![Good day kaPEDs π π΄ π¨ βοΈπ Long Post PART 10.. sa pagpapatuloy ng PEDserye na malugod ko laging ibinabahagi sa mga kasama...](https://img5.medioq.com/646/200/890165716462001.jpg)
30/06/2024
Good day kaPEDs π π΄ π¨
βοΈπ Long Post PART 10.. sa pagpapatuloy ng PEDserye na malugod ko laging ibinabahagi sa mga kasamahan na nakasubaybay simula sa aking pag uumpisa hangang sa kasalukuyan. Ang bahagi ng istoryang ito ay isa sa mahalaga at malaking parte ng aking buhay PED. Dahil sa pagkakataon na ito ay naka tagpo at nakakilala ako ng isang tao na lubos ang aking pasasalamat dahil sa kanyang mga naibahagi at naituro tungkol sa pag troubleshoot at basic butingting. Una ko siyang nakahalobilo bilang customer na nagiinquire ng gulong, not knowing na yun pala ang magiging simula ng aming samahan. Noong panahon na yun ay naka duty ako sa quiapo hidalgo at siya naman at may shop at opisina na malapit lang din. Hangang sa unti unti ay nagkakasama kami sa mga ride ng Tondoped at doon ay naging malapit kami lalo sa isat isa. To cut the long story short, minsan nagka problema ako sa aking unit, nagsabi siya na kung may panahon ako ay dumaan ako sa kanyang shop upang matignan at masuri kung anung naging problema. Doon ay laking gulat ko na isa pala na legit at well experienced mechanic itong si sir. Siya nga pala si Sir Ramon ng RAMZY Scootwerkz . Napaka low key, tahimik, mahilig mag observe pero ubod ng lawak ng kaalaman tungkol sa mga makina at iba pang bagay. Isa ako sa mapalad na mga piling tao na kanyang inanyaya sa kanyang lugar. Bihira lang kasi siya tumangap ng gawa at bisita dahil libangan lang talaga ito para sa kanya dahil marami din siyang inaasikasong bagay sa kanilang negosyo. Sa kanya ko naranasan na habang ginagawa ang bagay ay pinapaliwanag niya ito kung bakit at paano, may mga pagkakataon pa na sayo niya ipapagawa at naka masid lang siya, In short masipag siyang gumabay at magturo kaya nga noong una ay master ang naging tawag ko sa kanya. Siya din ang utak at punong abala sa aming naging project 3wheel ped or triped. Kung ano ang aking nalalaman at natutuhan sa ped ay utang ko ito sa kanya. Sa ganyan kami nagsimula kasama pa ang isa din na gustong matuto na si Jay, hangang naisipan namin na pangalanan yung aming munting grupo .... itutuloy