Puno ng Katatakutan

Puno ng Katatakutan �LIKES� SHARE� SELECT

28/10/2024

Hanap na ako ng malilipatan😭😭😭

01/10/2024

Panu nalang kung ganito ang inuupahan mong kwarto? Makakatulog kapa ba?

゚viralシ


゚viralシ

06/06/2024

" Tiktik"
Hi! This is me ESSA ulit😅👋.! Ngayon naman ang kwentong ibabahagi ko sa inyo ay kwento naman ng aking ina. Ang palayaw ng aking ina ay "ADENG" yun yung nakasanayan nila itawag sa aking ina. Yung ina ko ay lumaki sa isang bundok sa capiz. Tanging pagtatanim ng mga gulay at prutas ang kinabubuhay nila ng aking ina nung kabataan pa. Pito silang magkakapatid, dalawang lalaki at 5 babae. Pang anim ang aking ina sa magkakapatid. At lahat sila ay mga binata at dalaga ng araw ng mangyari ang kababalaghan na unang beses niyang maranasan sa pamumuhay sa bundok. " Malayo sila ni adeng sa nayon kung saan sila nag aaral. Kailangan nila maglakad pababa sa bundok ng isang oras para makapag aral. Kung may kailangan man sila bilhin isang bilihan lang sa isang linggo. Maramihan na pag bumili ang tatay ni deng sakto lang sa isang linggo na budget. Katulad ng mga tuyong isda, asin mantika at iba pa na pangangailangan nila sa pang araw2. Dahil mga binata at dalaga nga eh kinahihiligan din nila pumunta sa mga fiesta at mag disko sa mga karatig nayon o baranggay kung pinapayagan sila ng kanilang tatay. Isang araw bago ang fiesta ng nayon na kung saan sila nag aaral nag paalam na sila na magkakapatid kung pwedi sila pumunta sa fiesta para makikain sa mga kaibigan nila at syempre nd mawawala ang disko sa tatay nila at pumayag naman na ito. Araw ng fiesta alas onse palang ng umaga nag paalam na ang magkakapatid na bumaba ng bundok, kaniya2 silang bitbit ng mga damit nila para suotin sa fiesta at syempre yun narin susuotin nila pang disko, sa dadaanan nila may sapa at mababasa sila kung nd sila magdadala ng extrang damit. Bago sila umalis nag paalaala pa ang tatay nila na susunduin sila ng saktong 7 ng gabe. Iba kasi ang disko dati sa ngayun. Dati hapun palang may makikita ka ng nagsasayaw sa gitna at may malaking disco ball pa na nakabitin sa gitna. Pinagkaiba sa ngayun gabe na nag sisimula ang sayawan tapos may ticket pa bago ka makapasok. Saktong alas kwatro ng hapun nag sasayaw na ang magkakapatid sa gitna kasama ng mga kaibigan nila at madami na ring tao ang nakikisayaw may mga bata at matanda pa. Nung nag sapit ang alas syete ng gabe sakto dumating ang tatay nila para sunduin sila at oras na rin ng uwian. Ang tatay nila may bitbit ng dalawang sulo para mag silbing ilaw nila sa daan. Ang isang sulo binigay ng tatay nila sa pangatlong anak na lalaki siya ang nasa unahan ang tatay naman nila ang nasa hulihan. Bukod sa sulo may sukbit2 din na etak ang tatay nila sa bewang. Sila naman ni adeng nakasanayan na nilang magkakpatid na palaging may dala dalang bawang o luya at asin sa bag panguntra lang daw sa masamang elemento. Sa gitna ng paglalakad at saktong nasa sapa na sila nakarinig sila ng malakas na tiktik at sabi ng tatay nila dumiretso lang kayo wag kayo hihinto. Pero si adeng nakaramdam na ng takot sa oras na iyon. Nang makalagpas na sila sa sapa humihina ang tunog ng tiktik hudyat yun na nasa malapit lang at mas lalong natakot na si adeng. Mabilis ang lakad ng magkakapatid kahit medyu madamo ang daanan nila. Habang nag lalakad nagulat ang magkakapatid sa sigaw ng tatay nila " Wag ako ang takutin mo! Sanay na ako sa lahi niyo! Kung ayaw mo ng gulo bantayan mo ako at mga anak ko upang makarating sa paruruonan namin ng ligtas.!" Sambit ng tatay ni adeng at biglang natigil ang tiktik. Malayo pa tanaw na nila ni adeng ang bahay nila dahil sa lampara sa loob at labas ng bahay nila. Bago pa sila makarating sa mismong bakuran nila biglang tumunog ulit ang tiktik ng mahina at sambit ulit ng tatay ni adeng " salamat kaibigan sa gabay mo nakarating kami ng ligtas!" Hudyat yun na pinapaalis na sila ng tatay ni adeng. Rinig at ramdam na ramdam nila ni adeng hindi lang isa kundi dalawang tiktik ang nakasunod sa kanila dahil sa magkabilaan ng daanan nila may naririnig silang mabigat na yapak ng mga paa sa mga tuyong dahon sa lupa at may kasamang pagaspas sa mga matataas at masukal na damo. Ramdam din nila na papalayo na ang nga ito kasi mas lalong lumalakas ang mga tiktik nito at sa magkabilaan pa na deriksyon ang ingay ng mga ito. Habang nag bibihis silang mag kakapatid nag kukwento sila sa nangyari sa kanilang ina at ito ay pinagtawanan lang ng kanilang ina. Kasi sabi ng kanilang ina mas nakakatakot ang naranasan niya dati nung unang buntis niya sa unang anak at hindi lang tiktik ang palaging bumibisita sa kaniya sa gabi pati wakwak. Pero sobrang bilib na bilib ang ina ni adeng sa tatay nila sa tinataglay nitong katapangan pagdating sa mga elemento mapa wakwak man o "TIKTIK".

05/06/2024

"ENGKANTO"

Hi! Ako nga pala si " Essa" ekikwento ko po sa inyo yung kwento ng tatay ko sa amin nung mga bata pa kami, naaalala ko nuon palagi nagkakaroon ng black out sa amin at lampara lang yung tanging ilaw namin sa gabi, at dahil walang magawa itong tatay namin palaging nagkikwento ng mga kababalaghan na naranasan niya nung bata pa siya. Ang pangalan ng tatay ko ay "ESOY" At ito yung kwento ng tatay ko " Si ESOY nakatira dati sa samar at malapit sila sa tabing dagat. Yung tanging kinabubuhay nila ay pangingisda. Isang gabi sa sobrang lakas ng hangin tinawag si ESOY ng tatay niya para puntahan muna nila ang bangka sa dalampasigan upang mahila sa buhangin at itali sa puno kung sakaling magkaroon man ng bagyo hindi ito basta basta matatangay ng tubig. Habang naglalakad sila sa niyogan papuntang dalampasigan ramdam ni esoy yung sakit ng tiyan niya kaya nagpaalam ito na sumaglit muna sa tabi at magbabawas lang. Pero itong tatay ni esoy sinabihan nalang sya na sumunod sa kaniya pagkatapos niya. Kaya dali dali pumunta sa madilim na parti ng niyogan si esoy para mag bawas, hindi pa nakalipas ang isang minuto ng walang ano ano biglang tumindig ang buhok niya sa likod ng leeg niya alam naman niya mahangin pero hindi dahil sa hangin kundi parang may nakamasid na kung ano sa kaniya sa paligid. Ramdam na ramdam niya may nakatingin sa kaniya kaya minadali niya ang pagbabawas at umalis sa lilim na yun. Tumatakbo siya at baybay yung daanan sa niyogan papuntang dalampasigan pero pag dating sa krus na daan napahinto siya kasi nga sabi2 ng matatanda daanan daw ng wakwak ang lugar na yun kaya mas lalong nakilabutan si esoy mas lalong binilisan niya ang takbo. Maliwanag ang buwan kaya kitang kita niya ang parting daanan na nd naman simentado pero sobrang mabato. Hingal na hingal si esoy pero huminto siya kasi parang may mali. Bumalik ulit siya sa krus na daan. Nagtataka siya bakit bumalik siya sa krus na daan kahit na deritso yung dinaanan niya. Pero binaliwala ni esoy yun tumakbo ulit siya ng pinakamaliksing takbo na makakaya niya at biglang napahinto ulit kasi bumalik nga lang siya dun sa krus na daanan. Sa sobrang hingal na hingal ni esoy napatihaya siya sa kinatatayuan niya at nag isip. Naaalala ni esoy ang sabi ng tatay niya na pag naligaw sila sa niyogan baliktarin lang ang suot na damit at sundan ang deriksyon ng buwan. Kaya yun ang ginawa ni esoy. Binaliktad niya ang damit niya at tinignan kung saan ba ang deriksyon ng buwan pero napa isip pa siya ng matagal kasi mali ang deriksyon ng buwan sa daanan papuntang dalampasigan. Pero nangibabaw pa rin sa kaniya ang payo ng tatay niya kaya sinundan niya ang daanan kung saan nandun ang deriksyon ng buwan. Wala pa ang tatlong minuto sa pagtatakbo eh tanaw na tanaw na niya ang dalampasigan at mas lalong binilisan pa niya ang takbo hanggang sa makarating kung saan andun ang tatay niya at hila hila nito ang banka nila. Nagtataka ang tatay niya bat hingal na hingal si esoy kaya nag kwento itong si esoy habang tinutulogan niya ang tatay niya sa bangka. Ang tanging nasabi lamang tatay ni esoy sa kwento nito ay " na engkanto ka! maswerte kayo kasi lagi ko kayo pinapaalalahanan at dapat makinig kaayo sa akin palagi pag pinagsasabihan kayo". Kaya napa tango tango nalang itong si esoy kahit halatang halata na yung sobrang pagod sa mukha dahil sa nangyari. Pagkatapos ng pangyayaring yun naging usap usapan sa baryo nila ni esoy ang nangyari sa kaniya at nalaman nila na hindi lang naman sa esoy ang nakaranas ng pangyayaring iyon pati na rin pala ang may ari mismo ng niyogan at yung ilang trabahanti sa niyogan ay nakaranas na rin ma "ENGKANTO".

04/02/2024

Tignan yung batang naka pulang damit😱😱😱

04/02/2024

Yung akala mo tatlo lang kayo sa bahay niyo😱😱😱

Address

Tongo
6000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Puno ng Katatakutan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share

Nearby media companies