Provider News Online

Provider News Online This is the Official Page of Provider Publications. Pls email at [email protected]

Provider Publications is Tagalog-English Newspaper published every Friday in the Province of Tarlac and the entire Province of Central Luzon.

ANNOUNCEMENT!! Class Suspension on September 3, 2024 in All Levels in Public and Private Schools in Tarlac City due to T...
02/09/2024

ANNOUNCEMENT!! Class Suspension on September 3, 2024 in All Levels in Public and Private Schools in Tarlac City due to Typhoon Enteng.

Keep safe everyone!



๐Ÿ“ท Tarlac City Information Office

01/09/2024

SOLID TEAM ANGELES!๐Ÿ’šโ™ฅ๏ธ
Hindi lang magaling sa SAYAWAN ,(Bonus nalang Yun kasi Talented sila)๐Ÿ˜Š

Magaling pa sa Serbisyo-Publiko.โœŒ๏ธ๐Ÿซถ
Well tested and proven in Public service. Has a genuine love and a humble spirit . Serving people from the HEART and not just to profit social media clout and applause.

Hats off for spreading positivity in the life of every Tarlacqueรฑo, KAISA TEAM!
Positibo at Hindi Benggatibo!


BAGONG SPTA OFFICERS NG JVYNHS, NANUMPA SA TUNGKULINPormal ng nanumpa sa tungkulin ang mga bagong talagang School Parent...
01/09/2024

BAGONG SPTA OFFICERS NG JVYNHS, NANUMPA SA TUNGKULIN

Pormal ng nanumpa sa tungkulin ang mga bagong talagang School Parent-Teachers Association (SPTA) ng Jose V Yap National High School (JVYNHS) noong ika-30 ng Agosto na kung saan ay isinagawa din ang Buwan ng Wika.

Ang mga naturang representante mula Grade 7 hanggang Grade 12 ay nanumpa sa harapan ni Principal Dr. Rommel Serrano Carreon.

Ang mga bagong talagang opisyales ay sina: Bernadette Puri (Grade 10 Representative), Pangulo; Arwin C Elequin (Grade 8 Representative) Pangalawang Pangulo; Katherine Kate M Santos (Junior High School Teacher), Sekretarya; Liwayway S Salenga (Grade 12 Representative), Ingat Yaman at Provider News Online Admin Ronald Abaco Alborote (Grade 9 Representative), Tagasuri.

Habang ang mga Lupon ng Direktor ay sina: Dr. Noemi C. Equila (Special Needs Education Representative), Jayson Andrew A. Mallari (Grade 7 Representative), Katrina Zablan (Grade 11 Representative), Janice Reyes (Senior High School Teacher) at Lyn Bernadette Evangelista (School Governance Council Co-Chair)

01/09/2024

TARLAC CITY GENERAL HOSPITAL NA MATAGAL NANG IPINANGAKO NG MGA NAUNANG MAYOR NA PAULIT-ULIT NA NABIBIGO, NAGKAROON NG KATUPARAN NA MAIPATAYO SA ADMINISTRASYONG ANGELES.

Paulit na ulit na lang ginagamit sa pangangampanya sa Tarlac City ang pagtatayo ng Tarlac City General Hospital para makakumbinsi ng botante. ito ang kwento ni Konsehal Cesar Go.

Sa pagpapatuloy ng kwento ni konsi Go Aniya, Mula pa noong 1998 ipinangangako na sa mga tarlakenyo ang pagpapatayo ng nasabing ospital..dumaan ang ilang termino at panahon ng eleksyong 2001-2004-2007-2010-2013 ay walang naipatayong hospital.

Sa kauna-unahang babae pa na Mayor na si Mayor Cristy Angeles na hindi nangako ngunit nangarap ay naitayo ang Tarlac City General Hospital.

Dahil sa Pagsusumikap ng Angeles Administarion natupad niya ang bulabulatsi at kabiguan ng mga naunang Mayor.

Ang nakakabilib pa nito sa isang bilyong piso na halaga ng Hospital ay walang ginastos ang City Govt of Tarlac? Ito ay sa koneksyon,pagsusumikap at tunay na pagkilala kay Mayor Cristy ng mga Senador.

Matatapos na sa susunod na taon 2025 ang Hospital at 2026 ay inaasahan na mag ooperate na para makapagserbisyo sa mga Tarlakenyo.

Walang imposible basta matino ang Lider na iniluluklok dahil din sa mga matitinong botante na nagluluklok.

Saludo sa Kahusayan ng nag iisa at natatanging Ina ng Lungsod ng Tarlac
MAYORA CRISTY ANGELES!

Salamat din sa iyong tapang at Pagmamahal sa Bayan Konsi Cesar Go!

FAKE NEWS ALERT!! May ilang pages at messages na ipinakakalat na di umano mga lider ng Tarlac ay nasususpinde. ...
31/08/2024

FAKE NEWS ALERT!! May ilang pages at messages na ipinakakalat na di umano mga lider ng Tarlac ay nasususpinde.

HINDI suspendido si Tarlac City Mayor Cristy Angeles at wala pong dahilan para mangyari ito.

Huwag basta maniwala sa mga nababasa at suriing mabuti ang mga FB pages na nagpapakalat ng mga maling impormasyon. Pwede ring magpadala ng message sa aming official pages para sa anumang katanungan o confirmation ukol sa mga nababalitaang paninira.

Maging mapanuri. Maging matalino. Maging responsable sa social media.

Salamat po.


๐Ÿ“ท Tarlac City Information Office

๐—ง๐—œ๐— ๐—˜ ๐—ง๐—ข ๐—Ÿ๐—˜๐—ฉ๐—˜๐—Ÿ ๐—จ๐—ฃ ๐—ช๐—œ๐—ง๐—› ๐—ฆ๐—  ๐—–๐—ฌ๐—•๐—˜๐—ฅ ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—› ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฐTech lovers, gamers, and gadget fans, join Cyberzone this August to LEVEL UP wi...
19/08/2024

๐—ง๐—œ๐— ๐—˜ ๐—ง๐—ข ๐—Ÿ๐—˜๐—ฉ๐—˜๐—Ÿ ๐—จ๐—ฃ ๐—ช๐—œ๐—ง๐—› ๐—ฆ๐—  ๐—–๐—ฌ๐—•๐—˜๐—ฅ ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—› ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ

Tech lovers, gamers, and gadget fans, join Cyberzone this August to LEVEL UP with the latest tech at SM Cyber Month 2024!

Explore the new Samsung Galaxy Z Flip6 and Fold6, the compact foldable smartphones with world-changing features.

Go for ASUS VivoBook S15, an unconventional take on daily computing, with unique color-blocking design that tells the world that you go against the grain.

Optimize your performance and minimize barriers with G309 LIGHTSPEED. It delivers advanced wireless tech designed for all gamers to play at their ultimate potential.

Grab the latest realme phone in Philippines, realme GT6 is equipped with Flagship chipset, Brightest display, Excellent imaging and Power in AI.

Get your hands on MSI Claw A1M, a groundbreaking handheld gaming device that marks a new era in portable gaming experiences.

The fun doesnโ€™t stop there! Cyberzone is ready to LEVEL UP the entire month of August! Youโ€™ll also find exclusive sales on SM Malls Online. For updates, visit www.smsupermalls.com or follow on Facebook. LEVEL UP and join the Cyber Month 2024 celebration at Cyberzone!

Elevate your rainy-day style at SM!Rainy days donโ€™t have to be gloomy with the right essentials. SM offers a collection ...
19/08/2024

Elevate your rainy-day style at SM!

Rainy days donโ€™t have to be gloomy with the right essentials. SM offers a collection to keep you dry and fashionable:

Sturdy Umbrellas: Donโ€™t let unexpected showers catch you off guard. Whether itโ€™s a classic solid color or a fun pattern, get them all at SM Store!

Stylish Water-Resistant Jackets: Invest in a trendy jackets that are not only water-resistant but also adds a touch of elegance to your ensemble. Look for vibrant colors and classic neutrals rain coats from Surplus.

Waterproof Footwear: Say goodbye to soggy shoes! Crocs offer stylish rain shoes and sandals that can keep you looking chic while navigating puddles.

Transform dreary days into a fashion statement. Visit SM Supermalls for all your rainy-day essentials!

19/08/2024

BARANGAY HEALTH WORKER, NAGALIT KAY DATING KAPITAN

Hindi nagustuhan ng karamihan sa mga Barangay Health Worker ang pakikialam ng isang dating Kapitan sa pamimigay ng Health Emergency Allowance ng mga ito na nakatakda sana noong araw ng Sabado petsang ika-17 ng Agosto.

Ang naturang allowance ay para sa mga BHW na nagsakripisyo noong panahon ng COVID kung saan ay hindi alintana ng mga ito ang panganib na dulot ng naturang virus sa kanilang kalusugan.

"Bakit siya nakikialam e wala na siya sa pwesto? O baka inggit lamang ito dahil siya ay walang makukuha? Kahit araw man ito ng sabado ay maaari naman din itong maipamahagi," pahayag ng isa sa mga miyembro ng BHW.

Base na din sa mga naturang BHW, mayroon dito ay nakatakdang pambayad sana nila ng bill ng kuryente subalit sa pakikialam di umano ng naturang dating kapitan ay naudlot ito ay muntik muntikan pa itong maputulan ng supply ng kuryente dahil hindi ito nakabayad.

"Nakakalungkot lang na isipin na dahil sa pagiging BITTER nito ay kanyang pinapakialaman ang bagay na hindi niya dapat pakialaman," pahayag pa ng mga BHW.

MAYOR CRISTY TINIYAK ANG TULOY TULOY NA SUPORTA SA MGA TAGA BRGY. CENTRAL"Hanggat nandito kami, hindi kami papayag na it...
17/08/2024

MAYOR CRISTY TINIYAK ANG TULOY TULOY NA SUPORTA SA MGA TAGA BRGY. CENTRAL

"Hanggat nandito kami, hindi kami papayag na itataboy kayo kung saan saan. Binabantayan namin ang kilos at galaw nila. Poprotektahan po namin kayong lahat. Kasangga niyo kami. Titiyakin namin na may lilipatan po kayong desenteng lupain. Babantayan at ipaglalaban po namin ang karapatan ng bawat isa sa inyo," Mayor Cristy Angeles

Sa isang forum sa nasabing barangay ngayong August 17, 2024, muling ipinaliwanag ni City Administrator Atty. Joselito Castro ang mga naging agarang aksyon ng Tarlac City Government sa direktiba ni Mayor Cristy, matapos ang naganap na demolition sa utos ng management ng Central Azucarera de Tarlac (CAT) ng madaling araw noong August 12, 2024.

Binigyan ng legal assistance ang mga naperwisyo sa kanilang pagsampa ng reklamo. Ngayon ay tuloy pa rin ang pagtalaga ng checkpoint ng Tarlac City PNP at pakikipag-ugnayan sa Presidential Commission on Urban Poor (PCUP) upang ipagtanggol ang karapatan ng mga 989 apektadong households sa Brgy. Central.

Ipinatawag din ang abogado ng CAT at nangako na wala ng demolisyong magaganap kung hindi ito utos ng korte o dapat na may court order at dumaan sa sektor ng lokal na pamahalaan, PNP, Barangay Officials at PCUP. Mayroong census tagging dapat at tukoy na ang lilipatang desente at malapit na lugar.

Masaya naman ang mga dumalo sa forum dahil naliwanagan sila sa kanilang karapatan na ipinaglalaban ng Tarlac City Government.

๐Ÿ“ท Tarlac City Information Office

08/08/2024
HELPING FOR A FRIEND NA GUSTONG MAKAPAG ARAL ANG KANYANG ANAK SA KOLEHIYO.SEND TO MY GCASH PARA PO MATULUNGAN PO NATIN S...
08/08/2024

HELPING FOR A FRIEND NA GUSTONG MAKAPAG ARAL ANG KANYANG ANAK SA KOLEHIYO.

SEND TO MY GCASH PARA PO MATULUNGAN PO NATIN SIYA. TNX PO
09485312672

Piso challenge โ—โ—โ—
Ako po ay humihingi ng tulong sa inyo kahit piso piso lang po
Need lang po ng anak ko kasi gusto niya talaga mag-aral ng college๐Ÿ™
Madami na po siya pinagdaanang hirap para makapasok sana sa unibersidad at mabigyan ng slot
Kung sinu-sino na po nilapitan namin para lang mabigyan siya ng slot sa kolehiyo at makapag-aral๐Ÿฅบ
Ngayon nagkaroon na siya ng pagkakataon para makapag enroll na po sana siya kaso wala po kami pera
Isa po ako solong magulang na nagtataguyod sa apat ko anak๐Ÿ˜”
At hindi ko po siya kaya pag-aralin sa pribadong universidad๐Ÿ˜”๐Ÿฅบ
Wala po ako trabaho kaya di ko po kaya paaralin anak ko sa pribadong unibersidad๐Ÿ˜”
Nag eextra lang po ako sa paglalaba๐Ÿ˜”
Gusto po talaga makapag-aral ng anak ko kaso di po siya pinalad na makapasa sa entrance exam sa pampublikong unibersidad
Marami po pangarap ang anak ko๐Ÿฅบ
Kaso yung unang hakbang pa lang ng pangarap niya ay hindi siya pinalad na makapasa sa entrance exam๐Ÿ˜”
Ngayon nagkaroon na siya ng pagkakataon ,kaso nga lang po may bayad na 30% ,pero kahit magdown lang daw po kami ng halagang 2k para makapag enroll na siyw
Wala na po ako iba malapitan kumakatok po ako sa inyog puso๐Ÿ™
Sana po matulungan niyo anak ko ๐Ÿ™
Marami pong salamatโค๏ธ
Any amount po ay lubos ko pasasalamatan๐Ÿ™โค๏ธ

Sa mga fanney ng basketball, kita kits sa Tarlac City Gymnatorium bukas July 30, 2pm para sa Finals games ng Angel's Cup...
29/07/2024

Sa mga fanney ng basketball, kita kits sa Tarlac City Gymnatorium bukas July 30, 2pm para sa Finals games ng Angel's Cup Super Liga!! Enjoy-in natin ang games at ang napakaganda, world class na gymnatorium only in Tarlac City!!

Warning! Magdala ng jacket kasi malamig daw sabi ng mga kaibigan from INC na nag-celebrate ng 110th Anniversary dito recently.

๐Ÿ“ท Jonie Carrera Dumaquita, Homer Teodoro, Tarlac City Sports, Love Tarlac City/ Facebook

IKAW BA AY LUMUSONG SA BAHA?Hindi wais ang paglusong sa baha dahil sa banta na dulot nito sa iyong kalusugan gaya ng sak...
27/07/2024

IKAW BA AY LUMUSONG SA BAHA?

Hindi wais ang paglusong sa baha dahil sa banta na dulot nito sa iyong kalusugan gaya ng sakit na Leptospirosis. Sa direktiba ni Tarlac City Mayor Cristy Angeles at sa tulong ng City Health Office, isinagawa ang door-to-door na pamamahagi ng Doxycycline na gamot para sa mga lumusong o patuloy na lumulusong sa baha sa Brgy. San Rafael, Suizo, Ungot, San Sebastian at Binauganan.

Iwasan ang sakit na nakakabahala sa hindi maiiwasang paglusong sa tubig baha, agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center kung ikaw ay lumusong sa baha!

๐Ÿ“ท Tarlac City Information Office

LUGAR NA DATING LUBOG SA BAHA SA LUNGSOD NG TARLAC, NGAYON AY HINDI NA BINABAHANananatili pa ring ligtas at nadadaanan a...
25/07/2024

LUGAR NA DATING LUBOG SA BAHA SA LUNGSOD NG TARLAC, NGAYON AY HINDI NA BINABAHA

Nananatili pa ring ligtas at nadadaanan ang mga kalsada o mga lugar na dating nalulubog sa baha sa Tarlac City tulad ng Metrotown Mall area, Siesta/San Roque, at Osias sa kabila ng magdamag na matinding pag-ulan dulot ng pinaghalong habagat at bagyo simula pa kahapon hanggang sa kasalukuyan.

Sa kabila ng pagtataas ng mga rainfall warnings sa Tarlac kung saan inaasahan ang matinding pagbaha dulot ng walang tigil na pag-ulan, tunay na kaginhawaan sa mga biyahero, motorista, lalo na sa mga residente ng lungsod ang dambuhala at lampas-tao na Drainage na inilagay sa ilalim ng Macarthur Highway.

Sinasalo nito ang milyon-milyong litro ng tubig ulan at nakokolekta at dumadaloy papunta sa Masalasa Creek sa pamamagitan ng isang pumping station kung kaya malinis, ligtas at naiiwasan natin ang matinding pagragasa ng baha sa mga daanan, barangay, at mga kabahayan.

Ang Urban Drainage Rehabilitation Project ng Department of Public Works and Highways ang siyang taya sa pag-imbak ng tubig ulan upang hindi na maging tubig baha sa siyudad. Flood-free Tarlac City, ito ang vision ni Mayor Cristy Angeles para sa kaginhawaan at kaligtasan ng bawat Tarlakenyo.

๐Ÿ“ท Tarlac City Information Office

UPDATE SA BAGYONG CARINA... Agarang aksyon para sa pag-monitor, pagpapadala ng rescue, at iba pang mga kinakailangang tu...
25/07/2024

UPDATE SA BAGYONG CARINA...

Agarang aksyon para sa pag-monitor, pagpapadala ng rescue, at iba pang mga kinakailangang tulong ang direktiba ni Mayor Cristy Angeles sa City Disaster Risk Reduction and Management (CDRRMO), katuwang ang mga barangay council, iba't ibang departamento ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac at iba pang stakeholders upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayang apektado ng patuloy na pananalanta ng Super Typhoon Carina at habagat sa bansa.

Ilang barangay ang apektado at natukoy ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO). May ilang mga low-lying areas sa lungsod ang naireport na lubog sa baha at isinara ang: Brgy. San Isidro (closed to light vehicles) mula tulay ng Zone 6 Sutherland to TESDA.

Patuloy na magmomonitor ang tanggapan ng CDRRMO katuwang ang BDRRMC at pinaalalahanan ang lahat na mag-ingat at maging alerto sa lahat ng oras. Para sa anumang emergencies, tumawag sa Smart: 0921 930 0047, Globe: 0977 048 9322 o Landline: (045) 470 8647.

Keep safe Tarlaqueรฑos!

๐Ÿ“ทTarlac City Information Office

  sa lahat ng antas sa lahat ng paaralan kabilang ang pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa Tarlac City bukas, July...
25/07/2024

sa lahat ng antas sa lahat ng paaralan kabilang ang pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa Tarlac City bukas, July 26, ayon sa direktiba ni Mayor Cristy Angeles. Ito ay upang magbigay-daan sa rehabilitation/recovery efforts na isinasagawa ng City Government of Tarlac.

Ang suspension ng pasok sa mga private companies/offices ay nasa pagpapasya na ng mga respective heads.

CITY GOVERNMENT OF TARLAC, HANDA SA ANUMANG PANAHON, ORAS AT SITWASYONMaagap na aksyon at tuloy-tuloy na monitoring ang ...
25/07/2024

CITY GOVERNMENT OF TARLAC, HANDA SA ANUMANG PANAHON, ORAS AT SITWASYON

Maagap na aksyon at tuloy-tuloy na monitoring ang isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa ilalim ng direktiba ni Mayor Cristy Angeles para sa kaligtasan ng mamayang Tarlakenyo sa lungsod.

Sa kasagsagan ng walang tigil na pag-ulan dulot ng Bagyong Carina ay hindi nagpatinag sa pagsasagawa ng Clearing Operation sa Masalasa Creek, Brgy. Amucao, Tarlac City bilang bahagi ng agarang pagtugon upang makaiwas sa lalo pang panganib na maaring maidulot nito sa taumbayan.

Pinapaalalahanan pa rin ang bawat isa na patuloy na maging maingat at maging alerto. Asahan na ang Pamahalaang Lungsod ay handang umantabay sa anumang panahon, oras at sitwasyon.

Para sa ibang rikwes at assistance ay makipag ugnayan sa inyong barangay o di kayaโ€™y tawagan ang Aksyon Anghel Hotlines:
Hotlines: Smart: 0921 930 0047
Globe: 0977 048 9322
Landline: (045) 470 8647

๐Ÿ“ทTarlac City Information Office

AGARANG TULONG SA MGA BIKTIMA NG BAGYONG CARINA, ISINAGAWA NG CITY GOVERNMENT OF TARLAC Habang ang ilang bahagi ng Tarla...
25/07/2024

AGARANG TULONG SA MGA BIKTIMA NG BAGYONG CARINA, ISINAGAWA NG CITY GOVERNMENT OF TARLAC

Habang ang ilang bahagi ng Tarlac City ay naapektuhan at malubhang binaha dahil sa habagat na pinalalakas ng Bagyong Carina (Gaemi), walang tigil pa rin ang coordination meeting sa ibaโ€™t ibang concerned offices para sa mga mahalagang updates, assistances at requests na kinakailangang bigyan ng agarang aksyon para sa kaligtasan ng lahat ayon sa direktiba ni Mayor Cristy Angeles.

Sa kasalukayan ay on-going ang rescue operation sa West Covina Heights, Brgy. Tibag, Tarlac City.

Para sa anumang emergencies, tumawag sa Smart: 0921 930 0047, Globe: 0977 048 9322 o Landline: (045) 470 8647.

๐Ÿ“ทTarlac City Information Office

PUBLIC SERVICE ADVISORY:We are happy to have you as partners in bringing service to those who are in need. You may drop ...
25/07/2024

PUBLIC SERVICE ADVISORY:

We are happy to have you as partners in bringing service to those who are in need.

You may drop your cash donations at SM Foundationโ€™s Operation Tulong Express booth located in select SM Supermalls. You may also directly deposit through the provided QR Code or BDO Bank Account details of Philippine Red Cross.

For the participating malls, please refer to this website link: https://www.smsupermalls.com/operation-tulong-express/

25/07/2024
7 Tarlac women entrepreneurs complete DTI mentorship programBy Gabriela Liana S. Barela TARLAC CITY (PIA) -- A total of ...
25/07/2024

7 Tarlac women entrepreneurs complete DTI mentorship program

By Gabriela Liana S. Barela



TARLAC CITY (PIA) -- A total of seven Tarlac women entrepreneurs graduated in the 2024 Central Luzon Kapatid Mentor Me - Money Market Encounter (KMME-MME) Online Program of the Department of Trade and Industry (DTI).



The 10-module mentorship initiative, in partnership with the Philippine Center for Entrepreneurship-Go Negosyo, aims to enhance the entrepreneurial skills of participants through weekly interactions with experienced mentors.



DTI OIC-Provincial Director Florencia Balilo said the completion ceremony is not only a celebration of the menteesโ€™ accomplishments but also a testament to the programโ€™s ongoing relevance and impact.



"By providing women entrepreneurs with essential skills and knowledge to succeed, the mentorship program remains a vital force in promoting economic resilience and growth in the province,โ€ she pressed.



Three of the graduates from Tarlac landed in the Top 10 of their batch.



They include Nicolle Anne Komori of NTPK Pharmacy in 6th place, Carla Santiago of K Three Convenience Store in 7th place, and Gladys Bautista of HACS.PH Online Shop in 10th place.



In an interview, Komori expressed her gratitude to the agency for the lessons they acquired.



โ€œThank you very much, DTI and our mentors from the KMME program. We have learned so much from you. We will use all the learnings to further our businesses and to have a greater sense of purpose,โ€ Komori said.



A total of 48 women entrepreneurs from various provinces in the region completed the online Batch 1.



Established in 2016, KMME-MME focuses on three main pillars namely Mentorship, Money, and Market.



It offers mentees critical resources to improve their business expertise and expand their market presence.

Pamanang Pilipino, tampok sa kasuotan ni Legarda ngayong SONAPatuloy na pinahahalagahan ni Senador Loren Legarda ang kan...
25/07/2024

Pamanang Pilipino, tampok sa kasuotan ni Legarda ngayong SONA

Patuloy na pinahahalagahan ni Senador Loren Legarda ang kaniyang pagka-Pilipino sa kaniyang pananamit.

Kilala sa pagtangkilik sa pananamit na sariling atin maging sa regular na mga araw, muling ipakikita ni Legarda ang ningning ng karilagan ng kultura at tradisyong Pilipino sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., sa pagsusuot ng eleganteng Maria Clara-inspired na ternong disenyo ni Puey Quiรฑones.

Tampok sa terno ay ilang nakaburdang piรฑa fabric mula sa personal na koleksyon ni Legarda, na nagdadagdag ng walang kupas na ganda.

Ang terno ay may kasamang panuelo at paldang multilayered, na may electric pleats na may disenyong araw na embroidered, beaded, pati na ang Callado piรฑa tapis.

Ang piรฑa ay gumugunita sa yaring Filipino, at pagkamalikhain ng mga manghahabing Aklanon.

Noong Distembre 5, 2023 ay itinala ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) ang Aklan Piรฑa Handloom Weaving sa Representative List ng Intangible Cultural Heritage of Humanity.

Taon na mula nang umpisahang suportahan ni Legarda ang paghahabi gamit ang piรฑa, partikular ang School of Living Traditions (SLT) na Akeanon at Ati Malindog sa Aklan.

Sa pakikipagtulungan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ni Legarda, pinangunahan ng senadora ang pagkakatatag ng mga SLT, at naghanay ng mga programa tulad ng Assistance for Filipino Artisans, isang programang SLT na pinalawak, at pati na ang mga sakahang pinya na may fiber extraction facilities sa iba't-ibang dako ng bansa.

Magsusuot si Legarda ng barong piรฑa na katambal ang isang hinabing cotton fabric wrap-around pleated skirt na disenyo rin ni Quiรฑones sa umaga ng SONA, kung saan magbubukas ang ikatlong Regular Session ng 19th Congress.

Ang palda ay isang modified na patadyong, isang makulay na rectangular o tubular cloth na maihahalintulad sa isang malong o sarong, na kaniyang masigasig na binuhay sa kaniyang probinsya ng Antique.

Nabuhay muli ang patadyong dahil sa pagsisikap ni Legarda, at ito'y naging simbolo ng pagkakakilanlan ng mga Antiqueรฑo.

Ang patadyong ay may pangunahing papel sa pang araw-araw na buhay ng mga Antiqueรฑo, dahil ito'y may praktikal at seremonyal na layunin.

Bilang tagasuporta ng micro, small and medium enterprises (MSMEs), pati ang pagiging may-akda ng MSME law, nagbigay ng suporta si Legarda sa Bagtason Loom Weavers Association ng Antique, pati na ang iba pang maghahabi sa bansa.

Kabilang sa mga inisyatiba ni Legarda ay pagbibigay ng binhi ng bulak, pagtatanim ng Tayum, pagtatatag at pagpapabuti ng weaving center, pag-organisa ng trade fairs katuwang ang Department of Trade and Industry, at paghahain ng pagsasanay mula sa Philippine Textile Research Institute.

Pinangunahan rin ng senadora ang pagkakatatag sa isang cotton processing center sa Patnongon, Antique, na nagbibigay ng pangunahing suporta sa industriya at nagtitiyak ng walang patlang na paghabi ng telang tradisyonal tulad ng patadyong.

Si Quiรฑones ay may espesyal na koneksyon kay Legarda, at nagsilbing volunteer sa unang kampanya bilang senador ni Legarda noong 1998 sa Northern Samar.

Dahil dito, hinirang na taga-disenyo ng SONA attire ni Legarda si Quiรฑones bilang pagtanaw ng utang na loob at pagkilala sa angking talent nito.

๐—–๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—” ๐—ข๐—จ๐—ง, ๐——๐—œ๐—ก๐——๐—ข ๐—œ๐—ก! ๐ŸŒง๏ธโš ๏ธTINGNAN: Matapos umalis ng PAR ngayong umaga si Typhoon  , dating si Bagyong  , isang bagong L...
25/07/2024

๐—–๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—” ๐—ข๐—จ๐—ง, ๐——๐—œ๐—ก๐——๐—ข ๐—œ๐—ก! ๐ŸŒง๏ธโš ๏ธ

TINGNAN: Matapos umalis ng PAR ngayong umaga si Typhoon , dating si Bagyong , isang bagong Low Pressure Area (LPA) ang inaasahang papasok sa PAR mamayang gabi o bukas ng umaga.

Ayon sa pinakahuling ulat, namataan ang nasabing LPA sa silangan ng Mindanao. Sa kasalukuyan, ipinapakita ng mga weather models na may posibilidad itong mag-develop bilang bagyo. Ang tsansa na maging bagyo ito ay tinatayang nasa 50% (MEDIUM) at kung sakaling mangyari ito, tatawagin itong "DINDO" ng PAGASA.

Patuloy na i-monitor ang mga updates mula sa mga ahensya ng panahon para sa pinakabagong impormasyon.

SOURCE: PWS/SWS (FACEBOOK)

Heavy Rainfall Warning No. 31  Weather System: Enhanced Southwest Monsoon (Habagat)Issued at: 2:00 PM, 25 July 2024(Thur...
25/07/2024

Heavy Rainfall Warning No. 31
Weather System: Enhanced Southwest Monsoon (Habagat)
Issued at: 2:00 PM, 25 July 2024(Thursday)
YELLOW WARNING LEVEL: Zambales, Bataan, Tarlac and Pampanga.
ASSOCIATED HAZARD: FLOODING in flood-prone areas.
Meanwhile, expect light to moderate with occasional heavy rains over Cavite, Batangas and Laguna within the next 3 hours.
Light to moderate with occasional heavy rains affecting Nueva Ecija, Bulacan, Metro Manila, Rizal and Quezon(General Nakar, Infanta, Real) which may persist within 3 hours and may affect nearby areas.
The public and the Disaster Risk Reduction and Management Offices concerned are advised to MONITOR the weather condition and watch for the next warning to be issued at 5:00 PM today.
For more information and queries, please call telephone numbers 8927-1335 and 8927-2877 or log on to www.pagasa.dost.gov.ph.

๐Ÿ“ท Dost_pagasa

On July 25, 2024, PCOL MIGUEL M GUZMAN, Provincial Director, Tarlac PPO together with PLTCOL SEAN LOGRONIO, COP, Tarlac ...
25/07/2024

On July 25, 2024, PCOL MIGUEL M GUZMAN, Provincial Director, Tarlac PPO together with PLTCOL SEAN LOGRONIO, COP, Tarlac City PS; PLTCOL EDILBERTO SANTIAGO, C, PCADU; PMAJ SANTI FREY LORENZO, HRDD Officer and Hon. Danilo Tejero, Barangay Chairman, Sapang Tagalong, Tarlac City conducted inspection and monitoring of flooded areas and visitation of evacuees in relation to Typhoon โ€˜Carinaโ€™ at Brgy. Sapang Tagalog, Tarlac City.

๐Ÿ“ทTarlac Police Provincial Office, Camp General Francisco Macabulos

DOST KICKS OFF HANDA PILIPINAS IN CEBU TO ADVANCE VISAYAS RESILIENCECebu City, Philippines โ€“ The Visayas leg of the Depa...
25/07/2024

DOST KICKS OFF HANDA PILIPINAS IN CEBU TO ADVANCE VISAYAS RESILIENCE

Cebu City, Philippines โ€“ The Visayas leg of the Department of Science and Technologyโ€™s (DOST) โ€œHanda Pilipinasโ€ annual exposition kicked off yesterday at the Waterfront Hotel in Cebu City, with its agenda focused on enhancing the region's disaster resilience through science, technology, and innovation (STI).

The Handa Pilipinas Visayas Leg will run from July 24 to 26 and will bring together local government units (LGUs), stakeholders, and experts in disaster risk reduction and management (DRRM) to share best practices and explore innovative solutions.

The undertaking seeks to serve as a critical platform for knowledge exchange and collaborative efforts aimed at fortifying the resilience of the Visayas region through cutting-edge science and technology.

In his opening remarks, DOST Undersecretary for Regional Operations Dr. Sancho Mabborang highlighted the integral role of science in DRRM, and emphasized how LGUs act as active collaborators to offer significant insights from their on-ground experiences.

Mabborang said the collaboration allows for the sharing of best practices across various LGUs and fosters more resilient and well-prepared communities through the application of technology and innovation.

The keynote address was delivered by DOST Secretary Dr. Renato U. Solidum Jr., who underscored the pivotal role of STI in disaster risk reduction and management.

"STI is crucial in addressing the challenges in disaster risk reduction and staying ahead of the curve in disaster management. This is why we bring Handa Pilipinas into our communities," said Dr. Solidum.

He likewise elaborated on three key messages: redefining Filipino resilience, understanding hazards and risks, and harnessing appropriate S&T solutions.

Dr. Teodoro Gatchalian, DOST Undersecretary for Special Concerns, delivered a special message spotlighting the indomitable spirit of the Visayans.

He said: "Time and again, the fighting spirit of the Visayans has shone through, demonstrating unyielding resilience. Yesterday, we gather to once again to strengthen that resilience with the power of innovation, the DOST power."

The event also featured messages of support from key regional leaders, including Dir. Jennifer Bretana of NEDA Region 7, Councilor Alforque of Lapu-Lapu City, and Arch. Arceil Barlam, department head of the Mandaue City Environment Office.

Day one of the Handa Pilipinas event featured a pre-conference session titled "Unmasking DRRM Hoaxes: The Hunt for Truth Against Social Media Misinformation," along with pre-opening activities and a press conference.

Various activities aligned with DRRM and the DOST's vision of a resilient nation, including technological exhibits accessible to the public, will also be held.

Address

Barangay Maligaya
Tarlac
2300

Telephone

+639485312672

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Provider News Online posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Provider News Online:

Videos

Share


Other Tarlac media companies

Show All