102.7 RB-Abongan news Fm

102.7 RB-Abongan news Fm Radio
(1)

28/03/2024

Radyo bandera Abongan
Is now signing off
Babalik Po Tayo sa Sunday

Open lng Po Nature's Medic

Nawawala!!!Kung sino man Po Ang nakakita sa mga batang ito na nawawala kahapon pa March 6 2024 ganap Ng ala sais Ng Gabi...
07/03/2024

Nawawala!!!

Kung sino man Po Ang nakakita sa mga batang ito na nawawala kahapon pa March 6 2024 ganap Ng ala sais Ng Gabi (6pm)..Ang Sabi ay nagkayayaan cla na pumunta Ng plaza Ng brgy Libertad subalit Hanggang sa Ngayon ay Hindi pa nkakauwi Ang mga ito.

Alalang alala na Ang nga magulang Ng mga batang ito,

kaya kung sino man Ang nakakita sa kanila p**i contact Po Ang numerong ito 0955-653-2714 Lorna Pacheco isa sa mga magulang batang nawawala.

Pangalan Ng mga batang nawawala.
Rosemarie Pacheco
John Oliver Aqui
Alrenz Alcala
Na pawang mga taga brgy Libertad.

26/01/2024
26/01/2024
26/01/2024
Abongan Harvest Festival 2024🎊🎋🎋Attention⚠️⚠️  All North Riders. What: Abongan 1st Motocross CompetitionWhen: January 29...
25/01/2024

Abongan Harvest Festival 2024🎊🎋🎋

Attention⚠️⚠️ All North Riders.

What: Abongan 1st Motocross Competition
When: January 29,2024
Where: Bgy. Abongan, Taytay Palawan

Categories:

👉All Abongan
👉Mix Scooter Pantra
👉Beginner Enduro
👉Open Enduro

Come and Join mga ka braaap braaap!!! 🏍️🛵🏆🏆🏆

For inquiries,
pls!! contact:
Kgwd. Joel (Boyboy) Flores
CP no. 09100970797
Kgwd. Juson Brillo
CP no. 09678704622

24/01/2024
23/01/2024
23/01/2024
17/08/2023

CHINESE AMBASSADOR TO THE PHILIPPINES HUANG XILIAN, IDINEKLARANG PERSONA NON GRATA SA BAYAN NG KALAYAAN

Aprubado sa Sangguniang Bayan ng Kalayaan ang resolusyong magdedeklara kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian bilang Persona non grata.

Ayon kay Kalayaan Municipal Councilor Maurice Philip Albayda, na syang nagsulong ng panukala, nag-ugat ito sa naging pambobomba ng chinese vessels gamit ng water cannon sa barko ng Pilipinas na noo’y nagkakaroon ng re-supply mission sa Ayungin Shoal.

Dagdag pa ang naging pahayag ni Ambassador Huang Xilian dito na hindi na kinikilala pa ang Soberanya ng Pilipinas na nakakasakop sa West Philippine Sea.

Gayundin ang tila pagdidikta nito sa bansa kung ano dapat ang na gagawin, kahit ang mga Chinese mismo ang nanghaharas sa Pilipinas.

Iginiit ni Albayda na handa ang mga opisyal ng Kalayaan na tumayo para karapatan ng kanilang maliit na bayan laban sa bansang China.

Pabatid!! Sa mga magulang na may studyante sa Abongan Elementary School sa darating na August 13,2023 Sunday 2pm (alas d...
09/08/2023

Pabatid!!

Sa mga magulang na may studyante sa Abongan Elementary School sa darating na August 13,2023 Sunday 2pm (alas dos ng hapon) inaanyayahan po namin kayo na dumalo sa gaganaping Parade ukol po ito sa Pagbubukas ng brigada eskwela 2023.

Pagkatapos ng Parade ay magkakaroon po tayo ng BRIGADA ESKWELA 2023 KICK-OFF CEREMONY na gaganapin sa AES covered Area.

Narito ang Schedule ng BRIGADA ESKWELA 2023
August 14 to 19.

LUNES-Tula-Tulahan, Bagong silang, Pinagupitan.

MARTES-Purok Masagana, Pagkakaisa, Binatuan.

MIYERKULES-Purok Maligaya,Pag-asa,Matahimik.

HUWEBES-Upper & Lower Tamalarong (rattan), Crossing.

BIYERNES-Canduyog, Ebangley.

SABADO-Para sa di nakapag Brigada or nakapag Dagyaw..

BAYANIHAN PARA MATATAG NA PAARALAN.
Tara na mag brigada na tayo.

-AES

17/07/2023
31/05/2023
23/05/2023

BINABANTAYANG BAGYO SA LABAS NG PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY, ISA NANG SUPER TYPHOON

Isang ganap nang super typhoon ang binabantayang bagyo sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) na huling namataan sa layong 2,215 kilometers silangan ng Visayas.

Ayon sa PAGASA ay posibleng pumasok ng PAR ang bagyong may international name na “MAWAR” sa Byernes ng gabi o Sabado ng umaga at tatawagin itong bagyong “Betty”.

Nananatili naman umanong mababa ang tyansang tumama ito sa kalupaan pero posible naman nitong mapalakas ang southwest monsoon o hanging habagat na syang magpapa-ulan sa malaking bahagi ng bansa sa susunod na Linggo.

Samantala, patuloy namang makararanas ng mg apg-ulan ang Palawan, Zamboanga Peninsula at BARMM dahil pa rin sa umiiral na southwesterly windflow.

Source: Dost_pagasa

15/05/2023

no copyright infringement intended
Disco bisyo na
With dj nhe

24/04/2023

ISA PATAY, TATLO PA SUGATAN SA NANGYARING BANGGAAN NG DALAWANG MOTORSIKLO SA KAHABAAN NG BRGY. BATO, TAYTAY, PALAWAN

Patay ang isang driver at sugat naman sa iba’t ibang parte ng katawan ang tinamo ng tatlong indibidwal matapos na magkabanggaan sa kahabaan ng National Highway Brgy Bato, Taytay, Palawan pasado 6:00 ng gabi kagabi, April 23, 2023.

Kinilala ang driver ng Euro motorcycle na si Richard Bugtong Belen, 39 anyos residente ng Brgy Sta. Maria, Dumaran, Palawan kasama ang asawa at anak nito

Habang nakilala naman ang driver ng Sym motorcycle na si Elnonito Gange Gallego 49, anyos residente ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Taytay PNP, binabaybay umano ng Euro motorcycle ang Brgy. Poblacion Taytay patungong bayan ng Dumaran habang nasa kasalungat naman na direksyon ang motor na minamaneho ni Gallego.

Ngunit nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay bigla na lamang umanong inukopa ni Gallego ang linya ng motorisklong minamneho ni Belen dahilan upang magkabangaan ang mga ito

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang dalawang driver at ang dalawang angkas nito na agad namang nadala sa pagamutan ng mga rumespondeng tauhan ng MDRRRMO Taytay pero deneklarang dead on arrival si Gallego ng sumuring doktor.

28/03/2023

From zero
70% recovery na.
Basta radyo
Ibandera mo.

20/03/2023

PAMILYA NG ISA SA MGA SAKAY NG NAWAWALANG YELLOW BEE, NAKIPAG-UGNAYAN NA SA BRGY. BATO-BATO, NARRA MATAPOS MATAGPUAN ANG ISANG NAAGNAS NA BANGKAY

Nakipag-ugnayan na ang pamilya ng isa sa mga sakay ng nawawalang helicopter na Yellow Bee sa pamunuan ng Brgy. Bato-bato, Narra, Palawan matapos na matagpuan ang isang bangkay sa tabing dagat ng Purok 6 sa nasabing lugar kaninang umaga.

Ayon kay Kapitan Ernesto Ferrer, liban sa pamilya na hindi na muna tinukoy pa ng opisyal ay nakipag-ugnayan na rin umano ang MDRRMO Balabac para sa posibleng pagpunta ng mga ito sa Narra para personal na matukoy kung ang bangkay na nakita ay isa sa mga biktima na sakay ng helicopter na dalawampung araw nang nawawala.

Sa ngayon kasi ay wala pang pagkakakilanlan ang bangkay at hindi pa rin matukoy kung ito ay babae o lalaki dahil wala nang ulo at naaagnas na ang harapang bahagi ng katawan nito nang matagpuan ng mga residente.

Address

Taytay
5312

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 102.7 RB-Abongan news Fm posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 102.7 RB-Abongan news Fm:

Videos

Share

Category


Other Radio Stations in Taytay

Show All