A&B ped parts

A&B ped parts We are selling gas operated scooter spare parts

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨ β˜οΈπŸ˜‰ Long Post PART 10.. sa pagpapatuloy ng PEDserye na malugod ko laging ibinabahagi sa mga kasama...
30/06/2024

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨
β˜οΈπŸ˜‰ Long Post PART 10.. sa pagpapatuloy ng PEDserye na malugod ko laging ibinabahagi sa mga kasamahan na nakasubaybay simula sa aking pag uumpisa hangang sa kasalukuyan. Ang bahagi ng istoryang ito ay isa sa mahalaga at malaking parte ng aking buhay PED. Dahil sa pagkakataon na ito ay naka tagpo at nakakilala ako ng isang tao na lubos ang aking pasasalamat dahil sa kanyang mga naibahagi at naituro tungkol sa pag troubleshoot at basic butingting. Una ko siyang nakahalobilo bilang customer na nagiinquire ng gulong, not knowing na yun pala ang magiging simula ng aming samahan. Noong panahon na yun ay naka duty ako sa quiapo hidalgo at siya naman at may shop at opisina na malapit lang din. Hangang sa unti unti ay nagkakasama kami sa mga ride ng Tondoped at doon ay naging malapit kami lalo sa isat isa. To cut the long story short, minsan nagka problema ako sa aking unit, nagsabi siya na kung may panahon ako ay dumaan ako sa kanyang shop upang matignan at masuri kung anung naging problema. Doon ay laking gulat ko na isa pala na legit at well experienced mechanic itong si sir. Siya nga pala si Sir Ramon ng RAMZY Scootwerkz . Napaka low key, tahimik, mahilig mag observe pero ubod ng lawak ng kaalaman tungkol sa mga makina at iba pang bagay. Isa ako sa mapalad na mga piling tao na kanyang inanyaya sa kanyang lugar. Bihira lang kasi siya tumangap ng gawa at bisita dahil libangan lang talaga ito para sa kanya dahil marami din siyang inaasikasong bagay sa kanilang negosyo. Sa kanya ko naranasan na habang ginagawa ang bagay ay pinapaliwanag niya ito kung bakit at paano, may mga pagkakataon pa na sayo niya ipapagawa at naka masid lang siya, In short masipag siyang gumabay at magturo kaya nga noong una ay master ang naging tawag ko sa kanya. Siya din ang utak at punong abala sa aming naging project 3wheel ped or triped. Kung ano ang aking nalalaman at natutuhan sa ped ay utang ko ito sa kanya. Sa ganyan kami nagsimula kasama pa ang isa din na gustong matuto na si Jay, hangang naisipan namin na pangalanan yung aming munting grupo .... itutuloy

Good day kaPEDs πŸ˜ŠπŸ›΄πŸ’¨Push ko lang ulit yung mga available items natin, baka may kailangan kayo pm lang po. Mga nasa pics l...
21/06/2024

Good day kaPEDs πŸ˜ŠπŸ›΄πŸ’¨
Push ko lang ulit yung mga available items natin, baka may kailangan kayo pm lang po.
Mga nasa pics lang po ang meron, kapag wala po dyan wala po talaga yun πŸ˜… huwag nyo na hanapin

Good day kaPEDs πŸ˜ŠπŸ›΄πŸ’¨HAPPY FATHER'S DAY po sa lahat ng matitikas na haligi ng tahanan πŸ’ͺπŸ’ͺπŸ’ͺ Napaka palad nating mga suportad...
16/06/2024

Good day kaPEDs πŸ˜ŠπŸ›΄πŸ’¨
HAPPY FATHER'S DAY po sa lahat ng matitikas na haligi ng tahanan πŸ’ͺπŸ’ͺπŸ’ͺ Napaka palad nating mga suportado ng ating mga mahal sa buhay pag dating sa ating libangan, bonus pa nga at kasakasama ko pa sila minsan sa mga byahe.
Ride safe always everyone πŸ‘Š

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄πŸ’¨β˜οΈπŸ˜‰ Long Post PART 9.. dahil nga noong mga panahon na yon eh patuloy yung pagtaas ng demand sa amin ...
20/04/2024

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄πŸ’¨
β˜οΈπŸ˜‰ Long Post PART 9.. dahil nga noong mga panahon na yon eh patuloy yung pagtaas ng demand sa amin ng CHENG SHIN TIRE or CST dual sport size 4 tire, mula sa kinukuhanan namin na tindahan ng FORD CASTER sa Tomas Mapua St Sta Cruz Manila, sinubukan na namin mag angkat sa ibang bansa para sana mas kumita kami since madami naman na yung volume ng order na kailangan namin ma meet. Noong una nag focus lang kami sa Tire at interior, kapag may ibang item na hinahanap sa amin na wala kami ibinabato namin sa shop ni Sir Ariel ng Giftwillsent shop or sa may Road Runner Malate Manila. Hangang sa paunti unti sinubukan namin mag carry na ng mga madalas ng hanapin din sa amin gaya ng clutch, spark plug, air filters at mga pull start. Tapos niyan nadagdagan na ng nadagdagan yung mga spare parts na naiaalok namin sa page at sa mga groups. Maipagmamalaki ko talaga na isa kami sa nauna na mag benta na ang presyo eh malapit sa katotohanan, yung hindi pikit mata bibili sayo ang customer dahil ang hapdi sa mata ng presyuhan. Well kasi nga unang una eh wala naman kaming physical store, tapos since may regular naman akong trabaho, hindi ko kailangan ng sobrang laking tubo para sa mga naging paninda namin, makakuha lang ng konti eh sapat na, SA TOTOO LANG NAGING ADHIKAIN KO NUNG UNA EH MAGKAROON NG OPTION ANG MGA CONSUMER NA MAKAKUHA NG MAAYOS NA PYESA SA PRESYONG KAYANG KAYA NILA. SABI KO NGA BALANG ARAW MAY SASABAY SA AKIN AT SANA MAY MGA GUMAYA NA PANG MASA ANG PRESYO. hindi para maging competition sa iba bagkus eh para maging batayan ng presyuhan na makatotohanan. Noong bago kasi ako isa ako sa mga kamot ulo na bumibili ng kailangan kong spare parts wala eh limitado pa kasi ang supply dati kaya ganun. Kaya sa tuwing may nakikita kami na dumidikit sa presyo namin, may pumapantay pa nga kung minsan, eh tuwang tuwa kami kasi hindi naman kami natatalo sa sitwasyon na yan, ang totoong PANALO diyan eh kayong mga magiging mamimili. Which is ayan naman talaga ang gusto naming mangyari ang bumaba ang presyo ng inyong pagpipiliang mga tindahan base sa kailangan niyong pyesa. Kahit hindi kami yung mabilhan ninyo ang importante nakakatulong kami sa mga grupo at sa lahat ng baguhan na magkaroon ng basehan ng presyo, yung magka idea kayo na puede palang ganito puede palang ganyan. Mas magiging abot kaya para sa lahat. Habang patuloy kami sa pag dagdag ng items sa mga inaalok naming brand new spare parts, unti unti may mga nakikilala din tayong kasamahan na magiging solidong parte at kasama sa ating libangan ... itutuloy

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄πŸ’¨Today's drop off sa mga humabol na order ng velocity stack at 49cc pull start, isa sa Pasig at isa s...
18/04/2024

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄πŸ’¨
Today's drop off sa mga humabol na order ng velocity stack at 49cc pull start, isa sa Pasig at isa sa Taguig. Maraming salamat po sa inyong patuloy na tiwala at suporta sa amin, ride safe always 🀘

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄πŸ’¨Drop off para sa order ng mga metro manila pips (taguig, pasig, makati, quezon city, mandaluyong at ...
14/04/2024

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄πŸ’¨
Drop off para sa order ng mga metro manila pips (taguig, pasig, makati, quezon city, mandaluyong at valenzuela) mga ayaw na magpabangit at parang bawal yata pangalanan πŸ˜… oks lang yan mga sir your secret is safe with us. Big thanks po sa inyong tiwala sa ating mga 49cc 2t pull start na pang laspagan, mura na eh quality pa, maging ang velo stack ay halos paubos na dahil napakyaw. Habol pa hangat may onhand pa po tayo, ride safe always 🀘

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄πŸ’¨Share ko lang ride ko last April 7, 2024 Sunday sa Kaybiang Tunnel tapos dagat miming sa baba.ZIP sc...
11/04/2024

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄πŸ’¨
Share ko lang ride ko last April 7, 2024 Sunday sa Kaybiang Tunnel tapos dagat miming sa baba.
ZIP scooter; 71cc 2t engine; Stock Carb; DirectDrive 7t/54t t8f bigchain gearing; size 4 wheelset; mechanical brake caliper.
height is 5'10 weight is 188lbs, basic πŸ‘ŒπŸ˜Ž

Good day kaPEDs πŸ˜ŠπŸ›΄πŸ’¨Maraming salamat po sa inyong walang sawang tiwala at suporta sa amin πŸ™ sa mga kaPEDs natin sa Luzon ...
09/04/2024

Good day kaPEDs πŸ˜ŠπŸ›΄πŸ’¨
Maraming salamat po sa inyong walang sawang tiwala at suporta sa amin πŸ™ sa mga kaPEDs natin sa Luzon Visayas at Mindanao, ang inyong patuloy na pag tangkilik sa aming mga produkto at pakikiisa sa aming mga post ang lagi naming motivation at inspiration, ride safe always 🀘

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨ β˜οΈπŸ˜‰ Long Post PART 7.. at habang patuloy akong nag eenjoy sa aking Ped ay patuloy din akong napapa...
06/04/2024

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨
β˜οΈπŸ˜‰ Long Post PART 7.. at habang patuloy akong nag eenjoy sa aking Ped ay patuloy din akong napapahanga nito. biruin mo ba naman na para sa simpleng pang service ko lang pamasok eh naging libangan ko na ngayon pang rides rides kapag off ako sa trabaho. ayan nga at isa ako sa mapalad na napabilang sa mga ped rider na ma-feature sa 2 kilalang newspaper na Philippine Star at Manila Bulletin nang minsan na magkaroon ng colab ride ang mga grupo, isa naman talaga kasi ang Ped na inasahan bilang pang service ng mga kagaya ko, noong panahon ng lockdown gawa ng pandemic. at maging hangang ngayon ito pa din ang choice of transportation ko. wala eh masaya talaga ako kapag gamit ko ito. at sa pamamagitan ng pagsali ko sa group mas lumawak yung network ko sa ped community. mula sa mga idolo na owner ng mga high end unit gaya ng go-ped na us brand na ka presyo na ng mga motorsiklo at 4 wheels na sasakyan, isama mo pa yung mga naka evo uber scoot at zip na mid range price, at siyempe ang pang masa na abot kayang china ped, idagdag pa natin yung mga customized na gawang pinoy na kayang sumabay sa porma ng mga branded. literal na nagsasama sama at sabay sabay nag eenjoy tuwing may group rides regardless sa klase ng unit na gamit ng bawat rider. ibang iba sa pakiramdam, malaya na para bang ibon na unang beses makalipad sa himpapawid. ganito yata talaga kapag nahumaling ka at nag eenjoy sa napili mong libangan. service sa work ng monday to saturday at libangan naman kapag sunday off sa work, ayan naging routine ko. tuloy tuloy pa din sa pag dami ang mga nagiging kakilala sa personal at maging sa online, balitaan ng mga latest sa ped community, upgrades, parts for sale, parts for trade or barter, at kung anuano pa basta tungkol sa ped. hangang minsan may kaibigan tayo mula sa province na hindi pa makadayo sa maynila gawa pa din ng lockdown, nakisuyo ng kailangan niyang piyesa, nakiusap na kung puede tulungan ko siya since ako ang nandito sa malapit sa mga bilihan, na siyang magiging simula ng isa pang kabanata ng aking ped journey at nag bukas ng oportunidad ..... itutuloy

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨ Habol na ng order habang may iilan pang natitirang stocks, salamat at ride safe always 🀘
04/04/2024

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨
Habol na ng order habang may iilan pang natitirang stocks, salamat at ride safe always 🀘

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨ Break muna sa PEDserye natin πŸ˜… mag shout out muna at magpasalamat ako sa mga nakaraang customer, n...
02/04/2024

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨
Break muna sa PEDserye natin πŸ˜… mag shout out muna at magpasalamat ako sa mga nakaraang customer, naipon na kayo para i post, kagaya nitong order na Velocity Stack ni Sir Nelson ng Las Pinas City via Shopee. Ride safe always 🀘

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨ β˜οΈπŸ˜‰ Long Post PART 6.. aba iba talaga ang dating sakin nitong PED lalo ngayon na may grupo na ako ...
30/03/2024

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨
β˜οΈπŸ˜‰ Long Post PART 6.. aba iba talaga ang dating sakin nitong PED lalo ngayon na may grupo na ako na malapit at aktibo, yung dating pakiramdam na malungkot, magisa dahil malalayo ang karamay eh napalitan ngayon ng saya at excitement dahil may nakakasama na kahit paano at dagdag kumpyansa na din kasi may kaagapay ka na actual na tutulong. sakto naman na minsan pag uwi ko dahil isa sa mga natutuhan ko sa mga kasama sa TONDOPED eh ang MAG CHEK NG UNIT BAGO AT PAGKATAPOS GAMITIN, LALO SA MGA BOLT AND NUTS NITO. aguuyy may parang kulang sa bolt sa engine ko, and bakit parang may distance sa pagitan ng mounting nito malapit sa pull start. dahil iilan pa lang kami nuon sa grupo eh madalas group video call ang nangyayari kapag may nag parating ng problema katulad nitong sa akin. so after ng assessment dahil nakita nila nalaman ko na nabasag na pala yung parte ng crankcase na turniltuhan ng pull start. puede pa naman daw gamitin pero hindi na maganda kasi aalog na yung engine since nabawasan yung suporta na humahawak at madadamay na yung ibang turnilyuhan mababasag at mababasag sa katagalan. ang option namin noon eh magpalit ng crankcase or ipa direct drive ko na. that time dahil hindi pa lahat ng establishment eh pinapayagan mag bukas kagaya ng noon eh kilalang sentro ng bilihan ng unit at spare parts ang ROAD RUNNER MALATE MANILA (unang orihinal na shop sa manila para sa mga stand up scooter pocket bike atv atbp) para sana makabili ng crankcase cover replacement, ang naging option ko is ipa-DD or direct drive na. may kasama ako sa grupo na may shop din sa divisoria si Sir Ariel ang Giftwillsent kaso non operational pa din siya gaya ng RR. kaya isa talaga sa inasahan ko noon eh ang sikat na Master ng Cainta pag dating sa direct drive sa katauhan ni Sir Joel Borlagdatan. sikat siya sa group page dahil sa mga pulido niyang gawa na Yframe at direct drive projects. since medyo tight budget hindi ako nagpa Yframe, nagkasya ako na ipa reinforced yung mga weak part gaya ng tubular type swing arm na nababali ng kusa sa katagalan (may mga nagpost na nito dati na naranasan nila yung isa muntik pang madisgrasya dahil umaandar siya ng mabali yung kanyang swing arm) nilapatan namin ng flat bar dagdag suporta at tibay, tapos yung part ng pole na folding inagapan na din namin kasi nababali din yan dahil spot weld lang kaya nag full weld kami sa parteng yan, and siyempre yung totoong pakay ko is ipa DD kaya mawawala na yung gearbox ko, yung engine na dating nasa kaliwa eh ililipat na namin sa kanan dahil ayun na yung magiging orientation ng ikot ng clutch. maayos kausap at pulido talaga gumawa si Sir Joel, sulit ang pag dayo ko at pag papagawa. mas panatag na ako ngayon dahil alam ko reinforced na yung rolling kit ko, alalay na lang lagi sa bawat andaran gawa ng stock tires pa din ang gamit ko at minsan na akong napunitan ng rear tire. kaya sabi ko sa susunod pag iipunan ko na ang magandang klase ng brand ng gulong para wala ng pangamba na maputukan ng stock tire. patuloy pa din ako sa araw araw na pag pasok gamit ang ped bilang service, and kapag sunday na off ko eh nakakasama sa mga short ride ng grupo na madalas sa CCP, MOA, OKADA paikot ikot lang kami dyan dahil bawal pa lumayo gawa ng mga lockdown protocols. itutuloy ...

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨ β˜οΈπŸ˜‰ Long Post PART 5.. yown oh at may reply siya, hindi ko talaga lubos na akalain na may kalapit ...
29/03/2024

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨
β˜οΈπŸ˜‰ Long Post PART 5.. yown oh at may reply siya, hindi ko talaga lubos na akalain na may kalapit lugar as in kapitbahay halos na naka ped din. Si Sir Mark pero ng mga panahon na yun eh kilala siya bilang Alakdan Silva hangang naging ALAKDAN CUSTOMS, hindi namin napag usapan yung item niyang nakapost kundi kamustahan at masaya kaming nagka kwentuhan ng tungkol sa ped. and guess what!?! may grupo pala sa lugar namin sa tondo, ang noon ay nagsisimula ng magpalaki at magpalakas na TONDOPED. siya ang nag introduce sa akin sa grupo at malugod naman akong tinangap bilang bagong miyembro, salamat talaga at may malalapit na sa lugar ko na makaka agapay. taos puso ang pasasalamat ko sa mga nag welcome sa akin: Si Max, Sir Leo, Sir Aris, Sir Ariel, Sir Noviel, Sir Al, Sir Christian, Sir John Michael at siyempre sa nag pakilala sa akin na si Sir Mark Alakdan (sorry na agad at hindi ko nabangit lahat lahat) at isa ako sa mapalad na napa bilang ng maaga sa grupo ng TONDOPED dahil mula sa kanilang exklusibo at orihinal na miyembro nagbukas sila ng pintuan para sa mga baguhan kagaya ko, na ang layunin ay tulungan ang baguhan, gawing huwaran ang nauna sa larangan, walang iwanan. oh diba. member #15 ako kaya iyan din ang nanging numero ng plaka ko at may mga naging uniform na t shirt at long-sleeved riding jersey pa kami ng lumaon. dito ay mas nadagdagan ang bilib ko sa ped, yung dating akala ko na pang short distance route lang eh nagagamit pala na pang rides. at yung dating basic set up na nakasanayan ko eh may ibibuga pa pala kung gusto mag upgrade at ayusan para mas maayos ito magamit. at nasaksihan ko ang paglaki at pagdami ng miyembro, from all walks of life ay naging welcome sa masaya at magulong pamilya. at nang magsimula na lumuwag ng konti ang mga protocol ng lockdown eh nakakapag meet and greet kaming mga miyembro, mga short ride na nagsimula ako mag enjoy pa lalo. wala silang sawang magpayo, alalayan at turuan ang bawat miyembro. dito unti unti na expose na ako sa actual na troubleshooting at butingtingan kapag may nagiging aberya sa mga rides namin. kaya sabi ko eh ayos ito ayos dito, ito yung sistema na gusto ko, tulungan lang. 49cc 2 stroke all stock pa din ang unit na gamit ko, at iba pala kapag tinamaan ka ng sakit na UPGRADETITIS hehehe. may pagkakataon na matutukso ka kapag nakikita mo yung mga ped na gamit nila mga naka set up, naka upgrade, mostly naka 71cc engine, pero sabi ko sa sarili ko na MASAYA AKO NA MAY GRUPO NA AKO NGAYON, MASAYA AKO NA NAKIKITA KO NA MAS MAIINAM ANG UNIT NILA, SA TOTOO LANG MAY MGA PAGKAKATAON NA HANGANG HANGA AT NAIINGIT AKO, PERO MAY PRIORITIES AKO AT OBLIGASYON SA BUHAY KAYA HINDI AKO BASTA BASTA SASABAY SA KUNG ANUNG UPGRADE NILA, SELF CONTROL LANG MUNA, miyembro at ka grupo pa din naman ang trato nila sa akin sumabay ka man oh hindi sa mga upgrade nila, walang pilitan. naaalala ko pa din yung aral sa akin ng mga magulang ko noong buhay pa sila HUWAG MO YAKAPIN ANG HINDI MO PA KAYA, GUMASTOS KA NG NAAYON SA ESTADO NG BUHAY MO. tama, hindi lahat ng nakikita ko eh gagayahin ko, isa pa kung hindi ko kayang sabayan yung gastos at effort nila makuntento na muna ako sa kung anung meron, ganun lang kasimple. alangan naman mag upgrade ako pero puro pang buburaot ang gagawin ko, yung tiradang puede na yan kahit alanganin na 2nd hand na pyesa, budget meal naman dyan baka meron kayo, yung mga ganyang maling pagtitipid pero upgrade ang gusto namamalian talaga ako, opinion ko lang ito ah no offense. pag iipunan ko at unti unti kung anung kaya doon lang muna ako ... itutuloy

Good day kaPEDs πŸ˜ŠπŸ›΄πŸ’¨β˜οΈπŸ˜‰ Long Post PART 4.. after ma install yung pull start replacement ko goods na goods na ulit ang aki...
28/03/2024

Good day kaPEDs πŸ˜ŠπŸ›΄πŸ’¨
β˜οΈπŸ˜‰ Long Post PART 4.. after ma install yung pull start replacement ko goods na goods na ulit ang aking All Stock Scorpion unit 49cc 2 stroke engine. Pamasok ko pa din siya araw araw, bahay - trabaho - repeat. ilang araw na walang nagiging aberya ayahay sarap naman ng ganyang ganap. hangang sa may dumating na naman na problema aguyy huhu. flat ang rear tire natin mga boss, buti na lang at chill chill lang takbuhan ko ng mapansin ko na parang nagewang ako unti unti akala ko nga may langis kaya madulas ang kalsada pero hinde eh, kaya switch off agad ako ng engine tapos baba ako at tinitigan ko... nilapitan ko... ayun sapul toinks, flat nga ang gulong ko sa likod. siyempre dahil wala pa tayong ganun kaalam sa butingting tulak ako pauwi para iwan yung unit at makapasok sa work. tapos tanong tanong sa group at sa gc kung saan malalayo talaga sila sa location ko. at eto nga may nag alok sa akin ng spare tire wala din siyang brand katulad lang din ng stock na Lan Yu binili ko na din, since hindi ko pa alam noon na sakit talaga yun ng mga stock tire na madaling masira, kusang napupunit at may mga pagkakataon na sumasabog ito bigla. pasalamat na din ako at hindi grabe yung naranasan ko sa gulong. palag na din kesa walang magamit, banat lang. may nag guide sakin kung panu step by step, potek na yan sa sobrang arte ko naka rubber gloves pa ako dahil ayaw ko madumihan kamay ko dahil nga hindi ako sanay sa ganung gawain hahahahaha. ang naging diskarte ko naman is picture ako ng picture tuwing bago ko kalasin para alam ko kung saan ko ibabalik para may guide ako. tapos kung saan side ko siya tinangal dun ko siya nilalatag para hindi mabaliktad. goods nairaos na ulit yung problema at ako mismo ang gumawa wow ah kaya ko pala. at dito sa parte na ito natutuhan ko na KUNG GUGUSTUHIN PALA TALAGA NATIN NA ARALIN AT MATUTUHAN ANG ISANG BAGAY, KAYANG KAYA PALA BASTA TIYAGAIN MO LANG PALAGI, WALANG MAGALING AGAD SA UMPISA, LAHAT NAGSIMULA SA WALA, KUSANG PALO LANG AT IMPORTANTE NA GUSTO MO YUNG GAGAWIN MO. naging interesado nako unti unti, sa pamamagitan ng mga nag popost sa group ng mga experiences nila sa ped nakakakuha na ako ng idea kahit papano. natutuwa ako kasi nadadagdagan na yung mga kaalaman ko. may time pa sa gc na naka in ako eh nakikita ko na nagkikita kita sila since magkakalapit lang ang mga area nila kaya madali silang makapag tulungan. ako naman eh patuloy na lang sa pag pasok araw araw at nagdadasal na sana huwag na magka aberya ang scorpion ko hehe. mahirap kasi talaga na malalayo ang mga tanungan mo at hingian ng tulong. hangang sa minsan isang araw na hindi inaasahan nag ba browse ako sa group page ng mga kaganapan may naka kuha ng attention ko, naghalong gulat tuwa at excitement hala totoo ba. sa unang pagkakataon may nakita akong post ng isang kasamahan na pamilyar sa akin yung lugar niya. tama ba talaga yung nakita ko bambang abad santos!?! nag double chek pa ako talaga baka mali lang ang pagkakabasa ko. tama!!! bambang nga hahahahaha ang saya ko ng time na yun akalain mo may kapit bahay pala ako na may ped din and base sa post niya mukhang advance na siya sa kaalaman kasi nag bebenta siya ng mga spare parts niya. pm ako agad sa kanya bahala na sana mag reply, sana maayos kausap sana hindi suplado hehe, and ayun na nga ... itutuloy

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨ β˜οΈπŸ˜‰ Long Post PART 3.. aguy aguyy aguyyy nasira ang pull start ko, ito siguro yung naging resulta ...
27/03/2024

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨
β˜οΈπŸ˜‰ Long Post PART 3.. aguy aguyy aguyyy nasira ang pull start ko, ito siguro yung naging resulta nang hila ako ng hila na halos para na akong naglalagari huhuhu. medyo napadali yung pagkalaspag ng spring/coil sa loob, naputol agad dahil nga sa maling ginawa ko. IBA PALA TALAGA KAPAG MAY KNOW HOW KA AT MAY KNOWLEDGE SA BASIC TROUBLESHOOTING. well lesson learned as a newbie. syempre dahil nasa group page na ako at nasa gc tanong tanong lang muna kung may remedyo or anung option ko para dito sa naging problema ko. Iba iba yung nakuha kong sagot, halos na overwhelmed ako dahil marami sumagot at nagtuturo. may nakausap ako na medyo advance na yung kaalaman kaso hindi ko nga maintindihan dahil nga wala pa ako idea dun sa mga tinuturo niya remedyo at hindi ako mabutingting na tao, nagpasalamat na lang ako sa kanya at nahiya akong aminin na hindi ko naman nagawa yung mga tinuro niya. may nakausap din ako na medyo maalam din pero limitado yung kayang ituro, nagpasalamat na lang din ako, kako baka busy lang siya that time kaya medyo short and simple yung mga sagot niya at naaabala ko na siya. may nakausap ako ang tiyaga mag explain tinanong niya pa ako kung anung mas kaya ko yung mag retoke or bumili ng replacement para less hustle na, ayun hangang natapos kami sa usapan na bibilhin ko yung spare niya para may magamit nako at mapagana ko na ulit si scorpion ko. 650 ko binili yung pull start niya nung time na yun, plus shipping fee pa sa rider. that time ayun na yung tanging option ko since need ko ng scooter para makapasok pa din sa work. goods naman yung item in fairness and fit at compatible sa engine ko kasi napagusapan naman namin ng maayos, at nagamit ko kaya oks na oks na para sa akin. at eto na nga hehe may late ako nabuksan na mesage galing din sa isang kasama sa group may inaalok siyang same na pull start pero mas mura sana niya inaalok sa akin ng 500. sabi pa nga niya 400 lang bili ko niyan sa online noon tinubuan nya lang ng konti pambawi sa naging sf niya. nanghinayang man ako eh huli na ang lahat. nagpasalamat na lang din ako at hindi na ininda yung nangyari kasi atlis magagamit ko na ulit yung ped ko. at doon ko na isip yung isa pang aral na natutuhan ko na MAY MGA KASAMA KA NA WILLING MAGTURO PERO DIPENDE SA KUMPORME, AT MAY MGA MAGMAMALAKSAKIT SAYO NG HINDI MO INAASAHAN, MAY MGA TAO DIN NA MAPANLAMANG LALO KAPAG ALAM NILANG WALA KA PA GAANONG ALAM, NA WALA KA IBANG AASAHAN AT WALA KANG IBANG SISISIHIN KUNDI SARILI MO LANG. ang point ko dito eh obligasyon natin bilang owner na aralin ang tungkol sa unit natin, lamang lagi ang may alam, hindi ka basta maloloko sa pyesa sa presyo maging sa pag kumpuni nito... itutuloy

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨ β˜οΈπŸ˜‰ Long post PART 2.. so ayun na nga nadiscover namin na may FB group page pala at nag join ako a...
26/03/2024

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨
β˜οΈπŸ˜‰ Long post PART 2.. so ayun na nga nadiscover namin na may FB group page pala at nag join ako and nag post ng naging problema ko, salamat talaga sa bayaw ko sa idea at sa tulong na may ganitong paraan pala, ayaw kasi talaga mag start halos parang naglalagari na ako kakahila ng pull start as in wala kasi talaga akong idea kung ano at paano hehe. Tapos may isang nagmagandang loob na nag comment na handang tumulong sa katauhan po ni Sir Bhert Laxa, isa siyang seller ng mga unit gaya ng ped, pocket bike, mini atv at mga electric scooter, nag PM kami para ma asses yung nangyari and to my surprise pinuntahan niya ako sa aking location para personal na makita yung unit. Uulitin ko po kaya sobrang stress ko nung mga panahon na yun kasi ay zero knowledge ako sa troubleshooting at zero knowledge din sa pag butingting kaya ganun na lang ang tuwa ko ng alalayan at tulungan ako ni sir. At ang nakakatawa pa yung tingin ko na malaking problema eh sobrang liit lang pala hehehe, lumuwag lang pala yung turnilyo ng manifold at carb kaya ayaw mag start ng engine ko. Kasi nagsisingaw at hindi mabuo yung compresion paliwanag sa akin ni sir. Gamit lang yung isang pirasong tool na allen range hinigpitan niya yung mga lumuwag na bolt. And yun parang nagdahilan lang gumana na ulit ready na ulit pang service ang aking unit. Salamat ulit kay Sir at sobrang saludo po ako sa inyong kabutihang loob, malayo po kayo sa lugar ko at sinadya nyo pa talaga ako. May ilang lingo ko ulit nagamit ng maayos yung unit at tumaas ulit yung kumpiyansa ko kay scorpion, at yung dating ruta ko ng bambang to quiapo ay naiba gawa ng na lockdown yung work location gawa ng may nag positive sa barangay at naisara yung original branch designation ko, kaya nilipat ako pansamantala ng binondo area. Which is mas lalo ko na appreciate yung pagkakaroon ng ped kasi laking tulong talaga sa akin para makapasok. May mga nakikilala din akong mga miyembro ng groups, napasama din ako sa gc nila QC group, medyo malayo ako kaya umaasa lang ako matuto sa mga batuhan ng information sa kanila. By sharing ng mga experiences namin regarding sa ped natututo kami sa mga nagiging mali namin. Mostly kasi ng naging kasama ko dun eh mga wala din idea kagaya ko maliban sa admin namin, mga exited lang bumili pero walang alam sa pros en cons. At doon ko na realize yung unang moral lesson ko after ko ma experience yung naging unang problema ko sa ped "IMPORTANTE PALA TALAGA NA BAGO MO PASUKIN ANG ISANG BAGAY GAYA NG PAG BILI AT PAG GAMIT NG PED, EH DAPAT MAY KNOWLEDGE KA TUNGKOL DITO, ALAMIN ANG BASIC TROUBLESHOOTING, MARUNONG KA MAG BUTINGTING, MAY TOOLS AT WILLING KA LAGI MAG BIGAY NG TIME AT EFFORT PARA ARALIN ANG WASTONG PAG GAMIT AT MAINTENANCE NITO. Mali pala yung inakala ko na parang motorsiklo lang ito na start tapos gas and go na. And dumating na yung pangalawang problema ko aguyy!!! juicecolored na lang talaga, awit malala nasira yung pull start ko mga boss, tuulloong po!!!!! .... itutuloy

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨ β˜οΈπŸ˜‰ Long post PART 1Share ko lang yung aking journey as a PED rider at baka lang may maka relate ....
25/03/2024

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨
β˜οΈπŸ˜‰ Long post PART 1
Share ko lang yung aking journey as a PED rider at baka lang may maka relate ...
Nag start ako ng December 2019 bago pumutok yung COVID dahil ang hanap ko noon ay praktikal na maari kong magamit na pamasok sa trabaho, yung wala munang masyadong kailangan na cheche bureche gaya ng driver's license, rehistro, tapos eh budget friendly at low maintenance at dahil limitado ang space sa bahay namin eh dapat medyo cute size para madali itago, and nanawa nadin ako sa kada pawis sa pag pedal ng mountain bike. So ang pinag piliian ko muna eh Electric Scooter vs Choi Nori at ibang mga inaalok na option sa market place ng facebook gaya ng Gas Scooter 49cc na hindi ko pa alam ang tawag dati.
Hangang sa pumutok ang pandemic bungad pa lang ng 2020 nag lock down at wala pa ako nabibili gaya ng pinagpaplanuhan ko. At dahil frontliner ako kailangan ko pumasok, ilang days na ako naglalakad papasok mula sa bahay namin sa Bambang papunta sa branch designation ko sa Quiapo at ganun din pauwi dahil wala talagang mga byahe at limitado lang ang puedeng lumabas gaya ko. Yung araw na iyon may naka daupang palad ako na frontliner at 1st time ko nakita sa personal yung PED at aaminin ko nahumaling agad ako, hindi ko na nakuha number niya dahil papasok na din siya as nurse sa isang hospital, so balik na lang ako kay market place hanap ako ng available na seller na willing mag ship door to door at boom na acquire ko yung 1st unit ko. Brand New 49cc 2 stroke engine Scorpion Unit sa halagang 7,500 plus 500 pesos na SF. Ayan na yung pinaka naisip kong praktikal na sagot sa kailangan ko, kasi kung mag electric ako eh pinaka mababa yung 20k which is medyo malaking pera ang ilalabas ko eh pandemic nga at wala pang kasiguraduhan kung gaano katagal ang lock down kaya sabi ko goods nako sa ped, mas mura na cute size pa. Basta ang alam ko lang nung una eh parang motorsiklo lang ito, hindi na ako nag research tungkol sa pros en cons, reviews at iba pa. Basta natuwa lang ako ayun na yun hehehe, alam ko lang eh maglalagay ako ng 2t takip takip system kada magpapagas ako, mag hila ng pull start tapos eh throttle yeah! bomba bomba punta ng point A to point B ayan yung naging routine ko ng ilang weeks. Hangang na experience ko yung unang problema ko, aguyy ayaw mag start huhuhu. Wala ako idea sa troubleshooting at zero knowledge din ako sa pagbubutingting dahil malayo ito sa kursong tinapos ko at lalu sa trabaho ko sa isang kilalang botika. Sinubukan ko kontakin yung seller para humingi ng tulong, ayun wala din siyang idea hehehe, magtinda lang ng unit ang forte niya at take note siya din nagturo sa akin na takip ng 2t bottle ang gamitin ko panukat hahahahaha, mabuti nga at 6 na takip ang payo niyang ilagay ko. Medyo nalungkot na ako sabi ko mukhang masasayang na itong unit, hangang tinulungan ako ng bayaw ko, sabi niya baka may group yan sa FB puede tayo magpaturo at magpatulong. Kaya nag hanap kami ayun may group page nga and nung time na yun nasa 1k pa lang ang members... itutuloy

Address

Tondo

Telephone

+639776274108

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when A&B ped parts posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to A&B ped parts:

Videos

Share