19/01/2022
Tumatakbo ang kamay ng orasan,
ang bawat segundo ay kailangang pahalagahan.
'Di maaaring ipagpabukas o ipagpaliban,
Dahil bawat kumpas ng kamay ng orasan, napakaraming buhay ang pwedeng bawian.
FRONTLINERS
F- Filipino, Filipinong buong puso,
handang tiisin ang bawat pagpatak ng pawis at dugo.
Handang tiisin ang labis na gutom, pagod, at diskriminasyon.
Lulunukin ang bawat luha na sa mata'y namumuo,
masigurado lang na ligtas ka saan ka man papatungo.
R- responsibilidad nilaโy hindi tatalikuran,
dahil ito ang kanilang sinumpaan.
Sa pagharap nila sa bawat pasyenteng tinatamaan,
Sana ipagdasal natin na silaโy huwag mawalan ng pag-asa para lumaban.
O- obligasyon nilaโy gagampanan,
sana tayo ring mga nasa tahanan.
Hindi mahirap kung silaโy susundan,
dahil alam natin na ito'y para sa atin ding kapakanan.
N- ngunit nakakalungkot lang kung ating iisipin,
'stay at home' lang bakit 'di natin kayang gawin?
Ganito na ba katitigas ang mga ulo natin?
Bakit di natin sila kayang sundin
T- Teka-teka, o baka gusto pa natin na sumuko sila?
Ilan pa bang nurse, doctor, sundalo, pulis at iba pang mga fronliners ang gusto nating magdusa?
Ilang pa bang frontliners ang gusto nating mawalan ng pamilya
mailigtas lang ang buhay ng iba?
L- ungkot ay pilit na nilalabanan,
sa tuwing makakikita ng pamilyang sabay-sabay na naghahapunan,
nabubuo ang tanong sa kanilang isipan
Kailan? Kailan ko kaya muli silaโy maghahagkan?
I- inisip pa ba natin sila?
O mas iiniisip natin na mas importanteng tayoโy maging masaya?
Sa paglabas natin ng tahanan alcohol at face mask lang 'di pa natin madala,
Kapatid, hanggang kailan natin sila hahayaang magdusa?
N- nanawagan ka sa pamahalaan,
sa lahat po ng mga nasa kinauukulan,
Ang anak ko ay lubus ng nahihirapan
Ako po sanaโy inyong tulungan
KAPATID
E- espesyal ka man na tao
Walang pinipili ang sakit, ano man ang ating estado,
sumunod lang sa pinapatupad ng gobyerno,
lahat tayoโy mananalo.
R- respeto sa lahat ng FRONTLINERS na nakikibaka,
lahat tayoโy mga bayani kung magkakaisa,
dahil balang araw ang Pilipinas ay muling magiging malaya,
sa pandemyang kalaban na 'di natin nakikita.
S- saradong mga kaisipan,
ating sanang muling buksan.
Walang imposible kung tayoโy magtutulungan,
dahil maaaring bukas o sa makalawa itoโy ating mapagtatagumpayan.
BRYAN LISING