Isang kwento na naman ng pagasa at katapangan ang ating nasaksihan sa pagbisita natin kay Tatay Danilo. Magpalakas po kayo tatay at manalig lamang po tayo sa Panginoon na malalagpasan niyo ito. 🙏❤️ #NagkakaisangTaytay
Nais ko po kayong pasalamatan lahat sa pakikiisa sa ating mga pangarap para sa Bayan ng Taytay. Dalhin natin ang mga aral, pagsubok, biyaya, at tagumpay na ito sa panibagong taon! 🎇✨ #2024Recap #NagkakaisangTaytay
#GoodVibes Monday sa ating Lahat! ❤️ #NagkakaisangTaytay
Nakakatuwa naman sina nanay at tatay na masigla tayong sinalubong sa ating pangungumusta. Namiss daw nila ako, hindi nila alam mas miss ko kayong mga seniors natin dito sa Taytay! 🤗❤️ #NagkakaisangTaytay
Malapit na din ako makasama sa christmas party nyo at ilang taon na lang ay senior na din ako. 😅🎄 #NagkakaisangTaytay
Road trip
Relax muna at bonding kami ni Joan sa isang short road trip. 🚗❤️ Tara na! 🤗
Umulan man o umaraw, tuloy ang pamimigay na sinimulan ko noong ako’y Konsehal pa lamang noong 1995. Maraming salamat po sa libo-libong dumadalaw sa aming bahay upang samahan ang aming pamilya tuwing araw ng Pasko. 🎄
Pasensya na po kung maliit lamang ang aming nakayanan. Ang hangad lamang namin ay makapagbigay ng kaunting kasiyahan sa inyong hapag-kainan. ❤️❤️❤️
Namamasko po! 🥳🎄 Mula po sa #NagkakaisangTaytay, ang amin pong pagbati ng Maligayang Pasko sa ating lahat! ❤️✨
Isang araw bago ang Pasko, dinalhan natin ng pang noche buena ang isa nating matalik na kaibigan noon pa. Kaya sa iyo Pareng Ariel, Merry Merry Christmas! Salamat sa pagiging loyal at mabuting kaibigan! ❤️🙏
#NagkakaisangTaytay
Isang matatag at matapang na bata na naman ang ating nakilala. Magpakatatag ka Ghio! Inspirasyon ka para sa amin at sa iyong kapwa Taytayeño. Dalangin ko rin ang iyong kalakasan para sa araw-araw na laban. 🙏🥰
#NagkakaisangTaytay
Mayroon pong gumagamit ng ating pangalan upang makapanglamang ng kapwa. Isa si Nanay Erlinda sa mga nabiktima at natawagan gamit ang ating pangalan at pekeng cellphone number.
Kaya’t ngayong 2 days before Christmas, binisita natin siya at nagdala ng kaunting sorpresa. Ako na po ang humihingi ng pasensya ‘nay. Maligayang Pasko po sa inyong pamilya! 🎄🥰
#NagkakaisangTaytay
Isa na namang top commenter at supporter ang ating binisita at sinorpresa ngayong 3 days before Christmas! Kayo po ang Puso ng aming Pasko. 🎄🥰
#NagkakaisangTaytay
#3DaysBeforeChristmas