31/1-sa-suspek-na-sangkot-sa-pagpapatakbo-ng-shabu-lab-sa-cavite-arestado/crime/

1 SA SUSPEK NA SANGKOT SA PAGPAPATAKBO NG SHABU LAB SA TANZA CAVITE, ARESTADO

Naaresto ng mga operatiba ng Cavite Provincial Intelligence Unit ang isa sa suspek na sangkot sa pagpapatakbo ng kitchen-type laboratory ng tobats sa Tanza, Cavite.

Sa ulat na isinumite ng Cavite Police Provincial Office sa Police Regional Office-4A, naaresto sa follow-up operation sa Brgy. 130, Pasay City ang suspek na si alyas ‘Yvonne’, 31 anyos , tubong Mindoro at kasalukuyang residente ng Brgy. 130, Pasay City.

Ayon kay PRO-4A Spokesperson Lt Col. Chit Gaoiran, nahuli ang suspek sa pamamagitan ng CCTV backtracking habang nagpapatuloy naman ang mga isinasagawang follow-up operation ng pulisya sa posibleng pagdakip sa iba pa.

Matatandaang nadiskubre ang nasabing laboratoryo noong Martes ng umaga matapos itong sumabog at respondehan ng mga bumbero at tumambad ang mga sangkap at mga materyales sa paggawa ng iligal na gamot.

News source: https://tnt.abante.com.ph/2025/01/31/1-sa-suspek-na-sangkot-sa-pagpapatakbo-ng-shabu-lab-sa-cavite-arestado/crime/

70K AT GADGETS, NILIMAS NG UMANO’Y BASAG-KOTSE GANG SA ISANG RESTAURANT SA SILANG CAVITETinatayang P70,000 halaga ng cas...
31/01/2025

70K AT GADGETS, NILIMAS NG UMANO’Y BASAG-KOTSE GANG SA ISANG RESTAURANT SA SILANG CAVITE

Tinatayang P70,000 halaga ng cash at gadgets at ilang dokumento ang tinangay ng isang hinihinalang miyembro ng basag-kotse gang matapos atakehin ang sasakyan ng dalawang beterinaryo sa parking area ng isang restaurant sa bayan ng Silang noong Miyerkoles ng hapon.

Personal na nagreklamo sa tanggapan ng Silang Police Station ang mga biktimang sina Jess, 50, at Ed, 58-anyos. Ayon sa ulat, bandang ala-1:00 ng hapon nang iparada ni Jess ang kanyang Toyota Hilux, kasunod ang sasakyan ni Ed na isang Toyota Hilux sa parking area ng isang restaurant sa Brgy. San Vicente 2, Silang Cavite.

Bandang alas-4:30 ng hapon nang bumalik ang dalawa sa parking area ay basag na ang kaliwang bintana ng sasakyan ni Jess habang basag din ang kanang bintana ng sasakyan ni Ed, at nawawala ang kanilang cash, gadgets at ilang mahalagang mga dokumento.

Base sa footage ng CCTV, bandang alas-3:55 ng hapon nang umatake ang suspek sa sasakyan ni Jess at makalipas ang ilang minuto, muli itong bumalik at inatake naman ang sasakyan ni Ed. Inilarawan ang suspek na nakasuot ng p**a at blue na jacket, itim na pantalon at sakay ng isang itim na motorsiklong NMAX.

News source: https://saksingayon.com/p70k-cash-gadgets-ng-2-beterinaryo-nadale-ng-basag-kotse/

SEN. B**G REVILLA: LEGISLATED WAGE HIKE,  NOW WITHIN ARM’S REACHAFTER 17 years of championing a legislated across-the-bo...
31/01/2025

SEN. B**G REVILLA: LEGISLATED WAGE HIKE, NOW WITHIN ARM’S REACH

AFTER 17 years of championing a legislated across-the-board wage hike for workers in the private sector, Senator Ramon B**g Revilla, Jr. today expressed his elation that the measure is within arm's reach. After the Senate's approval of a legislated wage hike last year, Congress recently approved at the Committee Level a counterpart bill providing for a P200 legislated wage hike.

“Mukhang malaki ang tsansa! Abot-kamay na itong legislated wage hike! We have been advocating for a decent living wage since 2008," B**g Revilla expressed. "Labis tayong natutuwa dahil yung matagal nang inaasam-asam ng ating mga kababayan, at matagal na rin nating isinusulong ay malapit na nating makamit. Ngayon nagkakaroon na ng linaw ang legislated wage hike na simula pa noong 2008 ay paulit-ulit kong nang ipinapanukala dito sa Senado,” Revilla said.

The veteran lawmaker has been filing a legislated across-the-board wage hike bill since his first term in the Senate. Revilla detailed that the legislated wage hike bill he championed in the Senate was already approved by the chamber.

“Noong isang taon nga ay pumasa na ng ikatlong pagbasa sa plenaryo ng Senado ang panukalang nagbibigay ng dagdag na umento sa sahod sa manggagawa sa pribadong sector. Ito ay matapos ng pakikipag-ugnayan din sa iba’t-ibang sektor, kasama din dito ang mga employers,” he said.

“Sa papalapit na pagtatapos ng sesyon ng Kongreso sa darating na linggo, umaasa tayong makakaabot pang buzzer be**er itong panukalang ito bilang handog natin sa ating mga manggagawa. Ang laking hakbang nito sa pagsasakatuparan nang matagal nang ipinaglalaban ng labor sector para sa makataong sahod. Alam natin na ang lawak na ng gap sa pagitan ng sinasahod at presyo ng mga bilihin kaya tiyak tayong makakatulong yan sa manggagawang Pilipino. At sa mas malaking aspeto, alam naman natin kung gaano sila kahalaga sa pag-unlad ng bayan bilang ang mga manggagawa naman talaga ang tagapagtuguyod ng ating pambansang ekonomiya,” Revilla said as he hopes the bill gets enacted before the 19th Congress closes. "We still have nine session days left in the 19th Congress. Kaya pa ito." - Sen. Ramon B**g Revilla Jr.

SALAMAT LORD 🙏😇
30/01/2025

SALAMAT LORD 🙏😇

THE NEW ROTONDA AT OPENCANAL-IMUS BOULEVARD PROJECT ✅️Tiyak na ikakatuwa ito ng maraming motorista matapos ang panigan n...
30/01/2025

THE NEW ROTONDA AT OPENCANAL-IMUS BOULEVARD PROJECT ✅️

Tiyak na ikakatuwa ito ng maraming motorista matapos ang panigan ng lahat ang proyektong magbibigay ng kaluwagan sa trapiko.

Isang Rotonda ang gagawin sa Open Canal, Imus na siguradong magdudulot ng kaginhawahan sa bawat motorista.

Ang bawat hakbang na ito ay dahil sa magandang hangarin nina Cong. AJ Advincula at Mayor Alex Advincula para sa buong mamamayan ng syudad ng Imus, Cavite.

Photo credit: Pilipinas

30/01/2025

MGA OFWs SA MARAGONDON, LIBRE ANG HATID AT SUNDO SA AIRPORT SIMULA PA 2021

Pribadong sasakyan ang ginagamit sa mga ito at libreng pinapagamit at walang ginagastos ang lokal na pamahalaan para sa driver, gas, maintenance at toll gate fee.

Para kay Mayor Lawrence "Umbe" Arca, mahalagang bigyang-importansya ang mga kababayan nating OFWs dahil aniya hindi matatawarang sakripisyo ang kanilang nararanasan lalo na at malayo sila sa kanilang pamilya.

Celebrate the Lunar New Year with a delicious twist! Sip on special milk tea options at Chatime and Coco at SM City Trec...
30/01/2025

Celebrate the Lunar New Year with a delicious twist!
Sip on special milk tea options at Chatime and Coco at SM City Trece Martires, tried and approved by vloggers, Dabyahero and The Young Juanderer. Plus, come explore the festive CNY setup, where the vibrant spirit of the celebration awaits you!

REVILLA BILL HINGGIL SA PAGSASAAYOS NG AGRICULTURAL PROFESSION, LUSOT SA SENADO  PUMASA sa ikatlo at pinal na pagbasa an...
30/01/2025

REVILLA BILL HINGGIL SA PAGSASAAYOS NG AGRICULTURAL PROFESSION, LUSOT SA SENADO

PUMASA sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na iniakda mismo ni Sen. Ramon B**g Revilla Jr. hinggil sa pagsasaayos ng agricultural profession sa pamamagitan nang pagbuo ng professional regulatory board (PRB) for agriculturists. Sa kasalukuyan, wala pang batas na nagbubuo ng professional regulatory board for agriculturists para i-regulate ang naturang propesyon.

Sa ilalim ng SB 2906, ang Professional Regulatory Board of Agriculture ay bubuuin ng chairperson at 5 miyembro—na bawat isa ay may kakayahan hinggil sa anim na espelesasyon sa larangan sa agrikultura. Tulad ng ibang PRBs, ang Board ay may kapangyarihang magpahayag, mamahala at magpatupad ng mga panuntunan para sa mga registered agriculturists at mapangasiwaan ang licensure, registration, at pagsasanay ng naturang propesyon.

“Sobra po akong nagagalak sa pagkakapasa nitong SB 2906 sa Senado. As principal author of this measure, I cherish this accomplishment. Alam naman natin kung gaano kalaking tulong sa ating mga magsasaka ang mga agriculturist, kaya tama lang na suportahan natin sila sa pamamagitan ng pagpasa ng isang professional regulatory law,” pahayag ni Revilla.

Ang naturang batas ay nagtakda rin ng minimum base pay ng isang registered agriculturist na nagtarabaho sa national government na may salary grade 13 na katumbas ng P34,421. Samantala, ang lokal na pamahalaan ay hinihimok na i-upgrade ang suweldo ng kanilang personnel. Sa pribadong sektor naman, ang agricultural corporations ay inoobligang mag-empleyo o kunin ang serbisyo ng mga registered agriculturists.

“This is really a development. Through this law, mas madi-dignify pa ang ating mga registered agriculturists. And they will be treated at par with other professions,” dagdag pa ni Revilla.

Ang pagkakapasa ng SB 2906 ay isang malaking hakbangin sa pagsisikap ng pamahalaan na bigyan ng kapangyarihan ang agriculture professionals, isulong ang agricultural competitiveness ng bansa at masiguro ang food security sa bansa.

Ang naturang panukala ay nasa House of Representatives na para sa kanilang pagtugon.

SHABU LAB SA TANZA CAVITE, NABUKING MATAPOS MAGANAP ANG ISANG PAG-SABOGIsang shabu laboratory ang nadiskubre matapos ang...
29/01/2025

SHABU LAB SA TANZA CAVITE, NABUKING MATAPOS MAGANAP ANG ISANG PAG-SABOG

Isang shabu laboratory ang nadiskubre matapos ang isang malakas na pagsabog sa isang bahay sa Brgy. Sahud Ulan, Tanza, Cavite, noong Enero 28 ng umaga.

Pinaniniwalaang naganap ang pagsabog habang may ginagawang produksyon ng iligal na droga sa loob ng bahay. Ayon sa paunang ulat, apat na indibidwal—dalawang Indonesian at dalawang Pilipino—na umano’y nagpapatakbo ng mini shabu lab ang agad na tumakas matapos ang pagsabog.

Nangyari ang insidente bandang alas-6 ng umaga sa Leon Fojas Street, na nagdulot ng agarang responde mula sa Tanza Bureau of Fire Protection (BFP) sa pangunguna ni Fire Sr. Insp. Armand Lee Andres. Pagdating ng mga bumbero, tumambad sa kanila ang iba’t ibang kemikal at gamit na ginagamit sa paggawa ng shabu, na nagpapatunay na isa itong ilegal na laboratoryo.

Sinuri rin ng Cavite Police, sa pamumuno ni Provincial Director PCol Dwight Alegre, ang lugar ngunit wala nang natagpuang suspek—tanging mga ebidensya ng paggawa ng droga ang naiwan. Natuklasan ng mga awtoridad na ang bahay ay inuupahan mula pa noong Nobyembre 2024 ng isang Pilipina na may asawang Hapones, na kasalukuyang nasa ibang bansa.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa pagsabog at ang paghahanap sa mga tumakas na suspek.

News source: https://remate.ph/shabu-lab-sa-cavite-nabuking-sa-pagsabog/

GOODBYE LUBAK!; ₱39.4 MILYONG BUDGET PARA SA PAGSASAAYOS NG MGA LUBAK NA KALSADA SA GEN. EMILIO AGUINALDO, CAVITE (BAILE...
29/01/2025

GOODBYE LUBAK!; ₱39.4 MILYONG BUDGET PARA SA PAGSASAAYOS NG MGA LUBAK NA KALSADA SA GEN. EMILIO AGUINALDO, CAVITE (BAILEN) APRUBADO NA

Isang magandang balita ang hatid ni Gen. Emilio Aguinaldo (Bailen) Cavite Mayor Dennis Glean para sa kanyang mga kababayan, inanusyo ng alkalde ang paparating na proyekto sa kanilang Bayan kabilang dito ang pagsasa-ayos ng mga kalsadang lubak at pag-aaspalto nito.

“Magandang gabi po ! Nais pong ibalita ng inyong lingkod ang mga paparating na proyekto sa ating bayan mula po sa ating Provincial Government, ito po ay ang mga sumusunod.

Asphalt Overlay of road sa:
-Barangay Tabora (11.4 million)
-Purok 6, Kaymisas (7.5 million)
-Castaños Lejos Phase 1 (7.4 million)
-Magallanes St. Poblacion 2 (2 million)
-Barangay A. Dalusag (5.5 Million)
-Barangay Narvaez (4.1 million)
-Castaños Lejos Concreting of Brgy. Rd (1.5 million)
TOTAL: 39.4 Million Pesos worth of projects!”

“Ito po ay bunga ng pagsusumikap ng inyong lingkod at ng sa paglapit sa ating Provincial Government mula pa kay former Governor SILG Jonvic Remulla at ngayon sa ating Governor Athena Tolentino!” – dagdag pa ng alkalde.

“Dahil hangad po namin ang patuloy na maiparamdam sa bawat Baileño ang at !” – Mayor Dennis Gleann.

JUST IN: Isang shabu laboratory sa Cavite, sinalakay; imbestigasyon ng PDEA nagpapatuloy | via RH 30 Eric Dastas, DZRH N...
29/01/2025

JUST IN: Isang shabu laboratory sa Cavite, sinalakay; imbestigasyon ng PDEA nagpapatuloy | via RH 30 Eric Dastas, DZRH News

CONG. ADVINCULA NANGUNA SA LATEST SURVEYSa pinakahuling survey na isinagawa ng One Research Philippines Inc (ORPI) sa Lu...
28/01/2025

CONG. ADVINCULA NANGUNA SA LATEST SURVEY

Sa pinakahuling survey na isinagawa ng One Research Philippines Inc (ORPI) sa Lungsod ng Imus, nanguna si Cong. AJ Advincula sa pagka-Kongresista na nakakuha ng 70% para sa ika-tatlong distrito ng Cavite. Pumapangalawa si dating Mayor Manny Maliksi na nakakuha lamang ng 22%, pangatlo si Atty. Marvyn Maristela na nakakuha lamang ng 3% at 5% ang UNDECIDED.

Ang nasabing survey ay isinagawa nitong Enero 02-10 2025, na may 5,000 respondents na pawang mga botante mula edad 18 hanggang 70 anyos.

Nagsagawa ng isang independent at non-commission survey ang One Research Philippines Inc. - ORPI nitong January 2-10, 2025 na mayroong 5,000 respondents mula sa iba't ibang barangay ng Imus City, Cavite (Region IV-A) upang alamin kung sino ang nais nilang maging Congressman sa darating na halalan.

Nanguna si Congresman AJ Advincula na nakakuha ng 70%, pumangalawa si Former Mayor Emmanuel Maliksi na nakakuha ng 22%, pumangatlo si Atty Marvyn Maristela na nakakuha ng 3% at 5% para sa mga hindi pa sigurado kung sino ang kanilang nais iboto.

Ang mga respondent ng survey ay pawang mga rehistradong botante na nasa edad na 18 hanggang 70 at nakatira sa mga bayan ng Imus City, Cavite.

Sila ay random na pinili at ang bilang ng tumugon sa bawat barangay ng Imus City, Cavite ay ibinahagi ng patas batay sa datos ng pop**asyon sa pagboto.

Address

Trece Martires
4109

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CAVITE CONNECT posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to CAVITE CONNECT:

Videos

Share

Category