23/10/2023
October 18, 2023
Una po sa lahat, ako po ay nagpapasalamat sa itaas na nabigyan pa po ako ng magandang buhay at healthy mind para isagawa po itong pamimigay ng relief goods. Salamat po! ☝️🙏
Pangalawa po, salamat po sa nakukuha kong suporta galing sa pamilya ko, asawa ko, mga tunay kong kaibigan at itinuturi ko ng pamilya. Wala po makakapantay sa pagmamahal na ibinibigay niyo sakin. 🫶
Pangatlo po, syempre hindi ko po ito magagawa kung wala po ang ating mga sponsors at sa mga taong nagbigay ng konting tulong sa pamamagitan ng gcash, malaking bagay na po yun para sakin. Maraming salamat po sa inyong lahat! Hindi lang po ako ang nakapag pasaya sa kaarawan ko, kasama ko po kayo dito. Mabuhay po kayong lahat at pagpalain pa po kayo ng may kapal. 🙏
Kahit sa isang araw lang, malibre ko ang kapwa natin, mabawasan ang pagiisip nila at mapasaya ko sila sa pamamagitan ng pagbibigay. Kaya iboto niyo po ako sa darating na eleksyon.. charot! Sana po napasaya ko kayo, at sana mabigyan pa ako ng lakas para makatulong ulit sa kapwa natin. ❤️