๐๐๐๐๐ | Highlights during the SHS 2nd Achievers' Day.
video by: Trisha Mhardz Mendoza
๐๐ฃ๐๐๐ ๐จ๐ ๐ง๐๐ฉ๐ข๐ค ๐ฃ๐ ๐จ๐๐ฎ๐๐ฌ: ๐๐๐ฃ๐๐ค๐ง ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ค๐ค๐ก ๐๐ฉ๐ช๐๐๐ฃ๐ฉ๐จ, ๐ฃ๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐๐ ๐พ๐ช๐ก๐ข๐๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ผ๐๐ฉ๐๐ซ๐๐ฉ๐ฎ
Ipinamalas ng mga mag-aaral sa senior high school ang kanilang galing sa pag-indak sa kamakailang Culminating Activity na naganap sa Vinagre, Basketball Court noong ika-15 ng Nobyembre, 2023.
Ang mga mag-aaral ng Grade 11 ay nag pakitang-gilas sa ritmo at paggalaw ng kanilang Zumba performance. Ang kahusayan ay nagbigay daan sa tagumpay ng 11 ABM bilang kampyon, 11 STEM para sa unang pwesto, 11 HUMSS sa ikalawang puwesto. Ang ikatatlong pwesto naman ay nasungkit ng 11 GAS (Group 1), samantalang ang 11 GAS (Group 2), ay nag-uwi ng gantimpala para sa ika-apat na puwesto.
Hindi rin nagpahuli ang mga mag-aaral mula sa Grade 12. Nagpakita sila ng kanilang husay sa pagsayaw ng ballroom, boogie, cheerdance, modern dance, at tango. Ang kanilang malikhaing pagsayaw ay nagdala ng saya at galak sa bawat manonood. Kinilala ang Grade 12 HUMSS Cheerdance bilang kampyon sa kanilang kategorya, sumunod sa pwesto ang ballroom ng 12 GAS (Group 1) bilang una, pangalawa naman ang 12 STEM Modern Dance, pangatlo ang 12 ABM Tango, at ang pang-apat ay ang 12 GAS (Group 2) Boogie. Ang bawat grupo ay hindi lamang nagpakita ng kanilang mga kakayahan sa sayaw kundi pati na rin ng pagkakaisa at ang paghatid ng ingay sa buong madla.
Ang pagdaos ng kaganapang ito ay pinangunahan ng guro sa PE na si Bb.Marilyn Andrada kasama ang suporta ng mga guro sa Shs.
Pagkatapos ng pagtatanghal ng mga estudyante, dumating naman ang masigla at masayang bahagi kung saan bumida ang ating mga guro bilang suporta sa kanilang mga klase. Ang pagsayaw ng mga guro na kalaunang dinaluhan din ng ilang estudyante ay nagdagdag ng saya sa buong kaganapan. Itoโy nagpapakita ng matibay na ugnayan sa pagitan
World Teachersโ Day, ipinagdiwang ng SVC
Sa pamamagitan ng ibaโt ibang masasayang aktibidad, nagbigay-pugay ang Shepherdville College sa bawat guro sa pagdiriwang ng World Teachersโ Day 2023 sa SvC grounds, Biyernes, Oktubre 6.
Kabilang sa mga larong kinagiliwan ng mga guro ay Sack Race, Hula Hoop Relay, at Guess Me. Matagumpay na pinangunahan ang pagdiriwang ng Supreme Secondary Learnersโ Government (SSLG). Higit pa rito, nakipag-ugnayan ang mga akademikong pangkat sa pagbigay ng kasiyahan sa paraan ng pagtatanghal mula sa mga mag-aaral kabilang ang dance number na inihandog ng Performing Arts Club (PAC) at spoken poetry mula sa 11C-STEM 11D โ ABM at 12B โ HUMSS.
Bago matapos ang panimulang programa, idinaos ang sabay-sabay na pag-awit ng mga mag-aaral sa kantang โMAPAโ ng SB19 na mas pinasigla ng pagbibigay regalo ng pasasalamat at kalaunang sinundan ng selebrasyon sa bawat silid-aralan.
โ๏ธ Artikulo ni: Julia Laurice Salvador
๐ฅ Film Video Editor: Brian Thomas Celestial
๐ฅFilm Video Editor: Trisha Mhardz Mendoza